Brain injury
Malawakang pananaw sa utak
Bilang sentro sa pagkontrol para sa lahat ng mga paggana ng katawan, ang utak ang responsable para sa mga may mga kamalayang aktibidad (paglalakad, pagsasalita) at walang kamalayang mga aktibidad (paghinga, pagtunaw ng pagkain ). Ang utak ay nagkokontrol rin sa pag-iisip, pag-uunawa, pananalita, at emosyon.
Ang utak ay medyo mahina, kahit na protektado ito ng buhok, balat, bungo, at isang cushion ng fluid. Noong nakaraan, ang proteksyon na ito ay madalas na sapat lang, hangga’t makapag-develop kami ng bago at lethal na mga paraan para pabilisin ng husto.
Ang pinsala sa utak, resulta man ng matinding trauma sa bungo o isang closed injury, ay maaaring makagambala sa saklaw ng mga paggana o pagkilos.
Ano ang isang traumatic brain injury?
Ang traumatic brain injury (TBI) ay nagaganap kapag ang biglaang trauma ay nagdudulot ng pinsala sa utak. Ang TBI ay maaaring magresulta sa biglaan at malakas na paghataw ng ulo sa isang bagay, o kapag ang bagay ay tumusok sa bungo at pumasok sa tisyu ng utak.
Tinatantiya ng Centers for Disease Control and Prevention na 5.3 milyong mga Amerikano ang namumuhay ng may kapansanan buhat sa trauma ng utak, na nagreresulta sa higit sa 50,000 mga kamatayan bawat taon.
Ang TBI ay doble sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Ang pinakamataas na bilang na mga nakakaranas nito ay sa mga taong 15 hanggang 24 taong gulang at 75 taong gulang.
Ang pinakakaraniwang sanhi ng TBI ay kinabibilangan ng mga aksidente sa mga aksidente sa sasakyan, mga pagbagsak o pagkahulog, mga kilos ng karahasan, at mga pinsala sa sports. Ang alkohol o alak ay may kaugnayan sa kalahati ng lahat ng mga pinsala sa utak, sa taong nagdulot ng pinsala o sa napinsala mismo.
Ang mga taong nakaranas ng spinal cord injury ay madalas na may kasamang pinsala sa utak. Ito ay lalong totoo para sa mas mataas na mga cervical injury, na mas malapit sa utak
Paano nagaganap ang brain injury (pinsala sa utak)?
Nakabalot sa loob ng mabutong balangkas ng bungo, ang utak ay isang gelatinous na materyal na lumulutang sa cerebrospinal fluid, na kumikilos bilang isang shock absorber sa mga mabibilis na kilos ng ulo.
Ang pinsala sa utak ay maaaring maging sanhi ng pagkabali o tumagos sa bungo (aksidente sa sasakyan, pagbagsak o pagkahulog, sulat mula sa tama ng baril), isang sakit (neurotoxins, impeksyon, tumors, o metabolic na mga abnormalidad), o closed hear injury tulad ng shaken baby syndrom o sobrang bilis na pagkilos/paghina ng kilos ng ulo.
Ang panlabas na surface ng bungo ay malinis, pero ang panloob na surface ay usli-usli. Ito ang sanhi ng malaking pinsala sa mga closed head injury, dahil ang tissue ng utak ay bumabali sa loob ng bungo sa ibabaw ng mga mabubutong structure.
Sa trauma, ang pinsala sa utak ay maaaring maganap sa oras ng pagtama o maaaring kalaunan ay lumabas sanhi ng pamamaga (cerebral edema), pagdurugo sa utak (intracerebral hemorrhage), o pagdurugo sa palibot ng utak (epidural o subdural hemorrhage).
Kung tamaan ang ulo ng sapat na puwersa, ang utak ay umiikot at mapipihit sa brainstem tulad ng isang axis, na gagambala sa normal na daanan ng kaugatan at magiging sanhi ng kawalan ng malay. Kung ang kawalan ng malay na ito ay magpatuloy nang matagal, ang napinsala ay makokonsiderang nasa isang koma, na sanhi ang pagkakagambala sa mga mensahe sa kaugatan na mula sa brainstem papunta sa cortex.
Closed head injury
Ang closed head injury ay madalas na nagaganap ng walang halatang panglabas na mga hudyat. Ang kaibahan sa pagitan ng sarado at tumagos na mga pinsala ay maaaring mahalaga.
Ang sugat sanhi ng bala sa ulo, halimbawa, ay maaaring makasira sa malaking parte ng utak pero ang epekto ay maaaring minor lang kung ang area ay hindi naman kritikal na lugar.
Ang mga closed head injury ay madalas na nagreresulta sa mas maraming pinsala at malawakang neurologic na kakulangan, kasama na ang:
- Bahagya hanggang sa kumpletong paralysis
- Mga kognitibo, asal, at memorya na problema
- Patuloy na hindi na aktibo ang kalagayan
Ang kongkusyon ay isang uri ng closed head injury; habang ang karamihan ay ganap na gumagaling mula sa isang kongkusyon, may katibayan na ang naipon na pinsala sa utak, kahit na katamtaman na pinsala lang, ay nagdudulot ng mga pangmatagalang epekto.
Mga epekto ng brain injury o pinsala sa utak
Ang napinsalang tisyu sa utak ay gagaling kalaunan. Gayunman, sa sandaling ang tisyu ng utak ay patay na o nasira, walang katibayan na may bagong nabubuong mga cell. Ang paggaling ay karaniwang nagpapatuloy kahit na walang mga bagong cell dahil ang ibang mga parte ng utak ay pumapalit sa pagganap ng nasirang tisyu.
Ang pinsala sa utak ay may matindi at panghabang-buhay na mga epekto sa pisikal at pangkaisipang paggana, kasama na ang kawalan ng malay, nabagong memorya at/o personalidad, at bahagya o kumpletong paralysis.
- Kabilang sa mga karaniwang mga problema sa pag-uugali:
- Berbal at pisikal na parating nakikipag-away
- Nagagalit
- Kahirapang matuto
- Mahinang kamalayan sa sarili
- Nabagong paggana sa pakikipagtalik
- Hindi iniisip na pagkilos
Ang mga konsekuwensya sa lipunan ng banayad, katamtaman, at malubha na TBI ay marami, kasama na ang mas tumaas na panganib ng pagpapakamatay, diborsyo, chronic na walang trabaho, at pagkagumon sa droga.
Ang taunang gastos para sa matinding pag-aalaga at rehabilitasyon sa Estados Unidos para sa TBI ay napakalaki: $9 bilyon hanggang $10 bilyon.
Ang karaniwan na panghabang buhay na gastos sa pag-aalaga para sa taong may matinding TBI ay umaabot mula sa $600,000 hanggang $2 milyon.
Rehabilitasyon
Nagsisimula agad ang rehabilitasyon makalipas ang isang pinsala. Sa sandaling mabalik na ang ala-ala, ang tagal ng paggaling ay madalas rin dumadali.
Gayunman, maraming mga problema ang maaaring magpatuloy, kasama na iyong mga may kaugnayan sa pagkilos, ang memorya, atensyon, mahirap na pag-iisip, pananalita at wika, at mga pagbabago sa ugali. Madalas na kailangang harapin ng mga nakaligtas ang depresyon, pagkabalisa, kawalan ng lakas ng loob o tiwala sa sarili, nabagong personalidad, at, sa ilang mga kaso, kakulangan ng kamalayan sa sarili nilang mga pagkukulang.
Maaaring kasama sa rehab ang kognitibo na mga ehersisyo para mapahusay ang atensyon, memorya, at mga ehekutibo na kakayahan. Ang mga programang ito ay nakabalangkas, nakaayos, may takdang layunin, at kinabibilangan ng pag-aaral, pagsasanay, at pakikipag-ugnay sa lipunan .
Ang ilang mga pamamalakad sa rehab para sa TBI ay kinabibilangan ng:
- Ang mga libro tungkol sa memorya at electronic paging systems para mapahusay ang mga partikular na paggana o pagkilos at para makompensahan ang mga kakulangan.
- Ang psychotherapy para gamutin ang depresyon at kawalan ng tiwala sa sarili.
- Ang mga gamot para sa mga kaguluhan sa pag-uugali (mga pangangambala sa pag-uugali) na may kaugnayan sa TBI. Ang ilan sa mga gamot na ito ay may malaking mga posibleng masamang epekto at ginagamit lang sa mga gipit na pangyayari.
- Ang pagbabago sa pag-uugali para bawasan ang mga epekto sa personalidad at pag-uugali ng TBI at para maturo muli ang mga kakayahan sa pakikipagkapwa.
- Ang bokasyonal na pagsasanay ay dinadagdag rin sa maraming mga rehab na programa.
Ayon sa National Institutes of Health, ang mga taong may TBI at ang mga pamilya nila ay dapat na may malaking tungkulin sa pagpaplano at pagdisenyo ng kanilang indibiduwal na mga programa sa rehabilitasyon.
Pananaliksik
Nag-iiba iba ang mga pinsala sa utak, depende kung aling parte ng utak ang napinsala.
- Ang isang pagkakatama sa hippocampus ay magdudulot ng kawalan ng ala-ala o memorya.
- Ang brainstem injury ay tulad ng isang matinding spinal cord injury.
- Ang pinsala sa basal ganglia ay nakaka-apekto sa pagkilos, at makakapinsala sa frontal lobes na maaaring humantong sa mga problema sa damdamin.
- Ang pinsala sa ilang mga parte ng cortex ay nakaka-apekto sa pananalita at pag-uunawa.
Ang pinsala sa utak ay kinabibilangan rin ng maraming mga physiological na proseso, kasama na ang nerve cell (axon) injury, mga contusion (pasa), hematoma (mga namuong dugo), at pamamaga. At maaaring kailangan sa bawat sintomas ang dalubhasang pag-aalaga at paggagamot
Tulad ng sa stroke, ang spinal cord injury, at ang iba pang mga uri ng trauma sa ugat, ang pinsala sa utak ay hindi isang nakabukod na proseso, ito ay isang patuloy na pangyayari. Ang paninira nito ay maaaring tumagal ng ilang araw at kahit ilang linggo makalipas ang paunang pinsala.
Sa mga kasalukuyang available na paggagamot, hindi nagawa ng mga doktor na ganap na maayos ang orihinal na pinsala, na maaaring kabilang ang napakalaking kawalan ng mga nerve cell.
Gayunman, ang pagkalat ng sekundaryang pinsala sa utak ay maaaring limitado. Natarget ng mga siyentesta sa ilan sa mga sekundaryang kadahilanan na ito, kasama ang:
- Cerebral ischemia (kawalan ng dugo)
- Mahinang pagdaloy ng dugo at level ng oxygen
- Pagpapalabas ng excitator amino acide (hal. glutamate).
- Ang edema na sanhi ng pagkamatay ng cell ng napinsalang tissue.
Maraming mga pagsusubok sa gamot para makontrol ang maraming iba’t ibang mga sekundaryang epekto ng trauma sa utak, kasama na ang glutamate toxicity (selfotel, cerestat, dexanabinol), pinsala sa calcium (nimodipine), at pagbabaklas ng cell membrane (tirilazad, PEG-SOD).
Ang mas maliliit na klinikal na pag-aaral ay nag-imbestiga sa paggamit ng growth hormones, anticonvulsants, bradykinin (pinapataas ang permeabilidad ng blood vessel), at cerebral perfusion pressure (pinapalakas ang daloy ng dugo sa utak).
Nasuri ng maraming mga pagsusubok ang epekto ng acute hypothermia (pagpapalamig) makalipas ang trauma sa utak. Habang may mga intensive care unit na gumagamit ng pagpapalamig, walang tiyak na mga rekumendasyon sa paggamit ng mga ito.
Ang mga klinikal na pag-aaral ng neuroprotective agents ay karaniwang hindi nagtatagumpay, kahit na ang iba’t ibang mga therapy ay maayos na gumagana sa mga hayop. Pagpapalit sa cell (hal. mga stem cell) ay magagawa batay sa theory, pero ang karamihan sa mga pag-aaral ay kailangang sumulong pa patungo sa mga pagsusubok sa tao.
Para makatiyak, ang napinsalang utak ay may kaunting kakayahan na gumaling. Tulad ng nasabi ng mga siyentesta, ang utak ay plastik. Ang paggamit ng mga pagtubong kadahilan ng kaugatan, pagsalin ng tisyu, o iba pang mga pamamaraan, maaaring ma-udyok ang utak na ihubog muli ang sarili nito at posibleng ibalik ang paggana nito muli.
Ang mga interbensyon ay maaaring mas mahusay rin na gumana sa ilang mga panahon. Isang serye ng mga may takdang oras na paggamit ng gamot ay marahil na gagamitin, ang bawat isa ay tumutugon sa tiyak na biochemical na mga proseso sa umpisa ng pinsala sa utak.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng mga konsuminador
Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa traumatic na pinsala sa utak o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay bukas tuwing may araw ng trabaho at pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheets tungkol sa pinsala sa utak na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis. Hinihikayat ka namin na maabot ang mga grupo ng suporta at samahan ng pinsala sa utak (BI), kabilang na ang:
Brain Injury Association of America
Centers for Disease Control and Prevention (CDC):
https://www.cdc.gov/traumaticbraininjury/get_the_facts.html
https://www.christopherreeve.org/wp-content/uploads/2024/04/TBI_Clinicians_Factsheet-a.pdf
https://www.christopherreeve.org/wp-content/uploads/2024/04/TBI_Patient_Instructions-a.pdf
Rancho Los Amigos National Rehabilitation Hospital
Shirley Ryan Abilities Laboratory
Traumatic Brain Injury Center of Excellence (formerly called Defense and Veterans Brain Injury Center) TBICoE serves military personnel and veterans.
Mga Mapagkukuhanan ng Impormasyon: National Institute of Neurological Disorders and Stroke, Brain Injury Resource Center
Sangunian
Beaulieu CL, Dijkers MP, Barrett RS, Horn SD, Giuffrida CG, Timpson ML, Carroll DM, Smout RJ, Hammond FM. Occupational, physical, and speech therapy treatment activities during inpatient rehabilitation for traumatic brain injury. Arch Phys Med Rehabil. 2015 Aug;96(8 Suppl):S222-34.e17. doi: 10.1016/j.apmr.2014.10.028. PMID: 26212399; PMCID: PMC4538942.
Bogdanova Y, Yee MK, Ho VT, Cicerone KD. Computerized cognitive rehabilitation of attention and executive function in acquired brain injury: A systematic review. J Head Trauma Rehabil. 2016 Nov/Dec;31(6):419-433. doi: 10.1097/HTR.0000000000000203. PMID: 26709580; PMCID: PMC5401713.
Brotfain E, Gruenbaum SE, Boyko M, Kutz R, Zlotnik A, Klein M. Neuroprotection by estrogen and progesterone in traumatic brain injury and spinal cord injury. Curr Neuropharmacol. 2016;14(6):641-53. doi: 10.2174/1570159×14666160309123554. PMID: 26955967; PMCID: PMC4981744.
Cipriano CA, Pill SG, Keenan MA. Heterotopic ossification following traumatic brain injury and spinal cord injury. Journal of the American Academy of Orthopaedic Surgeons. November 2009 – Volume 17 – Issue 11 – p 689-697. https://journals.lww.com/jaaos/fulltext/2009/11000/heterotopic_ossification_following_traumatic_brain.3.aspx
Dang B, Chen W, He W, Chen G. Rehabilitation treatment and progress of traumatic brain injury dysfunction. Neural Plast. 2017;2017:1582182. doi: 10.1155/2017/1582182. Epub 2017 Apr 11. PMID: 28491478; PMCID: PMC5405588.
Heled E, Tal K, Zeilig G. (2020) Does lack of brain injury mean lack of cognitive impairment in traumatic spinal cord injury? J Spinal Cord Med., DOI: 10.1080/10790268.2020.1847564
Galgano M, Toshkezi G, Qiu X, Russell T, Chin L, Zhao LR. Traumatic brain injury: Current treatment strategies and future endeavors. Cell Transplant. 2017 Jul;26(7):1118-1130. doi: 10.1177/0963689717714102. PMID: 28933211; PMCID: PMC5657730.
Garlanger KL, Beck LA, Cheville AL. Functional outcomes in patients with co-occurring traumatic brain injury and spinal cord injury from an inpatient rehabilitation facility’s perspective. J Spinal Cord Med. 2018 Nov;41(6):718-730. doi: 10.1080/10790268.2018.1465744. Epub 2018 May 1. PMID: 29714644; PMCID: PMC6217473.
Gerrard, Paul B et al. “Coma Recovery Scale-Revised: evidentiary support for hierarchical grading of level of consciousness.” Arch Phys Med Rehabil. 95 12 (2014): 2335-41.
Giacino JT, Fins JJ, Laureys S, Schiff ND. Disorders of consciousness after acquired brain injury: the state of the science. Nat Rev Neurol. 2014 Feb;10(2):99-114. doi: 10.1038/nrneurol.2013.279. Epub 2014 Jan 28. PMID: 24468878.
Houlden H, Greenwood R. Apolipoprotein E4 and traumatic brain injury. J Neurol Neurosurg Psychiatry. 2006 Oct;77(10):1106-7. doi: 10.1136/jnnp.2006.095513. Epub 2006 Jun 22. PMID: 16793859; PMCID: PMC2077546.
Jonasson A, Levin C, Renfors M, Strandberg S, Johansson B. Mental fatigue and impaired cognitive function after an acquired brain injury. Brain Behav. 2018 Aug;8(8):e01056. doi: 10.1002/brb3.1056. Epub 2018 Jun 29. PMID: 29956894; PMCID: PMC6085903.
Karnath HO, Sperber C, Rorden C. Mapping human brain lesions and their functional consequences. Neuroimage. 2018 Jan 15;165:180-189. doi: 10.1016/j.neuroimage.2017.10.028. Epub 2017 Oct 16. PMID: 29042216; PMCID: PMC5777219.
Kushner DS. Strategies to avoid a missed diagnosis of co-occurring concussion in post-acute patients having a spinal cord injury. Neural Regen Res. 2015 Jun;10(6):859-61. doi: 10.4103/1673-5374.158329. PMID: 26199589; PMCID: PMC4498334.
Leddy JJ, Wilber CG, Willer BS. Active recovery from concussion. Curr Opin Neurol. 2018 Dec;31(6):681-686. doi: 10.1097/WCO.0000000000000611. PMID: 30382949; PMCID: PMC7046089.
Macfarlane RJ, Ng BH, Gamie Z, El Masry MA, Velonis S, Schizas C, Tsiridis E. Pharmacological treatment of heterotopic ossification following hip and acetabular surgery. Expert Opin Pharmacother. 2008 Apr;9(5):767-86. doi: 10.1517/14656566.9.5.767. PMID: 18345954.
Mckee AC, Daneshvar DH. The neuropathology of traumatic brain injury. Handb Clin Neurol. 2015;127:45-66. doi: 10.1016/B978-0-444-52892-6.00004-0. PMID: 25702209; PMCID: PMC4694720.
National Academies of Sciences, Engineering, and Medicine; Health and Medicine Division; Board on Health Care Services; Committee on the Review of the Department of Veterans Affairs Examinations for Traumatic Brain Injury. Evaluation of the Disability Determination Process for Traumatic Brain Injury in Veterans. Washington (DC): National Academies Press (US); 2019 Apr 10. Diagnosis and Assessment of Traumatic Brain Injury. Available from: https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK542595/
Nott MT, Baguley IJ, Heriseanu R, Weber G, Middleton JW, Meares S, Batchelor J, Jones A, Boyle CL, Chilko S. Effects of concomitant spinal cord injury and brain injury on medical and functional outcomes and community participation. Top Spinal Cord Inj Rehabil. 2014 Summer;20(3):225-35. doi: 10.1310/sci2003-225. PMID: 25484568; PMCID: PMC4257139.
Pessoa L. A Network Model of the Emotional Brain. Trends Cogn Sci. 2017 May;21(5):357-371. doi: 10.1016/j.tics.2017.03.002. Epub 2017 Mar 28. PMID: 28363681; PMCID: PMC5534266.
Polinder S, Cnossen MC, Real RGL, Covic A, Gorbunova A, Voormolen DC, Master CL, Haagsma JA, Diaz-Arrastia R, von Steinbuechel N. A multidimensional approach to post-concussion symptoms in mild traumatic brain injury. Front Neurol. 2018 Dec 19;9:1113. doi: 10.3389/fneur.2018.01113. PMID: 30619066; PMCID: PMC6306025.
Silva MA, See AP, Essayed WI, Golby AJ, Tie Y. Challenges and techniques for presurgical brain mapping with functional MRI. Neuroimage Clin. 2017 Dec 6;17:794-803. doi: 10.1016/j.nicl.2017.12.008. PMID: 29270359; PMCID: PMC5735325.
Simpson G, Jones K. How important is resilience among family members supporting relatives with traumatic brain injury or spinal cord injury? September 2012 Clinical Rehabilitation 27(4). DOI: 10.1177/0269215512457961
Snyder AZ, Bauer AQ. Mapping structure-function relationships in the brain. Biol Psychiatry Cogn Neurosci Neuroimaging. 2019 Jun;4(6):510-521. doi: 10.1016/j.bpsc.2018.10.005. Epub 2018 Oct 29. PMID: 30528965; PMCID: PMC6488459.
Stillman A, Alexander M, Mannix R, Madigan N, Pascual-Leone A, Meehan WP. Concussion: Evaluation and management. Cleve Clin J Med. 2017 Aug;84(8):623-630. doi: 10.3949/ccjm.84a.16013. PMID: 28806161.