Reeve Summit 2025 | March 10-12 | Register Now!

Connect

Autonomic dysreflexia

Ano ang autonomic dysreflexia?

Ang autonomic dysreflexia (AD) ay isang posibleng nakakamatay na medikal na emerhensiya na nakaka-apekto sa mga taong may spinal cord injuries na nasa T6 na antas o mas mataas pa. Kahit na bihira lang nangyayari ito, ang ilang mga taong may T7 at T8 na pinsala ay maaaring mag-develop ng AD. Para sa karamihan, ang AD ay madaling magagamot at pati na rin maiwasan. Ang susi dito ay alamin ang inyong baseline na presyon ng dugo, mga pinagsimulan, at mga sintomas.

Kapag na-udyok, ang AD ay nangangailangan ng mabilis at wastong kilos o maaaring magkaroon ng matitinding konsekuwensya tulad ng stroke. Dahil maraming mga propesyonal sa kalusugan ay hindi pamilyar sa kondisyon, mahalaga para sa taong nanganganib sa AD, kasama ang mga taong malapit sa kanila, na kilalanin ang mga sintomas at malaman kung paano dapat kumilos.

Mahalaga para sa mga indibidwal na nanganganib na malaman ang kanilang mga baseline na halaga ng presyon ng dugo at upang makipag-usap sa mga tagabigay ng pangangalaga ng kalusugan kung paano makilala pati na rin pamahalaan ang isang emerhensiya na AD.

Ang ilang mga hudyat ng AD ay kinabibilangan ng mataas na presyon ng dugo, parang tumitibok na pananakit ng ulo, namumulang mukha, pamamawis sa itaas ng antas ng pinsala, pangingilabot sa ibaba ng antas ng pinsala, baradog ilong, pagkahilo, at mabagal na pulso (mas mababa sa 60 na tibok kada minuto). Ang mga sintomas ay nag-iiba iba batay sa bawat indibidwal.

Mga Sanhi ng AD

Ang Autonomic dysreflexia ay sanhi ng isang irritant na mas mababa sa level ng pinsala, kasama na ang:

  • Pantog: pagkaka-irita sa bladder wall, urinary tract infection, naharangan na catheter o sobrang punong collection bag.
  • Pagdumi: sobrang malaki o iritadong dumi, konstipasyon, mga epekto, almuranas, o mga impeksyon sa puwit.
  • Ang iba pang mga sanhi ay kinabibilangan ng impeksyon sa balat o iritasyon, mga hiwa, pasa, paso o pressure sores (decubitus ulcers, ingrown na kuko sa paa, mga pagkasunog (kasama ang sunburn at pagkapaso mula sa mainit na tubig) at mahigpit at hindi masyado makagalaw na pananamit.

Ang AD ay maaaring rin mapasimulan ng sekswal na aktibidad, mga pamumulikat sa regrla, labor at panganganak, mga ovarian cyst, mga abdominal na kondisyon (gastric ulcer, colitis, peritonitis) o mga bali sa buto.

Ano ang dapat gawin kapag napasimulan ang AD

Kung pinaghihinalaang may AD, ang unang dapat gawin ay umupo ng tuwid o itaas ang ulo ng 90 degrees. Kung maibababa ninyo ang inyong mga binti, gawin ito. Susunod, paluwagin o alisin ang anumang masisikip na pananamit, at tiyakin na tingnan ang inyong presyon ng dugo tuwing limang minuto.

Ang isang indibidwal na may SCI na mas mataas sa T6 ay ma normal na systolic presyon ng dugo na nasad pagitan ng 90-110 mm Hg.

  • Ang presyon ng dugo na 20mm hanggang 40mm Hg sa itaas ng baseline sa mga hustong gulang ay maaaring isang hudyat ng autonomic dysreflexia.
  • Ang 15mm sa itaas ng baseline sa mga bata, at 15mm hanggang 20mm sa itaas ng baseline sa mga adult ay maaaring isang hudyat ng autonomic dysreflexia.

Ang pinakamahalaga, hanapin at alisin ang mga nakakasamang stimulus, kung posible. Simulan sa pamamagitan ng paghahanap ng inyong pinaka-karaniwang sanhi: pantog, pagdumi, masisikip na pananamit, mga isyu sa balat. Tandaan na habang inaalis ninyo ang sanhi, ang inyong autonomic dysreflexia ay maaaring lumala ito bago gumaling.

Ano ang mangyayari kung makaranas ng isang episode ng AD?

Ang autonomic dysreflexia ay nagpapahiwatig ng sobrang pagtrabaho ng autonomic nervous system – ang parte ng sistema na nagkokontrol sa mga bagay na hindi ninyo naiisip, tulad ng bilis ng tibok ng puso, paghinga at pagtunaw.

Ang noxious stimulus (masakit kung mararamdaman ito) sa ibaba ng antas ng pinsala ay nagpaparating ng mga nerve impulse sa spinal cord; maaaring bumiyahe ang mga ito pataas hanggang sa nabarahang antas ng pinsala.

Dahil ang mga impulse na ito ay hindi makaka-abot sa utak, hindi nakakatugon ang katawan ng normal. Ang reflex ay pinapagana ng aktibidad ng sympathetic na bahagi ng autonomic nervous system. Ang mga resultang ito ay nagpapakitid sa mga daluyan ng dugo, na nagdudulot ng pagtaas sa presyon ng dugo.

Ang mga nerve receptor sa puso at daluyan ay nakakatuklas dito sa pagtaas ng presyon ng dugo at nagpapadala ng mensahe sa utak. Tapos ay nagpapadala ang utak ng mensahe sa puso, na nagiging sanhi ng pagbagal ng tibok ng puso at ang mga blood vessel sa itaas ng level ng pinsala na sumikip o lumiit. Gayunman, dahil ang utak ay hindi nakakapagpadala ng mga mensahe sa ibaba ng antas ng pinsala, hindi mapamahalaan ang presyon ng dugo. Nalilito ang katawan at hindi maayos ang sitwasyon.

Sa pangkalahatan, ang mga gamot ay ginagamit lang kung ang nakakasamang stimulus ay hindi makilala at maalis, o kapag ang isang episode ng autonomic dysreflexia ay patuloy pa rin kahit na naalis na ang pinaghihinalaang sanhi.

Ang posibleng makakatulong na ahente ay nitroglycerine paste (na inilalagay sa lugar mismo sa itaas ng antas ng pinsala). Ang nifedipine at nitrates ay karaniwang ginagamit, sa agarang-pakawalan na anyo. Ang hydralazine, mecamylamine, diazoxide, at phenoxybenzamine ay magagamit rin.

Kung gumamit ng erectile dysfunction na gamot (hal. Cialis, Viagra) sa loob ng 24 oras, ang iba pang mga gamot ay dapat na ikonsidera dahil maaaring biglang bumaba ang presyon ng dugo na mapanganib sa katawan.

Sa karamihan, ang autonomic dysreflexia ay maaaring maiwasan. Panatilihing malinis ang mga catheter at sumunod sa inyong catherization at mga iskedyul ng pagdumi.

I-download ang sagip-buhay na autonomic dysreflexia na wallet kard

Sa pakikipagtulungan sa nursing at medical staff sa Spinal Cord Injury sa Kennedy Krieger Institute, kami ay gumawa ng isang autonomic dysreflexia na kard para sa parehong pasyente at manggagamot.

Ang aming mga kard ay ginawa na kasya sa isang wallet na may tri-fold na disenyo na magpapahintulot sa inyong isulat ang lahat ng mga inyong mga baseline na presyon ng dugo, antas ng pinsala, mga pang-emerhensiya na numero, atbp.

Ang isa sa mga tupi o fold ay tiyak na sinulat para sa manggagamot. Sa kaganapan ng isang krisis na autonomic dysreflexia, maaari ninyong hugutin ang “Attention Physician” na flap sa unahan. Ito ay magpapahintulot sa mga first responder na makita ang personal na impormasyon ninyo sa isang parte at ang mga tagubilin para gamutin ang autonomic dysreflexia sa kabila.

Ang inyong baseline na presyon ng dugo ay nagtitiyak sa mga numero ng inyong autonomic dysreflexia at nakakatulong na matiyak ang pinakamabuting paggagamot para sa inyo. Ang karamihang mga indibidwal na namumuhay na may quadriplegia ay may mababang presyon ng dugo, pero ang kakaunting mga emergency room na doktor at rescue squad ang nakakaunawa sa katotohanan na ito. Alamin ang inyong baseline na presyon ng dugo kung hindi pa ninyo ito alam.

Ang bagong mga kard ng autonomic dysreflexia ay available sa parehong mga nasa hustong gulang at bata/teens (maaaring mag-iba ang kanilang paggagamot at mga bilang). Ang loob ng kard ay isang mabilis na sanggunian para sa indibidwal na namumuhay ng may paralysis at/o ang kanilang mga tagapag-alaga.

Mangyari isulat ang inyong mahalagang impormasyon – iminumungkahi namin na gumamit ng fine point sharpie, pero gagana rin ang isang regular na bolpen kung madiin ang gamit ninyo dito.

Ang mga kopya ay available online para ma-download, o maaari kayong tumawag ng direkta sa 800-539-7309/973-467-8270 (internasyonal) at makipag-usap sa isang information specialist.

Bidyo tungkol sa autonomic dysreflexia

Ang autonomic dysreflexia ay isang posibleng nakakamatay na kondisyon na maaaring makonsidera bilang isang medikal na emerhensiya. Kailangan ng autonomic dysreflexia ng mabilis at tamang pagkilos. Nakakagulat na maraming mga medikal na propesyonal ang hindi pa kailanman naririnig ang kondisyong ito. Narinig na ba ninyo ito?

Mga Mapagkukunan ng Impormasyon at Tulong sa AD

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa autonomic dysreflexia at karagdagang mga mapagkukunang impormasyon at tulong mula sa pinagkakatiwalaang mga mapagkukunanan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation, mangyaring i-download ang aming fact sheet sa AD at suriin ang check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa pagitan ng tumatanda na may pinsala sa spinal cord na sekondaryang komplikasyon ng paralysis.

Ang impormasyong nilalaman ng kard at web page na ito ay ipinapakita para sa layunin ng pagbibigay impormasyon sa inyo tungkol sa paralysis at mga epekto nito. Walang nilalaman dito ang maaaring maturing o hindi nilalayon bilang isang medikal na diagnosis o paggagamot. Makipag-usap sa inyong physician o iba pang kuwalipikadong provider sa pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kayong mga tanong sa inyong kalusugan, paggagamot, o diagnosis.