Syringomyelia at tethered cord
Ano ang syringomyelia?
Sa post-traumatic syringomyelia (sear-IN-go-my-EE-lia) ang isang cyst o fluid-filled cavity ay nabubuo sa loob ng cord. Ang cavity na ito ay lumalaki sa paglipas ng panahon, na umaabot sa dalawa at higit pang mga spinal segment mula sa level ng SCI.
Ang mga klinikal na sintomas para sa syringomyelia at tethered spinal cord ay pareho at maaaring kasama ang:
- Progresibong paghihina ng spinal cord
- Progresibong kawalan ng sensasyon o lakas,
- Pagpapawis
- Paninigas
- Pananakit
- Autonomic Dysreflexia (AD)
Ano ang tethered spinal cord?
Ang tethered spinal cord ay isang kondisyon kung saan ang scar tissue ay nabubuo at ikinakabit ang spinal cord sa sarili nito sa dura, ang malambot na tissue membrane na pumapalibot dito. Ang pagpipilat na ito ay nagpapahintulot sa normal na daloy ng spinal fluid sa palibot ng spinal cord at humahadlang sa normal na kilos ng spinal cord sa loob ng membrane.
Ang tethering ay nagdudulot ng pamumuo ng cyst. Maaari itong mangyari ng walang katibayan ng syringomyelia, pero ang post-traumatic cystic na pamumuo ay hindi nagaganap nang walang kaunting antas ng cord tethering.
Pagtutuklas at paggagamot
Ang Syringomyelia at tethered spinal cord ay maaaring mangyari mula sa ilang buwan hanggang sa maraming mga dekada makalipas ang pinasala sa spinal cord.
Ang Magnetic resonance imaging (MRI) ay nakakatuklas sa mga cyst sa spinal cord, maliban na lang kung mayroong mga mga rod, plate o bala.
Ang Syringomyelia ay maaari rin maugnay sa spina bifida, spinal cord tumors, arachnoiditis, at idiopathic (di alam ang dahilan) syringomyelia. Ang MRI ay lubos na nagparami sa bilang ng mga diagnose sa mga umpisang yugto ng syringomyelia. Ang mga hudyat ng kakulangan ay may gawing dahan-dahan na magkaroon, kahit na ang biglaang pagkakaroon nito ay maaaring mangyari kasama ng pag-ubo o pag-pwersa.
Ang tethered cord at syringomyelia ay ginagamot sa pamamagitan ng pag-oopera. Ang untethering ay kinasasangkutan ng isang banayad na pag-oopera para mapalabas ang scar tissue sa palibot ng spinal cord para mabalik ang daloy ng spinal fluid at pagkilos ng spinal cord.
Dagdag pa dito, may maliit na graft na maaaring ilagay sa lugar ng tethering para mapatibay o mapalakas ang dural space at mapakaunti ang peligro ng muling pag-pilat.
Kung may cyst, maaaring maglagay ng shunt sa loob ng cavity para maalis ang likido mula sa cyst.
Ang pag-oopera ay madalas na nagreresulta sa napahusay na lakas at naibsan na pananakit. Gayunman, hindi nito parating nababalik ang nawalang paggana ng sensasyon. Habang nagreresulta sa pag-opera ang pagpapatatag o katanggap-tanggap na paghusay ng mga sintomas sa karamihan kahit na ang isang pagkakaantala sa paggagamot ay maaaring magresulta sa hindi mababalik sa dating kalagayan na pinsala sa spinal cord.
Ang muling pagbalik ng syringomyelia makalipas na ma-opera ay maaaring magresulta sa karagdagang mga pag-opera kung kinakailangan. Ang mga pag-operang ito ay maaaring hindi ganap na matagumpay sa pangmatagalan. Hanggang kalahati noong mga nagagamot paa sa syringomyelia ay may mga bumabalik na sintomas sa loob ng limang taon.
Chiari malformation
Ang syringomyelia ay nangyayari rin sa mga taong may abnormalidad sa pagkapanganak palang sa utak na tinatawag na Chiari malformation. Sa pagde-develop ng fetus, ang mas mababang parte ng cerebellum ay umuusli mula sa base ng ulo patuno sa cervical na bahagi ng spinal canal.
Karaniwang kasama sa mga sintomas ang pagsusuka, kahinaan ng muscle sa ulo at mukha, kahirapan sa paglunok, at iba’t ibang antas ng kahinaan o kahirapang pangkaisipan.
Ang paralysis ng mga braso at binti ay maaari rin maranasan. Ang mga adult at adolescent na may Chiari malformation na dating walang napansing mga sintomas ay maaaring magpakita ng mga senyas ng progresibong impairment, tulad ng di kusa, mabilisan, at bumababang paningin o kilos ng mga mata.
Kabilang sa iba pang mga sintomas ang pagkahilo, sakit ng ulo, pagkaduling, pagkabingi, kahinaan ng kakayahan na maayos ang pagkilos, at mga bahagi ng panandali-an na pananakit sa loob at palibot ng mga mata.
Webcast: SCI & Syringomyelia
Sa recording ng isang online na talakayan, tinatalakay ni Nurse Linda ang paggagamot at pag-iiwas sa syringomyelia.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa syringomyelia at tethered spinal cord o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay bukas tuwing may araw ng pasok at trabaho, Lunes-Biyernes, libreng toll sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang syringomyelia fact sheet na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga pangkat ng suporta at syringomyelia, kasama na ang:
- American Syringomylia Association Project (ASAP) nag-aalok ng isang pambansang clearinghouse para sa impormasyon tungkol sa Chiari / syringomyelia.
- Conquer Chiari nagbibigay ng malawak na mapagkukunan at edukasyon sa chiari at syringomyelia.
Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon: National Institute of Neurological Disorders and Stroke, American Syringomyelia & Chiari Alliance Project