Reeve Summit 2025 | March 10-12 | Register Now!

Connect

Transverse myelitis

Ano ang transverse myelitis?

Ang Transverse myelitis (TM) ay isang subgroup na kategorya sa mas malaking diagnostic na grupo na tinatawag na neuromyelitis optica spectrum disorder (NMOSD) na kabilang rin ang neuromyelitis optica, isang paralysis ng optic nerve.

Ang Transverse myelitis ay isang pamamaga ng spinal cord, isang pangunahing parte ng central nervous system. Ang spinal cord ay nagdadala ng mga nerve signal papunta at mula sa utak sa pamamagitan ng nerves na umaabot mula sa isang parte ng spinal cord at kinokonekta ang nerves sa iba pang parte ng katawan. Ang katawagan na myelitis ay tumutukoy sa pamamaga ng spinal cord; transverse ay tumutukoy sa pattern ng mga pagbabago sa sensasyon—madalas na may tila-band na sensasyon sa katawan, na may mga pagbabago sa pandama sa ibaba nito.

Ang mga sanhi ng transverse myelitis ay kinabibilangan ng mga impeksyon, mga sakit sa resistensya, at iba pang mga sakit na maaaring puminsala o sumira sa myelin, ang fatty white insulating na substance na nagtatakip sa mga nerve cell fiber. Ang pamamaga sa loob ng spinal cord ay gumagambala sa mga komunikasyon sa pagitan ng nerve fibers sa spinal cord at sa iba pang parte ng katawan, ang naaapektuhang sensasyon at nerve na naghuhudyat sa ibaba ng pinsala. Ang mga sintomas tulad ng pananakit, mga problema sa pandamdam, kahinaan sa mga binti at posible pati sa mga braso, at mga problema sa bladder at bowel. Ang mga sintomas ay maaaring biglang ma-develop (sa loob ng matagal na panahon) o sa loob ng mga araw o linggo.

Ang Myelin ay isang matabang balot na pumapalibot sa labas ng nerves. Kung magambala o masira ang myelin, ang nerve ay nawawalan ng kakayahan na mabisang ilipat ang mga mensahe sa nerve. Ginagambala nito ang mga mensahe mula sa katawan papunta sa utak at mula sa utak papunta sa katawan. Ang pinsala sa myelin, na tinatawag na demyelination, ay gumagambala sa wastong pagpapadala ng mensahe ng nerve impulses. Habang napipinsala ang myelin, ang proteksyon sa nerve ay humihina na nagiging mas madaling mapinsala ang nerve. Ang komunikasyon ng mga mensahe kasama ng nerver ay nagagambala rin. Mayroong dalawang subgroup ng TM, ang acute complete transverse myelitis (ACTM) na may mahahabang area ng nerve demyelination, at ang acute partial transverse myelitis (APTM) na may mas maiiksing area ng nerve demyelination.

Ang demyelination ng nerves ay halos katulad ng parehong epekto sa pag-usad ng multiple sclerosis (MS) at neuromyelitis optica (NMO). Sa katotohanan, sa karamihang mga indibidwal, ang pangyayari ng TM ay maaaring ang unang bahagi ng MS na may lumaong pag-iiba at hahantong sa isang sakit.

Ang TM ay gumagawa ng kaunti hanggang kaka-unting pandamdam at motor function sa katawan na nag-uumpisa sa antas ng pinsala sa spinal cord kung saan ang myelin ay inaatake. Ang mga indibiduwal na may TM ay madalas na mag-uulat ng isang band sa palibot ng kanilang katawan kung saan nag-uumpisa ang level ng TM. Ang automatic nervous system, na bahagi ng nervous system na nagkokontrol sa awtomatikong mga function ng inyong katawan tulad ng tibok ng puso, ay naaapektuhan rin.

Naniniwala ang ilang mga eksperto na ang impeksyon ay nagdudulot ng kaguluhan sa immune system, na humahantong sa di direktang autoimmune na pag-aatake sa spinal cord. Ang immune system, na karaniwang nagpoprotekta sa katawan mula sa mga panlabas na organism, ay maling umaatake sa sariling tissue ng katawan, na nagdudulot ng inflammation at, sa ilang mga kaso, pinsala sa spinal cord myelin.

May iba’t ibang sanhi kung bakit nagsisimula ang kondisyon. Marahil na mapasimulan ng isang immune disease o reaksyon na partikular na nakaka-apekto sa nervous system mula sa:

  • Impeksyon
    • Viral sanhi ng varicella zoster (ang virus na sanhi ng chickenpox at shingles), herpes simplex, Epstein-Barr, influenza, human immunodeficiency virus (HIV), hepatitis A, o rubella.
    • Mga impeksyon sa balat sanhi ng bakterya, mga middle-ear infection, at bacterial pneumonia.
    • Mga fungal na impeksyon tulad ng Aspergillus, Blastomyces, Coccidioides, at Cryptococcus.
  • Mga parasite tulad ng Lyme disease
  • Mga vascular disorder tulad ng mga pamumuo sa arterya at veins (ugat).
  • Isang hindi kilala o hindi matuklasan ang pinagmulan na dahilan

Ang TM ay nadedevelop pinakamadalas sa loob ng ilang oras, pero ang ilang mga kaso ay umaabot ng apat na linggo. Ang mga sintomas ay maaaring maranasan tulad ng pananakit, lalo na sa ibabang parte ng likod, kahinaan ng kalamnan, abnormal o kakulangan ng sensasyon lalo na sa mga daliri sa paa o sa paa mismo o kahit sa mas mataas na parte tulad ng spine at kabilang rin ang mga daliri sa kamay at mga kamay. Habang mabilis na nagaganap ang demyelination, dumarami rin ang mga sintomas, na lumaon ay hahantong sa kawalan ng pandamdam at paralysis. Ang Demyelination ay karaniwang nagaganap sa thoracic level, na nagdudulot ng mga problema sa pandamdam sa binti at pagkilos at pati na rin sa pagkontrol ng bowel at bladder pero maaaring mas mataas sa spinal cord na nagdadagdag sa kawalan ng pandamdam sa braso at paggana.

Ang karamihan ng mga tao ay may isang episode ng TM habang ang iba ay maaaring may higit sa isa. Ang ilang mga tao ay gumagaling mula sa TM na may maliit o di tumatagal na mga problema, habang ag iba ay may pangmatagalang kahinaan na nakaka-apekto sa kanilang kakayahan na gawin ang mga pang-araw araw na gawain para mabuhay. Kailangan ang rehabilitasyon para makatulong na mabalik ang paggana.

Pinagkuhanan: NINDS

Mga sintomas

Ang transverse myelitis ay iba-iba ang pagpapakita sa bawat isang tao depende sa kung gaano ka lala ng demyelination. Ang ilan ay may mga bahagyang kawalan, ang iba ay may ganap na kawalan ng sensasyon at paggana simula sa level ng spinal cord kung saan naganap ang pag-atake ng TM. Karaniwang kabilang sa TM ang mga sumusunod na sintomas:

  • Pakiramdam na may band sa palibot ng gitnang bahagi ng seksyon
  • Kahinaan ng mga binti at braso
  • Pananakit
  • Pagbabago sa sensasyon
  • Hindi mabuting paggana ng pagdumi, pantog at sensasyon

Ang pananakit ang pangunahing sintomas ng transverse myelitis sa halos kalahati ng mga pasyente Ang pananakit ay maaaring matiyak kung saan mismo sa ibabang parte ng likod o maaaring binubuo ng matutusok na pakiramdam na nagpupunta sa mga binti o braso o sa palibot ng katawan mismo. Minsan, ang matinding spasticity ay humahantong sa pananakit.

Ang karamihang may transverse myelitis ay nag-uulat ng mas malalang sensitibo sa init, lamig, o panghipo; para sa ilan ang bahagyang pagkakadampi ng daliri ay maaaring magdulot ng matinding pananakit (tinatawag na allodynia).

Ang depresyon at yung hindi mapakali ay maaaring mangyari sanhi ng mga pagbabago sa buhay at mahinang paggaling mula sa sakit. Ang mga pang-araw araw na pagbabago ng pangmatagalan na sakit tulad ng TM ay maaaring mabigay sa katawan at damdamin.

Ang mga epekto ng TM ay maaaring pansamantala o pangmatagalan.

Diagnosis ng TM

Tulad ng maraming mga neurologikal na kondisyon, ang pag-diagnose ng TM ay maaaring mahirap. Ang unang mga emergency na kondisyon ay dapat maalis. Ang mga sumusunod na pagtatalaga at pagsusuri ay ginagamit para makapagsagawa ng diagnosis ng TM.

Ang kasaysayan at pisikal na eksaminasyon ay nakumpleto. Mahalagang ilarawan ang lahat ng inyong mga sintomas sa inyong provider sa pangangalaga ng kalusugan kung sa palagay ninyo na ang mga ito ay sintomas o hindi. Dapat kabilang dito ang pagkakaroon ng mga sintomas, at kung nakaranas na kayo ng mga sintomas sa nakaraan na ngayon ay nalutas na.

Ang inyong provider ay magbibigay ng extensive na neurological na eksaminasyon na kasama ang pagtatasa ng inyong central nervous system (CNS) at pati na rin ang mga nerves at kalamnan ng inyong katawan. Kasama sa pisikal na eksaminasyon ang isang pagtatasa sa lahat ng nerves at joints ng inyong katawan at pagsusuri sa sensasyon ng inyong katawan gamit ang matusok na bagay para sa sa pagtusok at isang cotton tip para sa magaang pagdapo. Ang mainit at malamig na sensasyon ay maaari rin suriin depende sa kakayaha ninyong makayanan ang test sanhi ng matinding sensasyon.

Ang MRI ay pinakakaraniwang ginagamit para makita ang mga internal na istruktura. Ang mga imahe ng spinal cord at utak ay natatamo. Isang sugat o hiwa sa spinal cord pero hindi sa utak ay nagpapahiwatig ng TM tulad ng mahahabang mga hiwa (mahahabang parte ng demyelination). Ang mga hiwa sa spinal cord at utak ay nagpapahiwatig ng MS at karaniwang mas maiksi. Paminsan-minsan, ang CT scan o mga x-ray ay ginagawa depende sa mga pangangailangan ng indibidwal.

May gagawing mga pagsusuri sa dugo para matasa ang antibodies sa loob ng inyong katawan at pati na rin sa pagbabantay ng inyong pangkalahatang kalagayan ng kalusugan. Ang nagpapahiwatig ng TM ay ang aquaporin-4 antibody at anti-myelin oligodendrocytes. Sumunod, ang follow up na pagsusuri sa dugo ay magtatasa sa paggana ng mga gamut.

Ang lumbar puncture o spinal tap ay magkokolekta ng cerebral spinal fluid (ang cushioning fluid sa palibot ng utak at spinal cord para matasa sa dumaming protein at impeksyon. Mayroong pleocytosis na maraming white blood cells sa cerebral spinal fluid.

Ang mga kalalabasan ng MRI, lumbar puncture at mga pagsusuri sa dugo ay maaaring nasa normal na saklaw at simula ng agarang yugto ng TM. Ang mga pagsusuring ito ay kailangang ulitin sa loob ng halos isang linggo para mahanap ang mga pagbabago na nagbibigay ng diagnosis. Minsan, ang diagnosis ng TM ay maaaring gawin batay sa inyong klinikal presentasyon sa pamamagitan ng pisikal na pagsusuri.

Paggagamot at rehabilitasyon

Tulad ng maraming mga karamdaman sa spinal cord, ang pag-gagamot sa transverse myelitis ay nilalayon sa pagbabawas ng mga sintomas. Wala pang natutuklasang lunas para sa TM.

Ang therapy ay karaniwang nagsisimula kapag ang pasyente ay unang nakaranas ng mga sintomas. Ang paggagamot ay ginagabayan ng mga sintomas at resulta ng pagsusuri. Ang mga na-diagnose na iyon na may TM ay maaaring may ibang mga paggagamot depende sa indibidwal na mga sintomas.

Ang pamamaga ay ang likas na paraan ng katawan para protektahan ang sarili nito. Gayunman, dahil ang spinal cord ay nakabalot sa mabutong vertebrae, walang espasyo para sa pamamaga. Samakatuwid, ang pamamaga ay nagdudulot ng presyo sa naapektuhang lugar ng spinal cord at sa pumapalibot na malulusog na tissue dito.

Ang steroids ay madalas na inirereseta sa unang mga linggo ng sakit para mapahupa ang pamamaga kahit na hindi malinaw ang bisa nito. Ang mga hindi naaapektuhan ng steroids ay maaaring sumailalim sa plasma exchange therapy (plasmapheresis). Ang Intravenous immunoglobulin (IVIG) ay maaaring gawin para mapalakas ang immune system. Ang iba pang mga gamot ay binibigay para makatulong na makontrol ang pananakit at mga sekundaryang sintomas. Ang layunin ay panatilihin na gumagana ang katawan, habang naghihintay sa kumpleto o bahagyang kusang paggaling ng nervous system.

Ang paggaling mula sa transverse myelitis ay karaniwang nagsisimula sa loob ng dalawa hanggang 12 linggo ng pagsisimula ng mga sintomas. Ang nervous system ay patuloy na susubukang gumaling sa buong buhay ng pasyente. Gayunman, kung walang paghusay sa kalagayan sa loob ng ilang mga buwan, ang malaking malaking pagbabago at paggaling ay mas mabagal na proseso.

Ang mga taong may agaran na sintomas, tulad ng paralysis, at pinakamadalas na ginagamot sa ospital kasunod ng pag-aalaga sa isang pasilidad sa rehabilitasyon na ipinagkakaloob ng team ng mga dalubhasang propesyonal. Ang pisikal at occupational therapy ay halos agad na nagsimula para makatulong na mapahusay ang lakas ng kalamnan, koordinasyon, at saklaw ng kilos. Nagaganap ang neurological na paggaling sa pamamagitan ng aktibidad na isinasama sa pag-aalaga sa antas ng pagganap ng pasyente.

Tulad ng lahat ng mga pangmatagalan na sakit, ang psychological na suporta ay kinakailagan para mapahusay ang kalusugang pangkaisipan. Ang mga pangmatagalang sakit na may hindi inaasahang mga resulta ay maaaring nakakapagod sa isipan sa parehong indibiduwal at pamilya. Ang vocational therapy ay maaaring makatulong sa pagbabalik sa lugar ng trabaho.

Ang mga kalalabasan ng TM ay lubos na nag-iiba iba. Ang paghuhula kung kailan gagaling ay mahirap gawin. Ang ilang mga apektado ng TM ay nakakaranas ng mabuti o ganap na paggaling. Ang iba ay may katamtamang paggaling at may mga naiiwang pagkukulang na maaaring kabilang ang spastic gait, sensory dysfunction, at urinary urgency o incontinence. Ang natitirang mga indibidwal ay mangangailangan ng tulong tulad ng paggamit ng wheelchair para sa pagkilos at marahil ang pag-asa sa iba para sa mga simpleng pagkilos sa pang-araw araw na pamumuhay.

Ang patnubay para sa klinikal na pagsasanay para sa mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan ay bukas para sa diagnosis at paggagamot:

T.F. Scott, E.M. Frohman, J. De Seze, G.S. Gronseth, B.G. Weinshenker. Batay sa katibayan sa patnubay: klinikal na ebalwasyon at paggagamot ng transverse myelitis. Ulat ng Therapeutics and Technology Assessment Subcommittee of the American Academy of Neurology. Neurology, December 13, 2011; 77 (24) Special Article. First published December 7, 2011, DOI: https://doi.org/10.1212/WNL.0b013e31823dc535

Pananaliksik

May malawakang pananaliksik na isinasagawa para malaman ang sanhi ng TM sa molecular level. Sa sandaling ang pinagmulan ng problema ay natalaga na, ang mga pagsulong sa mga opsyon sa paggamot, pagbabawas ng paglilipat sa ibang mga sakit tulad ng MS at lunas ay maaaring matagpuan. Maraming mga pag-aaral sa laboratoryo ang isinasagawa para madagdag sa nalikom nang mga kaalaman.

Kabilang sa mga pag-aaral sa laboratoryo iyong pagtutuklas kung bakit ang myelin ay naaatake ng immune system, kung paano muling magawa ang myelin sa palibot ng nerves ng oligodendrocyte progenitor cells (OPCs) at genetic studies na nakatuon sa genes tulad ng Brg1 (Brahma-related gene).

Ang mga klinikal na pagsusubok ay mga pananaliksik na pag-aaral sa mga tao. Kabilang sa mga ito ang mga medikasyon, pagsulong ng sakit at paggaling at pagbabawas ng mga sekundaryang komplikasyon.

Ang mga medikasyon para mabawasan ang muling pagkakaroon ng TM ay pinag-aaralan. Kabilang sa mga ito ang Mitoxantrone at Rituximab. Ang parehong mga gamot ay naaprubahan ng FDA para sa ibang mga diagnosis. Ang bisa sa pagpapahinto ng muling pagkakaroon ng TM ay hindi pa napapakita.

Ang matagal nang pag-aaral sa pagsulong ng sakit sa agarang yugto at pangmatagalang paggaling ay kasalukuyang ginagawa. Ang mga sekundaryang komplikasyon tulad ng mga gait pattern at pagiging independiyente sa mga aktibidad ng pang-araw araw na pamumuhay ay ginagawa rin.

Para sa mga batang pananaliksik

Kahit na ang mga bata ay mas mababa ang bilang ng mga may TM, ito ay masusing sinasaliksik.

Mga Katotohanan at Bilang

Ang transverse myelitis ay nagaganap sa mga may hustong gulang at bata, na mas madalas sa mga kababaihan, at sa lahat ng mga lahi. Walang nakikitang batayan ayon sa pagkakabuo sa pamilya.

Kahit na maaaring magkaroon ng TM sa anumang edad, may dalawang peak na panahon kung kailan ang bilang ng mga bagong kaso ay tila ipinapakita. Ang mga panahong ito ay nagaganap sa pagitan ng edad na sampu hanggang 19 taong gulang at sa pagitan ng 30 at 39 taong gulang.

Halos 1,400 mga bagong kaso ng transverse myelitis ang taon-taon nada-diagnose sa Estados Unidos, at humigit-kumulang sa 33,000 mga American ang may ibang uri ng kapansanan na resulta ng TM.

Walang kilalang pasimulang nagdudulot ang nagaganap sa 16-60% ng mga kaso. Ito ay tinatawag na idiopathic na pagsisimula. Ang malawak na porsiyento ay sanhi ng kahirapan sa diagnosis na kailangan ng panahon. Tulad ng iba pang mga neurological na sakit, ang diagnosis ng TM ay ginagawa sa pamamagitan ng di pagsasama sa iba pang mga diagnosis muna.

Ang mga indibidwal na nagpapaktia ng acute partial transverse myelitis (APTM) ay maaaring may mas mataas na panganib ng paglilipat sa diagnosis ng Multiple Sclerosis (MS).

Mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap ka para sa karagdagang impormasyon sa TM o may isang tukoy na katanungan, ang aming information specialists ay bukas sa mga araw na may pasok o trabaho Lunes hanggang Biyernes, walang bayad sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang nakahalang myelitis fact sheet na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga nakahalang mga myelitis support group at organisasyon, kabilang na ang:

Ang iyong komunidad ay maaaring magkaroon ng isang lokal na kabanata ng Siegel Rare Neuroimmune Disorder o National Multiple Sclerosis Society na maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga mapagkukunan at suporta sa mga pangkat.

​Karagdagang pagbabasa

Panimula

Beh SC, Greenberg BM, Frohman T, Frohman EM. Transverse myelitis. Neurol Clin. 2013 Feb;31(1):79-138. doi: 10.1016/j.ncl.2012.09.008. Review.

Young V, Quaghebeur G. Transverse Myelitis and Neuromyelitis Optica Spectrum Disorders. Semin Ultrasound CT MR. 2016 Oct;37(5):384-95. doi: 10.1053/j.sult.2016.05.004. Epub 2016 May 7. Review.

Diagnosis ng TM na seksyon

West TW. Transverse myelitis–a review of the presentation, diagnosis, and initial management. Discov Med. 2013 Oct;16(88):167-77. Review.

Kitley JL, Leite MI, George JS, Palace JA. The differential diagnosis of longitudinally extensive transverse myelitis. Mult Scler. 2012 Mar;18(3):271-85. doi: 10.1177/1352458511406165. Epub 2011 Jun 13. Review.

Paggagamot at rehabilitasyon na seksyon

Gupta A, Kumar SN, Taly AB. Neurological and functional recovery in acute transverse myelitis patients with inpatient rehabilitation and magnetic resonance imaging correlates. Spinal Cord. 2016 Oct;54(10):804-808. doi: 10.1038/sc.2016.23. Epub 2016 Mar 1.

Calis M, Kirnap M, Calis H, Mistik S, Demir H. Rehabilitation results of patients with acute transverse myelitis. Bratisl Lek Listy. 2011;112(3):154-6.

Pananaliksik na seksyon

Kalita J, Misra UK, Mandal SK. Prognostic predictors of acute transverse myelitis. Acta Neurol.Scand. 1998; 98:60-3.

Ropper AH, Poskanzer DC. The prognosis of acute and subacute transverse myelopathy based on early signs and symptoms. Ann.Neurol. 1978; 4:51-9.

Christensen PB, Wermuth L, Hinge HH, Bomers K. Clinical course and long-term prognosis of acute transverse myelopathy. Acta Neurol.Scand. 1990; 81:431-5.

Pang batang Pananaliksik na seksyon

Absoud M, Greenberg BM, Lim M, Lotze T, Thomas T, Deiva K. Pediatric transverse myelitis.Neurology. 2016 Aug 30;87(9 Suppl 2):S46-52. doi: 10.1212/WNL.0000000000002820. Review.

Wolf VL, Lupo PJ, Lotze TE. Pediatric acute transverse myelitis overview and differential diagnosis. J Child Neurol. 2012 Nov;27(11):1426-36. doi: 10.1177/0883073812452916. Epub 2012 Aug 21. Review.

van der Heijden LB, Janse AJ. Transverse myelitis in measles. Pediatr Neurol. 2015 Jan;52(1):132. doi: 10.1016/j.pediatrneurol.2014.09.018. Epub 2014 Oct 5

Mga Katotohanan at Bilang na seksyon

National Institute of Neurological Disorders and Stroke

Bhat A, Naguwa S, Cheema G, Gershwin ME. The epidemiology of transverse myelitis. Autoimmun Rev. 2010 Mar;9(5):A395-9. doi: 10.1016/j.autrev.2009.12.007. Epub 2009 Dec 24. Review.