Multiple Sclerosis
Ano ang multiple sclerosis?
Ang multiple sclerosis (MS) ay isang matagalan, at karaniwang nakakabaldang sakit ng central nervous system. Maaaring panaka-naka at banayad ang mga sintomas, gaya ng pamamanhid ng biyas o kalabuan ng paningin na nawawala rin sa paglipas ng panahon. Ang iba ay maaaring may mas malulubha at tumatagal na sintomas, kasama dito ang pagkaparalisa, di-mapigil na pag-ihi o pagdumi, kawalan ng ulirat, o kawalan ng paningin. Ang bawat kaso ng MS ay natatangi, depende sa mga naapektuhang kaugatan. Ang isang indibidwal ay maaaring magtaglay ng isa, lahat o kombinasyon ng mga sintomas. Maaaring ganap na mawala ang mga sintomas, ang ilan o ang lahat ay maaaring manatili.
Ang mga kaugatan ay binubuo ng pangkat ng mga kaugatan (nerve body) na maraming sangay. Ang isa sa mga sangay ay mas mahaba kaysa sa iba. Ang tawag dito ay axon. Ang buong kaugatan ay nababalot ng myelin sheath upang maprotektahan ito at para makatulong magpadala ng mga mensahe mula sa isang kaugatan tungo sa isa pa. Pinapanatili ng myelin ang tuloy-tuloy na simbuyo ng kaugatan. Sa multiple sclerosis, napipinsala ang myelin. Nagsisimula itong masira, kung kaya’t naiiwan nitong walang proteksyon (demyelination) ang kaugatan, lalo na ang axon, na nakakaapekto sa pagpapadala ng mensahe. Sa kalaunan, kapag nasira na nang husto ang myelin, masisira na rin ang axon ng kaugatan.
Ang nangyayari sa multiple sclerosis ay maaaring dulot ng pamamaga (inflammation). Nagaganap ang pamamaga kapag nagkaroon ng impeksyon ang tao. Nakikita ito sa balat na may kasamang pamumula, pamamaga at pag-init dahil nagmamadali ang mga puting selula na labanan ang impeksyon at inaalis naman ng ibang selula ang napinsalang himaymay. Nagaganap din ang pamamaga sa loob ng katawan na nakakaapekto sa lahat ng sistema ng katawan, at ang isa dito ay ang sistema ng kaugatan (nervous system). Para sa di-nalalamang dahilan, maaaring magkaroon ng pamamaga sa mga lamang-loob o bahagi ng katawan at himaymay nang mayroon o walang tukoy na impeksyon. Ang pamamaga sa katawan ay ipinapagpalagay na sanhi ng pinsala sa myelin. Ito ang ipinagpapalagay na nag-uodyok o sanhi ng MS. Ang pamamaga ay maaaring mag-iwan ng mga pamumuo na bumabara at makapinsala sa may-sirang myelin (minsan ay tinatawag na lesion).
Ang mga kaganapan ng pagpapatuloy ng multiple sclerosis ay nagaganap sa mga yugtong tinatawag na mga exacerbation (paglala). Ang mga ito ay kaganapan kung saan ang mga sintomas ay lumilitaw o nawawala sa loob ng di-bababa sa 24 na oras. Nangyayaraing bumabalik kapag umayos ang mga sintomas sa antas ng normal na kakayahan ng indibidwal pagkatapos ng lumalala. Kapag bumabalik, ang ilang tao ay makakabalik sa karaniwan nilang kalagayan, ang karamihan ay magbabalik sa sarili nilang antas ng kakayahan pagkatapos ng paglala.
Maipapakilala ang multiple sclerosis sa isa sa apat na klase o uri.
- Ang Clinically Isolated Symptoms (CIS) ay mga bukod-tanging sintomas ng MS na nagaganap sa iisang pagkakataon. Ang mga sintomas na ito ay karaniwang nawawala sa loob ng 24 na oras. Ang CIS na hindi nawawala o tumutugma sa mga pagbabago sa central nervous system ay isang pamantayan ng diagnosis ng MS Mahalagang tandaan na ang ilang tao ay magkakaroon ng isang kaganapan ng CIS, samakatuwid ay hindi ma-diagnose na may MS. Maaaring lumitaw ang mga sintomas na CIS bilang:
- Ang optic neuritis ay ang pinakakaraniwang sintomas ng MS. Ito ay pamamaga ng kaugatan ng mata (optic nerve). Karaniwan itong lumilitaw sa isang mata lang na malabo, nagabawasan ang tingkad kulay at may pananakit kapag hindi ginagalaw ang mata.
- May pamamanhid at nangingilig na pakiramdam, karaniwan mula sa iyong leeg pababa sa iyong gulugod. Subalit, maaari ding magkaroon ng pamamanhid at pangingilig sa paa, mga binti, kamay, braso o mukha.
- Ang Relapsing Remitting MS ay mailalarawan bilang pagkakaroon ng mga panahon ng paglala o nadaragdagang sintomas ng MS na sinusundan ng mga panahon ng pagbalik sa normal o walang dagdag na mga sintomas. Sa klasing ito, hindi lumalala ang MS maliban tuwing mga panahon ng paglala. Sa mga nagsisimula sa relapsing-remitting, mahigit sa kalahati ang nagkakaroon ng secondary-progressive MS sa loob ng sampung taon; 90 porsyento, sa loob ng 25 taon. Mga 75 porsyento ng mga taong may MS ang nagsisimula sa relapsing-remitting.
- Ang Primary Progressive MS ay isang klase ng MS kung saan patuloy na lumalala ang sakit nang walang mga panahon ng pagbabalik.
- Nagsisimula ang Secondary Progressive MS bilang relapsing remitting na may panaka-nakang sintomas, ngunit nagiging primary progressive o patuloy ang pagbabago ng mga sintomas.
Mga Sintomas
Nagkakaroon ng mga sintomas depende sa kung aling kaugatan o mga kaugatan ang apektado. Ang isang tao ay maaaring magkaroon ng mga sintomas sa mata habang ang unang mga sintomas ng iba ay sa kakayahang igalaw ng binti. Ang ilang tao ay may isang sintomas lang na tinatawag na monofocal na pangyayari. Ang iba ay maaaring may multifocal pangyayari o kombinasyon ng ilan o maraming sintomas.
Maaaring kasama sa karaniwang sintomas sa pagsisimula ng MS ang:
- Pamamanhid o panghihina ng mga binti, braso o katawan, marahil sa isang bahagi lang ng katawan
- Mga pakiramdam na parang tinutusok-tusok (electric shock sensations) lalo na kapag nagagalaw paharap ang leeg (Lhermitte sign)
- Panginginig (tremor)
- Mga pangingilig o pananakit sa mga bahagi ng iyong katawan
- Kakulangan ng koordinasyon
- Mabuway na paglakad
- Bahagya o ganap na pagkawala ng paningin, karaniwan ay isang mata muna
- Pananakit kapag ginagalaw ang mata
- Matagal na dobleng paningin o malabong paningin
- Bulol na pagsasalita
- Labis na kapaguran
- Pagkahilo
- Diperensya sa pakikipagtalik, pagdumi at pag-ihi
Mga Isyu sa Kalusugang Pangkaisipan sa MS
Maaaring maapektuhan ng multiple sclerosis ang kalusugang pangkaisipan at mga abilidad ng isang indibidwal. Ang mga sintomas na ito ay maaaring maapektuhan ng labis na kapaguran at karaniwang naipagkakamali ng isang indibidwal bilang pansamantalang pagkalimot. Subalit, dapat tandaan ang dalas ng mga sintomas na ito. Maaaring hindi makikita sa tao ang lahat ng problema sa kamalayan ngunit mas madalas ay magkakaroon at magkakaroon ng isa o dalawa. Maaaring kasama dito ang pag-unawa sa impormasyon, atensyon, konsentrasyon, pagtukoy sa tamang salita o pagiging malilimutin, mas mataas na antas ng pag-iisip, o persepsyon o mga paghihirap pagdating sa espasyo (space challenges).
Maaaring makapansin ang ilang tao ng mga pagbabago sa kanilang memorya, sa kakayahang tumuon o makaalala bilang unang sintomas ng MS. Maaaring magkaroon ng paghihirap ang iba na magkontrol ng kanilang emosyonal na reaksyon gaya ng di-angkop na pagtawa o pag-iyak, o kawalan ng kakayahang huminto kapag nagsimula na ito. Maaaring mapinsala ang kakayahang humusga sa mga pabigla-biglang pagkilos.
Mga Isyu sa Kalusugang Pisikal sa MS
- Ang mga pagbabago sa katawan dahil sa MS ay maaaring pagpapatuloy ng mga sintomas, o maaaring magkaroon ng mga bagong problemang pang pisikal.
- Alinman o kapwa ang clinically isolated symptoms, optic neuritis at pamamanhid at pangingilig sa katawan nang mahigit sa isang pagkakataon.
- Maaaring kasama sa mga problema sa mata ang nystagmus (pagkibot ng mata) o dobleng paningin dahil sa walang koordinasyon ang mga kalamnan ng mata.
- Ang paghihirap sa pagsasalita ay karaniwang nagsisimula sa kalidad ng boses na tila galing sa ilong, mga paghinto sa pagitan ng mga salita, o pagkabulol.
- Karaniwang lumilitaw ang mga problema sa paglunok sa kalaunan ng sakit kapag naapektuhan na ang mga kalamnan ng lalamunan.
- Pagkahilo, pakiramdam na parang umiikot ang kuwarto.
- Mga pagbabago sa emosyon at depresyon dahil sa mga apektadong kaugatan sa utak. Baka maging mas kakaiba o mas matindi ang iyong reaksyon sa iba’t ibang sitwasyon. Ang depresyon ay maaaring maging resulta ng MS o maging isang reaksyon sa sakit.
- Ang pag-iisip ay naaapektuhan ng pagkabagal, pagkamalilimutin o kakulangan ng pagtuon. Hindi naaapektuhan ng MS ang kakayahang magbasa o makipag-usap.
- Labis na kapaguran o pagkapagod lalo na kung maggagabi na. Walang kaugnayan ang labis na kapaguran sa labis na pagtatrabaho o kakulangan ng tulog, bagama’t ang mga taong may MS ay karaniwang hindi malakas ang pakiramdam pagkagising.
- Mga pagbabago sa paglakad gaya ng pagiging padaskol-daskol o kakulangan ng koordinasyon, balanse o mga pagbabago sa iyong paglakad (paraan ng iyong paglalakad). Paghihirap sa paglalakad dahil sa mga pulikat, panginginig, balanse, manhid na paa at labis na kapaguran.
- Kasama sa mga sintomas ng pag-ihi at/o pagdumi ay ang dagdag na pangangailangang umihi o ang kawalan ng kakayahang ganap na ilabas ang ihi. Pagkatibi.
- Ang pagkapulikat ng kalamnan dahil sa naninigas at matitinding pagkapulikat lalo na sa binti ay nakikita sa halos kalahati ng mga indibidwal na may MS lalo na sa progresibong MS.
- Mga panginginig sa mga braso o biniti na nagpapahirap sa paghawak ng mga bagay at nakakaapekto sa paglalakad.
- Di-pangkaraniwang mga pakiramdam (dysensthesia) na may-kaugnayan sa kalamnan gaya ng parang napapaso, nangingilig, labis na pangangati, biglaan o tila nilalaslas na sakit. Paninikip sa paligid ng iyong mga tadyang o dako ng tiyan na kilala bilang MS hug.
- Maaaring madagdagan ang mga sintomas kapag hindi nakayanan ang init. Kapag masyado kang nainitan dahil sa pagsisikap na kumilos, maaaring makapansin ka ng karagdagang mga sintomas ngunit kapag nalamigan na ang iyong katawan, mawawala na ang mga sintomas.
- Kawalan ng kakayahang makipagtalik, kasama ang pagkatuyo ng ari ng babae o hindi pagtigas ng ari ng lalaki, halos walang reaksyon sa haplos o hindi makaabot sa orgasmo.
Mga Pagsusuri upang Ma- diagnose ang MS
Gaya ng maraming nyurolohikal na sakit, walang tiyak na pagsusuri para sa MS. Sa halip, may ilang mga pagtatasa at pagsusuri na isinasagawa. Isang naisapamantayang saligan na ginagamit ay ang McDonald Criteria, 2017 na edisyon na nagbibigay ng patnubay upang ma-diagnose ang MS. Upang ma-diagnose ang MS, kailangang makahanap ang iyong doctor ng pangkalusugang pangangalaga ng ebidensya ng sakit sa kahit dalawang bahagi ng iyong central nervous system (utak, gulugod, kaugatan ng mata) na buhat sa iba’t ibang panahon. Ma-diagnose din ito sa pamamagitan ng pagbubukod sa ibang mga posibleng sakit.
May isasagawang eksaminasyon sa kasaysayan at pisikal na pagsusuri. Mahalagang ilarawan ang lahat ng iyong sintomas sa iyong doctor ng pangkalusugang pangangalaga kung sa tingin mo ay sintomas ang mga ito o hindi ng MS. Kasama dapat dito kung kailan naganap ang mga sintomas, kung mayroong mga sanhi o nag-uodyok ng mga sintomas, at kung nagkasintomas ka na noong nakaraan na nawala na.
Magsasagawa ang iyong doctor ng malawakang nyurolohikal na eksaminasyon at kasama dito ang pagtatasa ng iyong central nervous system (CNS), pati na rin ng iyong mga kaugatan at mga kalamnan ng iyong katawan.
Maaaring magsagawa ng urodynamic na pag-aaral. Sa eksaminasyong ito na isasagawa ng isang urologist, ganap na pag-aaralan ang iyong urinary system para sa mga pagbabago na maaaring may-kaugnayan sa MS. Ito ay isang mahalagang pag-aaral upang makuha ang batayang kakayahan ng iyong sistema sa pag-ihi (bladder system) para sa paggagamot ngayon at sa hinaharap.
80% lang ang maaasahan sa MRI ng utak at gulugod, kasama ang optic nerve upang makapaghanap ng mga lesyon at plaque ng MS sa mga kaugatan sa central nervous system. Ang tindi ng pinsala sa myelin ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga panahon kung kailan naganap ang demyelination.
Ang electrophoresis ay isang pagsusuri ng mga protina sa iyong cerebral spinal fluid. Ang cerebral spinal fluid ay ang likido sa paligid ng utak at gulugod na siyang sangkalan at pumoprotekta sa CNS. Nakukuha ang cerebral spine fluid sa pamamagitan ng spinal tap o maingat na pagpapasok ng karayom sa spinal canal (hindi sa gulugod) at pagtatanggal ng kaunting likido. Pagkatapos, ito ay susuriin sa isang laboratoryo para sa protina at serum.
Tinutukoy ng evoked potential studies (pangkat ng mga pagsusuri sa nervous system) kung gaano kahusay gumagana ang mga kaugatan sa katawan. May inilalagay na transponder sa ibabaw ng balat sa mga kaugatan upang masukat ang paggana ng mga ito.
Magsasagawa din ng mga pagsusuri ng dugo upang matasa ang pamamaga sa loob ng iyong katawan, pati na rin ang pagsubaybay sa pangkalahatang lagay ng iyong kalusugan. Tatasahin ng follow-up na pagsusuri ng dugo ang bisa ng mga gamot. Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang mga elevated live enzyme o pinababang bilang ng puting selula ng dugo.
Paggagamot para sa MS
Ang mga gamot ang pinaka-karaniwang na paraan sa paggagamot para sa MS. Ang mga paggagamot ay batay sa MS Clinical Practice Guideline na isinulat ng American Academy of Neurology, 2018.
Magagamit lang ang gamot para sa MS sa layuning mapigilan ang iba pang sakit. Ang tawag sa mga gamot na ito ay disease modifying therapies (DMT). Ang layunin ay upang maantala ang paglala ng sakit, samakatuwid, maantala ang iba pang problema sa kakayahan. Wala pang gamot na nagagawa para gumaling ang may MS.
Sinimulan ang DMT batay sa maraming kadahilanan, kasama na ang pagkaunawa ng indibidwal sa diagnoses at sa sitwasyon, upang mabawasan ang mga paglala, at interaksyon sa mga gamot na iniinom para sa ibang mga sintomas. Dapat malinaw na ilarawan ng taong nagrereseta ng iyong gamot ang mga pakinabang at masamang epekto ng mga inirerekomendang DMT, pati na rin ang pamamahala sa mga ito kung gusto mong mag-iba ng mga gamot.
Ang ilang gamot sa sumusunod na chart ay aprubado ng FDA para sa MS, ang iba ay aprubado ng FDA para sa ibang mga sakit ngunit ginagamit din para gamutin ang MS nang off label o hindi nakasaad. Ang ibang mga nakalistang gamot ay nasa iba’t ibang yugto ng klinkal na pagsusubok, at nakabinbin ang pag-aapruba ng FDA. Pag-usapan ang mga pagpipilian sa paggagamot kasama ng iyong personal na propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga dahil malapit na ang pag-aapruba ng FDA para sa ilan sa mga gamot na ito.
MS DMT (Disease Modifying Therapies)
Generic na Pangalan | Tatak | Paraan ng Pagbibigay | Aksyon | Paggamit |
---|---|---|---|---|
Alemtuzumab | Lemtrada | Infusion (IV) | Monoclonal antibody | Relapsing Remitting MS |
Azathioprine | Imuran | Oral | Immunosuppressant | Relapsing Remitting MS |
Cladribine | Mavenclad | Oral | Inihihinto ang immune events ng MS | Relapsing Remitting MS |
Corticosteroids | Methylprednisolone Dexamethasone Prednisone Betamethasone | Infusion at oral | Pinipigilan ang pamamaga | Binabawasan ang pagkalala ng pag-grabe |
Cyclophosphamide | Cytoxin
Neosar |
Infusion (IV) | Pinipigilan ang pamamaga | Relapsing Remitting MS |
Dalfampridine | Ampyra | Oral | Pinapahusay ang transmisyon ng nerbiyo | Para sa paglalakad |
Dimethyl fumarate | Tecfidera | Oral | Binabawasan ang pamamaga | Relapsing Remitting MS |
Fingolimod | Gilenya | Oral | Binabawasan ang pamamaga | Relapsing Remitting MS |
Glatiramer acetate | Generic Copaxone | Iniksyon | Pinoprotektahan ang myelin | Relapsing Remitting MS |
Imilecleucel-t | Tcelna | Immunotherapy | Secondary Progressive MS | |
Immunoglobulins | IVIG | Infusion (IV) | Pinalalakas ang immune system | Pinahuhusay ang immune system |
Interferon beta-1a | Avonex
Rebif |
Iniksyon
Iniksyon |
Manufactured interferon (protein) | Relapsing Remitting MS |
Interferon beta-1b subcutaneous alternate day | Betaseron
Extavia |
Iniksyon | Manufactured interferon (protein) | Relapsing Remitting MS |
Methotrexate | Maxtres | Iniksyon | Immunosuppressant | Relapsing Remitting MS |
Mitoxantrone | Novantrone | Infusion | Antineoplastic that protects the myelin sheath | Relapsing Remitting MS |
Natalizumab | Tysabri | Infusion | Monoclonal antibody | Relapsing Remitting MS |
Ocrelizumab | Ocrevus | Infusion (IV) | Monoclonal antibody | Relapsing Remitting MS |
Rituximab | Rituxan | Infusion (IV) | Monoclonal antibody | Relapsing Remitting MS |
Siponimod | Mayzent | Oral | Immunomodulator | Secondary Progressive MS |
Teriflunomide | Aubagio | Oral | Immunosuppressant | Relapsing Remitting MS |
Ang ibang mga gamot ay ibinibigay para sa mga natatanging sintomas. Kasama sa mga karaniwang gamot para sa MS ang baclofen, tizanidine o diazepam para mabawasan ang paninigas ng kalamnan (muscle spasticity). Ang mga cholinergic na gamot ay maaaring makatulong para mabawasan ang mga problema sa pag-ihi. Mga preparasyon para sa pagdumi para makatulong sa pagkatibi o almoranas. Makakatulong ang mga gamot laban sa depresyon para sa pakiramdam o sintomas na nakakaapekto sa pag-uugali. Pwede ibigay ang amantadine para sa labis na kapaguran.
Iba pang mga Paggagamot para sa MS
Ang ilang indibidwal, sa panahon ng MS na pag grabe ay pwedeng may paraan ng paggagamot kung saan inaalisan ang dugo ng antibodies na maaaring umaatake sa iyong immune system. Ang paggagamot na ito ay tinatawag na plasmapheresis. Hindi malinaw ang bisa ng therapy na ito.
Pampalamig na vest – Napapansin ng ilang indibidwal na ang kanilang katawan ay nag-iinit kahit sa kaunting aktibidad o naiinitan sila masyado sa paligid para makagawa. Nadaragdagan nito ang labis na kapaguran na nagpapahirap sa aktibidad at pag-iisip. Samakatuwid, ang isang cooling vest o iba pang kagamitan para mai-adjust ang panloob na temperatura ng kanilang katawan ay maaaring gamitin.
Hindi inireresetang mga Paggamot para sa MS
Pipiliin ng ilang indibidwal na subukang magdagdag ng iba pang paggagamot para sa mga sintomas ng MS nang walang reseta. Ang off label, alternatibo at over the counter na gamot at paggagamot ay dapat malinaw na pag-usapan kasama ng iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga upang matiyak na wala itong magiging interaksyon sa resetang gamot o hindi makakasama sa indibidwal na lagay ng iyong kalusugan. Mahalagang tandaan na kasalukuyang isinasagawa ang siyentipikong pagsasaliksik para matasa ang mga paggagamot.
Ang acupuncture at masahe ang pinakakaraniwang hindi inireresetang paggagamot na gusto ng mga indibidwal na may MS. Bagama’t hindi nito napapabagal ang paglala ng sakit, isinasaad ng ilang indibidwal ang pagkabawas ng mga sintomas na gaya ng paninigas ng kalamnan (spasticity).
Ang cannabis sa iba’t ibang uri gaya ng oral, spray, paglanghap (inhalation) ay maaaring gamitin para mabawasan ang paninigas ng kalamnan, neuropathic na pananakit, dalas ng pag-ihi at kakayahang mag-isip.
Maaaring gamitin ang Gingko Biloba para mapahusay ang kakayahang mag-isip at labis na kapaguran.
Maaaring isagawa ang low-fat na diyeta na may kasamang fish oil para mabawasan ang mga pagka grabe, labis na kapaguran at kalidad ng buhay.
Maaaring gumamit ng magnetic therapy para mabawasan ang labis na kapaguran.
Therapy
Ang pinagsama-samang paraan ng paggagamot gamit ang pisikal, speech at occupational therapy, magkakahiwalay man o sabay-sabay ay maaaring makapagpasulit sa kakayahan, magpahusay sa pananaw, makabawas ng depresyon, at magpahusay ng mga kakayahang umangkop. Ang planadong programa sa pag-eehersisyo sa simula ng MS ay nakakatulong upang mapanatili ang kalusugan ng kalamnan. Nakakatulong na mga therapy ang pag-eehersisyo at pagtitipid ng enerhiya. Ang pagpapahusay o pagpapanatili ng paghinga ay maaaring makamit sa pamamagitan ng mga therapy para sa daluyan ng hangin o iba pa. Dapat magsikap upang maiwasan ang labis na kapaguran, stress, pisikal na panghihina, labis na temperatura, at sakit upang mabawasan ang mga salik na maaaring mag-uodyok sa pag-atake ng MS.
Makakatulong ang isang psychiatrist o espesyalista sa kalusugang pangkaisipan upang mapamahalaan ang mga problema sa kamalayan, pati na rin sa depresyong kaugnay ng multiple sclerosis. Makakatulong ang espesyalistang ito gamit ang mga pamamaraan sa pag-unawa at pag-angkop pati na rin sa pamilya. Ang mga kasanayan upang makaya ito ay maaaring maging isang pokus ng therapy.
Mga Makasaysayang Teyorya ng mga Alternatibong Paggagamot ng MS
Dahil walang gamot sa MS, sumubok ang mga tao ng iba’t ibang uri ng alternatibong paggagamot upang magamot ang sakit. Sa kasamaang-palad, hindi naging mabisa ang mga ito. Sa katunayan, naipakita ng iba ang kawalan ng epekto gayundin ang pagiging mapanganib dahil sa mga allergic na reaksyon, at kamatayan pa nga. Walang pisyolohikal na pagdadahilan upang ipagpalagay na maaaring mapahusay ng mga paggagamot na ito ang sakit.
Hindi pinagiginhawa ng mga kagat ng pukyutan ang MS.
Hindi pinagiginhawa ng pagtatanggal ng mga amalgam na pasta sa ngipin ang MS.
Pagsasaliksik
Nagpapatuloy ang kasalukuyang pagsasaliksik ukol sa mga gamot para sa drug modifying therapeutics at ang paghahanap ng lunas. May mga bagong gamot nang paparating pati na rin ang posibleng paggagamot gamit ang stem cell therapy.
Dumadami ang pagsasaliksik sa MS sa mga bata (pediatric MS) para sa diagnoses, paggagamot at mga resulta dahil tinataya na 10% ng mga bagong kaso ay kabilang sa populasyong ito. May ilang haka-haka na ang pagkakaroon ng MS ay nagsisimula sa batang edad kahit makikita ang mga sintomas sa pagtanda pa.
Ang molekular na sanhi, pagpigil at paggagamot ay pinag-aaralan upang maunawaan kung bakit at kung paano nagkakaroon ng MS. Gumagamit ang mga tagapagsaliksik ng siyensya sa laboratoryo upang pag-aralan ang mga mekanismo ng pinagmumulan ng MS kabilang ang mga virus, pamamaga at iba pang sanhi. Kapag naunawaan ang sanhi, maaaring makagawa ng mga paggagamot. Ang batayang pagsasaliksik ay umaabot sa mga paksang tulad ng genetics, kapaligiran pati na rin ayon sa uri ng MS.
Maraming isinasagawang pag-aaral ang mga taga-pagsaliksik mula sa iba’t ibang disiplina, na gustong paghusayin ang kalidad ng buhay ng mga indibidwal na may MS.
Ang Transcranial direct current stimulation (tDCS) ay mababang antas na pangunguryente (low-level current) na isinasagawa sa labas ng ulo upang mapahusay ang daloy ng kuryente sa utak at kung minsan sa gulugod. Isinasagawa ang pagsasaliksik na ito sa maraming uri ng pagtukoy ng mga nyurolohikal na sakit kabilang ang MS. Pinag-aaralan ito upang makatulong sa pagkapinsala sa kamalayan at labis na kapaguran, at ito ay ilan sa mga resulta nito.
Kapag nilinis ang mga resistinsya na selula sa bone marrow ng isang pasyente sa pamamagitan ng chemotherapy at pagpupuno rito ng malulusog na mesenchymal stem cell, umaasa ang mga tagapagsaliksik na ang panibagong immune system ay huminto sa pag-atake sa sarili nitong mga nerbiyo. Pinag-aaralan pa ang konseptong ito.
Mga Katotohanan at Bilang ng MS
30 hanggang 80 sa kada 100,000 tao ang narikonosing may MS.
Karaniwang lumalabas ang MS sa mga indibidwal sa edad mula 20 hanggang 50 taong gulang.
Ang mga bata at matatanda ay na diagnose ding may MS ngunit mas kaunti ang bilang nila.
Mas posibleng magkaroon ang mga babae ng MS kaysa sa mga lalaki.
Ang mga indibidwal na may lahing Caucasian ay karaniwang ma diagnose na may MS.
Kapag mas malayo ang iyong tirahan sa equator, mas maraming may MS ang diagnoses.
Mga 15% ng mga indibidwal ang tila may lahi sa pamilya.
Ang labis na kapaguran, na lumalabas sa 80 porsiyento ng mga taong may MS, ay maaaring humadlang sa kakayahan ng isang tao na magtrabaho at kumilos. Ito ang nangungunang sintomas sa isang taong medyo naapektuhan ng sakit na ito.
Bagama’t ang MS ay matagalan at walang lunas, pareho ang haba ng buhay ng mga apektado sa mga taong walang MS, na may itatagal na 35 taon o mahigit pagkatapos marikonosi. Karamihan sa mga taong may MS ay patuloy na nakakapaglakad at nakakakilos sa trabaho nang wala masyadong kapansanan sa loob ng 20 o mahigit na taon.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon para sa Edukasyon at Suporta sa MS.
Kung naghahanap ka para sa karagdagang impormasyon sa multiple sclerosis o may isang tukoy na katanungan, ang aming information specialists ay bukas sa araw ng trabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet sa MS na may mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat ka namin na maabot din ang mga grupo ng suporta at organisasyon ng MS, kasama ang:
• National Multiple Sclerosis Society
• National Institutes of Health (NIH)
• NIH division of the National Center for Complementary and Alternative Medicines
• Multiple Sclerosis Association of America
• Accelerated Cure Project for Multiple Sclerosis
• Multiple Sclerosis Foundation
• Multiple Sclerosis News Today
• Paralyzed Veterans of America
• Multiple Sclerosis: A Guide for the Newly Diagnosed by T. Jock Murray, 2017. (ang libro ay mayroon mula sa Amazon).
KARAGDAGANG PAGBABASA
Introduksyon
Hecker M, Rüge A, Putscher E, Boxberger N, Rommer PS, Fitzner B, Zettla UK. Aberrant expression of alternative splicing variants in multiple sclerosis – A systematic review. Autoimmun Rev. 2019 May 3. pii: S1568-9972(19)30113-2. doi: 10.1016/j.autrev.2019.05.010. [Epub ahead of print]
Stadelmann C, Timmler S, Barrantes-Freer A, Simons M. Myelin in the Central Nervous System: Structure, Function, and Pathology. Physiol Rev. 2019 Jul 1;99(3):1381-1431. doi: 10.1152/physrev.00031.2018.
Seksyon ng mga Isyu sa Kalusugang Pangkaisipan ng MS
Bakirtzis C, Ioannidis P, Messinis L, Nasios G, Konstantinopoulou E, Papathanasopoulos P, Grigoriadis N. The Rationale for Monitoring Cognitive Function in Multiple Sclerosis: Practical Issues for Clinicians. Open Neurol J. 2018 May 31;12:31-40. doi: 10.2174/1874205X01812010031. eCollection 2018.
Jongen PJ1, Ter Horst AT, Brands AM. Cognitive impairment in multiple sclerosis. Minerva Med. 2012 Apr;103(2):73-96.
Seksyon ng mga Isyung Pampisikal ng MS
Katz Sand I. Classification, diagnosis, and differential diagnosis of multiple sclerosis. Curr Opin Neurol. 2015 Jun;28(3):193-205. doi: 10.1097/WCO.0000000000000206.
Seksyon ng mga Pagsusuri sa Pag-diagnose ng MS
Kamińska J, Koper OM, Piechal K, Kemona H. Multiple sclerosis – etiology and diagnostic potential. Postepy Hig Med Dosw (Online). 2017 Jun 30;71(0):551-563.
Carroll, WM. 2017 McDonald MS diagnostic criteria: Evidence-based revisions. Sage Publications. Volume: 24 issue: 2, page(s): 92-95. https://doi.org/10.1177/1352458517751861
Seksyon ng Paggagamot para sa MS
Floriana De Angelis, Nevin A John, Wallace J Brownlee. Disease-modifying therapies for multiple sclerosis. BMJ 2018;363:k4674. doi: https://doi.org/10.1136/bmj.k4674
Hegen H, Auer M, Deisenhammer F. Predictors of Response to Multiple Sclerosis Therapeutics in Individual Patients. Drugs. 2016 Oct;76(15):1421-1445. DOI: https://doi.org/10.1007/s40265-016-0639-3
Kaltsatou A, Flouris AD. Impact of pre-cooling therapy on the physical performance and functional capacity of multiple sclerosis patients: A systematic review. Mult Scler Relat Disord. 2019 Jan;27:419-423. doi: 10.1016/j.msard.2018.11.013. Epub 2018 Nov 13.
Seksyon ng Therapy
Dalgas U. Exercise therapy in multiple sclerosis and its effects on function and the brain. Neurodegener Dis Manag. 2017 Nov;7(6s):35-40. doi: 10.2217/nmt-2017-0040.
Halabchi F, Alizadeh Z, Sahraian MA, Abolhasani M. Exercise prescription for patients with multiple sclerosis; potential benefits and practical recommendations. BMC Neurol. 2017 Sep 16;17(1):185. doi: 10.1186/s12883-017-0960-9.
Seksyon ng Hindi inireresetang mga Paggagamot para sa MS
Alphonsus KB, Su Y, D’Arcy C. The effect of exercise, yoga and physiotherapy on the quality of life of people with multiple sclerosis: Systematic review and meta-analysis. Complement Ther Med. 2019 Apr;43:188-195. doi: 10.1016/j.ctim.2019.02.010. Epub 2019 Feb 10.
Riccio P, Rossano R. Diet, Gut Microbiota, and Vitamins D + A in Multiple Sclerosis. Neurotherapeutics. 2018 Jan;15(1):75-91. doi: 10.1007/s13311-017-0581-4.
Kim S, Chang L, Weinstock-Guttman B, Gandhi S, Jakimovski D, Carl E, Zivadinov R, Ramanathan M. Complementary and Alternative Medicine Usage by Multiple Sclerosis Patients: Results from a Prospective Clinical Study. J Altern Complement Med. 2018 Jun;24(6):596-602. doi:10.1089/acm.2017.0268. Epub 2018 Mar 2.
Seksyon ng mga Makasaysayang Teyorya ng mga Alternatibong Paggagamot ng MS
Wesselius T, Heersema DJ, Mostert JP, Heerings M, Admiraal-Behloul F, Talebian A, van Buchem MA, De Keyser J. A randomized crossover study of bee sting therapy for multiple sclerosis. Neurology. 2005 Dec 13;65(11):1764-8. Epub 2005 Oct 12.
Moreau T, Loudenot V. Dental amalgam and multiple sclerosis: what is the connection? Presse Med. 1999 Sep 4;28(25):1378-80.
Seksyon ng Pagsasaliksik
Inglese M, Petracca M. MRI in multiple sclerosis: clinical and research update. Curr Opin Neurol. 2018 Jun;31(3):249-255. doi: 10.1097/WCO.0000000000000559.
Mentis AA, Dardiotis E, Grigoriadis N, Petinaki E, Hadjigeorgiou GM. Viruses and Multiple Sclerosis: From Mechanisms and Pathways to Translational Research Opportunities. Mol Neurobiol. 2017 Jul;54(5):3911-3923. doi: 10.1007/s12035-017-0530-6. Epub 2017 Apr 28.
Nasios G, Messinis L, Dardiotis E, Papathanasopoulos P. Repetitive Transcranial Magnetic Stimulation, Cognition, and Multiple Sclerosis: An Overview. Behav Neurol. 2018 Jan 18;2018:8584653. doi: 10.1155/2018/8584653. eCollection 2018.
Seksyon ng mga Katotohanan at Bilang ng MS
Nicholas R, Rashid W. Multiple sclerosis. Am Fam Physician. 2013 May 15;87(10):712-4.
Yeshokumar AK, Narula S, Banwell B. Pediatric multiple sclerosis. Curr Opin Neurol. 2017 Jun;30(3):216-221. doi: 10.1097/WCO.0000000000000452.