Spinal cord injury
Mga Sanhi ng Spinal Cord Injury
Nagsisimula ang spinal cord injury kapag may gumagambala sa paggana o istraktura ng cord. Maaaring dahilan ang mga resulta ng pagkakasakit o trauma dahil sa labis na pagkahilatsa sa mga nerbiyo, bukol, pagdiin ng buto ng vertebra sa cord, shock wave, elektrokusyon, mga tumor, impeksyon, lason, kakulangan ng oxygen (ischemia), pagkakalagot o pagkakapunit ng mga nerbiyo. Ang spinal cord injury ay pwedeng magsimula nang singbilis ng paglaki ng isang fetus, mula sa trauma o pagkakasakit.
Ang paglitaw ng mga resulta ng spinal cord injury ay maaaring magkakaiba, depende sa uri at lokasyon ng injury. Ang pinakakaraniwan ay ang kawalan ng pakiramdam o kakayahang gumalaw (loss of motor), o pagbagal ng ilang bahagi sa loob ng katawan (autonomic nerve function) na mas mababa sa level ng injury. Sa pangkalahatan, kapag nasa mas mataas na bahagi ng spinal cord ang injury, mas maraming kakayahan, pakiramdam, at panloob na kakayahan ng katawan ang maaapektuhan.
Ang injury na nakakaapekto sa apat na biyas ay tinatawag na tetraplegia (ang tawag dito dati ay quadriplegia). Ang injury na nakakaapekto sa ibabang bahagi ng katawan ay tinatawag na paraplegia. Ang kalubhaan ng mga injury na ito ay higit pa kaysa sa paggalaw ng braso at binti dahil ang pakiramdam at ang lahat ng sistema ng katawan ay apektado rin.
Ang mga ganap na injury (complete injuries) ay ang kawalan ng kakayahang gumana o kawalan ng pakiramdam sa ibaba ng level ng injury. Ang ibig talagang sabihin nito ay ganap na nahaharangan ang lahat ng mensaheng papunta at mula sa utak. HINDI ito nangangahulugang ganap na nakahiwalay ang iyong spinal cord. Ang ibig sabihin ng mga ganap na injury ay walang mga mensaheng nakakarating sa mga apektadong bahagi na may injury sa spinal cord. Ang ibig sabihin ng di-ganap na injury (incomplete injury) ay may kaunting mga mensahe na nakakarating. Depende sa tao ang mga di-ganap na injury. Walang di-ganap na injury na eksaktong magkapareho, bagama’t pwedeng maging magkatulad ang mga ito. Ang mga kakayahan ng isang indibidwal na may di-ganap na injury ay nakasalalay sa kung ano-anong nerbiyo ang nagpapadala ng mga mensahe.
Ang mga indibidwal na may spinal cord injury na sanhi ng sakit ay maaaring may ilang lokasyong kinaroroonan ng injury na magreresulta sa magkakaibang resulta. Ang spinal cord injury na sanhi ng isang sakit ay nagbabago sa paglipas ng panahon habang lumalala ang sakit. Maaaring mabawi ng indibidwal ang bahagyang panghihina ng kalamnan o kawalan ng pakiramdam sa maagang bahagi ng sakit. Subalit, may puntong aabot sa kritikal na lagay ang sakit kung saan ang kakayahan at pakiramdam ay labis na mababawasan o mawawala. Walang sinuman ang tiyak na nakakaalam kung kailan ito mangyayari dahil magkakaiba ito sa lahat depende sa uri ng sakit at paglala.
Agad na nagaganap ang traumatic injury, na kadalasan ay sanhi ng isang aksidente. Ang bahagi ng spinal cord na napinsala ay maaaring nasa isang level o magkakasunod na level. Ang ilang tao ay maaaring magka-trauma sa dalawang magkaibang level ng spinal cord o higit pa, depende sa (mga) lokasyon ng injury. Maaari ding magkaroon ng ibang trauma ang katawan na kasabay nito. Agad-agad ang epekto ng spinal cord injury.
Maaaring gamitin ng mga medikal na propesyonal ang salitang ‘lesion’ para ilarawan ang dako ng isang spinal cord injury. Ang lesion ay pinsala sa isang bahagi ng katawan. Maaaring galing ito sa trauma, pamamasa, pressure, tumor, kakulangan ng oxygen, pamemeklat, plaque o anumang dahilan ng pagkalansag ng spinal cord.
Ang injury sa cervical at thoracic na bahagi ng spinal cord ay nagreresulta sa upper motor neuron lesion (UMN). Ang ganitong uri ng injury ay kaugnay ng pagkakaroon ng tone (spasticity). Makikita mo ito sa iyong mga kalamnan sa mga braso at binti, pati siguro sa katawan. Sa loob ng iyong katawan, naaapektuhan din ng tone ang mga bahagi (organs). Pinakamadaling mapapansin ang tone sa loob sa pamamagitan ng kakayahang dumumi o umihi dahil paunti-unting dumi o ihi ang kusang lumalabas.
Sa lumbar at sacral na bahagi ng bituka (bowel), nagkakaroon ng lower motor neuron lesion (LMN) Ang injury na ito ay nagiging sanhi ng flaccidity (kawalan ng kakayahang kumilos). Hindi magtatagal matapos ang iyong injury, maaaring mapansiin mong lumiliit ang mga kalamnan ng iyong binti dahil kulang na sa tone ang mga kalamnan. Mapupuno ang bituka at pantog ng ihi ngunit hindi maglalabas ng dumi o ihi. Maaaring mapuno nang labis (overdistended) ang dalawang ito na hahantong sa malulubhang komplikasyon. Minsan, maglalabas ng labis na dumi ang bituka at pantog nang hindi sadyang inilalabas ito.
Iba pang mga Uri ng Spinal Cord Injury
May ibang mas di-karaniwang uri ng spinal cord injury na nakakaapekto sa mga espesipikong bahagi ng spinal cord.
Ang Anterior Cord Syndrome (na minsan ay tinatawag na Ventral Cord Syndrome) ay dulot ng kakulangan ng pagdaloy ng dugo o kakulangan ng oxygen (infarction) sa two-thirds na bahagi ng harap ngunit hindi ng likod ng spinal cord, at sa isang bahagi ng utak na tinatawag na medulla oblongata. Ang resulta ay ang kawalan ng kakayahang gumalaw, pananakit, pakiramdam ng paiba-ibang temperatura kapag ay nasa in space ang iyong katawan (proprioception) at nanatili ang mga pakiramdam ng pag-vibrate sa dako ng injury, pababa. Malalaman ng mga indibidwal na may Anterior Cord Syndrome ang posisyon ng kanilang katawan sa pamamagitan ng biswal na pagmamasid ng kanilang kapaligiran sa halip na pagdama sa kung saan nakaposisyon ang kanilang katawan.
Ang Central Cord Syndrome ay kadalasang sanhi ng pagkalaglag na may kasamang labis na pagkabanat (hyperextension) ng leeg. Ang kawalan ng kakayahan ay magmumula sa leeg hanggang sa linya ng tetilya, kasama ang mga braso at kamay. May iba-ibang kakayahan at pakiramdam ang katawan. Hindi apektado ang kakayahan o paggana ng ibabang bahagi ng katawan ngunit maaaring ganap na mawalan ng pakiramdam. Ang mga indibidwal na may ganitong injury ay karaniwang mapapanatili ang kakayahang maglakad ngunit maaaring hindi maganda ang balanse. Karaniwang lumilitaw ang Central Cord Syndrome sa mas nakatatandang indibidwal dahil sa bawas na kakayahang umangkop dahil sa edad.
Ang Posterior Cord Syndrome ay nagdudulot ng kawalan ng pakiramdam sa banayad na paghaplos, vibration at posisyon na nagsisimula sa dako ng injury. Nananatili ang kakayahang gumalaw. Ito ay sanhi ng trauma, anumang haba ng compression sa likurang bahagi ng spinal cord, mga tumor at Multiple Sclerosis.
Ang Brown-Séquard Syndrome ay matutukoy dahil sa kawalan ng kakayahang gumalaw ng kabilang gilid ng katawan at ang kabila naman ay walang pakiramdam. Depende sa lokasyon ng injury, ang resulta ay maaaring maging tetraplegia o paraplegia. Ang Brown Séquard Syndrome ay maaaring dulot ng isang tumor, injury ischemia (kawalan ng oxygen), butas, impeksyon o Multiple Sclerosis (MS).
Ang Cauda Equina ay isang injury sa mga ugat ng nerbiyo sa ibaba ng L2 na nagreresulta sa panghihina ng binti, hindi mapigil na pagdumi, hindi mailabas na ihi at kawalan ng kakayahang makipagtalik.
Ang Conus Medullaris ay maaaring sanhi ng isang injury o sakit na nakakaapekto sa mga pangunahing nerbiyo sa loob ng ugat ng nerbiyo. Ang injury sa bahaging ito ay nagreresulta sa di-ganap na spinal cord injury na nakakaapekto sa paggana ng binti, pagdumi, pag-ihi at pakikipagtalik. Karaniwang may pananakit.
Ang Cord Concussion ay idinudulot ng bukol sa spinal cord. Gaya ng concussion (pagkaalog) sa utak, maaari ding magkapasa ang spinal cord o maputol ang pagpapadala ng mensahe sa loob ng mga 24 na oras nang may posibilidad bumalik ang kakayahan pagkatapos nito. Katulad ng sa konkusyon sa utak, maaaring magkaroon ng iba’t ibang matagalang problema sa paggana. Minsan ay tinatawag na ‘stinger’ ang cord concussion lalo na sa mundo ng sports.
Ang Tethered Cord ay ang pagkakakabit ng spinal cord sa mga himaymay sa puwesto kung saan naroon ang spinal cord sa katawan. Ito ay karaniwang abnormalidad ng katawan na nabubuo kapag fetus pa lamang, at hindi natutukoy hanggang sa maipanganak ang bata o kapag bata pa. Minsan, hindi napapansin ang tethered cord hanggang sa hustong-gulang. Maaaring kalagin ang cord kung kinakailangan sa pamamagitan ng operasyon. Pwedeng lumitaw ang tethered cored pagkatapos ng spinal cord injury dahil sa mga komplikasyon ng injury.
Ang Spina Bifida at iba pang mga sakit sa neural tube ay nagaganap habang lumalaki ang fetus. Hindi nabubuo ang spinal cord sa nakapaloob na espasyo sa vertebrae. Maaaring itama ng in utero surgery (operasyon bago ng ipanganak ang bata) ang pagkakapuwesto ng gulugod bago ipanganak ang bata. Maaaring itama ng operasyon pagkapanganak sa bata, upang itama ang puwesto ngunit iba-iba ang resulta nito. Ang pag-inom ng folic acid (vitamin B9) habang buntis ay nakakapagpababa ng panganib ng pagkakaroon ng spina bifida. Ang isang molekula na tila bitamina, ang Inositol, ay sinusubkan ngayon upang matasa kung posible ang paghadlang sa mga depekto sa neural tube.
Mga Bahagi ng Katawan na Kontrolado ng mga Seksyon ng Spinal Cord
Paalala: ang pakiramdam ay apektado mula sa dako ng injury, pababa.
Seksyon ng Cervical Spinal Cord
Ang mga nerbiyong lumalabas sa vertebrae sa bahagi ng leeg o mga cervical segment ay tinatawag na C1 hanggang C8. Kinokontrol ng mga nerbiyong ito ang mga senyales na tungo sa leeg, braso, kamay, at mga bahagi sa loob ng katawan (internal organs). Ang mga injury sa mga dakong ito ay tinatawag na tetraplegia. Maaaring mabaluktot ng mga injury sa cervical level ang posisyon ng iyong katawan kapag in space (proprioception).
Ang injury sa itaas ng C3 na antas ay maaaring mangailangan ng pantulong sa paghinga (ventilator).
Sa karaniwan, ang ibig sabihin kapag ang mga indibidwal ay may injury sa itaas ng C4 level ay ang kawalan ng kakayahang gumalaw at kawalan ng pakiramdam sa apat na biyas bagama’t nakakagalaw pa rin ang balikat at leeg para makagamit ng mga sip and puff device para makagalaw, makontrol ang kapaligiran at komunikasyon.
Karaniwang may kontrol sa balikat at mga bicep ang mga indibidwal na may mga C5 injury, ngunit walang masyadong kontrol sa galanggalangan (wrist) o kamay. Karaniwang nakakakain mag-isa ang mga indibidwal na may C5 level na injury at nakakagawa ng ilang pang-araw-araw na aktibidad sa pamumuhay.
Ang isang indibidwal na may injury sa C6 ay karaniwang may sapat na kontrol ng galanggalangan para makapagmaneho ng naangkop na mga sasakyan at magawa ang ilang bagay sa banyo, ngunit wala silang fine motor control (maliliit at eksaktong paggalaw).
Seksyon ng Thoracic Spinal Cord
Ang mga nerbiyo sa thoracic o rib cage (T1 hanggang T12) ay nagpapadala ng mga senyales sa katawan (torso) at sa ilang bahagi ng mga braso.
Karaniwang naaapektuhan ang kontrol ng itaas ng bahagi ng katawan sa mga indibidwal na may mga injury mula T1 hanggang T8, kaya nalilimitahan ang paggalaw at pakiramdam ng katawan bilang resulta ng kakulangan ng kontrol sa kalamnan sa tiyan (abdominal muscle control). Maaari nitong maapektuhan ang balanse, gayundin ang proprioception (kapag ang katawan mo ay in space).
Ang mga indibidwal na may mas mabababang thoracic injury (T9 hanggang T12) ay may kontrol sa katawan (trunk) at kaunting kontrol sa kalamnan sa tiyan.
Mga Seksyong Lumbar at Sacral
Naaapektuhan ng mga nerbiyo sa mga level ng lumbar at sacral ang mga binti, bituka, pantog at kakayahang makipagtalik. Ang mga nerbiyo sa mas ibaba ay mga peripheral nerve (sa labas ng gulugod) at maaaring mailipat, mahati, o ma-graft sa pamamagitan ng operasyon upang mas mapahusay ang paggana.
- Ang mga indibidwal na may mga injury sa lumbar o gitnang bahagi ng likod sa ilalim ng tadyang (L1-L5) ay naaapektuhan ang mga mensahe tungo at mula sa utak, tungo sa balakang at bahagi ng mga binti.
- Karaniwang nababanat ng mga indibidwal na may L4 na injury ang kanilang mga tuhod.
- Ang mga seksyong sacral (S1 hanggang S5) ay nasa ilalim lang ng mga lumbar segment sa gitnang bahagi ng likod at kinokontrol nito ang mga senyales sa singit (groin), mga daliri ng paa, at ilang bahagi ng mga binti.
- Apektado ang kakayahan sa pagdumi, pag-ihi at pakikipagtalik.
- Mabibilang ang gulugod sa pamamagitan ng mabutong vertebrae na kinapapalooban nito. Mapapansin mo na ang mga butong nakapaligid sa gulugod ay hindi direktang magkakapatong kundi, may ilang maninipis na kurba upang mapayagan ang paggalaw sa likod at katawan (torso). Ang bilang ng mga nerbiyo ng cervical (C) spinal cord ay mula 1-8. Ang C1 ay nasa bungo, ang C2-C8 ay nasa leeg. Ang Thoracic (T) vertebrae ay ang mga buto sa likod kung saan nakakabit ang mga tadyang. Ang bilang ng Thoracic vertebrae ay T1-T12. Ang mga Lumbar (L) spinal cord segment ay nasa ibabang bahagi ng likod at ang bilang ay L1-L5. Ang mga sacral (S) spinal cord segment ay ang huli sa mga nerbiyo ng spinal cord na nasa hugis ‘shield’ na tail bone. Ang mga nerbiyong sacral ay S1-S5. May isang coccygeal segment.
- Ang gulugod ay binubuo ng bigkis ng mga nerbiyo na naglalakbay pababa ng likod mula sa utak sa pamamagitan ng mga buto sa likod o vertebrae. Ang mga nerbiyo ng gulugod at ang mga buto na pumoprotekta sa gulugod ay magkasama sa parehong seksyon (cervical, thoracic, lumbar, sacral) at may notasyon ng numero. Ang bawat vertebra ay may dalawang nerbiyo na lumalabas sa magkabilang gilid na kumokontrol sa isang segment ng katawan na tinatawag na dermatome. Kinokontrol ng bawat nerbiyo ang paggana, pakiramdam at ang mga autonomic na nerbiyo ng bahagi ng katawang iyon.
- Ang mga nerbiyong lumalabas sa gulugod ay partikular para sa bawat dako ng katawan. Ganito ninyo pag-uusapan ng iyong mga provider ng pangkalusugang pangangalaga ang kakayahan at pakiramdam. Kasama sa mga pangunahing level ang C3 at mas mataas pa, kung mapipinsala, ay mangangailangan ng mekanikal na bentilasyon para sa paghinga. Sa mga cervical level, ang iyong kakayahan at pakiramdam ay tetraplegic (kapareho ng quadriplegic) o kasama ang apat na biyas. Naririkonosi ang paraplegia sa T1, at ang ibig sabihin nito ay gumagana ang braso at kamay, ngunit may mga limitasyon ang katawan (trunk) at mga binti. Makakalakad nang may mga pantulong na aparato ang mga indibidwal na may sacral level na injury ngunit may mga limitasyon sa pagdumi, pag-ihi at pakikipagtalik.
- Medyo mahirap hanapin ang ilang level ng gulugod sa katawan lalo na sa trunk kung saan walang mga partikular na pagkakaiba. Ang T4 ay ang linya ng tetilya. Ang T10 ay nasa umbilicus o pusod. Kapag nagsimula ka sa T4 at nagbilang pababa gamit ang dalawang lapad ng daliri, mapupunta ka sa T5, at sa dalawa pang magkasunod na lapad ng daliri, tutungo ito pababa sa T6. Magpatuloy lang at makakarating ka sa umbilicus o pusod at ito ay T10.
Pag-unawa sa Pisyolohiya ng Gulugod
May dalawang pangunahing bahagi ang nervous system, ang central nervous system (CNS) at ang peripheral nervous system (PNS). Ang central nervous system (CNS) ay binubuo ng utak at ng gulugod na siyang sentro ng nerbiyo ng katawan. Agad na lumilikha, nagbibigay-kahulugan at tumutugon ang utak sa mga mensaheng ipinadala sa at mula sa katawan sa pamamagitan ng gulugod. Kapag wala ang yunit ng komunikasyong ito, ang mga nerbiyo sa katawan na tinatawag na peripheral nervous system (PNS), ay hindi makakapag-ulat sa utak o makakatugon nang may mga aksyon ni makakadama ng mga pakiramdam.
Ang selula ng nerbiyo (nerve cell) na tinatawag na neuron ay binubuo ng pangkat ng mga selula (cell body) na maraming mala-sangay na usli na tinatawag na dendrites. May isang mahabang usli mula sa pangkat ng mga selula na tinatawag na axon. Dinadala ng mga axon ang mga mensahe nang papalayo sa katawan. Dinadala ng mga axon sa gulugod ang mga senyales nang pababa mula sa utak (sa mga pababang landas) at pataas tungo sa utak (sa mga pataas na landas).
Ang mga selula ng nerbiyo ng CNS ay may napakataas na antas ng metabolismo at umaasa sa glucose ng dugo para sa enerhiya – ang mga selulang ito ay nangangailangan ng kumpletong supply ng dugo para sa malusog na paggana; samakatuwid, ang mga selula ng CNS ay sensitibo sa mga pagbagal ng daloy ng dugo (ischemia). Ang iba pang natatanging tampok ng CNS ay ang “blood-brain-barrier” at ang “blood-spinal-cord barrier.” Ang mga barrier o harang na ito, na binubuo ng mga selulang bumabalot sa mga daluyang-dugo (blood vessels) sa CNS ay pumoprotekta sa mga selula ng nerbiyo sa pamamagitan ng pagharang sa pagpasok ng mga posibleng nakapipinsalang substance at selulya ng immune system. Maaaring masira ng trauma ang mga harang na ito, na posibleng maging sanhi ng karagdagang pinsala sa utak at sa gulugod. Hinaharangan din ng blood-spinal-cord barrier ang pagpasok ng ilang gamot na panglunas.
Mga Selulang Kumokontrol sa Paggana ng Gulugod
May ilang uri ng selula na nagsasagawa ng mga kakayahan ng gulugod kasama ang:
- Mahahabang axon na kumokontrol sa mga kalamnan ng buto sa leeg, torso, at mga biyas na tinatawag na malalaking neuron ng paggalaw (motor neurons).
- Mga neuron ng pandama na tinatawag na dorsal root ganglioin cells, o afferents, na nagdadala ng impormasyon mula sa katawan tungo sa gulugod at agad na makikita sa labas ng gulugod.
- Mga selulang tumutulong na pagsamahin ang impormasyon ng pandama at lumikha ng magkakaayong senyales na kumokontrol sa mga kalamnan ay tinatawag na spinal interneurons. Ang mga selulang ito ay nasa loob mismo ng gulugod.
- Mga pansuportang selula (tinatawag na glia), ay labis na mas marami sa mga neuron sa utak at gulugod at nagsasagawa ng maraming mahalagang kakayahan. Gumagawa ang mga selulang glia ng mga substance na sumusporta sa buhay ng neuron at nakakaimpluwensya sa paghaba ng axon. Subalit, maaari ding mapigilan ng mga selulang ito ang paggaling matapos ang pagkakaroon ng injury; nagiging reactive ang ilang selulang glial samakatuwid, nakakadagdag sa pamumuo ng growth-blocking na tisyu ng peklat matapos ang injury.
- Ang paggawa ng myelin sheath na bumabalot sa mga axon at nagpapahusay sa bilis at pagkamaaasahan ng pagpapadala ng senyales ng nerbiyo ay isang espesipikong uri ng selulang glial na tinatawag na oligodendrocyte.
- Ang malaki, hugis bituin na mga selulang glial ay umaayos sa komposisyon ng mga likidong nakapaligid sa mga selula ng nerbiyo. Ang ilan sa mga selulang ito na tinatawag na Astrocytes ay bumubuo din ng tisyu ng pekla matapos ang injury.
- Gumagana ang mas maliliit na selula bilang pagtugon sa injury at upang tumulong sa paglilinis ng mga dumi (waste products). Microglia ang tawag sa mga selulang ito.
Sa gulugod, ang mga nerbiyo sa pinakalabas ay nababalot ng myelin, isang puti, mataba, naka-segment na substance na ginagawa ng mga selulang oligodendrocyte at Schwann. Kapag ang mga axon ay nababalot ng myelin, tinatawag itong white matter. Ang mga panloob ng nerbiyo ng gulugod ay hindi nababalot ng myelin kaya ang tawag sa mga ito ay gray matter. Ang mga nerbiyong gray matter ay nasa gitna ng gulugod na hugis-paru-paro. Ang mga peripheral nerve na nasa katawan ay nababalot ng myelin sheath.
Kailangan ng komplikadong sistema ng mga nerbiyo para makapagpadala ng mga mensahe sa pagitan ng utak at katawan. May tatlong espesipikong uri ng neuron na kumikilos upang makamit ang kakayahang ito. Ang mga simbuyo ng pakiramdam mula sa lahat ng bahagi ng katawan ay ipinapadala ng mga nerbiyong tinatawag na afferent neurons. Ang mga mensahe ng paggalaw na ipinapadala mula sa utak sa pamamagitan ng gulugod na may kasamang senyales na igalaw ang katawan ay ipinapadala ng mga motor neuron (mga nerbiyo ng paggalaw). Magkasamang nagpapadala ng mga mensahe ang mga neuron ng pakiramdam at neuron ng paggalaw sa pamamagitan ng komplikadong sangay o network ng mga nerve fiber na tinatawag na interneurons, na kilala rin bilang sentral o pangkonektang mga neuron.
Ang utak at gulugod ay tila napakakapal na gelatin. Ang bantod ng gulugod ay halos singlaki ng paligid ng iyong hinlalaki. Mga 18 pulgada ang haba nito. Kapwa ang utak at gulugod ay pinaliligiran ng cerebral spinal fluid na siyang sangkalan at pumoprotekta sa maselang himaymay ng nerbiyo. Pinoprotektahan ng mga buto ng bungo ang utak. Pinoprotektahan ng mga buto ng vertebrae ang gulugod. Lumalabas ang mga ugat ng nerbiyo sa magkabilang gilid ng segment ng gulugod. Nagtatapos ang gulugod sa level L1 (unang vertebrae sa lumbar level) o sa ibabang bahagi ng iyong likod. Ang natitirang vertebrae ay nagdadala sa mga ugat ng nerbiyo na lumalabas din sa magkabilang gilid ng mas nasa ibabang vertebrae.
Ang gulugod ay nakabalot sa loob ng tatlong balamban o membrane (meninges). Ang mga harang na ito ay kapareho ng nasa utak. Maaaring marinig mo na pinag-uusapan ang mga salitang ito, lalo na kung ikaw ay ooperahan o naoperahan na sa dakong nakapaligid sa injury ng iyong gulugod.
- Pia mater: pinakaloob na layer
- Arachnoid: maselang layer sa gitna
- Dura mater: mas matigas na panlabas na layer
Pag-diagnose ng Spinal Cord Injury
Magbibigay ng impormasyon ang imaging gamit ang mga MRI o CT scan tungkol sa spinal cord injury, kasama ang uri at level kung saan nagkaroon ng trauma. Maaaring hindi ito tumugma sa klinikal na pagsusuri sa iyo dahil ang injury ay nasa isang level, ngunit ang natasa sa iyong kakayahan ay maaaring magpahiwatig ng mas mataas na level ng injury dahil sa pamamaga o iba pang trauma o komplikasyon ng sakit. Para matasa ang kahihinatnan ng kakayahan dahil sa spinal cord injury, may isinasagawang pisikal na eksaminasyon.
Tinatasa ang spinal cord injury gamit ang International Standards for Neurological Classification of SCI (ISNCSCI). Dapat gamitin ang parehong scale sa bawat pagkakataon na tinatasa ang iyong spinal cord injury upang masubaybayan nang tumpak ang iyong kalagayan.
Sinusuri ang bawat level ng gulugod sa pamamagitan ng pagtatasa ng dermatome o espesipikong seksyon ng katawan na apektado ng nerbiyo sa bawat level ng cord. Sa pagsusuri, tinatasa ang kakayahang gumalaw sa pamamagitan ng paggagalaw sa bawat hugpungan (joint) sa iyong katawan. Isinasagawa ang mga pagtatasa upang malaman kung makakagalaw ka nang mag-isa, kung ipupuwesto upang mabawasan ang gravity, o kung hindi ka nakakagalaw. Tinatasa ang pakiramdam para sa gross at fine sensation. Sinusuri ang kapwa gross sensation, na sinusukat gamit ang cotton swab, at ang fine motor sensation, na sinusukat ng matulis na bagay. Sinsuri ang pakiramdam sa pamamagitan ng ganap na pakiramdam, may pakiramdam ngunit parang iba, at walang pakiramdam.
Gamit ang International Standards for Neurological Classification of SCI (ISNCSCI) na isasagawa ng sertipikadong propesyonal, ang huli at ganap na gumaganang nerbiyo ay magiging iyong level ng injury. Maaaring magkapareho ito sa magkabilang gilid ng katawan ngunit dahil may lumalabas na nerbiyo sa gilid ng bawat vertebrae, paminsan-minsan, may bahagyang pagkakaiba sa pagitan ng mga gilid ng katawan. Isang halimbawa ay ang T4 sa kanan at ang T6 sa kaliwang bahagi ng iyong katawan.
Minsan, maaaring gumana nang kaunti ang mga nerbiyo sa ibaba ng huli at ganap na gumaganang segment at mga nerbiyong kulang ang kakayahan. Ito ay itinuturing na zone of partial preservatioin (ZPP). Isang halimbawa ay ang spinal cord injury level na T8 na may ZPP T12 na nangangahulugang ang T8 ay ang huli at ganap na gumaganang nerbiyo ng gulugod ngunit gumagana nang kaunti ang mga nerbiyo ng T9 hanggang T12. Ang mga preserbasyon ng nerbiyong ito ay maaaring hindi naitala sa iyong pag-diagnose na level dahil ang huli at ganap na gumaganang nerbiyo ang itinatala.
Itinatakda ang mga level ng injury upang matukoy ang pinsala. Ito ay paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga upang maunawaan ang kalubhaan ng injury. Makikita ang ASIA Impairment Scale (AIS) na galing sa American Spinal Injury Association sa International Standards for Neurological Classification of SCI (ISNCSCI) Worksheet. Ginagamit ng AIS ang 5 sumusunod na kategorya (A-E); pakitingnan ang link sa itaas para sa mga kahulugan nito.
A. Ganap na injury. Ang ibig sabihin nito ay natasang walang kakayahan o pakiramdam sa dulo ng gulugod.
B. Di-ganap ang pakiramdam. Ipinapahiwatig ng level na ito na nananatili ang pakiramdam ngunit walang paggalaw at hindi nakakagalaw sa loob ng tatlong level ng injury sa bawat gilid.
C. Di-ganap ang paggalaw. Nakakagalaw hanggang sa dulo ng gulugod.
D. Di-ganap ang paggalaw. Kontra sa gravity ang paggana ng kalamnan sa ibaba ng level ng injury.
E. Normal. Walang natasang mga natitirang epekto.
Ang ganap na injury ay karaniwang naipagkakamali sa ganap na transected cord. Ang paglalarawan sa ganap na injury ay ganap na pagkagambala sa mga mensahe hanggang sa huling nerbiyo ng gulugod. Bihirang-bihirang nagaganap na nahiwalay ang gulugod. Maaaring mangyari ang ganap na pagkahiwalay kung direktang dumaan sa sentro ng gulugod ang isang kutsilyo o bala. Sa ganap na spinal cord injury, karaniwang may mga nerve fiber pang nakakabit na maaaring nakakapagpadala o hindi ng mga mensahe.
Paggagamot para sa Spinal Cord Injury
Agad-agad pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury, isinasandal ang indibidwal sa isang back board nang may brace sa leeg para makatulong na mapirmi ang puwesto ng gulugod. Walang dapat mag-usog sa indibidwal maliban kung sanay sila sa mga pag-iingat na makakaprotekta sa gulugod mula sa dagdag na pinsala. Banta sa buhay ang spinal cord injury na nangangailangan ng mabilisang paggagamot.
Sa emergency room, dalawa sa unang mga pagsusuri ay ang MRI o CT scan upang makita ang larawan ng gulugod, pagkatapos, isang pisikal na eksaminasyon. Ituturo ng mga resulta ng pagsusuring ito ang paggagamot. Kung hindi matatag ang iyong gulugod, ibig sabihin, hindi ito napoprotektahan ng mabutong vertebrae, baka agad na magsagawa ng operasyon upang mapatatag ito. Karaniwang kasama sa operasyon ang mga rod o plate upang mabigkis ang mga buto. Kung may ibang mga pinsala o medikal na problema, maaaring maantala ang operasyon sa gulugod hanggang sa tumatag ang iyong kalagayan.
Pagkatapos ng operasyon, karaniwan ang pamamalagi sa intensive care unit (ICU) kung saan magpapatuloy ang rehabilitasyon na therapy sa angkop na level. Kasama dito ang paggalaw na ilalapat sa katawan, gayundin ang mga hakbang sa pag-iingat. Maaari ding magkaroon ng kaunting functional electrical stimulation (FES) para mabigyan ng input ang mga nerbiyo at kalamnan sa ibaba ng level ng injury. May ibibigay na adaptive equipment para mapanatili ang paggana ng balat, bituka at pantog.
Mula sa ICU, ililipat ang indibidwal sa inpatient nursing unit o direkta sa lugar para sa rehabilitasyon kung saan magpapatuloy ang pagpapagaling. Ang mga inobasyon sa paggagamot ay isinasagawa nang may paghusay, na maaaring paghusay sa loob ng iyong katawan o paghusay sa pamamagitan ng paggamit ng naaangkop na equipment.
Ang paglipat sa bahay o sa lokasyon kung saan ka maninirahan ay ang kasunod na hakbang. Magpapatuloy ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng isang labas na pasyente na paggagamot, therapy sa bahay o indipendiyenteng programa ng therapy. Kailangan ang panghabang-buhay na therapy upang mapanatili ang iyong kakayahan at upang patuloy na umayos ang kalagayan. Baka kailanganin mong ituloy ang iyong therapy nang mag-isa, nang walang therapist, ngunit mahalaga ang pagtutuloy sa aktibidad na ito para sa iyong panghabang-buhay na paggagamot.
Natukoy na plastic ang nervous system, ibig sabihin, aangkop ito sa mga pagbabago sa loob nito. Napakahalaga ng pananatiling malusog ng iyong sarili upang mapahusay ang kakayahan at upang maging handa para sa mga therapy sa hinaharap kapag mayroon na.
Paggaling sa Spinal Cord Injury
Maaaring maging mabagal na proseso ang paggaling sa spinal cord injury. Ang normal na mekanismo sa depensa ng katawan kapag napinsala ito ay ang mabilis na magdala ng likido sa dakong iyon para makapagbigay ng dagdag na sangkalan, at upang magpadala ng mga puting selula ng dugo para mag-alis ng anumang foreign substance. Ito ang natural na paraan ng pagpoproteka ng katawan. Subalit, walang lugar sa mabutong silid ng vertebrae kung kaya’t itutulak ng dagdag na likidong ito ang himaymay na maaaring makapagpigil ng pagdaloy ng dugo. Kailangang-kailangan ang pagkontrol sa edema sa paggagamot upang maiwasan ang dagdag na pinsala sa dakong napinsala.
Ang natatangi sa central nervous system ay ang prosesong tinatawag na apoptosis o nakaprogramang pagkamatay ng selula. Para matulungan ang katawang umangkop sa dagdag na likidong ipinapasok sa napinsalang bahagi kapag napinsala ang selula ng nerbiyo, namamatay ang ibang selula habang sinusubukan ng katawang kontrolin ang napakaraming substance sa vertebral column. Ito ang paraan ng katawan ng pagliligtas ngunit dahil dito, maaaring mas maraming nerbiyo ang mamatay.
Ang magandang balita ay, kapag bumagal na ang pamamaga at apoptosis, mababawasan ang pressure sa iyong mga nerbiyo. Maaari kang makakita ng paghusay sa kakayahan, at siguro sa paghusay din sa level ng paggana ng isa o mas marami pang segment ng nerbiyo.
Mga Sekundaryong Kondisyong Sanhi ng Spinal Cord Injury
Maliban sa kawalan ng pakiramdam o kakayahang gumalaw, humahantong sa ibang mga pagbabago sa katawan ang injury sa spinal cord. Gumagana pa rin ang iyong katawan sa ibaba ng level ng injury. ‘Yun nga lang, hindi naipapadala ang mga mensahe tungo at mula sa iyong utak sa pamamagitan ng dako ng injury. Kailangan mong mano-manong ibigay sa iyong katawan ang kinakailangang pangangalaga. Posibleng maiwasan ang mga komplikasyon ng spinal cord injury sa pamamagitan ng magandang pangkalusugang pangangalaga, diyeta at pisikal na aktibidad bagama’t minsan ay nagaganap ang mga ito sa kabila ng pinakamagagandang layunin. Nakasaad sa chart sa ibaba ang mga sekundaryong komplikasyon ng spinal cord injury, gayundin ang mga ideya sa kung paano lalabanan ang mga ito.
Sistema ng Katawan | Sekundaryong Komplikasyon | Mga Epekto ng Paralysis | Mga Suhestiyon sa Paggagamot |
---|---|---|---|
Musculoskeletal | Kawalan ng calcium | Kawalan ng calcium dahil sa kakulangan ng paggalaw sa mahahabang buto ng binti, mga bali | Subaybayan ang density ng buto sa pamamagitan ng regular na pagsusuri ng density ng buto at gamutin gaya ng inirerekomenda ng iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga.
Paggamit ng standing frame (na may gliders kung kayang gamitin) para mabigyang-daan ang paggalaw ng mga binti. |
Heterotrophic Ossification (H.O.) | Labis na pagtubo ng buto sa loob ng malambot na tisyu (kalamnan) | Pagsasagawa ng iba’t ibang ehersiyo sa paggalaw para sa hugpungan para manatiling malambot o nababaluktot ang mga ito.
Gamot: etidronate disodium (Didronel) para mabawasan ang pagtubo ng buto. Pagtatanggal sa pamamagitan ng operasyon. |
|
Kawalan ng himaymay sa kalamnan | Napapalitan ang kalamnan ng taba, stomach pouch, scoliosis, pagkasira ng balat | Mag-ehersisyo ayon sa kakayahan. Igalaw ang lahat ng hugpungan ng katawan nang ilang beses sa isang araw. Gumamit ng mga resistance band kung posible.
Pwedeng mabawasan ng ilang gamot ang muscle tone ngunit may matitinding side effect, makipag-usap sa propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga sa tuwing naaangkop. |
|
Pananakit sa itaas na bahagi ng biyas | Pananakit ng balikat dahil sa pagpapaandar ng wheelcair, rotator cuff injury, bursitis, capsulitis | Makipagtulungan sa isang therapist upang matutunan ang mga pamamaraan sa pagpapalakas.
Huwag masyadong abutin ang likuran para mapaandar ang mano-manong wheelchair. Magdagdag ng power para matulungan ang mga gulong mo. |
|
Hindi magandang muscle tone | Scoliosis o pagkakuba ng likod | Mga ehersisyo sa pagpapalakas ng likod
Umupo nang tuwid, gumamit ng tamang tindig. Gumamit ng kagamitan sa pagpupuwesto kapag umuupo o humihiga. Subaybayan ang pagkaluma o pagkasira ng kagamitan. |
|
Tone (spasticity) | Mga paghilab ng kalamnan ng mga biyas at sa loob ng katawan sa mga indibidwal na may mga cervical at thoracic injury. Pwedeng maging masakit o iwasan ang tamang pagpoposiyon ng katawan. | Gumalaw at inatin nang madalas ang mga kalamnan sa araw. Maaaring mabawasan ang tone kapag labis na pinagod ang kalamnan.
Gumamit ng gamot ayon sa pangangailangan upang mabawasan ang tone at pananakit. Maaaring maging epektibo ang kaunting tone upang makatulong sa paglipat. Gumamit ng mga makabagong therapy para maehersisyo ang mga kalamnan upang mabawasan ang tone. |
|
Flaccidity (kawalan ng kakayahang kumilos) | Kakulangan ng muscle tone sa mga biyas sa ibabang bahagi ng katawan sa mga lumbar at sacral na injury. | Nagdudulot ng mano-manong paggalaw sa mga biyas sa ibabang bahagi upang mapanatiling malambot ang mga kalamnan. | |
Nervous | Bumabagal ang pagpoproseso ng impormasyon | Komplikado dahil sa pinsala sa utak | Palakasin ang iyong utak gayundin ang iyong katawan. Mga halimbawa: maglaro ng mga larong tungkol sa salita o matematika, dagdagan ang mga hobby o bagong hilig.
Makisali sa mga usapan at pakikipagkaibigan. |
Bawas ang balanse at koordinasyon | Spasticity (Paninigas ng Kalamnan) | Regular na pag-iinat ng lahat ng bahagi ng iyong katawan. | |
Pananakit ng kalamnan at Neuropathic na pananakit | Pananakit ng nerbiyo dahil sa di-magandang transmisyon ng nerbiyo | Pag-usapan ang mga opsyon kasama ang iyong mga espesyalista sa pangkalusugang pangangalaga para sa mga opsyon sa paggagamot na hindi narcotic.
Mag-ehersisyo at inatin ang mga kalamnan na labis na nakakapagpapagod sa mga ito at dahil dito ay dadalang ang paghilab at mababawasan ang tindi. |
|
Depresyon | Dahil sa matagalang sakit/kapansanan | Pag-usapan ang iyong kalusugang pangkaisipan kasama ang isang propesyonal para sa checkup at/o paggagamot.
Maging aktibo sa komunidad ng SCI para makapagpalitan ng mga ideya at oportunidad. |
|
Cardiovascular (Sa Puso) | Autonomic Dysreflexia (A.D.) | Maling pagpapakahulugan sa mga simbuyo ng nerbiyo | Alamin ang mga pambabalang senyales at mga paggagamot. https://www.christopherreeve.org/living-with-paralysis/free-resources-and-downloads/wallet-cards |
Orthostatic hypotension-mababang blood pressure, pagkahimatay | Hindi magandang pagbalik ng dugo sa pamamagitan ng mga ugat | Palaging uminom ng likido.
Gumamit ng mga elastic na flow garment para sa pagpapabalik ng dugo lalo na sa buong binti at tiyan. |
|
Deep Vein Thrombosis (DVT)
Pulmonary Embolis (PE) |
Pressure sa mga daluyang-dugo (blood vessels) dahil sa mga panlabas na puwersa
Hindi magandang sirkulasyon |
Huwag idikuwatro ang iyong mga binti o ihalukipkip ang braso.
Gumamit ng prevention elastic stocking sa mga binti o braso. Gumamit lang ng gamot na pampalabnaw ng dugo kung inireseta ito. |
|
Edema | Hindi magandang pagbalik ng likido mula sa mga binti at braso | Itaas ang apektadong bahagi ng katawan nang mas mataas sa puso.
Gumamit ng mga elastic na flow garment sa pagpapabalik ng dugo. Gamot na diuretic kung nakasaad. |
|
Hindi makapag-ehersisyo | Hindi mahusay na distribusyon ng oxygen sa dugo | Kung hindi maisagawa ang rutina ng ehersisyong ginawa kamakailan, baguhin ito ngunit magpatuloy sa isang plano. | |
Dagdag na cardiac risk | Nabubuo sa paglipas ng panahon. | Mga salik ng kontrol gaya ng diyeta, ehersisyo, pagdaragdag ng timbang, kolesterol, presyon ng dugo. | |
Respiratory (Daluyan ng Hangin) | Bawas na kapasidad ng baga | Restriksyon sa paghinga, hindi magandang tindig | Huminga ng malalim at ganap na ilabas ang hangin sa mga regular na pagitan sa buong araw.
Umubo. Palakasin ang mga kalamnan ng dibdib sa pamamagitan ng therapy. |
Pneumonia | Impeksyon sa baga | Malalim na paghinga at pag-ubo para mapanatiling bukas ang mga daanan.
Panatilihing malinis ang bibig upang maiwasan ang masamid sa pagkain. I-suction ayon sa pangangailangan o pumili para sa insufflator. Antibiotics para sa impeksyon. |
|
Mekanikal na Bentilasyon | Sa mga indibidwal na may injury sa itaas ng C3 | Gumamit ng mekanikal na bentilasyon gaya ng kinakailangan.
Palakasin ang mga kalamnan sa pamamagitan ng respiratory therapy. I-suction ayon sa pangangailangan o gumamit ng insufflator. |
|
Gastric | Mas mabagal na pagsipsip (absorption) ng bituka, Neurogenic bowel | Pinapabagal ang panunaw na humahantong sa pagkatibi, mas malaking colon, mga almuranas, colorectal na kanser | Dagdagan ang roughage sa diyeta mo sa pamamagitan ng pagkain o mga bulk former.
Gumamit ng pampalambot ng dumi ayon sa pangangailangan. Dahan-dahang dagdagan ang likido. Gumamit ng maraming lubricant o pampadulas sa programa ng pagdumi (bowel program). Gamit ang spastic bowel (sa cervical at thoracic na injury) nagsasagawa ng dahan-dahan, digital na stimulasyon upang marelaks ang sphincter. |
Mga pagbabago sa kakayahang kontrolin ang kolesterol | Mababag HDL- good cholesterol | Gamitin ang gamot gaya ng pagkakareseta dito.
Mag-ehersisyo sa aktibo o pasibong paraan. |
|
Urinary | Mga bato sa bato (kidney stones) | Bawas na kakayahan sa pagsasala ng ihi | Kilalanin ang iyong katawan upang makapag-ulat ka ng pagbabago para matukoy na baka may problema, upang magawa ang rikonosing ito nang walang pagkakaantala. |
Neurogenic Bladder | Kawalan ng kakayahang ilabas ang lahat ng ihi sa naaangkop na pagkakataon | Pamamahala sa pamamagitan ng panaka-nakang paglalagay ng catheter sa pantog, panlabas na catheter para sa mga lalaki, indwelling na catheter, suprapubic catheter, Mitrofanoff procedure o kombinasyon ng mga pamamaraan depende sa mga indibidwal na pangangailangan. | |
Urinary Tract Infection (UTI) | Bakterya sa ihi | Palaging mag-hyrdrate.
Alisin ang natitirang sabon o sanitizer pagkatapos ng paglalagay ng catheter. Gumamit ng maraming pampadulas. Panatilhing malinis ang entrada ng pantog pati ang mga kamay. Uminom ng antibiotics ayon sa pangangailangan. |
|
Endocrine | Mababang testosterone | Bawas ang hormones | Pag-usapan ang mga opsyon sa paggagamot kasama ang iyong provider ng pangkalusugang pangangalaga upang malaman kung gusto mong ipagamot ang kondisyong ito. |
Mas mataas na insidente ng Type II na Dyabetis | Mas mabagal na metabolismo ng insulin | Mag-ehersisyo ng kaya mo sa aktibo o pasibong paraan.
Maggamot ayon sa pangangailangan. |
|
Immune | Pagbagal ng mga reaksyon ng immune system | Mas mataas na tsansang magkaimpeksyon | Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas.
Ipatupad ang mahigpit na kalinisan sa paglalagay ng catheter. Umiwas sa mga indibidwal na may respiratory na impeksyon. |
Septicemia | Napakatinding impeksyon na nakakaapekto sa mga pangunahing bahagi ng katawan (organs). | Sundan ng paggagamot para sa anumang impeksyon para maiwasan ang pagkalat.
Alamin ang mga senyales at sintomas para sa medikal na emerhensyang tinatawag na sepsis: |
|
Balat | Nadaragdagan ang pagkasira ng balat o pressure injury | Nababawasan ang kakayahang mabanat (elasticity), pressure mula sa mga buto, kakulangan ng paggalaw | Magsagawa ng pagre-release ng presyur.
Magpasuri ng balat. Alamin ang hitsura ng iyong balat. |
Pantal sa singit | Galing sa moisture sa mamasa-masa, natatakpang mga bahagi. | Madalas na paglilinis ng sarili.
Araw-araw pahanginan ang bahagi ng singit. Maglagay ng proteksyon laban sa pantal sa tuwing kinakailangan. |
|
Pangangalaga ng kuko | Marurupok na kuko o fungus sa kuko | Panatilihing malinis.
Maingat na gupitin ang mga kuko para maiwasan ang mga hiwa. Payagang umikot ang hangin sa mga daliri sa paa sa pamamagitan ng mga medyas at sapatos na gawa sa natural na fiber. |
|
Tuyot na balat at mga kalyo | Kawalan ng kakayahang gumalaw | Banayad at dahan-dahang alisin ang balat gamit ang tuyong bimpo para kumiskis.
Maglagay ng moisturizer na lanolin. Palaging mag-hyrdrate. |
|
Digestive | Mga pangangailangan sa mas mababang calorie | Labis na pagkataba (obesity), stomach pouch | Sundin ang masustansya ngunit kontroladong-porsyon na diyeta. |
Palaging busog ang pakiramdam | Bumabagal na pagdumi | Dagdagan ang fiber.
Kumain ng tig-kakaunti ngunit sa mas magkakalapit na oras. |
|
Reproductive | Hindi kayang makipagtalik | Kawalan ng kakayahang makipagtalik (erectile dysfunction) ng lalaki, pagkatuyot sa mga babae | Ang mga lalaki ay may mga opsyon para sa gamot sa kawalan ng kakayahang makipagtalik, mga iniksyon para sa ari at mga implant.
Ang ilang babae ay nagkakareaksyon sa Viagra. Maaaring kailanganing baguhin ng dalawa ang kakayahan sa pakikipagtalik sa pamamagitan ng iba’t ibang posisyon at estratehiya. |
Rehabilitasyon
Aktibidad
Aktibidad ang pinakamagandang paraan para mapanatiling malusog ang iyong katawan at para makaiwas sa mga komplikasyon. Naipakita ng pagsasaliksik ang mga pakinabang ng aktibidad sa pagpapanatili ng kalusugan at kakayahan, pati na rin sa paggaling. Palaging sinusubukan ng katawan na ayusin ito. Minsan, kapag sa palagay ng mga indibidwal ay hindi sila makakakuha ng ilan sa mga makabagong kagamitan, ang pintuan para sa paggaling ay sarado na. Napakalayo nito sa katotohanan. Ang anumang uri ng aktibidad na idinudulot sa mga bahagi ng iyong katawan na apektado ng paralysis ay tutulong sa iyong mapanatili ang iyong katawan.
Kapag nagsagawa ka ng ilang ehersisyo para sa paggalaw, mag-isa ka man o kung may gumagalaw ng iyong katawan para sa iyo, makakatulong ito para mapanatiling malambot ang iyong mga hugpungan (joints) at makakatulong sa pagdumi, pag-ihi, at pangangalaga ng balat. Kapag gumagalaw ang mga binti at trunk, patuloy na mailalabas ang dumi at ihi, kaya mababawasan ang posiblidad ng impeksyon. Kapag iginalaw ang iyong katawan sa pamamagitan ng mga pagpapakawala ng presyur, naiiwasan ang pag-collapse o pamumuo ng maliliit na daluyang dugo (blood vessels).
Maging banayad kapag ginagalaw ang mga apektadong bahagi ng iyong katawan. Minsan, kapag bawas ang pakiramdam ng tao, madaling maging pabaya sa mga bahagi ng katawan. Maaaring kasama dito ang walang-ingat na pagtataas ng binti sa kama o pagpitik sa bahagi ng katawan mula sa isang dako tungo sa iba. Delikado ang iba’t ibang uri ng paggalaw kapag hindi nag-iingat. Pwedeng tumama ang isang bahagi ng katawan sa wheelchair, sa kama o sa pader. Ang mga taong may pakiramdam ay may natural na mekanismo ng proteksyon dahil ayaw ng mga taong saktan ang kanilang sarili. Kapag bawas ang pakiramdam, kailangan mong mag-ingat para maiwasang masaktan ang iyong sarili, na napatutunayan ng mga pasa o baling buto. Ang pagiging padaskul-daskol ay maaaring humantong sa mga problema sa hugpungan, deep vein thrombosis o pamumuo ng dugo.
Minsan, makakahanap ka ng therapy sa mga lugar na hindi mo inaasahan. Maaaring may therapist sa inyong bayan na magte-therapy sa mas murang halaga. Isa pang opsyon ay ang paggamit ng lokal na gym na may personal trainer na may karanasan sa mga taong may paralysis. Sa murang halaga, binubuksan ng ibang mga sentro ng rehabilitasyon ang kanilang mga gym sa gabi.
Malaking pagsisikap ang kailangan para makahanap ng mga opsyon sa aktibidad. Kung aktibo ka sa isang komunidad na may mga indibidwal na may paralysis, maaari kang makakuha ng magagandang lead mula sa iyong mga kaibigan. Pwede kang iugnay ng peer support center sa Christopher and Dana Reeve Paralysis Center sa ibang miyembro ng inyong komunidad na maaaring nagtataglay ng impormasyong kailangan mo, o pwede mong ibahagi ang trabaho sa kanila para makahanap o mag-organize ng aktibidad sa inyong lugar.
Karaniwang nababalewala ng mga tao ang aquatic therapy bilang aktibidad. Maraming lokal na Y ang may mga pool na pwedeng initin, at may mga empleyado ang mga ito na marunong tumulong sa mga indibidwal na may mga espesyal na pangangailangan. Nag-aalok din ang ibang mga sentro ng komunidad ng ganitong mga pamamaraan. Dahil buoyant ang tubig o dahil nakakapagpalutang ito, matutulungan ka nitong isagawa ang mga pagkilos na maaaring hindi mo nagagawa sa lupa kung saan nilalabanan ng gravity ang paggalaw. Ang mapupuwersang paggalaw ay para sa mga pang-resistance na ehersisyo at magagawa ito gamit ang mga bahagi ng katawang nakakagalaw.
Maging handa para sa araw mo sa pool at dumumi na bago ka lumangoy. Baka gustuhin mo ring magsuot ng pamprotektang damit para sa adults. Takpan ang mga bukas na bahagi gaya ng dako ng open pressure injury o suprapubic catheter opening gamit ang mga waterproof na dressing para maharangan ang pagpasok ng tubig ng pool sa iyong katawan. Tiyakin na mapapag-usapan muna ninyo ito ng iyong propesyonal sa kalusugan bago ka magsimula upang matiyak na ito ay ligtas para sa iyong mga espesipiko at personal na pangangailangan.
May mga pangkat sa wheelchair sports na mahahanap sa maraming lugar. Makakatulong ang mga ito sa pangkalahatang kalusugan ngunit kadalasan, ang mga bahagi ng katawang hindi masyadong nakakagalaw ay ibibigkis kaya walang masyadong aktibidad na nakukuha ang mga apektadong biyas. Subalit, makakahinga ka nang malalim at magkakaroon ng magandang workout para maigalaw ang iyong katawan.
Pwedeng maapektuhan ng aktibidad ang iyong kalusugang pangkaisipan sa positibong paraan kaya anuman ang iyong pagpapasyahang gawin ay magiging magandang simula. Para sa lahat ng indibidwal, ang paglalaan ng oras para sa aktibidad ay isang hamon. Kailangan nito ng pagsisikap, pag-iisip at pagpaplano para makagawa ng plano ng pag-eehersisyo. Pwede mong malaman ang ginagawa ng iba o makipag-usap sa iyong propesyonal sa kalusugan na magandang mapagkukunan ng impormasyon.
Gamot
May ilang gamot na ginagawa para mabawasan ang epekto ng injury sa iyong katawan. Ang ilan sa mga ito ay partikular para sa mga proseso ng sakit, at ang ilan ay para sa trauma. Ang pamamaga o edema ay isang proseso na nagaganap sa tuwing napipinsala ang katawan saanman-kahit nga hiwa lang ng papel. Ang pamamaga sa gulugod o utak ay humahantong sa mga komplikasyon dahil ang mga bahaging ito ng katawan ay nakapaloob sa matigas na bungo at vertebrae. Hindi nababanat ang mga buto para makapagbigay-daan sa pamamaga kaya nadaragdagan ang pressure sa mga himaymay at nerbiyo. Samakatuwid, kapag binawasan ang natural na proteksyon ng katawan sa pamamaga sa dako ng injury, mababawasan din ang mga sekundaryong komplikasyon at injury sa central nervous system.
Sa karaniwan, ang mga gamot na pumipigil sa pagkapinsala ng himayhay na dulot ng matinding spinal cord injury ay ginagamit ilang oras matapos magka-injury. Minsan, hindi inirerekomenda ang mga gamot na ito depende sa mga sitwasyon ng indibidwal. Naghahanap ang mga tagapagsaliksik ng mga ideya upang mas maunawaan kung kailan at kung paano dapat gamitin ang mga gamot para mapakinabangan ng mga indibidwal sa oras ng injury.
May mga gamot na makakatulong sa mga problemang lalabas pagkatapos ng injury. Makakatulong ang mga gamot para sa spasticity, impeksyon, pagdumi, pagkontrol ng ihi at maraming-marami pang iba, para mapanatiling gumagana nang maaayos ang iyong katawan at mahahadlangan ng mga ito ang iba pang mga problema. Dapat palaging mag-ingat pagdating sa gamot na inireseta o over the counter dahil nagkakaroon ng mga interakasyon. Palaging ipaalam ang kumpletong listahan mo ng mga gamot at ipasubaybay sa isang propesyonal ang ginagamit mo para maiwasan ang mga interaksyon sa gamot, mga suplemento at pagkain.
Habang mas nag-aaral pa ang mga siyentipiko tungkol sa kung paano gumagana at nagpapadala ng mga mensahe ang mga nerbiyo sa iyong katawan, mas maraming gamot para sa paggagamot ang gagawin, na makakatulong sa senyales ng nerbiyo, pati na rin upang paghusayin ang kakayahan at sa kalaunan, ang pagpapagaling.
Operasyon
Mayroon nang mga operasyon ngayon na makakatulong sa pagpapahusay ng kakayahan. Pwedeng operahan ang mga peripheral nerve (ang mga nasa katawan) ngunit hindi pa ang mga central nerve (ang mga nasa gulugod o utak). Kasama sa operasyon sa peripheral nerve ang mga nerve release, transfer at grafting. Pinakamalawak ang kaalaman sa aspekto ng operasyong ganito. Aprubado ang ilang operasyon at iniaalok sa mga specialty center ngunit hindi pa ganoon kalaganap ito para mahanap sa lokalidad. Mas mapapahusay ng operasyon sa nerbiyo ng kamay at braso ang kakayahan ng braso. Mayroon ding ilang operasyon sa peripheral nerve na mas nakakapagpahusay ng kakayahan ng ibabang biyas (lower extremity), pagdumi, pag-ihi at pakikipagtalik.
Pinag-aaralan ng mga tagapagsaliksik ang stem cell therapy at mga pamamaraan sa pagmamanipula ng henetiko para mapalaganap ang regeneration at pagpapabalik ng kakayahan pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury. Kasama sa marami sa mga paggagamot na ito ang operasyon ngunit, habang mas maraming kaalaman ang nakakalap, maaaring i-deliver ang mga paggagamot na ito sa interavenous (IV) na paraan. Pinupuntirya ng stem cell at genetic engineering therapy ang mas pinahusay na pagpapabalik ng kakayahan sa pamamagitan ng muling pagbuo sa napinsala o nawalang circuit ng nerbiyo sa gulugod. Bagama’t pinag-eeksperimentuhan pa rin ang mga pamamaraang ito, nasasabik ang mga siyentipiko na maisagawa ito sa klinika, na maaaring gamitin nang ito lang o kasama ng ibang mga interbensyon (halimbawa, ilang uri ng rehabilitasyong batay sa aktibidad).
Posible ang operasyon sa peripheral nerve at isinasagawa ng mga surihanong nagsanay upang maging espesyalista. Ang mga peripheral nerve ay nasa labas ng utak at gulugod. Maisasagawa ang operasyon sa mga nerbiyo sa peripheral nervous system (PNS) at kasama dito ang mas pagpapahusay ng kakayahan sa seksyong cauda equina sa ibabang bahagi ng gulugod. Pwedeng ibahin ang ruta ng mga nerbiyong ito, o hatiin para mas mapaghusay ang kakayahan. Ginagamit ang therapy para matulungan ang iyong utak at katawan na ma-activate ang panibagong pag-oorganisang ito.
Sa Big Idea, isang feasibility study na aprubado ng FDA, 36 na indibidwal na may matagalan, ganap na spinal cord injury ang ini-implantan ng epidural stimulator. Gustong maipakita ng mga tagapagsiyasat na mas mapapaghusay ng epidural stimulation (ES) ang mga kakayahan gaya ng sa puso (cardiovascular), pakikipagtalik at pag-ihi, pati na rin ang kakayahang tumayo at mga boluntaryong paggalaw. Napapataas ng ES ang antas ng reaksyon sa sangay o network ng mga selula ng nerbiyo na nananatiling maayos sa ibaba ng level ng injury; kasama ang naaangkop na impormasyon ng pakiramdam, kayang kontrolin ng network na iyon ang mga komplikadong paggalaw.
Noong Hulyo 2020, 14 na paksa sa pagsasaliksik ng Big Idea ay naimplant-an at nasa iba’t ibang yugto ng kanilang paglahok sa Big Idea. Sa katapusan, ang bawat-isa ay may opsyong panatilhin ang naka-impant na stimulator o ipatanggal ito.
Ang Big Idea ay umaasa sa may-pag-asang naunang pag-aaral kung saan walang lalaki ang naimplant-an ng mga stimulator. Nagbigay ng napakalaking pondo ang The Christopher & Dana Reeve Foundation gayundin ang Big Idea para sa inisyal na pagsasaliksik na iyon. Sa bawat pag-aaral na tungkol sa pagpapabuti ng spinal cord injury, nadaragdagan ang kaalaman.
Posibleng-posible na ang kombinasyon ng lahat ng paggagamot na ito ay gagamitin upang mapanumbalik ang kakayahang nawala dahil sa paralysis. Kakailanganin ang aktibidad bago at pagkatapos ng paggagamot upang maihatid ang katawan sa ganap na paggaling. Ginagamit na ang mga gamot ngayon upang matulungan ang mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ngunit may ginagawa na ring ibang gamot na espesipiko para sa pagpapagaling. Mayroon na ring operasyon para mapanumbalik ang paggana ng nerbiyo. Mas malapit na tayo ngayon higit kailanman, pero kapag ikaw ang naghihintay, parang habang-buhay ang ipaghihintay. Ngayon ang panahon para umasa nang husto.
Pagsasaliksik
Isinasagawa na ang pagsasaliksik sa paggaling sa spinal cord injury. Maraming mga opsyong pinag-aaralan. Kasama dito ang mga therapy para mapreserba at mapanumbalik ang kakayahan, mga gamot at operasyon. Di-kapani-paniwala ang dami ng impormasyong inilalabas sa kasalukuyan. May mga opsyon pa ngang inaalok sa ngayon ngunit mag-ingat dahil marami sa mga paggagamot na isinusulong sa web ay hindi pa napapatunayan at daan-daang dolyar ay pwedeng magastos dahil sa mga ito. Maaari kang mahadlangan ng paglahok sa ilan sa mga therapy na ito na makinabang sa mga matagumpay na paggagamot sa hinaharap.
Maraming tao ang handang tanggapin ang pera mo para sa isang uri ng ‘paggagamot’ na hindi pa napapatunayan. Karamihan sa mga pamamaraang ito ay tila operasyon ngunit mayroon ding mga hindi pa napapatunayang paggagamot. Dati, may mga patalastas sa ibang bansa tungkol sa paglalagay ng himaymay ng pating sa iyong likod o mga paggagamot gamit ang stem cell. Napakalaki ng nagastos ng mga tao sa mga ganitong uri ng paggagamot. Bakit hindi na kasingdalas ang paggamit sa mga ito ngayon? Dahil hindi nila naibigay ang inaasahang resulta gaya ng ipinangako. Minsan, ang pagkabigo ay ipinapatungkol sa kawalan ng kakayahang sukatin ang mga resulta ngunit ang pagsusukat ng mga resulta ay umiiral at naisapamantayan na sa buong mundo.
Matagal nang problema ang paghihintay para gumaling. Madaling maakit sa mga huwad na pangako. Bilang consumer, may kasabihan, kung parang napakadaling gawin, malamang ay hindi sulit ito. Kung may mag-aalok sa iyo ng paggagamot para sa mabilisang paggaling, kailangan mong itanong kung bakit hindi ito alam o kung bakit hindi ginagamit ng buong mundo ang partikular na therapy na iyon. Ang napatunayang therapy ay nalalaman ng mga lehitimong tagapagsaliksik at ibabahagi ito sa buong komunidad ng SCI.
Ngunit, ngayon higit kailanman ang panahon kung kailan napakalaki ang isinulong sa paggagamot ng spinal cord injury. Ang mga pag-aaral na ito gayundin ang pagsasaliksik tungkol sa mga espesipikong sakit na humahantong sa paralysis ay ibinabahagi at idinaragdag upang mas mapaganda ang iyong mga oportunidad. Walang mahigawang sagot ngunit may mga opsyon.
Ang mga kahihinatnan ng spinal cord injury ay hindi nakasalalay sa dahilang medikal o trauma. Kapag nag-uusap ang mga propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga tungkol sa spinal cord injury, tinutukoy nila ang dalawang sanhing ito. Minsan, inaakala ng mga tao na hindi masyadong pinagtutuunan ang mga medikal na sanhi dahil ang pagsasaliksik tungkol sa spinal cord injury ay nakatuon sa trauma. Ito ay dahil karaniwang naibibigay ng trauma ang impormasyon tungkol sa eksaktong oras ng pagsisimula, pati na rin ang level ng injury. Walang espesipikong oras ng pagsisimula ang mga medikal na sanhi dahil kadalasang di-nalalaman ito. Karaniwang nagsisimula ang mga medikal na sanhi ng SCI bago ang pagririkonosi. Maaaring iba’t iba ang level ng injury sa mga medikal na sanhi na karaniwan ay may ilang punto ng injury. Ang pagsasaliksik ng SCI na medikal o trauma ang sanhi ay kapaki-pakinabang para sa lahat ng indibidwal na may spinal cord injury. Ang pagsasaliksik ng mga medikal na sanhi ay karaniwang isinasagawa ayon sa rikonisi ng sakit na iyon. Nakatuon ang pagsasaliksik sa SCI sa injury na galing sa medikal at sa trauma, pagpigil sa injury, pagpapababa sa mga sekundaryong epekto at pagpapaling.
Ang Simpleng Siyensiya ay mga eksperimentong isinasagawa sa isang laboratoryo. Mahalaga ang mga eksperimentong ito upang maipakita ang posibilidad ng matagumpay na paggagamot sa mga tao. Sinasaklaw ng mga ito ang lahat ng aspekto ng SCI injury at paggaling na nagmumula sa mga molecular physiologic process hanggang sa paggagamot gamit ang gamot.
Isinasagawa ang Klinikal na Pagsasaliksik kung saan ang mga tao ang subject. Maaaring kasama dito ang physiologic, biologic, at psychologic na mga pag-aaral. Ginagawa lang ang klinikal na pagsasaliksik kapag nakakalap na ang bench science (pag-eeksperimento sa siyentipikong pagsasaliksik) ng sapat na ebidensya upang malaman na may mapagbabatayang kaligtasan upang maisagawa ang pag-aaral sa mga tao.
Ang Therapy na Batay sa Aktibidad ay napatunayang mahalagang salik sa paggaling sa spinal cord injury, sa kapwa may sinusundang aktibong paggalaw, pati na rin sa pamamagitan ng panloob at panlabas na elektrikal na stimulasyon. Sa therapy na ito, sini-stimulate ang mga nerbiyo para sa paggana mula sa panlabas na pagmumulan o implant. Kapag na-stimulate ang nerbiyo, gumagalaw ang katawan. Ang bisa ng therapy na ito ay naipakita sa pamamagitan ng iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon
Pinag-aaralan ang Stem Cell Transplant para sa mas mahusay na transmisyon ng nerbiyo. Ang ideya ay, pwedeng ma-convert ang stem cells upang maging kahit anong selula ng katawan. Ang paglikha ng stem cells ng nerbiyo upang ma-implant ito sa gulugod ay isang mithiin ngunit hindi pa ito ganap na mabisa. Sa kasalukuyan, walang naaangkop na stem cell transplant para sa spinal cord injury. Malaki na ang isinulong sa laboratoryo gamit ang mga hayop ngunit hindi pa ito nagagawa sa mga tao. Hindi pa naitataguyod kung paano magiging bahagi ng stem cells sa paggagamot ng spinal cord injury.
Mabilis na nakakalikha ng Teknolohiya at mga Aparato. Maaaring kasama dito ang mga pag-aaral ng mga implant sa mga tao upang matulungan at mas mapahusay ang kakayahan at mabawasan ang mga sekundaryong komplikasyon.
Isang halimbawa ng teknolohiya ay ang ebolusyon ng mga panlabas na electrode para mapagalaw ang kalamnan, na naging mga microchip na iniimplant, na nagbibigay-daan upang makagalaw ang indibidwal. Isinasagawa na ang karagdagang pagsubok.
Ginagawa na ang mga aparato na ang layunin ay ang tumulong sa paggalaw at mas mapahusay ang kakayahang magsagawa ng mga pang-araw-araw na aktibidad sa pamumuhay. Kasama dito ang mga aparato para sa paggalaw ng kamay at braso, upang mapayagan ang pagkain nang mag-isa, pag-aayos ng sarili at tulong sa banyo, hanggang sa mga aparato para sa paggalaw upang madagdagan ang saklaw sa malubak o mabuhanging lugar.
Ang Gamot para mapatatag ang gulugod at para sa mga sekundaryong komplikasyon ay kritikal na bahagi ng pagsasaliksik sa spinal cord injury. Ang neuropathic na pananakit ay nangungunang pangangailangan na ipinahayag ng mga indibidwal na may spinal cord injury. Ang pagkontrol sa spasticity ay isang bahagi ng pagkontrol ng pananakit. Mahalaga ang paggagamot sa sekundaryong pinsala sa panahon ng injury at agad-agad pagkatapos upang mabawasan ang resultang SCI. Ang bawat aspekto ng paggagamot ng SCI ay isinasaalang-alang upang mas mapahusay ang kalidad ng buhay.
Ang Nerve Transfers ay pinag-aaralan. Maaaring kasama dito ang paglilipat ng isang nerbiyo mula sa isang pinupuntiryang kalamnan tungo sa iba, pagga-graft ng nerbiyo sa bagong dako, paghahati (splitting) ng nerbiyo upang makapagsagawa ito ng higit sa isang kakayahan. Pinag-aaralan ng mga tagapagsaliksik kung paano mag-transplant ng mga nerbiyo mula sa isang tao tungo sa iba, ngunit hindi pa napeperpekto ang pagtanggi o rejection dahil sa mababang immune system ng mga taong may spinal cord injury. Ang pinakamatagumpay ay mga nerve transfer upang mas mapahusay ang kakayahan ng braso at kamay. Ang mga transfer sa binti at sa pantog ay naging matagumpay din ngunit hindi masyadong gumagana ang mga binti dahil sa mga problema sa balanse. Ang bilang ng mga siruhanong nag-aral upang magsagawa ng ganitong uri ng operasyon ay kakaunti.
Ang Phrenic Stimulation ay isang proseso na nagpapalaki sa diaphragm para ma-stimulate ito para sa mahusay na paghinga. Binabawasan ng prosesong ito ang pangangailangan para sa mekanikal na bentilasyon. Ang bilang ng mga siruhanong nag-aral upang magsagawa ng ganitong uri ng operasyon sa pamamagitan ng minimally invasive na pamamaraan ay kakaunti.
Mga Katotohanan at Bilang ng Spinal Cord Injury
Ang SCI na mula sa medikal at trauma na sanhi
Isinaad ng isang survey na isinagawa noong 2013 ng mga tagapagsaliksik sa Christopher and Dana Reeve Paralysis Foundation na 1.7 porsiyento ng populasyon ng Amerika o 5,357,970 katao ang tinukoy ang kanilang mga sarili bilang namumuhay nang may partikular na uri ng paralysis. Kasama sa bilang na ito ang mga may medikal na rikonosi sa central nervous system pati na rin sa trauma. Mahirap matantiya ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na may spinal cord injury dahil ang mga SCI na mula sa komplikasyon ng isang sakit ay hindi itinuturing na may spinal cord injury, sa halip, kasama lang sa kanilang rikonosi.
Mga Medikal na Sanhi ng Spinal Cord Injury
Maraming mga medikal na rikonosi na pwedeng magresulta sa spinal cord injury. Iniisip ng karamihan sa mga indibidwal na wala silang spinal cord injury ngunit ipinapatungkol ang kanilang injury alinsunod sa rikonosi sa kanila. Natural lang na isipin ang sakit alinsunod sa rikonosi o sanhi, ngunit, ang mga konsikwensya ng medikal na rikonosi ay ang spinal cord injury. Maaari ding maapektuhan ang ibang mga bahagi ng katawan ng medikal na rikonisi lalo na ang utak dahil bahagi ito ng central nervous system. Maaaring ipatungkol ang karagdagang mga komplikasyon sa spinal cord injury.
Maaaring kasama sa mga medikal na sanhi ng spinal cord injury ang mga sumusunod at ang iba pa:
- Amyotrophic lateral sclerosis (ALS)
- Arteriovenous malformation (AVM)
- Cerebral palsy
- Friedreich’s Ataxia
- Guillain-Barré syndrome
- Leukodystrophies
- Lyme disease
- Mitochondrial Myopathy
- Multiple sclerosis (MS)
- Muscular dystrophy (MD)
- Neurofibromatosis
- Parkinson’s Disease (PD)
- Post-polio syndrome
- Spina bifida
- Spinal muscular atrophy
- Spinal tumors
- Stroke (Brain or Spinal Cord Stroke)
- Syringomyelia and tethered cord
- Transverse myelitis
SCI na mula sa trauma
May humigit-kumulang 17,730 bagong kaso ng Spinal Cord Injury na sanhi ng trauma kada taon na may taunang kabuuang bilang na 291,000. Mga lalaki ang bumubuo sa 78% ng kabuuan.
Mga Sanhi ng Spinal Cord Injury dahil sa Trauma mula 2019
- Mga Banggaan ng Sasakyan (39.3%)
- Mga Pagkalaglag (31.8%)
- Karahasan (13.5%)
- Sports (8%)
- Mga Komplikasyon ng Operasyon (4.3%)
- Iba pa (3.1%)
- Iba pa (16.9%)
Lahi ng mga indibidwal na may spinal cord injury dahil sa trauma
- Caucasian 59.5%
- Black 22.6%
- Iba pa 17.9%
Level ng injury dahil sa trauma
- Di-ganap (Incomplete) na Tetraplegia 47.6%
- Di-ganap (Incomplete) na Paraplegia 19.9%
- Ganap (Complete) na Paraplegia 19.6%
- Ganap (Complete) na Tetraplegia 12.3%
- Normal 0.6%
Medyo nabawasan lang ang haba ng buhay sa mga taong may spinal cord injury na maikli ang buhay at may mas mataas na level ng injury. Ang pinakakaraniwang sanhi ng kamatayan ay impeksyon, partikular na ng pulmonya na sinusundan ng septicemia.
Ang mga datos na ito ay nakuha mula sa: National Spinal Cord Injury Statistical Center, Facts and Figures at a Glance. Birmingham, AL: University of Alabama at Birmingham, 2019.
Isang Kasaysayan ng Spinal Cord Injury sa Amerika
Maraming sakit na humahantong sa spinal cord injury. Sa katunayan, ito ang dahilan ng karamihan sa mga spinal cord injury. Kadalasan ay hindi iniisip ng mga tao na spinal cord injury ang konsikwensya ng sakit sa halip, tumutuon lang sa mismong sakit. Dahil dito, naging kaugalian na ng ilang indibidwal na balewalain ang mga epekto ng SCI.
Kapag may sakit, maaaring maging mabagal ang paglala ng spinal cord injury. Sa trauma, maaaring magkaroon ng spinal cord injury kaagad. Ang landas ng pagsisimula mula sa sakit kung ihahambing sa pagsisimula mula sa trauma ay karaniwang magkasalungat. Kumakain ng oras ang sa sakit. Kaagad-agad nangyayari ang sa trauma. Sa alinmang pagsisimula, ang mga epekto ng spinal cord injury o anumang paralysis ay nakakapagpabago ng buhay.
Libo-libong taon nang pahusay nang pahusay ang mga paggagamot para sa paralysis. Dahil sa pagtitipon ng impormasyon at pagtutulungan ng mga siyentipiko, ang koordinasyon ng mga napag-alaman sa pagsasaliksik ay lumalampas na sa hangganan ng rikonisi. Ang natuklasan sa isang neurologic na sakit ay naisalin sa ibang mga neurologic na sakit. Ang impormasyon na mula sa pagsasaliksik ng isang rikonisi ay karaniwang inilalapat sa ibang walang kaugnayang rikonosi, at matagumpay ang mga kinalabasan at tunay na nakapagdagdag ng kaalaman.
Naitala ang spinal cord injury sa mga hieroglyph sa Ehipto. Isipin mo na alang ang trauma na maaaring tiniis ng mga trabahador ng malalaking pyramid. Ito ang isa sa kauna-unahang tala ng mga aksidente sa trabaho. May ebidensya sa mga litrato tungkol sa urinary catheterization ng mga sinaunang mananalaysay na ito. Tila umiiral na ang spinal cord injury at iba pang paralysis mula pa noong simula ng kasaysayan ng tao sa mundo.
Sa ilan sa mga labi ng kultura ng Katutubong Amerikano (Native American) sa Amerika, may nakitang mga buto ng vertebrae na may mga pana. Isang vertebra na may pana ang makikita sa Cahokia Mounds sa Southern Illinois. Ang ipinapakitang ispesimen na ito ay vertebra ng isang tao na may pana at ang tulis nito ay sa loob ng buto. Matagal nang wala ang himaymay ng tao ngunit ang pinsalang nakamit ay malinaw na spinal cord injury na mula sa trauma.
Giyera at trauma ang pinakakaraniwang pinagmumulan ng SCI sa loob ng maraming taon dahil hindi nagtatagal ang buhay ng tao noon para makita ang mga epekto ng SCI na mula sa sakit. Dahil sa napakaraming sugatang sundalo mula sa bawat laban, nakalikha ng mga pamamaraan sa pagliligtas ng mga buhay sa paglipas ng panahon. Kapag mas maraming sundalo ang maliligtas, mas maraming sundalo ang makakabalik sa lugar ng labanan.
Ang isa sa pinakaunang nars ng rehabilitasyon ay si Florence Nightingale na nagmungkahi ng mga partikular na paggagamot gaya ng paghuhugas ng kamay, kalinisan sa pangangalaga at pagpapakawala ng presyur. Naisip ni Florence na ikutin ang mga pasyente upang maiwasan ang pressure injury ng mga kada dalawang oras-pamilyar ba ito? Nilalayon pa rin natin ang pag-ikot kada dalawang oras sa mga ospital sa ngayon, kahit na isinasaad ng ebidensya ng siyensiya na dapat isagawa ang mga pagpapakawala ng presyur nang kada 10 minuto.
Sumulong tayo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang interbensyon ng antibiotics at mga ospital sa labas na may mabilisang paggagamot ay humantong sa malaking bilang ng naligtas na buhay ng mga sugatang sundalo. Ang mga pamamaraang regenerative ay nilikha upang mas mapahusay ang vascular na kakayahan at upang makaiwas sa pinsala sa nerbiyo. Ang mga medikal na doktor at surihano ay nagpatuloy sa pagpapaunlad ng mga paggagamot pagkatapos ng giyera dahil maraming mga sundalo ang nabuhay upang makabalik sa kanilang mga tahanan. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang militar at iba pang tagapagsaliksik sa pagpapahusay ng mga paggagamot para sa pangangalagang pang-rehabilitasyon.
Labis na napaunlad ang paggagamot para sa paralysis noong nagkaroon ng epidemyang polio sa Amerika. Nagsagawa rin ng pagsasaliksik para sa mga nyurolohikal na sakit ang ibang mga bansa. Ang ilan sa mga pamamaraang ito ay mas napaunlad pa para sa paggagamot ng polio. Kasama rito ang pagbibigay ng aktibidad sa apektadong mga bahagi ng katawan, aquatic o water therapy at bentilasyon na may iron lungs.
Sa mga pagamutan ng polyo, ang mga apektado ay pinagalaw sa iba’t ibang paraan ng mga boluntaryo sa loob ng ilang oras kada pagkakataon. Ang tuloy-tuloy na paggalaw na ito ay nagbigay sa katawan ng kinakailangang aktibidad na hindi naibibigay sa loob. Ang aquatic therapy, sa mainit-init na tubig, ay nagparelaks sa mga kalamnan at nagbigay ng buoyancy para makatulong sa pagsuporta ng mga biyas. Maaaring napakahirap ang paggalaw sa isang bahagi ng katawan nang mag-isa dahil sa gravity ngunit dahil sa dagdag na buoyancy ng tubig, nabawasan ang paghihirap na malampasan ang gravity dahil sa paggalaw. Isa pang napakahalagang elemento para sa paggagamot ay ang matiyak ang oxygenation para sa mga nahihirapang huminga. Binigyan ito ang mga indibidwal ng pagkakataong mabuhay hanggang sa makaipon ng sapat na lakas upang makalahok sa karagdagang mga therapy. Mayroon ding iba pang mga paggagamot ngunit ang mga ito ang mga pangunahing bagay ng programa.
May mga ginawang ‘mga spa’ sa buong bansa para makapagdulot ng mga paggagamot. Sa panahong ito, nakilahok ang mga buong komunidad sa pagdudulot ng intensive therapeutic treatment. Ang isang sikat na spa ay ang Warm Springs, Georgia. Ito ay ipinagawa ni Pangulong Franklin D. Roosevelt para sa paggagamot sa kaniya at sa iba. Ipinagpatuloy niya ang therapy na ito sa kahabaan ng kaniyang buhay.
Isa pang pasimuno ng therapy para sa polio ay si Sister Kenny na lumikha ng partikular na paggagamot. Ang titulong Sister ay nagmula sa kaniyang katutubong bansa na Australya, bagama’t hindi siya sumailalim sa pormal na pagsasanay bilang isang nars. Kasama sa kaniyang paggagamot ang pagbabawas ng paghilab, para mapagalaw sa iba’t ibang paraan ang mga biyas. Noong panahong iyon, kontrobersyal ang kagawiang ito dahil hindi ito makabago. Subalit, ang kaniyang di-pangkaraniwang pag-iisip ay nagpabago sa paraan ng paggagamot.
Noong mga taong 1990, mas marami pang mga bagay tungkol sa paggana ng nervous system ang iminungkahi. May bagong ideyang umusbong: pag-asa. Nagkaroon ng malakihang kilusan na posible daw para sa mga indibidwal na may spinal cord injury na bumuti ang kalagayan. Dahil ito sa ilang nadiskubre, gaya ng plasticity ng nervous system kung saan kinikilala na kayang umangkop ng nervous system sa injury at ibahin ang ruta nito.
Dati, inakala na sa nervous system, isang partikular na nerbiyo lang ang makakakonekta sa isa pang partikular na nerbiyo. Kung iisipin mo ang ayos ng buhok na ponytail, ipinagpalagay na kung gugupitin ang ponytail, ang bawat hibla ng buhok ay dapat ikabit ulit sa orihinal na buhok. Ganito rin ang naging kaisipan na pwedeng maayos ang spinal cord injury kung ikakabit ang bawat nerbiyo sa orihinal na nerbiyo nito. Binago ng konsepto ng plasticity ang ideyang ito. Kayang umangkop ng katawan at mag-adjust sa injury.
May ilan pang mahahalagang nadiskubre tungkol sa nervous system na kapag isinama, ay lumikha ng bagong pananaw ng paggaling sa spinal cord injury. Ang naging pangunahing tagataguyod ng mga nadiskubreng ito ay si Christopher Reeve na lumikha sa tinatawag ngayong The Christopher and Dana Reeve Paralysis Foundation upang mapalawak at mapaunlad ang mga bagong ideyang ito tungkol sa nervous system. Ipinapahiwatig ng kaniyang motto, ang Forward, ang pangangailangan na ibaling ang paningin sa mga bagong ideyang ito ng pag-asa at paggaling, sa halip na kumapit sa makalumang mga ideya na alam na nating hindi nakapaloob sa paggaling sa spinal cord injury.
Maraming tagapagsaliksik at mga propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga ang tumanggap sa bagong konsepto ng paggaling para sa spinal cord injury. Ang mga katulad na therapy na isinagawa para sa paggagamot ng polio ay iniangkop at binago para sa kasalukuyang paggamit. Ang napakalaking pag-unlad ng teknolohiya ay ginamit upang makagawa ng kagamitang makakapalit sa napakaraming bilang ng mga taong kinakailangan upang maghatid ng mga therapy, gayundin upang makapagdulot ng paggagamot nang mas mabilis, upang mabigyan ng oras ang tatanggap para sa ibang bagay na gusto nilang gawin sa buhay.
Sa pagdaan ng panahon, napino ang mga therapy na ito at nasubukan nang may mga positibong resulta. Isinasaalang-alang ang pagtukoy sa kung anong therapy ang dapat ibigay para sa pinakamagagandang resulta, gayundin ang haba at bilang ng paggagamot. Binigyang-daan ng karagdagang mga pag-unlad ng teknolohiya na paliitin ang ilan sa mga panlabas at nakakaperwisyong kagamitan, at pwede na itong i-transplant sa loob ng katawan. Kapaki-pakinabang ito at nakagiginhawa para sa taong may spinal cord injury.
Ang pagsasaliksik sa hinaharap ay magbibigay-daan upang maisama at gawing available ang mga teknolohiyang ito para sa lahat ng taong may spinal cord injury. Isa sa mga pangunahing tampok ay ang mga teknolohiyang ito ay mapapakinabangan ng mga indibidwal na may bago at ilang taon nang may mga spinal cord injury.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Konsuminador
Kung naghahanap ka para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pinsala sa utak ng galugod o may isang tukoy na katanungan, ang aming Information Specialists ay bukas na mga araw ng trabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheets ng pinsala sa utak ng galugod na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat ka naming makipag-ugnay sa mga samahan at samahan na nagtatampok ng balita, suporta sa pagsasaliksik, at mga mapagkukunan, pambansang network ng mga grupo ng suporta, klinika, at mga specialty na ospital
The National Institute of Neurological Disorders and Stroke
US National Library of Medicine
National Library of Medicine National Institutes of Health
The American Neurological Society
Agency for Healthcare Research and Quality
National Institute on Disability, Independent Living, and Rehabilitation Research (NIDILRR)
American Association of Neurological Surgeons
KARAGDAGANG PAGBABASA
Seksyon ng Pag-unawa sa Gulugod:
Bican O et al. The spinal cord: a review of functional neuroanatomy. Neurol Clin. (2013).
Montalbano MJ et al. Innervation of the blood vessels of the spinal cord: a comprehensive review. Neurosurg Rev. (2018).
Seksyon ng Spinal Cord Injury:
Eckert MJ et al. Trauma: Spinal Cord Injury. Surg Clin North Am. (2017).
Galeiras Vázquez R et al. Update on traumatic acute spinal cord injury. Part 1. Med Intensiva. (2017).
Mourelo Fariña M et al. Update on traumatic acute spinal cord injury. Part 2. Med Intensiva. (2017).
Seksyon ng Ibang mga Uri ng SCI:
Diaz E et al. Spinal Cord Anatomy and Clinical Syndromes. Semin Ultrasound CT MR. (2016).
Weidauer S et al. Spinal cord ischemia: aetiology, clinical syndromes and imaging features. Neuroradiology. (2015).
Greene, N.D.E., Leung, K-Y., Gay, V., Burren, K., Mills, K., Chitty, L.S., Copp, A.J. (2016). Inositol for the prevention of neurol tube defects: A pilot randomized controlled trial. Br J Nutr. 115 (6), 974-983. doi: 10.1017/S0007114515005322
Seksyon ng mga Dako ng Katawan na Kontrolado ng Gulugod:
Bican O et al. The spinal cord: a review of functional neuroanatomy. Neurol Clin. (2013).
de Girolami U et al. Spinal cord. Handb Clin Neurol. (2017).
Ikeda K et al. The respiratory control mechanisms in the brainstem and spinal cord: integrative views of the neuroanatomy and neurophysiology. J Physiol Sci. (2017).
Seksyon ng Pagririkonosi ng SCI:
Zaninovich OA et al. The role of diffusion tensor imaging in the diagnosis, prognosis, and assessment of recovery and treatment of spinal cord injury: a systematic review. Neurosurg Focus. (2019).
Seksyon ng Paggagamot para sa SCI:
MacGillivray MK, Mortenson WB, Sadeghi M, Mills PB, Adams J, Sawatzky BJ. Implementing a self-management mobile app for spinal cord injury during inpatient rehabilitation and following community discharge: A feasibility study. J Spinal Cord Med. 2019 May 15:1-9. doi: 10.1080/10790268.2019.1614343. [Epub ahead of print]
Neal CJ, McCafferty RR, Freedman B, Helgeson MD, Rivet D, Gwinn DE, Rosner MK. Cervical and Thoracolumbar Spine Injury Evaluation, Transport, and Surgery in the Deployed Setting. Mil Med. 2018 Sep 1;183(suppl_2):83-91. doi: 10.1093/milmed/usy096.
Seksyon ng Paggaling sa SCI:
Wang Z et al. Autophagy protects against PI3K/Akt/mTOR-mediated apoptosis of spinal cord neurons after mechanical injury. Neurosci Lett. (2017)
Seksyon ng Mga Sekundaryong Kondisyon na mula sa SCI:
Bye EA, Harvey LA, Glinsky JV, Bolsterlee B, Herbert RD. A preliminary investigation of mechanisms by which short-term resistance training increases strength of partially paralysed muscles in people with spinal cord injury. Spinal Cord. 2019 May 15. doi: 10.1038/s41393-019-0284-2. [Epub ahead of print]
Bragge P, Guy S, Boulet M, Ghafoori E, Goodwin D, Wright B. A systematic review of the content and quality of clinical practice guidelines for management of the neurogenic bladder following spinal cord injury. Spinal Cord. 2019 Apr 10. doi: 10.1038/s41393-019-0278-0. [Epub ahead of print] Review.
Seksyon ng Rehabilitasyon:
Kornhaber R, Mclean L, Betihavas V, Cleary M.A systematic review of the content and quality of clinical practice guidelines for management of the neurogenic bladder following spinal cord injury. J Adv Nurs. 2018 Jan;74(1):23-33. doi: 10.1111/jan.13396. Epub 2017 Aug 17. Review.
Jörgensen S, Hedgren L, Sundelin A, Lexell J. Global and domain-specific life satisfaction among older adults with long-term spinal cord injury. J Spinal Cord Med. 2019 May 17:1-9. doi: 10.1080/10790268.2019.1610618. [Epub ahead of print]
Seksyon ng Pagsasaliksik:
Yi Ren and Wise Young, “Managing Inflammation after Spinal Cord Injury through Manipulation of Macrophage Function,” Neural Plasticity, vol. 2013, Article ID 945034, 9 pages, 2013. https://doi.org/10.1155/2013/945034.
Lucia Machova Urdzikova, Jiri Ruzicka, Michael LaBagnara, Kristyna Karova, Sarka Kubinova, Klara Jirakova, Raj Murali, Eva Sykova, Meena Jhanwar-Uniyal, and Pavla Jendelova, “Human Mesenchymal Stem Cells Modulate Inflammatory Cytokines after Spinal Cord Injury in Rat,” International Journal of Molecular Sciences, vol. 15, no. 7, pp. 11275–11293, 2014.
Xiang Zhou, Xijing He, and Yi Ren, “Function of microglia and macrophages in secondary damage after spinal cord injury,” Neural Regeneration Research, vol. 9, no. 20, pp. 1787–1795, 2014.
Crowe, Maria J., Bresnahan, Jacqueline C., Shuman, Sheri L., Masters, Jeffery N., Beattie, Michael S., Apoptosis and delayed degeneration after spinal cord injury in rats and monkeys. Nature Medicine, vol. 3, no. 1, pp. 1546-170, 1997. https://doi.org/10.1038/nm0197-73
Seksyon ng Therapy na Batay sa Aktibidad:
Behrman AL et al. Activity-Based Therapy: From Basic Science to Clinical Application for Recovery After Spinal Cord Injury. J Neurol Phys Ther. (2017).
Quel de Oliveira C et al. Effects of Activity-Based Therapy Interventions on Mobility, Independence, and Quality of Life for People with Spinal Cord Injuries: A Systematic Review and Meta-Analysis. J Neurotrauma. (2017).
Jones ML et al. Activity-based therapy for recovery of walking in individuals with chronic spinal cord injury: results from a randomized clinical trial.Arch Phys Med Rehabil. (2014)
Seksyon ng Stem Cell Transplant:
Khan S et al. A Systematic Review of Mesenchymal Stem Cells in Spinal Cord Injury, Intervertebral Disc Repair and Spinal Fusion. Curr Stem Cell Res Ther. (2018).
Stenudd M et al. Role of endogenous neural stem cells in spinal cord injury and repair. JAMA Neurol. (2015).
Ruzicka J et al. A Comparative Study of Three Different Types of Stem Cells for Treatment of Rat Spinal Cord Injury. Cell Transplant. (2017).
Seksyon ng Teknolohiya at mga Aparato:
Angeli CA, Boakye M, Morton RA, Vogt J, Benton K, Chen Y, Ferreira CK, Harkema SJ. Recovery of Over-Ground Walking after Chronic Motor Complete Spinal Cord Injury. N Engl J Med. 2018 Sep 27;379(13):1244-1250. doi: 10.1056/NEJMoa1803588. Epub 2018 Sep 24.
Rath M, Vette AH, Ramasubramaniam S, Li K, Burdick J, Edgerton VR, Gerasimenko YP, Sayenko DG. Trunk Stability Enabled by Noninvasive Spinal Electrical Stimulation after Spinal Cord Injury. J Neurotrauma. 2018 Nov 1;35(21):2540-2553. doi: 10.1089/neu.2017.5584. Epub 2018 Jul 5.
Crawford A et al. Detecting destabilizing wheelchair conditions for maintaining seated posture.Disabil Rehabil Assist Technol. (2018).
Seksyon ng Gamot:
Rigo FK, Bochi GV, Pereira AL, Adamante G, Ferro PR, Dal-Toé De Prá S, Milioli AM, Damiani AP, da Silveira Prestes G, Dalenogare DP, Chávez-Olórtegui C, Moraes de Andrade V, Machado-de-Ávila RA, Trevisan G. TsNTxP, a non-toxic protein from Tityus serrulatus scorpion venom, induces antinociceptive effects by suppressing glutamate release in mice. Eur J Pharmacol. 2019 May 3;855:65-74. doi: 10.1016/j.ejphar.2019.05.002. [Epub ahead of print]
Hu Y, Liu Q, Zhang M, Yan Y, Yu H, Ge L. MicroRNA-362-3p attenuates motor deficit following spinal cord injury via targeting paired box gene 2. J Integr Neurosci. 2019 Mar 30;18(1):57-64. doi: 10.31083/j.jin.2019.01.12.
Holtz KA et al. Arch Phys Med Rehabil. (2017) Prevalence and Effect of Problematic Spasticity After Traumatic Spinal Cord Injury. Mga Katotohanan at Bilang ng Spinal Cord Injury
Seksyon ng Nerve Transfers:
Karagdagang Pagbabasa:
Hill EJR, Fox IK. Current Best Peripheral Nerve Transfers for Spinal Cord Injury. Plast Reconstr Surg. 2019 Jan;143(1):184e-198e. doi: 10.1097/PRS.0000000000005173. Review.
Peterson CL, Bednar MS, Murray WM. Effect of biceps-to-triceps transfer on rotator cuff stress during upper limb weight-bearing lift in tetraplegia: A modeling and simulation analysis. J Biomech. 2019 May 8. pii: S0021-9290(19)30319-7. doi: 10.1016/j.jbiomech.2019.04.043. [Epub ahead of print]
Seksyon ng Phrenic Stimulation:
Warren PM, Steiger SC, Dick TE, MacFarlane PM, Alilain WJ, Silver J. Rapid and robust restoration of breathing long after spinal cord injury. Nat Commun. 2018 Nov 27;9(1):4843. doi: 10.1038/s41467-018-06937-0.
Mantilla CB, Zhan WZ, Gransee HM, Prakash YS, Sieck GC. Phrenic motoneuron structural plasticity across models of diaphragm muscle paralysis. J Comp Neurol. 2018 Dec 15;526(18):2973-2983. doi: 10.1002/cne.24503. Epub 2018 Nov 8.