Make twice the difference, give now!

Connect

Post-polio syndrome

Kasaysayan ng polio

Ang Poliomyelitis ay isang sakit na sanhi ng virus na umaatake sa kaugatan na nagkokontrol sa paggalaw na paggana. Ang polio (infantile paralysis) ay halos nawawala na lahat sa halos lahat ng mga bansa sa mundo mula nang maaprubahan ang Salk (1955) at Sabin (1962) na mga bakuna.

Noong 2013, tatlong mga bansa lang (Afghanistan, Nigeria, and Pakistan) ang nanatiling polyo-edemic, na bumaba mula sa higit sa 125 noong 1988.

Ang World Health Organization (WHO) ay nagbigay ng tantiya na halos 12 milyong katao sa buong mundo ang namumuhay ng may kaunting grado ng kapansanan na sanhi ng poliomyelitis.

Tinatantiya ng National Center for Health Statistics na halos 1 milyong mga nakaligtas sa polyo sa Estados Unidos, na halos kalahati ang nag-ulat ng paralysis na nagreresulta sa isang ibang uri ng kakulangan o kahinaan. Ang huling mga pangunahing pagsiklab ng polyo sa Estados Unidos ay noong umpisa ng 1950s.

Ano ang post-polio syndrome?

Sa loob ng ilang mga taon, ang karamihang mga nakaligtasa sa polyo ay namuhay ng mga aktibong buhay, ang kanilang ala-ala sa polyo ay halos ganap nang nakalimutan, ang kalagayan ng kanilang kalusugan ay matatag na. Pero sa pagdating ng katapusan ng 1970s, ang mga nakaligtas na 20 o higit pang taon na ang lumipas mula nang kanilang orihinal na diagnosis ay nagsimulang makapansin ng mga bagong problema, kasama ang sobrang pagkapagod (fatigue), pananakit, mga problema sa paghinga o paglunok, at mga dagdag na kahinaan.

Tinawag ito ng mga medikal na propesyunal na post-polio syndrome (PPS).

Ang ilang mga tao ay nakakaranas ng pagka-pagod na may kaugnayan sa PPS bilang isang tila may trangkasong pagkapagod na lumalala sa maghapon. Ang ganitong uri ng pagka-pagod ay maaari rin lumakas kapag may pisikal na aktibidad, at maaari itong magdulot ng kahirapan sa konsintrasyon at memorya. Ang iba ay nakakaranas ng kahinaan ng kalamnan na lumalakas kapag nag-ehersisyo at umaayos ang pakiramdam kapag nagpahinga.

Ipinapahiwatig sa mga pananaliksik na ang tagal ng panahon na namuhay ang isang tao na may mga natitirang polyo ay kasing laki rin ang panganib tulad ng edad. Tila rin na ang mga indibidwal na nakaranas ng pinakamalubhang orihinal na paralysis na may pinakamalaking paggaling ng pag-gana ay mas maraming problema sa PPS kaysa sa ibang hindi masyado malala ang orihinal na pagkakaroon ng paralysis.

Ang post-polio syndrome ay tila may kaugnayan sa sobrang paggamit ng katawan at, marahil, nerve stress. Kapag nasira ang poliovirus o napinsala ang motor neurons, ang mga fiber o hibla ng kalamnan ay naiiwang mag-isa, at nagreresulta sa paralysis.

Ang mga nakaligtas sa polio ay muling nakagalaw dahil ang mga di naapektuhan na katabing nerve cell ay nagsimulang umusbong at nauugnay muli sa makokonsiderang mga naiwanang mga muscle.

Ang mga nakaligtas na nabuhay ng ilang mga taon na may restructured neuromuscular system ay nakakaranas ngayon ng mga konsekuwensya kasama ang sobrang gumaganang mga natitirang nerve cell, mga kalamnan, at kasu-kasuhan, na binubuo ng mga epekto ng pagtanda. Walang napapatunay na katibayan para suportahan ang ideya na ang post-polio syndrome ay isang muling pagkakaroon ng impeksyon ng poliovirus.

Pamamahala sa PPS

Ang mga nakaligtas sa polyo ay hinihikayat na alagaan ang kanilang kalusugan sa lahat ng mga karaniwang pamamaraan – sa pamamagitan ng pana-panahong pagpapatingin sa kalusugan, ang pagiging matalino pagdating sa pagkain ng masustansya, iwasan ang sobrang pagdagdag sa timbang, at sa pamamagitan ng paghihinto sa paninigarilyo o sobrang pag-inom ng alak.

Pinapayo sa mga nakaligtas na makinig sa mga hudyat ng kanilang katawan iwasan ang mga aktibidad na nagdudulot ng pananakit, iwasan ang sobrang paggamit ng mga kalamnan, at ipunin ang enerhiya sa pamamagitan ng pag-iiwas sa mga gawain na hindi mahalaga, at paggamit ng akmang kagamitan kapag kinakailangan.

Ang post-polio syndrome ay di karaniwang nakakamatay na kondisyon, pero maaari itong magdulot ng malaking kahirapan at kapansanan. Ang pinakakaraniwang kapansanan na sanhi ng PPS ay ang pagkahina ng kakayahang kumilos.

Ang mga taong may PPS ay maaari rin makaranas ng mga kahirapan sa mga pang-araw araw na aktibidad tulad ng pagluluto, paglilinis, pamimili at pagmamaneho. Ang mga nagko-konserba ng enerhiya na gamit para makatulong sa iyo tulad ng baston, crutches, walkers, wheelchairs, o electric scooter ay maaaring kinakailangan para sa ilang mga tao.

Ang pamumuhay na may post-polio syndrome ay minsan nangangahulugan na pag-aangkop sa mga bagong kapansanan; para sa ilan, ang pag-aalala sa mga karanasa noong bata pa nang magkaroon ng polio ay maaaring mahirap. Halimbawa, ang paglipat mula sa manual para gumamit ng upu-ang may kuryente ay maaaring mahirap.

Sa kabutihang palad, ang PPS ay lalong napapansin sa medikal na komunidad, at masyado maraming – mga propesyunal na nakakaunawa dito at maaaring magbigay g naaangkop na medikal at psychological na tulong.

Dagdag pa dito, may mga PPS grupong sumusuporta, balitang naisulat, at mga edukasyong ugnayan na nagbibigay ng pinaka-bagong impormasyon tungkol sa PPS habang tinitiyak sa mga nakaligtas na hindi sila nag-iisa sa kanilang kahirapan.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa post polio syndrome o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay bukas tuwing may araw ng trabaho at pasok, Lunes-Biyernes, libreng toll sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang sheet ng katotohanan sa PPS na may mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat ka namin na makipag-ugnay din sa mga pangkat at suporta ng post-polio syndrome, kabilang ang:

  • Post-Polio Health International nag-aalok ng impormasyon para sa mga nakaligtas sa polyo at nagtataguyod ng networking sa komunidad ng post-polio. Ang PPHI ay naglalathala ng maraming mapagkukunan, kabilang ang quarterly Polio Network News, ang taunang Direktoryo ng Post-Polio, at Ang Handbook sa Mga Huling Epekto ng Poliomyelitis para sa Mga Manggagamot at Nakaligtas. Ang PPHI ay ang ebolusyon ng samahang GINI, na itinatag bilang isang newsletter ng mimeograph ni Gini Laurie sa St. Louis 50 taon na ang nakararaan. 314-534-0475.
  • Post-Polio Institute ay ang tahanan ni Richard Bruno, klinikal na psychologist na nagdadalubhasa sa pagkapagod, sakit, at stress – pati na rin ang PPS.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon: Post-Polio Health International, Montreal Neurological Hospital Post-Polio Clinic