Make twice the difference, give now!

Connect

Stroke

Ano ang stroke?

Kapag may nangyari sa pagdaloy ng dugo sa central nervous system, nagagaganap ang cerebral vascular accident (CVA) o stroke. Ang CVA ay mas madalas na nangyayari sa utak, ngunit maaari rin itong mangyari sa spinal cord, bagama’t bihirang-bihira na mangyari ito. Ang stroke ay nagaganap kapag may pagbabagong nangyayari sa pagdaloy ng dugo sa central nervous system (CNS) sanhi ng pinsala sa blood vessels o daluyan ng dugo, pagputok ng ugat o kaya naman ay ibang sanhi na pumipigil sa pagdaloy ng dugo katulad ng clot o pamumuo ng dugo o emboli (piraso ng taba o iba pang bagay o kaya naman ay bula sa hangin.) Ang pagbagal ng pagdaloy ng dugo sa CNS ay maaari ring maging sanhi ng stroke.

Kung ang dugo ng isang tao ay hindi dumadaloy papunta sa puso, masasabing siya ay nakakaranas ng atake sa puso. Ang prosesong ito ay maaari ring mangyari sa central nervous system – sa spinal cord, sa utak o magkasabay na mangyari sa dalawang ito. Kung ang dugo ng isang tao ay hindi dumadaloy sa spine o utak o kapag bigla siyang nagkaroon ng pagdurugo sa spine o utak, masasabing nakakaranas ng “atake sa gulugod” o “atake sa puso.”

May dalawang pangunahing uri ng stroke:

  • Ang ischemic stroke ay nagaganap kapag may pagbabarang (clot o namuong dugo o emboli) nangyayari sa dalyun ng ugat na nagdadala ng dugo sa utak o sa spinal cord. Ang pagbabarang ito ay kadalasang sanhi ng plaque o pamumuo sa daluyan ng dugo na natanggal at nakaabot sa CNS. Ang clot (namuong dugo) o emboli ay karaniwang nagsisimula sa puso, malaking ugat sa puso o malalaking ugat sa leeg at nakakarating sa CNS kung saan kadalasan, hindi ito makadaan dito dahil sa maliliit na daluyang ng dugo o ugat nito. Dahil dito, tumitigil ang pagdaloy ng dugo sa mga apektadong bahagi ng spinal cord o utak na siyang nagiging dahilan ng stroke. Ang ischemic stroke na hindi alam ang sanhi ay tinatawag na cryptogenic stroke.
    • Ang trans ischemic attack (TIA), na tinatawag din minsan na maliit na stroke, ay isang uri ng ischemic stroke na gumagaling sa loob ng 24 oras. Ang TIA ay isang palatandaan na maaaring masundan ito ng stroke. Maaari itong magsilbing babala ng pagkakaroon ng stroke.
  • Ang hemorrhagic stroke ay sanhi ng pagputok ng ugat at pagdurugo nito sa paligid ng utak o spinal cord. Ang dahilan ng uri ng stroke na ito ay alta presyon (high blood pressure), aneurism, arteriovenous malformation (AVM) o pagdudugong uri ng sakit.
    • Ang arteriovenous malformation ay ang pagdurugo na nagaganap sa lugar kung saan nagsasalubong ang arterya at ugat. Ang alignment o pagkakahanay ng arterya na nagdudugtong dito sa isang ugat ay hindi tama. Ito ay maaaring mangyari sa anumang bahagi ng katawan ngunit mas malaki ang pinsala na naidudulot nito kapag nangyari ito sa CNS (utak o spinal cord). Ang AVM ay buo na sa katawan sa pagkapanganak pa lamang. Ang karamihan sa mga ito ay hindi napapansin at hindi nagiging problema maliban lang kung puputok ito.

Kapag nangyari ang CVA, tumitigil na gagana ang mga nerve cell sa apektadong lugar ng CNS dahil sa kawalan ng oxygen. Ang mga tissue sa paligid nito ay maaari ring maapektuhan dahil sa paglaki ng pamamagang nangyayari sa apektadong lugar. Ang spinal cord at utak ay nasa loob ng matitigas na buto kaya kakaunti ang espasyo nito kung may pamamagang mangyayari dito. Dahil dito, naiipit ang malambot na nerve tissue dahil sa presyun sa loob ng CNS.

Ang spinal cord CVA ay magdudulot ng kumpleto (-plegia) o bahagyang (-paresis) pagka-paralisado sa kanan at kaliwang bahagi ng katawan depende sa level ng pinsala sa spinal cord. Sa tetraplegia o tetraparesis (quadriplegia o paralysis), naaapektuhan ang katawan at ang apat na limb (kamay/braso at paa/binti) nito. Ang babang bahagi ng katawan ang naaapektuhan sa paraplegia o paraparesis. Maaaring kasama sa epekto ng stroke sa spinal cord ang pagbabago sa paggalaw at paggana nito. Ang mga gamot na sumisira sa mga pamumuo ay mukhang hindi epektibo sa paggamot ng stroke sa spinal cord.

Sa CVA sa utak, maaaring maapektuhan ang buong katawan, kasama na dito ang paralysis o paresis (partial na paralysis), cognitive deficit o problema sa pag-iisip at problema sa memorya, problema sa pagsasalita at paningin, problema sa emosyon, hirap sa pagsasagawa ng pang-araw-araw na gawain, at pain o pananakit. Ang paralysis ay karaniwang epekto ng stroke, at kadalasang nangyayari ito sa isang gilid ng katawan (hemiplegia). Maaaring maging paralisado lang ang mukha, isang braso o binti/hita, ngunit sa kadalasan, buong gilid ng katawan at mukha ang naaapektuhan. Ang taong nagkaroon ng stroke sa kaliwang hemisphere (gilid) ng utak ay magkakaroon ng paralysis o paresis sa kanang bahagi ng katawan niya. Gayundin, ang taong nagkaroon ng stroke sa kanang hemisphere (gilid) ay magkakaroon ng problema sa kaliwang bahagi ng katawan niya.

Ang brainstem (ang bahaging nagkokonekta sa spinal cord at utak) CVA ay mas kakaiba dahil ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng vertigo at pagkahilo kasabay ang malubhang problema sa pagbalanse. Maaari ring magkaroon ng dobleng paningin, hindi tuwid na pagsasalita at mas mababang level ng kamalayan. Ang stroke sa brainstem ay kadalasang nahahawig sa ibang neurological na sakit. Kailangang isagawa nang maaga ang diagnosis upang maging maagap ang paggagamot nito.

Mga panganib o kadahilanan ng peligro at sintomas

Ang mga panganib sa pagkakaroon ng stroke ay nahahati sa mga bagay na maaari mong makontrol o hindi makontrol. Kung may mga kadahilanan ng peligro ka na hindi mo maaaring makontrol, gawin ang lahat ng makakaya mo upang kontrolin ang mga ito na pwedeng makontrol upang mapababa ang panganib na magkaroon ka nito.

Ang mga kadahilanan ng peligro na hindi pwedeng kontrolin ay mga bagay na namamana at ilang mga kasalukuyang konsiyon. Kabilang dito ang edad, kasarian, genetics at history ng pagkakaroon ng TIA, stroke, o atake sa puso. Ang lahat ng tao, anuman ang edad nila, bagong panganak man o matanda na, ay maaaring magkaroon ng stroke, ngunit habang tumatanda ka, mas tumataas ang posibilidad na magkaroon ka ng stroke sanhi ng mga pagbabago sa katawan mo katulad ng pagkawala ng pagkaka-banat ng arterya (atherosclerosis). Mas mataas rin ang panganib ng mga babae na magkaroon ng stroke dahil sa mas mahaba ang buhay nila kaysa sa mga lalaki. Ang pagsisimula ng stroke sa mga babae ay maaaring maganap kapag matanda na sila. Tumataas din ang panganib ng pagkakaroon ng stroke sanhi ng kumplikasyon sa panganganak, hormone para sa pang kontrol para hindi magka-anak at pagkatapos ng hindi na pagre-regla. Kasama naman sa genetics ang pagkakaroon sa pamilya ng stroke o genetic na sakit na nakakapagpataas ng panganib ng pagkakaroon ng stroke. Ang taong nagkaroon ng problema sa utak katulad ng TIA o stroke ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ulit nito.

Maraming mga kadahilanan na pwede mong makontrol upang mapababa ang posibilidad ng pagkakaroon ng stroke. Malaking-malaki ang maibababa ng panganib na magkaroon ng stroke kung kokontrolin mo ang mga sakit na nagpapataas ng peligrong ito. Ang mga sakit na ito ay kinabibilangan ng altapresyon, diabetes, pagiging mataba, mataas na kolisterol, carotid artery disease, peripheral vascular disease, atrial fibrillation at iba pang problema sa puso, at sickle cell disease. Ang karamihan sa mga kadahilanan na peligro na ito ay maaaring kontrolin sa pamamagitan ng tamang pagkain at pag-inom ng gamot na inireseta ng doktor. Maging ang mga gawain mo sa buhay ay makatutulong upang mapababa ang peligrong ito. Malaki ang naitutulong ng pagtigil sa paninigarilyo, pag-inom at paggamit ng droga, upang mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng stroke.

Kung meron kang spinal cord stroke o iba pang spinal cord na pinsala, ang kumplikasyon nito na Autonomic Dysreflexia (AD) ay nakakapagpataas ng panganib na magkaroon ka ng stroke sa utak. Ang AD ay isang medikal na emerhensiya kung saan lubhang tumataas ang presyon ng dugo kumpara sa normal na presyon ng dugo ng tao. Sa paglipas ng panahon, magiging normal para sa taong may spinal cord na pinsala ang pagkakaroon ng mababang presyon ng dugo. Ang pagtaas nito sa normal saklaw ay maaaring magpahiwatig ng pagkakaroon ng alta-presyon para sa nasabing tao. Ang karagdagang impormasyon ukol sa autonomic dysreflexia ay matatagpuan dito.

May ilang mga medikal procedure na nagdadala ng risk o panganib ng pagkakaroon ng stroke sa spinal cord o utak, katulad ng bypass na operasyon para sa puso, open abdominal aortic aneurism, operasyon sa spinal cord, o pagtatanggal ng clot o namuong dugo sa spinal arteries. Tumataas ang panganib ng pagkakaroon ng stroke kung isasa-ilalim ang isang tao sa anumang operasyon, pagsusuri o procedure na maaaring maging dahilan ng pamumuo ng dugo (clot) o kaya naman ay kapag na-dislodge o natanggal ito sa kinaroroonan nito.

Mga Sintomas ng Stroke

Stroke sa Spine

Ang mga sintomas ng stroke sa spinal cord ay hindi malinaw. Ang mga palantandaan ng stroke sa spinal cord ay maaaring mapagkamalang sintomas ng ibang sakit. Maaaring makita ang anuman o lahat ng mga sintomas nito. Ang mga sintomas ng stroke sa spinal cord ay ang mga sumusunod:

  • biglang-bigla at matinding pananakit sa leeg o sa likod
  • panghihina ng kalamnan ng binti/hita
  • problema sa pagpigil ng dumi at ihi (incontinence)
  • pagkakaroon ng pakiramdam na parang hinihigpitan ang torso o itaas na bahagi ng katawan
  • pamumulikat
  • pamamanhid
  • pakiramdam na parang tinuturok ng malilit na karayom ang katawan (tingling sensation)
  • pagiging paralisado
  • hindi makaramdam ng init o lamig

Hindi madaling mapansin ang pagkakaroon ng stroke sa spine. Maaaring magkaroon ka ng isang sintomas, o kumbinasyon ng mga ito o lahat ng nasabing sintomas. Mahalaga na tumawag sa 911 kung may makikita kang sintomas ng stroke sa spinal cord.

Stroke sa Utak

Ang mga sintomas ng stroke sa utak ay ang mga sumusunod:

F-FACIAL-drooping o paglaylay ng mukha na maaaring mapansin sa isang buong side ng mukha o kaya naman ay sa mata o bibig lang

A-ARMS-maaaring hindi magawang itaas nang maayos ang isang braso kumpara sa kabilang braso o kaya naman ang isang braso niya ay lumalaylay

S-SPEECH-maaaring hindi tuwid ang pagsasalita o kaya naman ay kakaiba ang pagsasalita ng tao at gumagamit siya ng kakaibang salita o tunog

T-TIME – ang oras ay napakahalaga dahil kailangang paggagamot para ma agapan, tawagan ang 911

Maaaring magkaroon ka ng isa sa mga sintomas na ito, o ilan sa mga ito o kaya naman ay lahat ng mga ito. Maaaring hindi mo namamalayan na nakakaranas ka na pala ng stroke. Posible na ibang tao ang makapansin ng mga sintomas na ito. Siguradurin na matandaan mo kung kailan nagsimula ang mga sintomas. Isulat ang pagsisimula: XX:XX umaga o hapon’ sa iyong katawan kung sakaling lumala ang stroke at hindi mo na matandaan o hindi ka na makapagsalita kapag dumating ang tauhan sa pang-emerhinsiya. Lubhang napakahalaga nito sa paggagamot.

Epekto ng Stroke

Ang epekto ng stroke ay depende sa lugar kung saan ito nangyari sa spinal cord o utak.

Spinal cord

Ang stroke sa spinal cord ay nagiging sanhi ng kumpleto o partial na paralysis paibaba sa level kung saan nangyari ang stroke, problema sa pagdumi at pag-ihi, problema sa pakikipagtalik, problema sa paggalaw at pakiramdam. Ang resulta nito ay pagkakaroon ng tetraplegia (quadriplegia), paraplegia (paralysis), o pagkakaroon ng isa sa mga spinal cord syndrome. Ang kakayahan ng indibidwal ay depende rin sa lugar kung saan nangyari ang stroke sa spine.

Pagkatapos magkaroon ng stroke sa spinal cord, may mga ilan na nakakaranas ng pananakit, kakaibang pamamanhid, o kakaibang pakiramdam. Ito ay maaaring dahilan ng iba’t ibang sanhi kabilang na ang pagkakaroon ng pinsala sa spine na maaaring maging dahilan ng pagkakaputol ng komunikasyon ng mga mensahe sa katawan mula sa utak. Sa stroke sa spinal cord, napuputol ang komunikasyong ito sa level kung saan naganap ang stroke sa spinal cord.

Ang stroke sa the spinal cord ay maaaring maging sanhi ng depresyon dahil sa mga problemang dala ng pangmatagalang sakit na ito. Mahirap tanggapin ang pagkawala ng pisikal at mental na paggana ng katawan. Lumalala pa ang problema dahil sa pagbabago ng paraan sa pamumuhay ng pasyente at mga isyu sa pamilya.

Utak

Ang Left Brain Stroke o Stroke sa kaliwang utak ay maaaring magdulot ng kumpleto o partial na pagkaparalisado ng kanang bahagi ng katawan. Maaaring magkaroon din ang indibidwal ng problema na maunawaan ang pagsasalita niya o pagbigkas ng mga salita, hirap sa paghanap ng salita o kaya naman ay gumagamit siya ng mga kakaibang salita o tunog. Kadalasang maingat ang pag-uugali o pagkilos niya o kaya naman ay nahihiya. Maaari rin siyang mawalan ng memorya.

Sa Right Brain Stroke o Stroke sa kanang utak naman, nagkakaroon ng kumpleto o partial na pagkaparalisado ng kaliwang bahagi ng katawan. Kadalasan, meron din itong kasamang problema sa paningin, nagkakaroon ng mabilis at padalos-dalos na pagkilos at pag-iisip. Maaari rin siyang mawalan ng memorya.

Sa stroke sa kaliwa o kanang bahagi ng utak, maaaring magkaroon ng napuputol ang nakikita sa paligid na tinatawag na hemianopsia. Ang pasyente ay hindi nabubulag pero ang lawak ng paningin ng dalawang mata niya ay mas lumiliit. Dahil dito, wala siyang paningin sa isang banda ng katawan niya. Ang bahagi kung saan nagkakaroon ng napuputol ang nakikita sa paligid ay siya ring bahagi kung saan may paralysis ang katawan. Hindi napapansin ng pasyente na may nawawalang paningin sa parte na naapektuhan ng visual field cut. Ang hindi pagpansin dito ay maaaring maging sanhi ng pinsala sa bahaging hindi niya napapansin at maaaring umabot sa pagkakataon na hindi na nila nakikilala ang bahaging ito bilang parte ng katawan nila.

Brainstem

Ang mga sintomas ng stroke sa brainstem ay kinabibilangan ng vertigo, pagkahilo na may kasamang walang balanse. Ang kakayahang gumana ay magkakaiba na maaaring magdulot ng locked in syndrome kung saan nauunawaan ng pasyente ang nangyayari ngunit hindi siya makagalaw o makapagsalita. Maaari rin siyang mawalan ng memorya.

Maaaring maapektuha ng stroke ang iyong pag-iisip. Depende sa lugar kung saan nangyari ng stroke, maaaring magkaroon ka ng problema sa memorya, nagiging padalus-dalos ka, madaling mairita o kaya’y nalilito. May mga tao rin na tumatawa at umiiyak nang walang dahilan.

Paggagamot at Pagpapagaling

Ang tamang pagtugon sa stroke ay ang ituring itong isang emerhinsiya. Tawagan ang 911. Huwag kang mag maneho o magpadala sa ibang tao sa ospital. Maaaring masimulan ng kawani sa emerhinsiya ang proseso ng paggaling. Sa bawat minutong nawawala – mula sa pagsisimula ng mga sintomas hanggang sa pag-tawag sa emergency number – nababawasan rin ang sapat na oras para maisagawa ang paggagamot.

Kailangang isagawa ang mga paraan upang mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng stroke sa spine at utak. Kasama dito ang tatlong pangunahing paraan sa pag-iwas dito: dyeta, pag-eehersisyo, pagtigil sa paninigarilyo. Kailangang baguhin din ang iba pang nagdudulot ng peligro na maaari mong kontrolin. Maaari ring makatulong ang pag-inom ng gamot upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng stroke. Alinsunod sa reseta ng doktor mo, kailangan mong uminom ng gamot upang mapababa ang cholesterol, gamot na pampa labnaw ng dugo at antiplatelet.

Ang ischemic stroke ay ginagamot sa pamamagitan ng pagtanggal ng pagbabara at pagpapanumbalik ng daloy ng dugo papunta sa utak. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsira sa pagbabara gamit ang gamot na tissue plasminogen activator (t-PA). Maaaring mawala ang ischemic stroke kung maibibigay ang gamot sa loob ng 6 na oras mula nang magsimula ang mga sintomas. Kung mas maagang maibibigay ang gamot, mas mainam ang resulta nito. Ang mga espisyal na ospital na tinatawag na Stroke Centers, ay may mga streamlined na pagsusuri kaya ang t-PA ay naibibigay nang mas maaga. Kailangang malaman mo, o ng ibang tao, kung anong oras nagsimula ang mga sintomas, upang matanggap mo ang gamot na ito.

Bago ang hemorrhagic stroke, susubukan ng mga doktor na maiwasan ang pagputok at pagdurugo ng mga aneurysm at arteriovenous malformation. Kung hindi puputok ang vessel, maaaring maglagay ng “kulungan” sa paligid ng vessel upang magbigay suporta sa parteng ito na mas humina na o kaya naman, maaaring “i-clip” ang vessel na sumulpot palabas at tanggalin ito. Kung pumutok na ang vessel, maaaring isagawa ang operasyon upang tanggalin ang labis na dugo sa lugar kung saan ito pumutok, o kaya naman ay imo-monitor ang parteng ito habang natural na ina-absorb ng katawan ang sobrang dugo.

Samantala, patuloy ang pag-develp ng iba pang neuroprotective na gamot upang maiwasan ang mga magkakasunod na pinsala na dulot ng unang stroke. Sa pamamagitan ng pagtanggal ng plaque at namuong dugo sa karotid arteries sa pamamagitan ng operasyon na tinatawag na karotid endarterectomy, kung saan naglalagay ng mga stent sa mga kaugatan ng leeg at utak kasabay ng pagbibigay ng mga gamot na pampa labnaw ng dugo, nababawasan ang panganib ng pagkakaroon ng stroke, lalo na ang pagkakaroon ng pangalawang stroke.

Ayon sa mga pangkalahatang alituntunin sa pagpapa-galing:

  • ang 10 porsyento ng mga nakaligtas ng stroke ng halog kompletong gumagaling.
  • ang 25 persyento ay gumagaling nang may bahagyang problema
  • ang 40 porsyento ay nakakaranas ng katam-taman hanggang sa grabe na kapansanan o problema at nangangailangan ng hindi pangkaraniwang pag-aalaga
  • ang 10 porsyento ay nangangailangan ng nursing home o pangmatagalang pangangalaga
  • ang 15 porsyento ay namamatay ilang araw o linggo pagkatapos ng stroke

Rehabilitasyon

Ang rehabilitasyon ay sinisimulan agad-agad pagkatapos ng stroke sa spine o utak at dapat itong ipagpatuloy hangga’t kailangan pagkatapos na mailabas sa ospital ang pasyente. Maaaring kasama sa mga pagpipilian sa rehabilitasyon ang rehab unit ng ospital, subacute care unit, rehab hospital, home therapy, outpatient care, o pangmatagalang pangangalaga sa nursing facility. Ang kakayahan mo na makapagsagawa ng therapy ang magiging basehan ng level ng pangangalaga na angkop para sa iyong rehabilitasyon. Tutulungan ka ng iyong doktor, case manager o social worker sa acute care facility upang malaman ang level ng pangangalaga na angkop para sayo.

Ang layunin ng rehabilitasyon ay ang mapabuti ang paggana ng pasyente upang maging independente siya o nakakagawa siyang mag-isa, hangga’t maaari. Kailangang maisagawa ito nang iniingatan ang dignidad ng pasyente samantalang hinihimok siya na matutunan muli ang mga pangunahing gawain katulad ng pagkain, pagbibihis at paglalakad. Sa pamamagitan ng rehabilitasyon, lumalakas ang katawan ng pasyente, pati na rin ang kanyang kakayahan at tiwala sa sarili na tumutulong sa kanya upang patuloy niyang maisagawa ang mga pang-araw-araw na gawain niya sa kabila ng mga epektong dala ng stroke.

Kabilang sa mga gawaing ito ang:

  • Pangangalaga sa sarili katulad ng pagkain, pag-aayos ng katawan, paliligo at pagbibihis
  • Pagkilos katulad ng paglipat sa ibang pwesto o lugar, paglalakad, o paggalaw gamit ang wheelchair
  • Komunikasyon; pag-iisip katulad ng memorya o problem-solving skill
  • Pakikisalamuha sa ibang tao
  • Constraint Induced Therapy
  • Functional Electrical Stimulation
  • Partial Weight Supported Walking (Paglalakad nang may suporta)
  • Ehersisyo upang maisagawa ang mga gawain
  • Aquatic Therapy
  • Music Therapy

Pagkatapos magkaroon ng stroke, nagiging lubhang mahirap o imposible para sa mga pasyente na gawin ang mga gawain sa bahay na dating napakadali para sa kanila. Maraming nakaatulong na gamit at teknik na mayroon upang matulungan ang mga pasyente na makamit muli nila ang kakayahan na gumawa nang nag-iisa nang ligtas at madali. Kadalasan, maaaring magsagawa ng mga pagbabago sa bahay upang mapangasiwaan ng pasyente ang kanyang mga personal na pangangailangan.

Ang paraan na tinatawag na constraint-induced movement-based therapy (CIT) ay nakatutulong upang mas bumuti ang mga pasyente na nawalan ng ilang kakayahan na gamitin ang braso o binti/hita. Sa therapy na ito, pinipigilan ang paggalaw ng braso o binti/hita ng pasyente na hindi apektado ng stroke upang pwersahin ang apektadong braso o binti/hita na gumalaw. Sa CIT, pinaniniwalaan na nakatutulong ito upang ma-remodel ang daanan ng mga nerve o paninigas.

Ang mga pag-unlad sa teknolohiya ay nagdadala ng mga therapy na isinasagawa kaakibat ng rehabilitasyong pangangalaga. May mga electronic device din na nagbibigay ng kakayahan sa pasyente na magsalita gamit ang isang pointer o sa pamamagitan ng paggalaw ng mata o maging paggamit ng waves ng utak, at ang mga ito ay may iba’t ibang uri na maaaring mapagpilian ayon sa mga pangangailangan ng bawat indibidwal.

May mga bago at mas advanced na therapy din na isinasama sa pisikal na programang rehabilitatsyon upang gamutin ang stroke. May mga inilalagay na electrode sa balat at ina-apply ang electrical stimulation na nagbibigay ng input sa mga apektadong nerve ng katawan. Upang maibalik ang paggana ng mga braso at binti//hita, nagbibigay ng stimulation sa mga ito ang mga makina na gumagalaw nang paulit-ulit katulad ng partial na bigat na sumusuporta sa paglalakad, ‘gloves’ na kinokopya ang paggalaw ng kamay at mga therapy para sa mga gawain. Sa mirror therapy naman, nakikita ng pasyente ang apektadong bahagi ng katawan niya upang matuto siya na makontrol ito gamit ang bahagi ng utak na apektado. Tumutulong naman ang aquatic therapy na maigalaw ang katawan sa pamamagitan ng buoyancy o paglitaw sa tubig. Sa musikang therapy, iniuugnay ang musika sa paggalaw. Maaaring mapagbuti ng lahat ng pasyente ang pagpapagaling sa stroke.

Posible na maging matagal ang paggaling sa stroke. Sa simula, mukhang napakabilis ng paggaling ng pasyente habang gumagaling ang pamamaga at trauma sa utak. Habang tumatagal, mas nagmumukhang mabagal ang pagbalik ng paggana ng katawan ngunit patuloy pa rin ang pag-recover ng pasyente. Haka-haka lang ang sinasabi na hindi sinusubukan ng central nervous system na maka-recover ito. Hindi rin totoo na hindi ka na magkakaroon ng ibang nerve cell maliban sa mga nerve cell na nabuo noong ipinanganak ka.

Ang nervous system ay may kakayahan na bumuti nang mabuti. Gusto nitong ayusin ang sarili nito at ibalik ang mga paggana nito sa pamamagitan ng proseso na tinatawag na paninigas. May mga bagong nerve cell na nabubuo habang nabubuhay ka. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga ehersisyo mo sa bahay, maaari kang bumuti, bagama’t mabagal ang pag-usad nito.

Mga Katotohan at Bilang

Ang stroke ang pang-apat na pangunahing dahilan ng pagkamatay sa bansa at ito rin ang pangunahing dahilan ng malubha at pangmatagalang kapansanan sa US. Ilang taon lang ang nakararaan, pangatlo itong sanhi ng kamatayan. Ang datos sa nakaligtas nito ay tumataas salamat sa mga kaunlaran sa paggagamot.

Tinatayang 54 sa 1 milyong tao ang tinatamaan ng stroke sa spinal stroke. Ang spinal stroke ay hindi karaniwan. Narito ang mga pangkalahatang impormasyon ukol sa stroke.

Tinatayang 6 na milyong tao na nagkaroon ng stroke ang nabubuhay ngayon.

Nasa 800,000 stroke ang nagaganap sa US taun-taon.

Ang 87% ng stroke sa utak ay ischemic. Ang 13% ng stroke sa utak ay hemorrhagic o nagdurugo.

Ang mga taong may atrial fibrillation (abnormal na tibok ng puso) ay 5 beses na mas mataas na magkaroon ng stroke.

Ang World Stroke Day ay ipinagdiriwang tuwing October 29.

Ang 80% ng stroke ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkontrol sa presyon ng dugo, kolestirol at blood sugar. Gayundin, nakatutulong rin ang pagkain ng tamang pagkain, pagbabawas ng timbang at pagiging aktibo. Itigil ang paninigarilyo. Uminom lang ng mababang dosahe ng aspirin kung ito ay inirekomenda sayo ng doktor mo. (Ang pag-inom ng aspirin kung hindi kailangan ay maaaring makapinsala sa iyong kalusugan sa ibang paraan.)

Pinagkuhanan: NIH Fact Sheet

Pananaliksik

Sa pagsulong ng pagsasaliksik, nagkaroon ng mga bagong therapy at panibagong pag-asa para sa mga tao na may panganib na magkaroon ng stroke o kaya naman ay nagkaroon na ng stroke. Libu-libo na ang mga pagsasaliksik na pag-aaral na isinasagawa sa iba’t ibang aspeto ng stroke. Patuloy ang pagsasagawa ng pag-aaral sa pag-iwas sa stroke, pagkontrol ng mga nagdudulot ng peligro at paggagamot nito.

Maging ang mga sanhi na hindi maaaring makontrol ay patuloy na pinag-aaralan sa laboratoryo. Kasalukuyang isinasagawa ang genetic therapy upang mabago ang mga sanhi na ito. Isa sa mga hindi pangkaraniwang paraan ay ang pagpapabagal ng pagdaloy ng dugo sa utak katulad ng nangyayari sa mga hayop na nagha-hibernate o natutulog tuwing tag-nyebe. Ang isa pa ay ang paggamit ng hypothermia o matinding pagpapalamig sa katawan upang mabawasan ang pangangailangan nito sa pagdaloy ng dugo. Sa kabilang bahagi naman ng mga pag-aaral na ito, inaaral ang pagpapabilis ng pagdaloy ng dugo sa utak sa pamamagitan ng transcranial stimulation gamit ang isang external device na nagpapabilis ng pagdaloy ng dugo sa mga bahagi ng utak o spinal cord na naapektuhan ng stroke.

Kapag nangyari ang stroke, may mga selula sa spine na namamatay agad-agad; ang iba naman ay nananatiling nasa panganib sa loob ng maraming oras o maging araw dahil sa patuloy ang pag-usad ng pinsalang nagaganap dito. Ang ilang mga napinsalang selula ay maaaring mailigtas kung maaagapan itong gamutin gamit ang neuroprotective na mga gamot. Ang mga gamot na ito na may iba’t ibang gawain ay nasasa-ilalim sa mga kinikal na pagsusubok.

Kasalukuyang isinasagawa ang mga klinikal na pagsusubok dito. Ang mga pananaliksik na pag-aaral na ito ay isinasagawa sa mga tao. Napatunayan na ang paggamit ng mga stent sa mga karotid arteries (katulad ng sa puso) ay kasing epektibo ng operasyon. Ang paggagamot sa pamamagitan ng pag-inom ng aspirin na meron o walang antiplatelet na gamot ay kasalukuyang pinag-aaralan upang mabawasan ang panganib na magkaroon ng pangalawang stroke. May iba pang gamot mo pinag-aaralan na kumokontrol sa albumin at glucose.

Pinag-aaralan din ang stem cells bilang isang posibleng gamutan dito, at inaaral din ito maging sa ibang mga sakit. Ang mga pag-aaral na ito ay nasa panimulang bahagi pa lang. Sa kasalukuyan, wala pang gamot para sa stroke gamit ang stem cells.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon, suporta para sa pangangasiwa ng stroke

kung naghahanap ka para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga stroke o may isang tukoy na katanungan, ang aming information specialists ay magagamit sa araw ng may pasok or trabaho, Lunes hanggang Biyernes, walang bayad sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang sheet ng katotohanan sa kung paano suportahan ang mga indibidwal na naninirahan sa isang stroke na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis. Hinihikayat ka namin na maabot ang mga pangkat ng suporta sa stroke at mga samahan, kasama na ang:

Tiyaking suriin sa mga pambansang organisasyon sa itaas ang mga kabanata at mapagkukunan sa iyong lokal na komunidad.

KARAGDAGANG PAGBABASA

Seksyon para sa Mga Sintomas ng Stroke—Spine:

Hill VA, Towfighi A. Modifiable Risk Factors for Stroke and Strategies for Stroke Prevention. Semin Neurol. 2017 Jun;37(3):237-258. doi: 10.1055/s-0037-1603685. Epub 2017 Jul 31.

Alloubani A, Saleh A, Abdelhafiz I. Hypertension and diabetes mellitus as a predictive risk factors for stroke. Diabetes Metab Syndr. 2018 Jul;12(4):577-584. doi: 0.1016/j.dsx.2018.03.009. Epub 2018 Mar 19.

Seksyon para sa Epekto ng Stroke:

Hankey GJ. Stroke. Lancet. 2017 Feb 11;389(10069):641-654. doi: 10.1016/S0140-6736(16)30962-X. Epub 2016 Sep 13.

Frolov A, Feuerstein J, Subramanian PS. Homonymous Hemianopia and Vision Restoration Therapy. Homonymous Hemianopia and Vision Restoration Therapy. Neurol Clin. 2017 Feb;35(1):29-43. doi: 10.1016/j.ncl.2016.08.010.

Bartolomeo P, Thiebaut de Schotten M. Let thy left brain know what thy right brain doeth: Inter-hemispheric compensation of functional deficits after brain damage. Neuropsychologia. 2016 Dec;93(Pt B):407-412. doi: 10.1016/j.neuropsychologia.2016.06.016. Epub 2016 Jun 14.

Seksyon para sa Gamutan at Pagpapagaling:

Siegel J, Pizzi MA, Brent Peel J, Alejos D, Mbabuike N, Brown BL, Hodge D, David Freeman W. Update on Neurocritical Care of Stroke. Curr Cardiol Rep. 2017 Aug;19(8):67. doi: 10.1007/s11886-017-0881-7

Hadidi NN, Huna Wagner RL, Lindquist R. Nonpharmacological Treatments for Post-Stroke Depression: An Integrative Review of the Literature. Res Gerontol Nurs. 2017 Jul 1;10(4):182-195. doi: 10.3928/19404921-20170524-02. Epub 2017 May 30

Rehabilitasyon:

Ware R, Moore M. Validity of measures of neurological status used for predicting functional independence in adults after a cerebrovascular accident: a systematic review protocol. JBI Database System Rev Implement Rep. 2017 Mar;15(3):603-606. doi: 10.11124/JBISRIR-2016-002978.

Pin-Barre C, Laurin J. Physical Exercise as a Diagnostic, Rehabilitation, and Preventive Tool: Influence on Neuroplasticity and Motor Recovery after Stroke. Neural Plast. 2015;2015:608581. doi: 10.1155/2015/608581. Epub 2015 Nov 23. Review.

Hara Y. Brain plasticity and rehabilitation in stroke patients. J Nippon Med Sch. 2015;82(1):4-13. doi: 10.1272/jnms.82.4. Review.

Seksyon para sa Katutuhan at bilang:

Thrift AG, Thayabaranathan T, Howard G, Howard VJ, Rothwell PM, Feigin VL, Norrving B, Donnan GA, Cadilhac DA. Global stroke statistics. Int J Stroke. 2017 Jan;12(1):13-32. doi: 10.1177/1747493016676285.

Seksyon para sa Pananaliksik:

Hu X, Tong KY, Li R, Chen M, Xue JJ, Ho SK, Chen PN. Combined functional electrical stimulation (FES) and robotic system for wrist rehabiliation after stroke. Stud Health Technol Inform. 2010;154:223-8.

Russo MJ, Prodan V, Meda NN, Carcavallo L, Muracioli A, Sabe L, Bonamico L, Allegri RF, Olmos L. High-technology augmentative communication for adults with post-stroke aphasia: a systematic review. Expert Rev Med Devices. 2017 May;14(5):355-370. doi: 10.1080/17434440.2017.1324291. Epub 2017 May 9.

Hoermann S, Ferreira Dos Santos L, Morkisch N, Jettkowski K, Sillis M, Devan H, Kanagasabai PS, Schmidt H, Krüger J, Dohle C, Regenbrecht H, Hale L, Cutfield NJ. Computerised mirror therapy with Augmented Reflection Technology for early stroke rehabilitation: clinical feasibility and integration as an adjunct therapy. Disabil Rehabil. 2017 Jul;39(15):1503-1514. doi: 10.1080/09638288.2017.1291765. Epub 2017 Mar 3.

Bertani R, Melegari C, De Cola MC, Bramanti A, Bramanti P, Calabrò RS. Effects of robot-assisted upper limb rehabilitation in stroke patients: a systematic review with meta-analysis. Neurol Sci. 2017 Sep;38(9):1561-1569. doi: 10.1007/s10072-017-2995-5. Epub 2017 May 24.