Join us for our 2025 Reeve Summit in Denver, Colorado!

Connect

Dana Reeve

Hindi masusukat ang kaniyang impluwensya

Bilang isa sa mga pangunahing nagtatag ng Christopher Reeve Foundation, si Dana Reeve ang pumalit sa kaniyang pumanaw na asawa, si Christopher Reeve, bilang Chair of the Board of Directors noong 2004.

Itinatag ni Dana ang mga inisyatibo ng Reeve Foundation patungkol sa kalidad ng buhay: Ang Paralysis Resource Center at ang programang Quality of Life Grants.

Noong maaksidente si Christopher at sinisimulan nang tahakin ni Dana ang magbabago nilang buhay, litong-lito siya napakaraming impormasyong mayroon. Habang patuloy na nakipaglaban ang kaniyang asawa para sa lunas, ginusto ni Dana na bumuo ng balangkas ng suporta para sa mga indibidwal, pamilya at mga tagapag-alagang naapektuhan ng paralysis.

Ang Paralysis Resource Center ay isang libre, komprehensibo, pambansang mapagkukunan ng impormasyon para sa mga taong namumuhay nang may paralysis at sa kanilang mga tagapag-alaga. Mula noong maitatag ito, ang PRC ay nakatulong na sa libo-libong taong namumuhay nang may paralysis na magka-access sa napakahalagang mga mapagkukunan at impormasyon upang maiangat ang kalidad ng kanilang buhay. Ito ang pamana ni Dana, isang lugar na mahihingan ng tulong, gabay, at suporta.

Bilang pundasyon ng PRC, ang programang Quality of Life Grants ay naggagawad ng pinansyal na suporta sa mga nonprofit na organisasyon na sumasalamin sa layunin ng Reeve Foundation. Tumutuon ang mga gawad sa mga programa o proyektong nagpapaunlad sa paglahok at pag-anib ng komunidad, habang pinapalaganap ang kalusugan at kapakanan para sa mga indibidwal na namumuhay nang may paralysis. Mahigit sa 3,100 gawad ang naibigay na hanggang ngayon, na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng mahigit sa $26 milyon para masuportahan ang komunidad ng may-kapansanan.

Maliban sa kaniyang gawain sa Reeve Foundation, naglingkod din si Dana sa komite ng The Williamstown Theatre Festival, The Shakespeare Theatre of New Jersey, TechHealth, at sa The Reeve-Irvine Center for Spinal Cord Research, at bilang tagapayong miyembro ng komite sa National Family Caregivers Association.

Nakatanggap siya ng napakaraming parangal para sa kaniyang mga ginawa, at ang pinakatanyag sa mga ito ay ang Shining Example Award mula sa Proctor & Gamble noong 1998 at isang American Image Award mula sa AAFA noong 2003. Bukod pa rito, pinangalanan siya ng American Cancer Society bilang “Mother of the Year” noong 2005. Si Dana ang nagsulat ng librong Care Packages na isang koleksyon ng mga sulat at tala mula sa mga kaibigan, kapwa miyembro ng komunidad, at mga tagahanga ng pamilya Reeve, pagkatapos maaksidente ni Christopher. Ito ay inilathala ng Random House noong 1999.

“Marami kang mapamimilian, ang ilan tatanggapin at ipagdiriwang mo, at may ibang ikalulungkot mo. Ang ilan sa mga pamimilian ay ikaw ang pipiliin. Higit pa sa mismong mga pamimilian, ang kung paano mo haharapin ang mga pamimiliang ito, ang mga liko sa daan, kung anong klaseng ugali ang tataglayin mo, ang siyang magbibigay-kahulugan sa konteksto ng iyong buhay.”

– Dana Reeve

Karera sa pag-arte

Pinakauna sa lahat, maraming mga pagkanta at pag-arteng maipapatungkol kay Dana, kabilang ang mga paglabas niya sa telebisyon, kung saan ay bumida siya sa Law & Order, Oz, at All My Children.

Siya ay nagtanghal sa mga play sa Broadway, sa labas ng Broadway, at sa napakaraming mga panrehiyong teatro, at nagtanghal bilang isang singer sa pambansang telebisyon at sa iba’t ibang lugar sa New York. Noong 2000, naging co-host siya sa isang live na pang-araw-araw na talk show para sa kababaihan sa Lifetime Network.

Si Dana ay nagtapos na cum laude mula sa Middlebury College kung saan siya rin ay nakatanggap ng honorary Doctorate of Humane Letters, at kumuha siya ng graduate studies sa Acting sa California Institute of the Arts.

Si Dana Reeve ay pumanaw dahil sa kanser sa baga sa edad 44 noong Marso 6, 2006. Sa kaniyang pagpanaw, ang pangalang Reeve Foundation ay ginawang Christopher & Dana Reeve Foundation upang masalamin ang mithiin at mga pagsisikap ni Dana patungkol sa kalidad ng buhay.

Naulila ni Dana ang kaniyang ama, si Dr. Charles Morosini, mga kapatid na sina Deborah Morosini at Adrienne Morosini Heilman, ang kaniyang anak na si Will at dalawang stepchildren na sina Matthew at Alexandra.