Malawakang pananaw sa mga pagpipilian sa insurance
Medicare vs. Medicaid
Kwalipikado ka sa saklaw sa pangangalagang pangkalusugan ng Medicare kung ikaw o ang iyong asawa ay nagtrabaho at nagbayad ng mga buwis nang hindi bababa sa 10 taon, kung hindi ka bababa sa 65 taon, at isang mamamayan o permanenteng naninirahan ng Amerika. Baka maging kwalipikado ka rin kung ikaw ay mas bata ngunit may kapansanan.
Mahalagang tandaan na ang Medicare ay iba sa Medicaid, na magkatuwang na programa ng pederal na pamahalaan at ng estado na tumutulong sa mga medikal na gastusin para sa ilang taong mababa ang kita at limitado ang mga mapagkukunan.
Ang Medicaid ang natatanging pambansang programa na nagbabayad para sa lahat ng serbisyong nagbibigay-daan sa maraming indibidwal na may mga kapansanan na makapamuhay sa sarili nilang mga tahanan at komunidad. Ngunit, sa karamihan ng mga estado, 70 porsiyento o mahigit sa kanilang pondo para sa Medicaid ay nagagastos para sa mga nursing home
Mga uri ng patakaran, kwalipikasyon, at gastos
Malawak ang mga panuntunan ng Medicaid upang matukoy ang kita at mga mapagkukunan ng isang indibidwal. At, dahil hindi ito binubuo ng magkakaparehong programa ng pederal na pamahalaan na gaya ng Medicare, ang coverage at kwalipikasyon ng Medicaid ay iba-iba kada estado.
Dahil sa pagsisikap na mahikayat ang mas maraming estado na magbigay ng Medicaid sa mga nagtatrabahong indibidwal na may kapansanan, pinahintulutan ng Kongreso ang mga estado na palawakin ang kanilang programa sa Medicaid sa pamamagitan ng Medicaid “buy-in.” Pinapayagan ng karamihan sa mga estado ang mga waiver (pagpapaubaya) para sa ilang mga paghihigpit sa kwalipikasyon.
Ang mga patakaran ng Medigap ay karagdagang mga patakaran sa insurance ng Medicare na ibinebenta ng mga pribadong kompanya sa insurance upang “mapunan” ang saklaw ng Original Medicare Plan, gaya ng mga sariling gastos para sa Medicare coinsurance at mga mababawas na halaga o mga serbisyong hindi saklaw ng Medicare. Maaaring mabawasan ng mga patakarang ito ang mga sariling gastos kung ang mga ginastos na iyon ay lampas sa mga buwanang premium ng Medigap.
Ang Medicare Part A (insurance sa ospital) ay magagamit kapag ikaw ay naging 65. Hindi mo na kailangang magbayad ng mga premium kung nakakatanggap ka na ng mga benepisyo sa pagreretiro mula sa Social Security o sa Railroad Retirement Board at kayo ng iyong asawa ay nakapagtrabaho sa pamahalaan na saklaw ng Medicare.
Awtomatikong nakukuha ng karamihan sa mga tao ang Part A kapag naging 65 na sila. Kung ikaw (o ang iyong asawa) ay hindi nagbayad ng mga buwis para sa Medicare nung kayo ay nagtatrabaho pa at 65 ka na o mas matanda, maaari ka pa ring makabili ng Part A. Kung hindi ka pa 65, maaari kang makakuha ng Part A nang hindi na kailangang magbayad ng mga premium o bayarin buwan-buwan pagkatapos matanggap ang Social Security o mga benepisyo sa pagkabalda ng Railroad Retirement Board sa loob ng 24 na buwan.
Ang Medicare Part B (medikal na insurance) ay isang pagpipilian na tumutulong sa pagbabayad ng mga doktor at mga kaugnay na serbisyo, sa outpatient na pangangalaga sa ospital, at sa ilang bagay na hindi saklaw ng Part A gaya ng physical at occupational therapy at pangangalaga sa bahay kapag kailangang-kailangan.
Ang premium ng Part B ay $105 kada buwan. Ang halagang ito ay maaaring mas mataas para sa mga hindi pumili sa Part B noong una silang naging kwalipikado noong edad 65. Ang halaga ng Part B ay maaaring tumaas ng 10 porsiyento sa bawat 12 buwang panahon na makukuha mo sana ang Part B ngunit hindi ka nakapagpalista para dito, maliban sa mga natatanging sitwasyon.
Ano ang saklaw?
Mahalagang malaman na hindi sina-saklaw ng Medicare ang lahat, at hindi binabayaran ang kabuaang gastos para sa karamihan sa mga serbisyo o suplay na kasama. Makipag-usap sa iyong doktor upang matiyak na nakukuha mo ang serbisyo o suplay na pinaka-nakakatugon sa iyong mga pangkalusugang pangangailangan.
Kadalasang binabayaran ng Original Medicare Plan ang 80 porsiyento ng naaprubahang halaga para sa ilang naaprubahang bilang ng mga medikal na kagamitan. Itanong sa iyong supplier: “Tumatanggap ba kayo ng assignment?” Makakatipid ka ng pera dito.
Binabayaran ng Medicare ang ilang gastusin sa pangangalaga sa bahay. May makukuhang mga benepisyo kapag natugunan ng mga tao ang apat na kondisyon:
- Sinabi ng kanilang doktor na kailangan nila ng medikal na pangangalaga sa kanilang bahay at kapag gumawa ito ng plano para sa pangangalagang ito.
- Kailangan nila ng mahusay na pangangalaga sa pana-panahon, physical therapy, mga serbisyo sa pagsasalita at wika, o occupational therapy.
- Hindi sila makakaalis ng bahay at ang ahensya sa pangangalaga sa bahay na nag-aalaga sa kanila ay aprubado ng Medicare.
Hindi binabayaran ng Medicare ang mga sumusunod:
- 24 na oras kada araw na pangangalaga sa bahay
- Lahat ng resetang gamot
- Mga pagkaing idine-deliver sa bahay
- Mga homemaker na serbisyo gaya ng pamimili
- Paglilinis at paglalaba
- Personal na pangangalagang naidudulot ng mga katulong sa pangangalaga sa bahay na gaya ng pagpapaligo, pagbabanyo o pagbibihis kung ito lang ang kinakailangang pangangalaga
Humanap ng ahensya sa sa pangangalaga sa bahay na aprubado ng Medicare sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong doktor o discharge planner ng ospital, sa pamamagitan ng serbisyo sa referral, o paghahanap sa direktoryo sa telepono sa ilalim ng “home care” o “home healthcare.” Malaya kang makakapili ng kahit anong ahensyang makakatugon sa iyong mga medikal na pangangailangan.
Saklaw sa mga gamot (Part D)
Ang Medicare Part D ay isang programang nagbibigay ng tulong para sa mga resetang gamot. Ang benepisyo sa gamot ay hindi ibinibigay sa tradisyonal na programa ng Medicare. Sa halip, dapat mag-enroll ang mga benepisyaryo sa isa sa maraming plan ng Part D na inaalok ng mga pribadong kompanya.
Makukuha ang mga benepisyo sa gamot sa Medicare sa pamamagitan ng dalawang uri ng pribadong plan: maaaring sumali ang mga benepisyaryo sa Prescription Drug Plan (PDP) na para lang sa saklaw ng gamot o pwede silang sumali sa Medicare Advantage plan (MA) kung saan saklaw ang mga resetang gamot (MA-PD). May 34 na rehiyon ng PDP at 26 na rehiyon ng MA sa Amerika.
Nakokontrol ng mga plan sa gamot ang halaga sa pamamagitan ng sistema ng mga naka-tier na pormolaryo (dibisyon ng mga gamot na karaniwang ayon sa presyo). Itinatalaga ang mga mas murang gamot sa mas mabababang tier kaya mas madaling ireseta ang mga ito.
Ang mga benepisyaryo na kwalipikado para sa dalawa, na may Medicare at Medicaid, ay awtomatikong mae-enroll sa Prescription Drug Plan (PDP) sa lugar nila.
Ang panahon ng pag-enroll para sa Part D ay nagtatagal lang ng ilang linggo sa loob ng isang taon (tingnan ang www.medicare.gov para sa mga petsa). Sa panahon lang na ito makakapag-enroll ang mga taong may Medicare sa isang plan o makakapagpalit sa ibang plan.
Di-katulad ng sa mga panuntunan ng Medicare Savings Programs na nagpapahintulot sa pamilyang binubuo ng isa o dalawang katao, tinatanggap ng Part D ang mas malalaking pamilya at nilalawakan ang saklaw.
Paghahain ng mga apela para sa mga serbisyo ng Medicare
May karapatan kang mag-file ng apela para sa anumang di-kasiya-siyang pasya tungkol sa iyong mga serbisyo sa Medicare. Magtanong sa iyong provider tungkol sa impormasyong may-kinalaman sa batas na maaaring makatulong sa iyong kaso. Ang iyong mga karapatang mag-apela ay nasa likuran ng Explanation of Medicare Benefits or Medicare Summary Notice na ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng koreo, mula sa kompanyang nangangasiwa ng mga bill para sa Medicare.
Kung ikaw ay kasama sa isang managed care plan ng Medicare, pwede kang mag-apela kahit kailan kung hindi ito binabayaran, hindi pinapayagan, o kung inihinto ng plan ang isang serbisyo na sa tingin mo ay covered dapat.
Kung sa tingin mo ay lubhang makakapinsala sa iyong kalusugan ang paghihintay para sa isang pasya, hingin sa plan ang mabilis na pasya. Dapat ay sagutin ka ng plan sa loob ng 72 oras. Dapat ipabatid sa iyo nang nakasulat ng isang managed care plan ng Medicare kung paano mag-apela.
Pagkatapos mong magharap ng apela, susuriin ng plan ang pasya nito. Kung ang pasya ay hindi pabor sa iyo, muling susuriin ang apela ng isang independiyenteng grupo na nagtatrabaho para sa Medicare, hindi para sa plan.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa insurance, ang aming mga information specialist ay bukas sa mga araw ng trabaho at pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang fact sheets sa Medicare, Medicaid, at ACA na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat din namin kayo na makipag-ugnay sa iba pang mga pangkat ng suporta at samahan, kabilang ang:
- Center for Medicare Advocacy, Inc. nagbibigay ng edukasyon, adbokasiya at ligal na tulong upang matulungan ang mga matatanda at taong may kapansanan na makakuha ng pangangalagang pangkalusugan.
- Centers for Medicare & Medicaid Services sumusuporta sa insurance ng pangkalusugan para sa higit sa 100 milyong mga Amerikano sa pamamagitan ng Medicare, Medicaid at State Children’s Health Insurance na mga Programa.
- Healthcare.gov nag-aalok ng impormasyon tungkol sa mga pagpipilian sa insurance sa pangkalusugan, pati na rin sa mga pagbabago sa ilalim ng ACA na nakakaapekto sa lahat ng mga Amerikano, kabilang ang mga taong nabubuhay na may mga kapansanan.
- Insure Kids Now! ay isang pambansang kampanya na kumokonekta sa mga batang wala pang 18 taong gulang sa libre at murang insurance sa pangkalusugan.
- Medicare Rights Center (MRC) gumagana upang matiyak na ang mga taong may mga kapansanan ay makakakuha ng abot-kayang pangangalagang pangkalusugan
Pinagmumulan: Social Security Administration, Medicare
Webinar: Benepisyong mula sa Pamahalaan – SSI/Medicaid
Nakakalito ang pagiging komplikado ng mga benepisyong mula sa pamahalaan. Nalaman mong wala kang sapat na credits para maging kwalipikado para sa SSDI o Medicare. Paano na ngayon?
Ano ang kailangan mong gawin, pwede ka bang makatanggap ng mga benepisyo nang walang kasaysayan ng pagtatrabaho?
Bakit mahalaga na mayroon kang mga pag-aari?
Paano mo mapoposisyon ang iyong sarili para maging kwalipikado para sa mga benepisyong ito?
Ano-anong tanong ang itatanong ng pamahalaan?
Alam mo bang sagutin ang mga ito?
Ano ang mababago mo para maging kwalipikado sa unang pagkakataon?
Iho-host ito ni Mary Anne Ehlert, CFP®, isang propesyonal sa pananalapi. Siya rin ay isang ina, isang kapatid at anak sa kaniyang mga mahal sa buhay na may mga kapansanan. Mataas ang pagkakilala sa kaniya bilang isang espesyalistang tumutulong sa mga pamilya ng mga indibidwal na may kapansanan at nakakatanda, at nagsasalita sa mga komperensya at sa mga madla ng telebisyon ukol sa pinansyal na pagpaplano.
Bilang Presidente at Nagtatag ng Protected Tomorrows at Ehlert Financial Group, at bilang katuwang din ng Forum Financial Management, si Mary Anne ay nagsilbing Vice-Chair para sa National Disability Institute sa Washington, DC, at sa mga komite ng Gateway to Learning School for Special Needs, at sa Illinois St. Colletta’s. Kasalukuyan siyang naglilingkod sa Board of Directors of Special Olympics Illinois, sa The Advisory Board of Tails for Life and sa The Advisory Counsel of Integrative Touch for Kids.
Naitala nang live noong Abril 25, 2019.