Mga pagpipilian para sa power wheelchairs
Mga pagpipilian, accessory, at mahahalagang bahagi para sa power wheelchairs
Ang power wheelchair ay nagkakaloob ng ligtas, nasa oras at independiyenteng pagkilos para sa isang indibidwal, ngunit ang kakayahang makaupo at magkaroon ng kakayahan dito sa loob ng 12–18 oras sa isang araw ay pangunahin, dahil sa mahahalagang bahagi at accessory na ginagamit upang mas mapahusay ang kalidad ng buhay. Ang komplikadong rehab power wheelchairs ay dinisenyo para makapagdulot ng tamang sukat at kakayahan para sa tao gagamit nito, at karaniwang kabilang dito ang mga karagdagang bahagi na kailangang-kailangan para sa matagumpay na paggamit ng chair. Ang chair ay maaaring magkaroon ng maraming opsyon, accessory at mahahalagang bahagi na tumutugon sa pisikal, pangkakayahan at pangkapaligrang pangangailangan ng gagamit. Marami sa mga bagay na ito ay maaaring pondohan ng mga third-party na payor; bagama’t ang ilan ay maaaring kailanganing bilhin ng indibidwal. Sa artikulong ito, tinatalakay ni Jay Doherty, OTR, ATP/SMS, Director, Clinical Education, Quantum Rehab, ang mga bahagi na kadalasang itinuturing na pinakamakabuluhan, at kung bakit mahalagang malaman ng gumagamit ng wheelchair ang impormasyong ito para makapagpasya siya nang batay sa katotohanan.
Ano ang pinakamahahalagang bahagi at ano ang naidudulot ng mga ito?
Power Tilt
Ang power tilt ay isang napakahalagang bahagi na nagbibigay ng makabuluhang pakinabang sa gumagamit ng wheelchair. Pinapanatili ng tilt ang mga anggolo sa nakaupong posisyon, habang inililipat ang bigat ng katawan papunta sa likod. Ang pangunahing dahilan kung bakit nagdaragdag ng tilt sa isang power wheelchair ay para sa pamamahala ng pressure. Kailangang-kailangan ito ng indibidwal para ma-offload ang panig na inuupuan at bawasan ang panganib ng pagkakaroon ng pressure ulcer. Maraming iba pang pakinabang ang tilt, gaya ngunit hindi limitado sa: independiyenteng pagsasaayos ng posisyon para mas makatagal sa pag-upo, pagbabago ng epekto ng gravity para sa mas mahusay na paghinga at pagsasalita, oryentasyon sa espasyo para sa mas pinahusay na line of sight (tanaw) at gravity-assisted na suporta para sa pagkontrol ng ulo at katawan (torso).
Power Recline
Ang power recline ay napakahalagang bahagi din na mas nagpapahusay sa mga kakayahan ng wheelchair. Pinapayagan din ng power recline na makahiga nang halos patag ang tao, na nakakatulong sa pamamahala ng pressure dahil pinapayagan nitong maibahagi ang timbang ng katawan sa pinakamalaking panig na posible, kung kaya’t ang mga nakausling buto ay hindi nagdudulot ng paghihirap o dagdag na pressure sa mga bahaging ito. Pinapayagan din ng recline na magkaroon ng break mula sa gravity, makapamahinga at makabawi. Maaaring banatin ng indibidwal ang kaniyang mga kalamnan, litid at hugpungan, pati na rin ang maiposisyon ang kaniyang sarili sa dako ng pagdumi at pag-ihi, lalo na kung hindi siya makakalipat mula sa power chair para magawa ang mga ito. Napakahalaga rin nito para sa mga indibidwal na nangangailangan ng paglipat nang nakatiyaha (supine transfer). Para masulit ang pakinabang ng power seating, pinapayagan ng kombinasyon ng tilt at recline ang tao na makuha ang lahat ng anggolo at posisyong kinakailangan para makaupo nang maginhawa at makakilos mula sa kanilang power chair sa buong araw.
Power Leg Rests o isang Power-Articulating Foot Platform
Ang power elevating leg rest o power articulating foot platform (Na tinatawag ding AFP) ay isa pang napakahalagang bahagi na kinakailangan sa tuwing ginagamit ang power recline. Binibigyan nito ng kakayahan ang binti na maitaas habang gumagalaw ang power recline, at kinakailangan upang matiyak ang wastong paggalaw ng katawan, at upang mapigilan ang balakang na dumulas nang paharap kapag ginamit ang recline. Bukod dito, kailangan ang mga power elevating rest o isang AFP para sa mga indibidwal na may pamamaga o edema sa kanilang mga binti. Ang pagtataas ng binti, pati na rin ang pag-tilt at pag-recline ay nagtataas ng binti nang 12 pulgadang mas mataas sa puso para sa sirkulasyon at lymphatic return. Mayroon ding ibang mga silbi ang bahaging ito, gaya ng kakayahang baguhin ang posisyon ng balakang at tuhod para maiwasan ang mga contracture (paghihirap na magbanat) o para mapaginhawa ang mga contracture sa ibabang biyas kung mayroon. At, maaaring mapahusay ng kakayahang itaas at ibaba ang mga binti ang access sa environment ng gumagamit ng wheelchair sa pamamagitan ng pananatiling sapat ang pagkababa ng upuan para makapasok sa ilalim ng mga mesa at para maiusog ang footplate kapag nina-navigate ang mga rampa at threshold.
Power Adjustable Seat Height
Ang isa pang bahaging napakahalaga sa pagiging independiyente ng gumagamit ng user ay ang power adjustable seat height (taas ng upuan). Pinapayagan nito ang taong mapanatili ang kanilang nakaupong posisyon at makontrol ang taas ng kanilang upuan sa vertical continuum. Pinapaigting din nito ang kaligtasan at tinitiyak ang napapanahon at mahusay na paglilipat, mas malayo ang abot at mas episyente ang kakayahan, at mas maayos na line of sight (tanaw) habang minamaneho ang power chair. At, binibigyang-daan ng power adjustable seat height ang indibidwal na baguhin ang taas ng chair habang nagmamaneho, pati na rin ang ligtas na i-operate ang chair sa ganap na naka-elevate na posisyon. Ang katotohanan ay dinaragdagan nito ang kakayahan ng isang power wheelchair.
Ano ang pinakamahahalagang accessory at ano ang naidudulot ng mga ito?
Ventilator Tray at/o Lagayan ng Tangke ng Oxygen
Ang isang kinakailangang pangmedikal na accessory na dapat isaalang-alang para sa mga indibidwal na humihinga sa tulong ng makina o para doon sa mga mangangailangan nito sa hinaharap ay ang ventilator tray. Maraming iba’t ibang uri ng ventilator kaya maraming iba’t ibang opsyon ang mga gumagawa ng power wheelchairs para makaangkop sa karamihan sa mga ginagamit na equipment. Maaaring kinakailangang pangmedikal din ang lagayan ng tangke ng oxygen (oxygen tank holder) para sa taong nangangailangan ng dagdag na oxygen nang mayroon o walang ventilator. Bagama’t maaaring bawasan ng kakayahang kumilos na idinudulot ng power wheelchair ang pangangailangan ng gumagamit sa oxygen, maaaring maging napakahalaga ng oxygen para sa isang tao para makakilos sa kanilang kinaroroonan.
Transit Tie-down Brackets at Occupied Transit na mga Bahagi
Kailangang-kailangan ang transit tie-down brackets para sa sinumang nagsasakay sa kanilang chair sa umaandar na sasakyan. Kapag nanatili ang indibidwal sa kaniyang upuan habang nakalulan sa isang umaandar na sasakyan, mangangailangan pa ng dagdag na occupied transit na mga bahagi. Mayroon ding occupied transit system, kung saan kasama ang transport belt para maisakay ang indibidwal sa isang sasakyan habang nananatili sa kaniyang power wheelchair, kung ito ay makakatugon sa pamantayan ng occupied crash testing.
Mga ilaw
Isa pang accessory na nagdudulot ng kaligtasan at ginhawa para sa mga gumagamit ng power chair ay ang mga ilaw. Maaaring idagdag ang mga ilaw sa mga fender ng power wheelchair o idagdag sa frame. Kapag may ilaw sa harapan at likurang fender, makakakita at makikita ang indibidwal kapag gabi, sila man ay nasa labas o loob. Madaling mabubuksan o mapapatay ng nagmamaneho ng wheelchair ang mga ilaw, depende sa kung nasaan siya. Napakahalaga ng mga ilaw para sa mga gumagamit ng wheelchair para makita ang kanilang kapaligiran at para makita sila ng mga sasakyan at mga taong naglalakad (pedestrian).
Mga Hawakan sa Paglipat (Transfer Handles)
Isang simple ngunit makabuluhang accessory, binibigyang daan ng transfer handle ang ligtas at independiyenteng paglipat. Kasama sa transfer handle ang handhold sa isang lokasyon na madaling makakapa, at maaangklahan ito ng indibidwal, at dahil dito ay nadaragdagan ang pagiging independiyente.
USB Charger, Lagayan ng Cell Phone o Tablet
Kasama sa iba pang mahahalagang accessory para sa mga gumagamit ng wheelchair ang USB charger at lagayan ng cell phone o tablet. Maraming tao ang naniniwala na ang cell phone ay isang device na hindi masyadong mahalaga ngunit para sa mga indibidwal na may makabuluhang mga limitasyon dahil sa kapansanan, paraan ang cell phone upang makipag-usap sa iba, lalo na sa panahon ng emerhensya. Paraan din ito upang makontrol ang kanilang paligid.
Dahil sa USB charger port, maaaring manatiling naka-charge ang cell phone o tablet, para palaging magagamit ng indibidwal ang device kapag kinakailangan. Kadalasan, hindi nakaka-access ng landline phone ang mga taong may kapansanan kaya kahit mag-isa nang buong araw ang mga indibidwal, ang cell phone ay paraan para makahingi ng tulong kung kinakailangan. Pinoposisyon ng lagayan ng cell phone o tablet ang device kung saan ito madaling makikita at maa-access nang mag-isa.
Konklusyon
Maraming accessory at bahaging umiiral para sa mga gumagamit ng wheelchair, at ang bawat-isa ay gumaganap ng mahalagang papel upang matiyak ang pagiging independiyente ng isang tao. Bagama’t ang ilang bagay ay maaaring pondohan ng mga third-party na payor, ang ibang bagay ay kailangang bayaran ng indibidwal, ngunit mas pinapahusay ng lahat ng bahagi at accessory na ito ang mga buhay ng mga taong may kapansanan. Dapat alamin ng sinumang tatanggap ng bagong power wheelchair ang mga opsyon, accessory at napakahahalagang bahaging maaari nilang pakinabangan, at alamin kung ano ang mas makakapagpaganda sa kaniyang karanasan sa paggamit ng power chair. Nasa kanila talaga ang pasya.
This article was sponsored by Quantum Rehab.
Written by Jay Doherty, OTR, ATP/SMS
Director, Clinical Education
Quantum Rehab
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap ka para sa karagdagang impormasyon sa mga wheelchair o may isang tukoy na katanungan, ang aming information specialists ay bukas sa mga araw ng negosyo sa may pasok o trabaho Lunes hanggang Biyernes, walang bayad sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang fact sheets sa mga wheelchair na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat din namin kayo na makipag-ugnay sa iba pang mga pangkat ng suporta at samahan, kabilang na ang: