Acute flaccid myelitis
Ano ang acute flaccid myelitis (AFM)?
Ang Acute flaccid myelitis (AFM) ay ang biglaang pagkakaroon ng paralysis sa spinal cord. Ang acute ay nangangahulugan na mabilisan o mabilis na pagkakaroon. Ang flaccid ay ang pagbaba o kawalan ng kilos ng kalamnan kung saan ang naapektuhang parte ng katawan ay nagiging malambot o walang lakas ng kalamnan at kasama ng may pinababang mga reflex o pagkilos. Ang myelitis ay isang pamamagang pagbabago sa myelin na siyang pantakip na sumusuporta sa mga ugat. – ang itis ay nangangahulugan na pamamaga. Tinatarget ng AFM ang spinal cord na nagdadala ng mga mensahe para sa pandamdam at paggalaw papunta at mula sa utak sa buong katawan. Ito ay nagpapahupa sa sensasyon at paggalaw.
Ang myelin ay isang mahalagang substance na bumabalot sa selula ng kaugatan. Kapag ang mga mensahe ay dumadaan sa kaugatan ng pabalik-balik mula sa utak papunta sa katawan at mula sa katawan papunta sa utak, ang simbuyo ng mensahe ay bumibiyahe kasama sa ugat. Ang myelin ay isang kulay puti na tabang substance na tumutulong na mapanatili ang mensahe sa loob ng mga kaugatan. Kapag walang myelin o nasira ito sa isang paraan, ang simbuyo ng mensahe ay hindi makakadaan ng wasto.
Sa acute flaccid myelitis, ang myelin ay inaatake at sinisira sa di alam na dahilan. Sa una, nasisira ang myelin, kaya’t ang paghahatid ng mensahe ay hindi kasing bisa kumpara sa inaasahan. Sa paglaon, ang myelin ay maaaring masira na nakaka-apekto sa mga kaugatan ng direkta. Maaaring mahinto ang mga simbuyo ng mga kaugatan. Sa acute flaccid myelitis, nagaganap ang mabilis na pagkakaroon ng pinsala sa myelin na gumagambala sa mga tinatangkang ipadalang mensahe ng mga kaugatan sa kabuuan ng katawan.
Sa spinal cord, ang lower motor neurons (LMN)(nerves) sa gray matter ang nag-uugnay ng upper motor neurons sa skeletal muscle sa katawan. Ang mga LMN ay naglilipat ng mga mensahe sa pagitan ng utak at ng katawan. Ito ang paraan kung paano nalilipat ang mga mensahe sa central nervous system. Ang AFM ay nakaka-apekto sa mga LMN, na nagreresulta sa flaccid (sumusuray-suray) na kahinaan ng kalamnan, muscular atrophy (pagkawala ng kalamnan), fasciculation (pagkibot ng isang kaugatan), at hyporeflexia (hindi magandang pagtugon ng reflexes).
Ang AFM ay ikinokonsidera na isang non-poli virus. Ito ay nangangahulugan na ang mga resulta ay makikitang tila isang pangyayari gaya ng polio, pero ang AFM ay hindi mula sa polio virus. Ang polio ay nakakahawa habang ang AFM ay hindi.
Mga sanhi ng AFM
Ang AFM ay ipinapalagay na sanhi ng mga viral na impeksyon, mga lason sa kapaligiran at/o genetic na mga sakit.
Mga viral na impeksyon: Ang enterovirus ay isang virus na nakaka-apekto sa gastrointestinal tract (tiyan at bowel o bituka) ng katawan. Isang partikular na strain ng virus na ito, enterovirus D68 (EV-D68), ay nakilala noong 1962 sa California bilang isang hindi-polio na virus. Lubhang madalang ito hanggang noong taong 2014, nang may 1,395 mga kaso ng virus na ito ay naulat sa Estados Unidos at 59 mga kaso ang naulat sa Japan. Bakit nangyari ang outbreak na ito ay hindi alam. Gayunman, ang mga kakalat-kalat na mga kaso ay lumalabas mula nang maganap ang pagsiklab.
Ang mga banayad na sintomas ng EV-D68 ay tulad ng anumang trangkaso, matinding sipon, pagbahing, ubo, at mga pananakit ng kalamnan. Ang matitinding sintomas ay ang paghingal na tunog at kahirapan sa paghinga. Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng mga naibahing sa hangin o sa paghipo sa isang bagay na nahawakan rin ng isang taong may EV-D68. Ito ay madaling makahawa sa anumang panahon ng taon pero dumarami ito kapag tagsibol. Ang mga bata at mga kabataan ay mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga epekto ng virus dahil hindi pa masyadong matatag ang kanilang mga resistinsya kaysa sa mga nasa hustong gulang na, pero ang mga nasa hustong gulang na ay maaaring magkasakit rin ng EV-D68. Ang mabuting paglinis ng kamay at pagtatakip sa inyong bibig at ilong kapag bumabahing o pag-ubo ay nakakabawas sa pagkalat ng virus na ito.
Ang mga lason sa paligid: Ang mga lason o dumi na pumapalibot sa ating mga kapaligiran ay inuugnay sa AFM. Ang lason ng kagat ng ahas ay na dokumento bilang isang di pangkaraniwang pinagmumulan rin nito.
Mga genetic na sakit: Ang mga sakit na nauugnay sa pamamagitan ng pagmana sa miyembro ng pamilya ay naugnay rin sa AFM. Ang isang halimbawa ay ang Familial Hypokalemic (mababang potassium) pana-panahong pagka- paralysis na isang bihirang autosomal dominant (isang abnormal na gene mula sa isang magulang) neuromuscular na sakit na kasama ang pag-atake sa flaccid paralysis na may bumabalik na mababang potassium.
Naisip na ang AFM ay isang uri ng sakit tulad ng Transverse Myelitis (TM) o Guillain Barré Syndrome (GBS). Ang nasa loob na pamamaga sa katawan ay maaaring siyang pinagmumulan ng pinsala sa myelin. Iniisip ng iba na ang sanhi ay maaaring ang trauma o sakit ng mga kalamnan.
Mga sintomas ng AFM
Ang mga sintomas ng ADM ay ang resulta ng mga epekto sa mga lower motor neuron sa spinal cord.
- Ang biglaang pagkakaroon ng kahinaan sa braso at binti at kawalan ng lakas sa kalamnan at mga reflex.
- Ang kahirapan na igalaw ang mga mata o lumalaylay/bagsak na talokap ng mata.
- Ang pagbaba ng balat sa mukha o kahinaan sa isa o parehong gilid
- Nahihirapang lumunok o bulol na pagsasalita
- Kawalan ng kakayahan na umihi
- Ang iba ay nagkakaroon ng pananakit
- Pag-palya ng paghinga o baga (kung naapektuhan ang mga kalamnan sa paghinga o baga )
Tulad ng lahat ng mga sakit sa spinal cord, ang mga kaugatan lang na naaapektuhan ay magreresulta sa mga sintomas. Samakatuwid, ang isang tao ay maaaring mayroon ng lahat ng ito, iilan o kombinasyon ng ilang mga sintomas na nakalista sa itaas. Ang mga kaso ng AFM ay tila maaaring ganap na iba sa bawat isa.
Ang pag-diagnose ng acute flaccid myelitis
Ang diagnosis ng AFM ay maaaring komplikado dahil ang mga sintomas ay katulad nang sa ibang mga sakit tulad ng Guillain Barré at Transverse Myelitis. Walang tiyak na pagsusuri pero ang kasaysayan at klinikal na larawan ay ginagamit para ma diagnosis sa sandaling naalis na sa listahan ang iba pang mga sakit.
Para masimulan ang proseso ng pagkuha ng diagnosis, ang doctor ay magsasagawa ng isang kumpletong pisikal at neurological na pagsusuri. Kabilang dito ang pagsusuri ng lahat ng mga grupo ng kalamnan, mga kasukasuhan, sensasyon at mga reflex. Ang mga kalamnan ay sinusuri sa pamamagitan ng pagtatanong sa indibiduwal na galawin ang mga parte ng katawan laban sa gravity at kapag binawas at kapag inalis ang gravity. Ang sensasyon ay sinusuri gamit ang isang cotton swab at panusok para sa malalaki at maliliit na sensasyon. Ang mga reflex ay tinatasa sa pamamagitan ng paglalagay ng matulis at mabilis na presyon o tatapikin gamit ang isang reflex na martilyo sa mga lugar ng katawan kung saan nakakabit ang litid sa buto. Ang tipikal na sagot sa mga reflex sa AFM ay nababawasan o humuhupa.
Kasama sa mga pag-aaral na imahe ang MRI para masuri ang utak at spinal cord sa loob ng katawan. Ang mga hudyat ng pamamaga o demyelination ay maaaring itala sa AFM.
Ang lumbar puncture o spinal tap para alisin ang kaunting cerebral spinal fluid ay ginagawa sa isterilisado na paraan sa pamamagitan ng pagpapasok ng isang karayom sa espasyo sa pagitan ng ikaapat at ikalimang lumbar na espasyo sa likod. May kaunting likido na inaalis at ipinapadala sa laboratoryo para sumailalim sa isang pagsisiyasat para sa coxsackievirus A16, EV-A71, at EV-D68 at iba pang abnormal na mga balanse sa cerebral spinal fluid. Mahalaga rin na hindi isama ang iba pang mga neurological na sakit.
Ang nerve conduction na pagsusuri ay nakukumpleto para matala ang oras o tiyempo ng transmisyon ng mensahe ng simbuyo kasama ng mga napiling kaugatan. Ang mga pagkakaantala sa oras ay maaaring magpahiwatig ng AFM.
Ang paggagamot ng acute flaccid myelitis
Walang pormal na protokol sa paggagamot ng AFM. Sa halip, ang paggagamot ay batay sa indibidwal na mga sintomas ng bawat kaso.
Ang iba’t ibang mga medikal na paggagamot kasama ang cortical steroids, plasmapheresis, intravenous immunoglobulin, fluoxetine, antiviral na mga gamot, interferon at iba pang immunosuppressant na mga gamot ay sinubukan para sa paggagamot ng AFM ng walang katibayan ng pagtatagumpay. Gayunman, ang mga paggagamot na ito ay maaaring subukan depende sa mga indibidwal na sitwasyon.
Ang Centers for Disease Control and Prevention ay nagpalabas ng isang dokumento, Acute Flaccid Myelitis:Interim Considerations for Clinical Management, bilang isang patnubay para sa paggagamot
Paghinga
Maaaring maka-apekto sa paghinga ang AFM kung may anumang parte ng respiratory system ang naapektuhan. Kinakailangang magbigay ng tulong sa paghinga kung kinakailangan.
Ang paghinga ay isang kinakailangang proseso kung saan ang dayapragm, mga kalamnan sa tiyan at sa kalamnan sa pagitan ng tadyang (maliliit na mga kalamnan sa pagitan ng tadyang) ay sama-samang nagtatrabaho para makakuha ng hangin mula sa kapaligiran papunta sa baga. Ang vagus nerves ang gumagawa ng trabaho ng yeoman para hilahin ang dayapragm pababa na nagiging sanhi ng paghila pababa sa katawan ng baga na nagiging sanhi ng paglapit dito ng hangin. Ang mga kalamnan sa tiyan ay maaaring makatulong sa paghila ng baga pababa. Ang kalamnan sa pagitan ng tadyang ay humihila sa tadyang papalabas sa dibdib para makatulong.
Kapag nagre-relax ang tatlong grupo ng kalamnan, ang tensyon sa mga baga ay nababawasan at ang hangin ay natural na dumadaloy lang palabas na salungat sa puwersang pagtulak papalabas. Ito ay nagiging isang mahalagang pagkakaiba kapag kinakailangan ang mekanikal na bentilasyon. Sa paghigop ng hangin (inspiration), ang hangin ay aktibong hinihigop papasok sa baga ng tatlong gumaganang mga hanay ng kalamnan pero sa paghinga papalabas (expiration), ang hangin ay inilalabas sa pamamagitan ng pagpapahinga ng mga baga, hindi aktibong natutulak papalabas ng mga kalamnan. Sa paghinga, ang hangin ay pinupuwersa o hinihigop papasok habang ang mga baga ay pisikal na lumalaki at napapahaba pero ang hangin ay inilalabas kapag ang mga baga ay naka pahinga at bumalik sa natural nilang hugis at laki.
Ang lahat ng tatlong grupo ng kalamnan ay may sarili ring trabaho. Ang dayapragm ay mahalaga sa paghinga. Minsan, ang mga sa tiyan o pagitan ng tadyang na mga kalamnan ay hindi nakakatulong tulad ng nararapat. Ang mga indibidwal ay maaaring umangkop dito pero karaniwan, ang lahat ng tatlo ay kailangang magtulungan para magkaroon ng wastong paghinga.
Depende sa indibidwal na sitwasyon, mayroong mga paggagamot na makakatulong sa mga indibidwal para makahinga. Ang Non-Invasive Ventilation (NIV) ay ginagamit para sa acute respiratory dysfunction (ARD) o acute respiratory failure (ARF) pero magagamit rin para sa pangmatagalang paghinga.
Ang ilang mga halimbawa ng NIV ay kung ang isang tao ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen ng walang estruktural na problema sa katawan, ang oxygen ay maaaring maipagkaloob sa pamamagitan ng tubo sa ilong. Ito ay maaari rin matamo sa pamamagitan ng mahinang daloy o mataas na daloy sa kanyula sa elong. Ang kanyula sa elong ay ang dalawang naka-sangang na tubo na nagpapalabas ng oxygen na ipinasok lang ng kaunti sa ilong. Kapag ginagamit ang pamamaraang ito, ang bibig ay dapat madalas na nakasara para makuha ang kumpletong epekto ng oxygen.
Ang Continuous Positive Airway Pressure (CPAP) ay isang panlabas na aparato sa paghinga para sa NIV na isinusuot sa ibabaw ng ilong at minsan ay pati rin sa bibig. May ilang mga bersyon ng paggagamot na ito kasama na ang nasal Continuous Positive Airway Pressure (nCPAP) at Bubble Continuous Positive Airway Pressure (BCPAP). Ang bawat isa ay may pagkakaiba pero sa pangkalahatan, ang mga ito ay banayad na pagbuga sa namumuong hangin para mapanatiling bukas ang ilong, daanan ng hangin at baga.
Ang iba pang mga uri ng NIV ay maaaring kabilag ang Nasal Intermittent Positive Pressure Ventilation (NIPPV) na gumagamit ng isang bentilador para makapagkaloob ng pansamantalang humihinto na paghinga at ganap na presyon sa paghinga sa pamamagitan ng ilong. Ang Bilevel Nasal Positive Airway Pressure (BiPAP) ay gumagamit ng mababang presyon, mas matagal na paghinga papaloob at mga pagbuntong hininga (paminsan-minsan na paghinga ng malalim). Ang mga makinaryang ito ay sumusunod sa isang karaniwang huwaran sa paghinga ng paglanghap ng hangin tapos ay nagpapahinga para mapahintulutan ang hangin na naglalaman ng carbon dioxide na makalabas.
Ang Mechanical Ventilation (MV) ay kapag ang tubo ay inilalagay sa bibig o lalamunan para mapahintulutan ang wastong paghinga. Ito ay kinokonsidera na invasive dahil ang breathing tube ay inilalagay sa loob ng katawan. Ang tracheostomy o isang paghiwa sa pamamagitan ng pag-oopera sa unang base ng leeg ay isinasagawa para mapadali ang paghinga kung ang ventilation ay matagal na gagamitin.
Rehabilitasyon para sa acute flaccid myelitis
Ang pag-recover mula sa AFM ay isang proseso. Walang nagpapagaling na pagpapagamot na natuklasan hanggang sa ngayon. Ang paggaling ay batay sa mga ginagamot na sintomas. Ang isang physician o doktor na dalubhasa sa pisikal na gamot at rehabilitasyon (tinatawag na isang physiatrist), isang neurologist, isang pediatrician o kombinasyon ng mga espesyalista na aayusin ang mga medikal na pangangailangan. Maaari rin magpakonsulta sa isang urologist para sa pamamahala sa bladder (pantog). Maaaring may kombinasyon ng mga espesyalista na sama-samang magtatrabaho para maisaayos ang pag-aalaga.
Kasama sa rehabilitasyon ang physical at occupational therapy para makapagbigay ng input sa mga nasabing nerves at muscle na kulang ang puwersa. Ang physical therapy ay patungo sa mga pagsisikap para sa malalaking uri ng pagkilos tulad ng pag-upo, pagtayo at paglalakad. Ang occupational therapy ay nakatuon sa maliliit na pagkilos ng mga kamay at daliri, at pati na rin ang mga aktibidad para sa pang-araw araw na pamumuhay, pagbibihis, paliligo at pagkain. Ang pag-iwas sa mga karagdagang komplikasyon ay nasa plano rin nila. Pinapasulong nila ang therapy habang gumagaling ang kondisyon ng indibidwal. Ang respiratory therapy ay tutulong sa mga pangangailangan sa benitilasyon (parehong noninvasive at may mekanikal na bentilasyon). Maaari silang magbigay ng direksyon sa pagpapalakas ng ventilation at pati na rin ang dahan-dahan na pag-aalis mula dito kapag hindi na kinakailangan.
Ang speech therapy ay kasama kung may mga oral motor deficit (kakulangan o kahinaan sa paggamit ng bibig). Ito ay makakatulong sa pagkokontrol sa paglunok at pag-iwas sa paglanghap o paglunok ng likido at pagkain papunta sa baga. Ang Speech at Pathologist sa lingwahe ay tutulong sa pagsasalita kung kinakailangan.
Gagawin ng mga nakarehistrong nars ang mga rekumendasyon ng therapist sa kabuuan ng isang araw. Sila ang magpa-plano sa pamamahala ng pag-aalaga sa bladder (pantog), bowel at balat at pati na rin ang pagtulong sa transisyon sa pag-uwi sa bahay.
Ang hospital case manager ay makikipag-ugnayan sa inyong insyurans case manager para ayusin ang kinakailangang pag-aalaga. Sa sandaling nasa bahay na, direkta ang pakikipagtrabaho ninyo sa insyurans case manager.
Ang lahat ng mga propisyunal na ito ay magkakaisa para maayos ang kinakailangang pag-aaral at para mahikayat ang paggaling. Ang ilang mga indibidwal ay gagaling, habang ang iba naman ay kakaunti lang ang pagbuti na makikita. Walang indikasyon kung gaano kalaki ang ikagagaling ng mga tao.
Ang pag-iiwas sa acute flaccid myelitis.
Dahil hindi kilala ang sanhi ng AFM, ang mga hakbang sa pag-iiwas para sa sakit na ito ay hindi rin malinaw. Ang ilang mga pangkalahatang pamamaraan ng pag-iiwas ay mahalagang sundin ng lahat para maiwasan ang maraming mga sakit. Kabilang sa mga ito ang:
- Paghuhugas ng madalas ng kamay gamit ang maligamgam na tubig at sabon, gamit ang pagkuskus
- Ang pagtatakip ng inyong bibig at ilong kapag bumabahing o umuubo sa pamamagitan ng paggawa nito sa looban ng inyong siko
- Ang pananatili sa bahay kapag may sakit at pati na rin ang pag-iwas sa mga taong may sakit.
- Iwasan na hipuin ang inyong mukha, mata, ilong o bibig gamit ang inyong mga kamay
- Ang paghuhugas sa mga hawakan ng pinto, laruan, at mga itaas sa inyong bahay at kotse
- Pananatilihing nasasapanahon sa mga bakuna
Pananaliksik
Ang mga sanhi at paggagamot para sa AFM ay aktibong sinasaliksik. Ang AFM ay na-diagnose ng ilang taon pero sa mga lubos na bihirang kaso. Mula noong 2014, ang bilang ng mga kaso ay mabilis na dumarami. Dahil ang sakit na ito ay sobrang bago, ang mga siyentista ay nakatuon sa pag-isolate ng sanhi. Maraming mga pag-aaral ang isinasagawa para malaman ng higit pa ang etiology (pinagmulan) ng kondisyon. Sa sandaling matuklasan na ito, ang mga paggagamot ay mabubuo o ginagamit mula sa mga katulad na may kaugnayang sakit.
Ang Centers for Disease Control and Prevention ay nagrerepaso ng mga nakalipas na kaso para makapagsagawa ng mga ugnayan o koneksyon. Sila ay may kampanya para sa mga propesyunal sa pangangalaga ng kalusugan na i-ulat ang mga bagong kaso para ma-review sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa CDC sa [email protected]
May isinasagawang klinikal na pagsusbok para mangolekta ng impormasyon tungkol sa AFM sa mga indibiduwal na may edad na 0-18. Ang pag-aaral ay tinatawag na CAPTURE: Ang Collaborative Assessment of Pediatric Transverse Myelitis; Understand, Reveal, Educate. Maaari kayong magsumite ng impormasyon dito.
Ang United States National Library of Medicine ay nag-aayos ng pampublikong site para manaliksik ng anumang medikal na diagnosis na may pagpopondo mula sa gobyerno ng Estados Unidos. Maaari kayong magboluntaryo sa mga pag-aaral pero mababasa rin ang mga kalalabasan ng mga pinondohang pag-aaral. Mag-log in sa clinicaltrials.gov at hanapin ang diagnostic category of interest (acute flaccid myelitis).
Ang mga patuloy na pag-aaral sa pagpapahusay ng mga kalalabasan ng paralysis ay isinasagawa sa iba’t ibang mga focus area. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sekundaryang kondisyon para sa pag-aalaga sa bladder (pantog), bowel at balat.
May mga pagsisikap na ginagawa para mabuo ang mga pambansang patnubay para sa mga bata na bentilasyon. Maraming mga propesyunal na dalubhasa sa mga bata ay bumubuo ng sarili nilang mabisang mga plano sa paggagamot, gayunman, ang consensus sa buong bansa ay naging mahirap dahil may kakaunting indibiduwal na napapaloob sa mga bata na edad na kailangan ng pangmatagalang mekanikal na bentilasyon, may iba’t ibang edad, mga pagkakaiba sa pag-buo ng katawan at kaisipan at malawak na iba’t ibang mga diagnosis. Dahil dito ay mas mahirap na maghanap ng mga katulad na grupo para makabuo ng protokol dahil ang mga populasyon ay kakaunti ang bilang para sa malawakang pagsusuri.
Mga Katotohanan at Bilang
- Mas kaunti sa 1-2 mga bata mula sa isang milyon ang maaapektuhan ng AFM. Ang AFM ay dumarami sa Estados Unidos tuwing dalawang taon mula pa noong 2014.
- Libo-libong mga indibidwal ang may virus araw-araw. Bakit nagkakaroon ng AFM ang mga tao ay di alam.
- 90% ng mga indibiduwal na nagkaroon ng AFM ay nagkaroon muna ng impeksyon sa paghinga o baga.
- Higit sa 90% ng mga kaso ng AFM ay mga bata.
- Ang AFM ay hindi mula sa polyo virus.
Mga Mapagkukunan ng tulong at impormasyon
Kung kayo ay naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa acute flaccid myelitis o may tiyak na tanong, ang aming Information Specialists ay bukas sa araw na may trabaho at pasok. Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet sa sekswalidad ng lalaki na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat din namin kayo na makipa-ugnayan sa iba pang mga pangkat ng suporta at samahan, kabilang ang:
- Transverse Myelitis Association
- American Academy of Pediatrics
- National Center for Advancing Translational Sciences (NCATS), Genetic and Rare Diseases Information Center
Karagdagang Pagbabasa
Panimula
Messacar K, Schreiner TL, Van Haren K, Yang M, Glaser CA, Tyler KL, Dominguez SR. Acute flaccid myelitis: A clinical review of US cases 2012-2015. Ann Neurol. 2016 Sep;80(3):326-38. doi: 10.1002/ana.24730. Epub 2016 Aug 4.
Morens DM, Folkers GK, Fauci AS. Acute Flaccid Myelitis: Something Old and Something New. MBio. 2019 Apr 2;10(2). pii: e00521-19. doi: 10.1128/mBio.00521-19.
Mga Sanhi ng AFM na seksyon
Hatayama K, Goto S, Yashiro M, Mori H, Fujimoto T, Hanaoka N, Tanaka-Taya K, Zuzan T, Inoue M. Acute flaccid myelitis associated with enterovirus D68 in a non-epidemic setting. IDCases. 2019 May 3;17:e00549. doi: 10.1016/j.idcr.2019.e00549. eCollection 2019.
Rupesh Kaushik, Parampreet S. Kharbanda, Ashish Bhalla, Roopa Rajan, and Sudesh Prabhakar. Acute Flaccid paralysis in adults: Our experience. J Emerg Trauma Shock. 2014 Jul-Sep; 7(3): 149–154.doi: 10.4103/0974-2700.136847
Sintomas ng AFM na seksyon
Nelson GR, Bonkowsky JL, Doll E, Green M, Hedlund GL, Moore KR, Bale JF Jr. Recognition and Management of Acute Flaccid Myelitis in Children. Pediatr Neurol. 2016 Feb;55:17-21. doi: 10.1016/j.pediatrneurol.2015.10.007. Epub 2015 Oct 20.
Ang Pag-Diagnose ng AFM na seksyon
Sarah E. Hopkins, MD, MSPH, Matthew J. Elrick, MD, PhD, Kevin Messacar, MD. Acute Flaccid Myelitis—Keys to Diagnosis, Questions About Treatment, and Future Directions. JAMA Pediatr. 2019;173(2):117-118. doi:10.1001/jamapediatrics.2018.4896
Andersen EW, Kornberg AJ, Freeman JL, Leventer RJ, Ryan MM. Acute flaccid myelitis in childhood: a retrospective cohort study. Eur J Neurol. 2017 Aug;24(8):1077-1083. doi: 10.1111/ene.13345. Epub 2017 Jun 22.
Paggagamut ng AFM seksyon
Hopkins SE. Acute Flaccid Myelitis: Etiologic Challenges, Diagnostic and Management Considerations. Curr Treat Options Neurol. 2017 Nov 28;19(12):48. doi: 10.1007/s11940-017-0480-3.
Tyler KL. Rationale for the evaluation of fluoxetine in the treatment of enterovirus D68-associated acute flaccid myelitis. JAMA Neurol. 2015 May;72(5):493-4. doi: 10.1001/jamaneurol.2014.4625
Paghinga na seksyon
Fatemi Y, Chakraborty R. Acute Flaccid Myelitis: A Clinical Overview for 2019. Mayo Clin Proc. 2019 May;94(5):875-881. doi: 10.1016/j.mayocp.2019.03.011
Rehabilitasyon para sa AFM seksyon
Nath RK, Somasundaram C. Functional Improvement of Upper and Lower Extremity After Decompression and Neurolysis and Nerve Transfer in a Pediatric Patient with Acute Flaccid Myelitis. Am J Case Rep. 2019 May 10;20:668-673. doi: 10.12659/AJCR.915235.
Martin JA, Messacar K, Yang ML, Maloney JA, Lindwall J, Carry T, Kenyon P, Sillau SH, Oleszek J, Tyler KL, Dominguez SR, Schreiner TL. Outcomes of Colorado children with acute flaccid myelitis at 1 year. Neurology. 2017 Jul 11;89(2):129-137. doi: 10.1212/WNL.0000000000004081
Pananaliksik sa Seksyon
Aliabadi N, Messacar K, Pastula DM, Robinson CC, Leshem E, Sejvar JJ, Nix WA, Oberste MS, Feikin DR, Dominguez SR. Enterovirus D68 Infection in Children with Acute Flaccid Myelitis, Colorado, USA, 2014. Emerg Infect Dis. 2016 Aug;22(8):1387-94. doi: 10.3201/eid2208.151949.
Greninger AL, Naccache SN, Messacar K, Clayton A, Yu G, Somasekar S, Federman S, Stryke D, Anderson C, Yagi S, Messenger S, Wadford D, Xia D, Watt JP, Van Haren K, Dominguez SR, Glaser C, Aldrovandi G, Chiu CY. A novel outbreak enterovirus D68 strain associated with acute flaccid myelitis cases in the USA (2012-14): a retrospective cohort study. Lancet Infect Dis. 2015 Jun;15(6):671-82. doi: 10.1016/S1473-3099(15)70093-9. Epub 2015 Mar 31.
Mga Katotohanan at Bilang na seksyon
Center for Disease Control https://www.cdc.gov/acute-flaccid-myelitis/about-afm.html