Join us for our 2025 Reeve Summit in Denver, Colorado!

Connect

Lyme disease

Ano ang Lyme disease?

Ang Lyme disease ay isang bacterial (Borrelia burgdorferi) na impeksyong nahahawa sa mga tao mula sa kagat ng ilang mga kulay itim na paang garapata o tick, kahit na mas kaunti sa 50 porsiyento ng lahat ng Lyme disease na pasyente ay naaalala ang kagat ng garapata na ito.

Ang mga karaniwang sintomas ay kinabibilangan ng lagnat, sakit ng ulo, at lubos na pagkapagod. Ang lyme disease ay maaari rin humantong sa neurological na mga sintomas, kasama ang kawalan ng paggana ng mga braso at binti. Ayon sa mga eksperto, ang standard na diagnostic na pamamaraan ay nabigong makatuklas ng hanggang 40 karaming mga porsiyento ng kaso ng Lyme disease.

Minsan, ang Lyme disease ay mali ang diagnosis at sinasabing amyotrophic lateral sclerosis or multiple sclerosis ito.

Ang karamihan sa mga kaso ng Lyme disease ay maaaring matagumpay na magamot gamit ang mga antibiotics sa loob ng ilang mga linggo. Habang ang ilang taong may pangmatagalang Lyme disease ay gumagamit ng mga antibiotics sa loob ng matagal na takdang panahon, ang karamihan sa mga doktor ay hindi ikinokonsidera ito bilang isang chronic na impeksyon.

Ayon sa nalathalang panitikang medikal , maraming mga indibiduwal na na-diagnose na may chronic Lyme disease ay walang ipinapakitang paunang impeksyon. Sa katotohanan, 37 porsiyento lang ng mga pasyente sa isang referral center ang mayroon o dating impeksyon ng B. burgdorferi bilang pagpapaliwanag sa kanilang mga sintomas.

May mga ulat na ang hyperbaric oxygen at lason ng bubuyog ay mabisa sa ilan para magamot ang mga sintomas ng sakit. May ilang mga taong may chronic Lyme disease ang bumiyahe sa ibang bansa para sa mamahalin at di awtorisadong stem cell therapies.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon sa pamamahala sa Lyme disease

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa Lyme disease o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay bukas tuwing may araw ng trabaho at pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga pangkat ng suporta sa sakit na Lyme at mga hindi pangkalakal, kabilang ang: