Muscular dystrophy
Ano ang muscular dystrophy?
Ang Muscular dystrophy (MD) ay tumutukoy sa grupo ng mga genetic na sakit na nauuri ayon sa progresibong kahinaan at pagkabulok ng mga kalamnan sa buto na nagkokontrol sa pagkilos.
Mayroong maraming mga uri ng muscular dystrophy, ang ilang ay napapansin agad kapag ipinanganak na kilala bilang congenital muscular dystrophy, habang ang iba pang mga uri ay nabubuo sa pagbibinata and pagdadalaga. Anuman ang eksaktong panahon ng paglabas nito, ang MD ay maaaring humantong sa kahinaan sa pagkilos o kahit na pagkaka-paralisado.
Tatlong uri ng MD
Ang tatlong pinaka-karaniwang uri ng MD ay nag-iiba ayon sa pattern ng pagkakamana nito, edad nang lumabas ito, bilis ng pagsulong, at distribusyon ng kahinaan.
Duchenne MD MD ay pangunahing nakaka-epekto sa mga batang lalaki at ang resulta ng mga mutasyon sa gene na nagbibigay regulasyon sa dystrophin – isang protina na kinasasangkutan ng pananatili sa integridad ng hibla ng kalamnan. Ang paglalabas nito ay sa pagitan ng 3-5 taon at mabilis na sumusulong. Ang karamihang mga lalaki ay hindi nakakalakad sa edad na 12, at sa pagsapit ng edad na 20 ay maaaring kailangang gumamit ng respirator para huminga.
Facioscapulohumeral MD MD ay lumalabas kapag nagbibinata and nagdadalaga na at nagdudulot ng progresibong kahinaan sa mga kalamnan sa mukha at ilang mga kalamnan sa braso at binti. Ito ay dahan-dahan na sumusulong at maaaring may magkakaibang sintomas mula sa banayad hanggang sa nakakapinsala.
Ang Myotonic MD ay nag-iiba iba sa edad ng pagsisimula at nauuri ayon sa myotonia (tumagal na pagtigas ng kalamnan) sa mga daliri at kalamnan sa mukha. Ang mga karagdagang sintomas ng myotonic MD ay kinabibilangan ng floppy-footed at high-stepping gait, mga katarata, mga abnormalidad sa puso, at endocrine disturbances. Ang mga indibiduwal na may myotonic ND ay may mahahabang mukha rin at bumabagsak na talukap, at ang mga kalalakihan ay nakakaranas ng pagkakalbo sa harapan.
May mga paggagamot ba para sa MD?
Walang tiyak na paggagamot para sa alinman sa iba’t ibang uri ng MD. Ang physical therapy ay madalas na ginagawa para maiwasan ang mga masasakit na paninikip ng kalamnan. Ang ilang mga inireresetang gamot ay maaaring gamitin para sa pamamahala ng sakit at pati na rin sa pagpapabagal ng paghihina ng ilang mga uri ng MD.
Ang Orthopedic appliances ay ginagamit para magbigay ng suporta habang maaaring kailangan ang nagwawastong orthopedic na pag-oopera para mapahusay ang kalidad ng buhay para sa iba. Sa ilang mga kaso, ang respiratory therapy ay maaaring kailanganin. Bilang panghuli, ang mga abnormalidad sa puso ay maaaring mangailangan ng pacemaker.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa muscular dystrophy o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay bukas tuwing may araw ng trabaho at pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet ng MD na may karagdagang mga mapagkukunan impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation.T Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga estadong mapagkukunan ng impormasyon at tulong hanggang sa sekundaryong komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat namin kayo na makigpag-ugnay din sa mga grupong sumusuporta at mga organisasyon ng muscular dystrophy, kabilang ang:
- Muscular Dystrophy Association ay nakatuon sa pagtulong sa mga taong nabubuhay na may sakit na neuromuscular.
- Muscular Dystrophy Family Foundation ay nagbibigay ng napakaraming mga serbisyo ng suporta kabilang ang pagbibigay ng mga adaptive equipment.
- Parent Project Muscular Dystrophy, ang mga magulang ng mga bata na may Duchenne at Becker Muscular Dystrophy ay nagtatag ng samahang hindi-pangkalakal upang maisulong ang pagsisikap sa pananaliksik at adbokasiya.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon: National Institute of Neurological Disorders and Stroke, National Institutes of Health