Spinal tumors
Pag-uunawa sa utak at spinal tumors
Ang tumor sa utak at spinal cord ay nagtatampok ng abnormal na paglaki ng tissue sa loob ng bungo o sa mabutong spinal column. Ang mga tumor ay nauuri bilang benign (di cancerous) kung ang mga cell na bumubuo sa paglaki ay tulad rin ng mga normal na cell, mabagal ang paglaki, at nasa isang lokasyon lang. Ang mga tumor ay malignant (cancerous) kapag ang mga cell ay iba mula sa mga normal na cell, mabilis ang paglaki, at madaling kumalat sa iba pang mga lugar.
Dahil ang central nervous system (CNS) ay namamalagi sa loob ng matigas at mabubutong mga quarter (ang bungo at spinal column), anumang abnormal na paglaki ay maaaring maglagay ng presyon sa mga sensitibong nerve tissue at mapahina ang paggana. Habang ang mga malignant cell na nasa iba pang parte ng katawan ay madaling makakapagpatubo ng mga tumor sa loob ng utak at spinal cord, ang malignant CNS na mga tumor ay madalang na kumakalat sa iba pang mga parte ng katawan.
Ang karamihang mga spinal cord na kanser ay metastatic, na nangangahulugan na mula ang mga ito sa maraming iba’t ibang uri ng primary na kanser. Ang mga ito ay kinabibilangan ng baga, suso, prostate, ulo and leeg, gynecologic, gastrointestinal, thyroid, melanoma, at renal cell carcinoma.
Kapag ang mga bagong tumor ay nagsisimula nang tumubo sa loob ng utak o spinal cord, ang mga ito ay tinatawag na primary tumor. Ang primary CNS tumors ay madalang na tumutubo mula sa neurons dahil sa sandaling malaki na ang neurons, hindi na maghihiwalay at dadami ang mga ito. Sa halip, ang karamihan sa mga tumor ay sanhi ng hindi makontrol na paglaki ng mga cell na pumapalibot at sumusuporta sa neurons.
Ang Primary CNS tumors – tulad ng gliomas at meningiomas – ay pinapangalanan ayon sa mga uri ng cell na bumubuo sa mga ito, sa kanilang lokasyon, o pareho.
Mga sanhi
Ang sanhi ng karamihang mga primary brain at spinal cord tumors ay nananatiling isang misteryo. Hindi eksaktong alam ng mga scientist kung bakit at paano nawawala ng mga cell sa nervous system o saanman sa katawan ang kanilang normal na pagkakakilanlan at hindi makontrol ang paglaki.
Ang ilan sa mga posibleng sanhi sa ilalim ng imbestigasyon ay kinabibilangan ng mga virus, mga defective na gene, at kemikal. Ang mga tumor sa utak at spinal cord ay hindi nakakahawa o, sa ngayon, naiiwasan.
Ang mga tumor sa spinal cord ay hindi masyado karaniwang kumpara sa mga tumor sa utak.
Humigit-kumulang sa 10,000 mga American ang nagde-develop ng primary o metastatic na spinal cord tumor kada taon. Kahit na ang mga spinal cord tumor ay nakaka-apekto sa mga tao sa lahat ng edad, ang mga ito ay pinaka-karaniwan sa mga bata at middle-aged na adult.
Ang mga tumor sa utak ay nakaka-apekto sa halos 40,000 mga American bawat taon. Halos kalahati ng mga tumor na ito ay primary at ang natitira ay metastatic
Mga sintomas
Ang mga tumor sa utak at spinal cord ay maaaring magdulot ng maraming iba’t ibang mga sintomas, na karaniwang nade-develop ng dahan-dahan at lumalala lumaon.
Ang ilan sa mga pinakakaraniwang sintomas ng isang tumor sa utak ay kinabibilangan ng:
- Mga sakit ng ulo
- Ang mga seizure, isang pagkakagambala sa normal na daloy ng brain cell electricity na maaaring humantong sa mga convulsion, kawalan ng malay, o hindi makontrol na bladder.
- Pagkahilo at pagsusuka
- Mga problema sa paningin o pandinig
Ang lumakas na intracranial pressure ay maaari rin magpababa sa daloy ng dugo sa mata at mapasimulan ang pamamaga ng optic nerve, na bilang resulta ay nagdudulot ng malabong paningin, pagkaduling, o kaunting kawalan ng paningin.
Ang iba pang mga sintomas ng CNS tumor ay maaaring kabilang ang mga sumusunod: mga behavioral at cognitive symptoms, mga problema sa pagkilos o balanse, pananakit, mga pagbabago sa pandamdam tulad ng pagkamanhid, at huminang sensibilidad ng balat sa temperatura.
Diagnosis at paggagamot
Ang special imaging techniques, lalo na ang computed tomography (CT) at magnetic resonance imaging (MRI), ay lubos na humusay sa diagnosis ng mga CNS na tumor. Sa karamihang mga kaso, ang mga scan na ito ay nakakatuklas sa pagkakaroon ng tumor kahit na kalahating inch ang lapad nito.
Ang tatlong pinakakaraniwang ginagamit na mga paggagamot ay ang pag-oopera, radiation, at chemotherapy. Kapag pinapaliit ng tumor ang spinal cord o ang mga pumapalibot ditong istruktura, ang corticosteroid ay maaaring ibigay para mabawasan ang pamamaga at mapanatili ang paggana ng nerve hangga’t maalis ang tumor.
Ang pag-oopera para maalis ang mas maraming tumor hangga’t maaari ay karaniwang ang unang hakbang sa paggagamot ng isang accessible na tumor – basta’t may kaunting peligro ng pinsalang neurological. Sa kabutihang palad, sa tulong ng mga pagsulong sa neurosurgical, ay posible na para sa mga doktor na maabot ang mga tumor na dating hindi ma-access.
Ginagamot ng mga doktor ang karamihang mga malignant, hindi ma-access, o hindi ma-operahan na mga CNS tumor gamit ang radiation at/o chemotherapy. Ang radiation therapy ay lumulusob sa mga tumor cell gamit ang nakakamatay na mga beam ng enerhiya. Ang chemotherapy ay gumagamit ng pumapatay sa tumor na gamot na ibinibigay sa oral o iniksyon na paraan sa daluyan ng dugo. Madalas na gumagamit ang mga doktor ng kombinasyon ng mga gamot para sa chemotherapy.
Ang pangkalahatang kalalabasan ng radiation therapy ay hindi parating maganda. Maaaring masira ng radiation ang spinal cord myelin, na maaaring humantong sa paralysis. Naghahanap ang mga researcher ng mga mas magagandang paraan para ma-target ang radiation o mapahusay ang bisa nito, marahil sa pamamagitan ng pagpapahina sa tumor tissue.
Pinag-aaralan ng mga researcher ang brachtherapy (maliliit na radioactive pellets na direktang nakatanim sa tumor) bilang ang pinakamainam na paraan para maipagkaloob ang radiotherapy sa tumor habang pinananatiling ligtas ang mga normal na tissue.
Ang ilang mga cell na may tumor ay medyo hindi tinatalaban ng radiation. Gamit ang gene therapy na pamamaraan, umaasa ang mga scientist na patayin ang mga cel na ito sa pamamagitan ng pagsisingit ng isang “suicide” gene na maaaring gawing mas sensitive ang mga tumor cell sa ilang mga gamot o ma-program na wasakin ng mga nagdudulot ng cancer ang kanilang sarili.
Ang paghaharang sa pamumuo ng mga blood vessel (angiogenesis) ay isang lubos na inaasahang tool para sa paggagamot ng iba’t ibang mga uri ng kanser. Dahil ang mga tumor sa utak ang pinaka-angiogenic sa lahat ng mga kanser, ang paghahadlang sa kanilang supply ng dugo ay marahil na magpatunay na lubos na mabisa ito.
Ang gamma knife ay isang mas bagong tool na nagbibigay ng sobrang eksaktong nakatuon na beam ng radiation therapy energy na naghahatid ng isahang dosis ng radiation sa target. Ang gamma knife ay hindi nangangailangan ng hiwa para maoperahan. Natuklasan ng mga doktor na nakakatulong ito sa kanilang maabot at magamot ang ilang maliliit na tumor na hindi ma-access sa pamamagitan ng pag-opera.
Kahit na ang karamihang mga primary tumor ng spinal cord ay hindi nakakamatay, maaaring magdulot ito ng malaking kapansanan. Ang layunin ng rehabilitasyon ay kinabibilangan ng pagpapahusay sa pagkilos, pag-aalaga sa sarili, at pamamahala sa pananakit.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa spinal tumors o may tiyak na tanong, ang aming mga information specialist ay available tuwing may araw ng trabaho o pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet sa pamamahala ng pantog na may karagdagang mga mapagkukunan impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga estadong mapagkukunan ng impormasyon at tulong hanggang sa sekundaryong komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuportang grupo at organisasyon, kabilang ang:
- The American Brain Tumor Association (ABTA) na sumusuporta sa medikal na pagsasaliksik at nag-aalok ng impormasyon at suporta para sa mga taong may mga tumor at kanilang pamilya.
- National Brain Tumor Society na pinopunduhan ang pananaliksik upang makahanap ng paggamot at mapabuti ang pangangalaga sa klinikal para sa utak at mga tumor sa spinal cord. Nag-aalok ito ng impormasyon at pag-access sa kalidad ng buhay at suporta sa psychosocial.
- Musella Foundation for Brain Tumor Research na nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay at mga oras ng kaligtasan para sa mga nakaligtas sa tumor sa utak. Ang Foundation ay may impormasyon sa mga klinikal na pagsubok, mga kinalabasan sa paggamot.
- Making Headway Foundation nag-aalok ng mga serbisyo at pinopundohan ang pagsasaliksik para sa mga batang may mga tumor sa utak at spinal cord.
- National Cancer Institute na bahagi ng National Institutes of Health at Department of Health and Human Services, na may taunang badyet sa pananaliksik na humigit-kumulang na $5 bilyon, ang nangungunang ahensya ng Estados Unidos na labanan ang lahat ng uri ng kanser. May kasamang mga mapagkukunanng impormasyon at tulong sa mga kanser sa utak at spinal cord.
- Spinal Cord Tumor Association, Inc. na sumusuporta sa mga nakaligtas sa tumor at kanilang mga pamilya.