Make twice the difference, give now!

Connect

Webinar: Muling Pagpasok sa Trabaho Makalipas ang isang Kapansanan

Ang Transisyon sa Tagumpay: Reentering the Workforce After Disability (Pagbalik sa Trabaho Matapos Magkaroon ng Kapansanan)

Ang trabaho ay hindi lamang nagbibigay ng kita, insurance sa kalusugan, at iba pang benepisyo, kapaki-pakinabang din ito sa ating pangkalahatang kapakanan. Ang mga oportunidad para sa pag-aambag ng mas mahalagang layunin, pagkakaroon ng pakikipag-uganayan sa iba, mas pagpapatatag sa pagpapahalaga sa sarili, at paghahanap ng mas magpapasaya sa buhay ay mga karaniwang tagapaghikayat upang bumalik sa trabaho. Pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury, maaaring gustuhin mong bumalik sa pagtatrabaho ngunit may mga tanong ka sa iyong isipan. Paano ako magsisimula? Saan ako hahanap ng mga serbisyo sa suporta, pagsasanay, at bokasyunal na rehabilitasyon na makakatulong sa aking makakuha at makapagpanatili ng trabaho? Samahan kami sa pagtatalakay ng maraming pagpipilian at mga serbisyo sa suportang makukuha mo para malampasan mo ang mga balakid at matagpuan ang tagumpay sa pagtatrabaho.

Makakuha ng gabay at direksyon mula sa iyong mga inisyal na tanong na paano at saan para makabalik sa pagtatrabaho. Magkaroon ng lakas ng loob na:

  • Tukuyin ang 5 uri ng mga serbisyo sa pagtatrabaho na mapapakinabangan para sa paghahanap mo ng trabaho
  • Humanap ng ugnayan sa trabaho o serbisyo na babagay sa iyong mga pangangailangan
  • Imapa ang iyong estratehiya para sa proseso ng pag-iinterview
  • Gumawa ng listahan ng kailangan para sa paghahanap mo ng trabaho
  • Itakda ang mga layunin mo para sa pagbabalik sa trabaho

Si Michael Sanders ay ang Direktor ng Marketing at Communications ng NTI, isang non-profit na nakatuon sa pagbibigay ng trabaho sa mga Amerikanong may-kapansanan, at sa mga beteranong may-kapansanan sa call center, customer service, at IT help desk na pwedeng magawa mula sa bahay. Nakikipagtulungan ang NTI sa mga kompanyang Fortune 500 at sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Amazon, Apple, IBM, at IRS para bumuo ng ugnayan at magbigay ng trabaho sa mga indibidwal na may-kapansanan sa buong bansa. Bago siya magtrabaho sa NTI, si Sanders ay dating Manager of Training para sa Canon North America. At, nakabuo siya ng mga eLearning na programa para sa mga kilalang organisasyon na gaya ng Brown Brothers Harriman, State Street Bank, at Computer share. Ang kaniyang karanasan sa adbokasiya at estratehiya sa marketing sa loob ng mahigit sa 20 taon, pati na rin ang kaniyang degree sa Master of Science in Industrial/Organizational Psychology, ay nakapag-ambag sa kaniyang tagumpay na ibangon ang NTI upang maging lider sa pagbibigay ng trabaho sa mga Amerikanong May-kapansanan.

Naitala noong Pebrero 26, 2019.