Reeve Summit 2025 | March 10-12 | Register Now!

Connect

Cerebral palsy

Ano ang cerebral palsy?

Ang Cerebral palsy (CP) ay sanhi ng abnormal na pagbuo o pinsala sa mga parte ng utak na nagkokontrol sa pagkilos, balanse, at postura.

Dahil sa sanhi ng pagkapinsala ng isa o higit pang mga parte ng utak na nagkokontrol sa pagkilos, ang naapektuhang tao ay hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga kalamnan ng normal. Ang mga sintomas ay mula banayad hanggang malubha, kabilang ang mga uri ng paralysis, at nakikita sa maagang mga taon ng kabataan.

Sa paggagamot, ang karamihan sa mga bata ay maaaring malakihang mapabuti ang kanilang mga kakayahan. Bagama’t maaaring magbago ang mga sintomas sa paglipas ng panahon, ang cerebral palsy base sa depinisyon nito ay hindi progresibo, kaya kung ang pagtaas ng pagkasira ay nangyayari, ang problema ay maaaring isang bagay maliban sa cerebral palsy.

Maraming mga bata na may cerebral palsy ay may iba pang mga problema na kailangan ang paggagamot. Kabilang sa mga ito ang mental retardation, mga kapansanan sa pag-aaral, mga seizure, at pati na rin mga problema sa paningin, pagdinig at pananalita. Ang cerebral palsy ay karaniwang hindi na-diagnose hangga’t ang isang bata ay halos 2 hanggang 3 taong gulang.

Humigit-kumulang sa 500,000 mga bata at nasa hustong gulang sa lahat ng edad sa bansang ito ay may cerebral palsy.

Tatlong uri ng cerebral palsy

Mayroong tatlong pangunahing uri ng cerebral palsy:

  • Spastic cerebral palsy
  • Dyskinetic cerebral palsy
  • Ataxic cerebral palsy

Spastic cerebral palsy

Humigit-kumulang sa 70 hanggang 80 porsiyento ng mga naapektuhang indibiduwal ay may spastic cerebral palsy, na kung saan ang mga kalamnan ay naninigas, na ginagawang mas mahirap na kumilos.

Kapag ang parehong binti ay naapektuhan (spastic diplegia), maaaring mahirapan ang bata na maglakad dahil sa naninikip na mga kalamnan sa balakang at binti ay nagdudulot ng pagkakapiki o papaloob na binti at pagdidikit ng mga tuhod (tinatawag na scissoring). Sa ibang mga kaso, ang isang gilid lamang ng katawan ang apektado (spastic hemiplegia), madalas na ang braso ay mas matinding apektado kaysa sa binti.

Ang pinakamatindi ay ang spastic quadriplegia, kung saan ang apat na limbs at ang trunk ay apektado, madalas na kasama ang mga kalamnan na nagko-kontrol sa bibig at dila.

Dyskinetic cerebral palsy

Halos 10 hanggang 20 porsiyento ay may dyskinetic form, na nakaka-apekto sa buong katawan. Ito ay nauuri sa pabago-bagong kawalan ng lakas ng laman na mula masyado naninigas hanggang sa masyadong nanlalambot, at minsan ay nauugnay sa di makontrol na mga kilos na maaaring mabagay at namimilipit o mabilis at pabigla-bilang mga kilos.

Ang mga bata ay madalas na nahihirapang matutunan na ikontrol ang kanilang mga katawan ng husto para maka-upo at makapaglakad. Dahil ang mga kalamnan ng mukha at dila ay maaaring maapektuhan, maaaring may mga kahirapan rin sa paghigop, paglunok at pananalita.

Ataxic cerebral palsy

Halos 5 hanggang 10 porsiyento ay may ataxic form, na nakaka-apekto sa balanse at koordinasyon. Ang mga indibiduwal ay may hindi matatag na paglalakad at may kahirapan sa mga pagkilos na kailangan ang eksaktong koordinasyon, tulad ng pagsusulat .

Mga sanhi at diagnosis

Maraming mga bagay na nagaganap habang buntis at sa oras ng panganganak na maaaring makagambala sa normal na pag-unlad ng utak at maaaring magresulta sa cerebral palsy.

Sa halos 70 porsiyento ng mga kaso, ang pinsala sa utak ay nagaganap bago ipanganak, kahit na maaari itong maganap sa oras ng panganganak o sa unang mga buwan o taon ng buhay.

Ang ilan sa mga kilalang sanhi ay kinabibilangan ng:

Mga impeksyon habang buntis

Ang ilang mga impeksyon sa ina, kasama na ang rubella (German measles), cytomegalovirus (isang banayad na iviral na impeksyon), at toxoplasmosis (isang banayad na parasitiko na imkesyon) ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak at magresulta sa cerebral palsy.

Hindi sapat ang oxygen na umaabot sa sanggol sa sinapupunan

Halimbawa, kapag ang inunan ay hindi maayos ang paggana o naaalis mula sa pader ng matris bago manganak, ang fetus o sanggol sa sinapupunan ay maaaring walang sapat na oxygen.

Prematurity

Ang mga napaagang mga sanggol na may timbang na mas magaan sa 3 1/3 pounds ay hanggang 30 beses na mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng cerebral palsy kaysa sa tamang-gulang na mga sanggol.

Mga komplikasyon sa labor at panganganak

Hanggang kamakailan lang, naniniwala ang mga doktor na ang asphyxia (kakulangan ng oxygen) kapag may kahirapan sa panganganak ay ang sanhi ng karamihang mga kaso ng cerebral palsy. Ipinapakita sa mga pinakahuling pag-aaral na ito ay sanhi lang ng halos 10 porsiyento ng mga kaso.

Rh na sakit

Ang hindi pagkakatugma sa pagitan ng dugo at ng ina at ang kanyang fetus ay maaaring magdulot ng pinsala sa utak, na magreresulta sa cerebral palsy.

Sa kabutihang palad, ang Rh na sakit ay karaniwang maiiwasan sa pamamagitan ng pagbibigay sa isang Rh-negatibo na babae ng isang iniksyon ng produktong dugo na tinatawag na Rh immune globulin pagdating sa ika-28 na linggo ng pagbubuntis at muli pagkatapos manganak ng isang sanggol na Rh-positibo.

Iba pang mga depekto sa kapanganakan. Ang mga sanggol na may maling pormasyon sa utak , maraming mga genetic na sakit, chromosomal na abnormalidad, at iba pang mga pisikal na depekto sa kapanganakan ay mas mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng cerebral palsy.

Natamong cerebral palsy

Halos 10 porsiyento ng mga bata na may cerebral palsy ay natatamo ito makalipas na ipanganak sanhi ng mga pinsala sa utak na nagaganap sa unang dalawang taon ng buhay nila. Ang mga pinaka-karaniwang sanhi ng nasabing mga pinsala ay ang impeksyon sa utak (tulad ng meningitis) at mga pinsala sa utak.

Ang cerebral palsy ay nada-diagnose sa pamamagitan ng pagtatasa kung paano kumikilos o gumagalaw ang sanggol o bata. Ang ilang mga batang may CP ay may mababang lakas ng kalamnan, na tila ginagawang malambot o maluluwag ang mga ito. Ang iba ay may mas malalakas na kalamnan, na ginagawang tila matitigas ang mga ito, o nag-iiba ibang lakas ng kalamnan (minsan ay lumalakas at minsan ay humihina).

Maaari rin imungkahi ng doktor ang mga pagsusuring-imahe sa utak tulad ng magnetic resonance imagine (MRI), computed tomography (CT scan), o ultrasound. Ang mga pagsusuring ito ay minsang nakakatulong na kilalanin ang sanhi ng cerebral palsy.

Paano ginagamot ang cerebral palsy?

Isang pangkat ng mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ang makakatrabaho ng inyong anak at pamilya para kilalanin ang mga pangangailangan ng bata.

Ang pangkat na ito ay maaaring may kasamang mga doktor sa mga bata, pisikal na medisina at rehabilitasyon na doktor, siruhano na ortopedya, physical at occupational therapist, optalmolohista, patologo sa pagsasalita/wika, sa mga social worker at psychologist.

Ang bata ay karaniwang nagsisimula sa physical therapy pagkatapos agad ng diagnosis. Ito ay nagpapahusay sa motor skills (tulad ng pag-upo at paglalakad), pinapahusay ang lakas ng kalamnan, at nakakatulong na maiwasan ang mga contracture (pagpapaiksi ng mga kalamnan na nalilimitihan ang pagkilos ng kasukasuhan).

Minsan, ang braces, splints o casts ay ginagamit kasabay ng therapy para makatulong na maiwasan ang mga contracture at mapahusay ang paggana ng mga kamay at binti. Kung matindi ang mga contracture, maaaring irekumenda ang pag-opera para mapahaba ang mga naapektuhang kalamnan.

Maaaring gumamit ng mga gamot para mapadali ang spasticity o para mabawasan ang abnormal na pagkilos. Sa kasamaang palad, ang oral drug na gamutan ay madalas na hindi nakakatulong. Minsan, ang iniksyon ng mga gamot ng direkta sa spastic na kalamnan ay mas nakakatulong, at ang mga epekto ay tumatagal ng ilang buwan.

Isang bagong uri ng paggamutang gamot ay may magandang posibilidad para sa mga bata na may katamtaman hanggang malubhang spasticity na nakaka-apekto sa apat na limbs, kung saan ang pump ay nakakabit sa ilalim ng balat na patuloy na naghahatid ng anti-spasmodic na gamot na baclofen.

Para sa ilang mga bata na may spasticity na nakaka-apekto sa parehong binti, ang selective dorzal rhizotomy ay maaaring permanenteng makabawas sa spasticity at mapahusay ang kakayahan na umupo, tumayo at maglakad. Sa procedure na ito, pinuputol ng ilang mga hibla ng ugat na nagreresulta sa spasticity. Ang procedure na ito ay karaniwang ginagawa kapag ang bata ay nasa edad sa pagitan ng 2 at 6 na taong gulang.

Pananaliksik

Iminumungkahi ng pananaliksik na ang cerebral palsy ay maaaring magresulta sa maling pag-unland ng cell sa umpisa ng pagbubuntis. Halimbawa, napansin ng isang pangkat ng mga mananaliksik na higit sa one-third ng mga bata na may cerebral palsy ay nawawala din ang enamel sa ilang mga ngipin.

Sinusuri rin ng mga siyentista ang ilang mga pangyayari – tulad ng pagdurugo ng utak, mga seizure, at mga problema sa paghinga at sirkulasyon – na nagbabanta sa utak ng isang bagong panganak na sanggol.

At, nagsasagawa ang mga imbestigador ng mga pag-aaral para malaman kung ang ilang mga gamot ay makakatulong na maiwasan ang neonatal stroke, at sinusuri ng iba pang mga imbestigador ang mga sanhi ng mababang timbang sa pagkapanganak.

Tinitingnan naman ng ibang mga siyentista kung paano naiirita ang utak, tulad ng pinsala sa utak mula sa kakulangan ng oxygen o pagdaloy ng dugo, pagdurugo ng utak, at mga seizure, ay maaaring magdulot ng abnormal na pagpapalabas ng mga kemikal sa utak at mapasimulan ang sakit sa utak.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa cerebral palsy o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay available tuwing may araw ng pasok, Lunes-Biyernes,toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet ng cerebral palsy na may karagdagang mga mapagkukunan impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga estadong mapagkukunan ng impormasyon at tulong hanggang sa sekundaryong komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay din sa mga grupo na sumusuporta at mga organisasyon ng cerebral palsy, kabilang ang:

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon: United Cerebral Palsy, March of Dimes, National Institute of Neurological Disorders and Stroke