Reeve Summit 2025 | March 10-12 | Register Now!

Connect

COVID-19 and Spinal Cord Injury

Coronavirus at SCI

Ang impormasyong ito ay pinakahuli hanggang sa petsa ng Oktubre 2020. Mangyari lang basahin sa website ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) website para sa pinakahuli at na-update na impormasyon.

Isang bagong virus ang natuklasan noong 2019. Dahil ito ay isang bukod-tangi at hindi pa kailanman naranasan dati, ito ay tinatawag na novel virus. Ang partikular na virus strain na ito, kahit na bago lang, ay kabilang sa pamilya ng mga virus na tinatawag na SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome.) Noong Pebrero 2003, ang SARS-CoV (Severe Acute Respiratory Syndrome-associated COrona Virus) ay kumalat sa buong mundo. Lumaon ay nakilala ito sa pinaikling katawagan na SARS.

Ang pangalan na ibinigay dito noong 2019 virus ay Corona dahil kapag nakita ninyo ang virus sa ilalim ng isang microscope, may matutusok itong balot na tila ng mga tusok ng corona (corona sa Latino). Ang pangalan na COVID-19 ay ang pinaiksing pangalan para sa COrona (CO) VIrus (VI) Disease (D) na natuklasan noong 2019 o COVID-19. Dahil isa itong novel virus, kung paano ito gumagana ay ganap na hindi alam. Mas maraming natutuklasan tungkol dito araw-araw.

Kahit na kakaunti lang ang alam natin tungkol sa partikular na virus na ito, alam natin bilang pangkalahatan ang ilang mga bagay-bagay tungkol sa mga virus. Ang virus ay may isang layunin at iyon ay ang manatiling buhay. Ito ay dadami at magmu-mutate (mababago ang istruktura) para manatiling buhay. Magbabago ang mga anyo nito para manatiling buhay. Samakatuwid, ang mga virus ay mahirap gamutin. Ang mga taong may virus ay nakakahawa dahil gusto ng virus na kumalat ito para manatiling buhay.

Ang mga virus ay may partikular na paraan ng pagkilos. Ang mga ito ay sobrang liliit na ginagawang mas madali na makapasok ang mga cell sa inyong katawan. Maaaring hindi isang cell ang virus, pero isang protein na pinalilibutan ng matusok na panlabas na balat na tinatawag na envelope (sobre). Sa sandaling nasa loob na ng cell ng katawan, papalitan ng virus ang natural cell duplication na proseso at papalitan ng duplication na proseso ng virus. Ang cell ay hindi na pinaparami ang sarili nito at sa halip ay gumagawa ng maraming virus. Maaari itong gumalaw sa buong katawan para mas madaling kumalat ang virus at mas mabilis na kumalat sa katawan natin.

Bilang salungat sa mga virus, ang bakterya ay mas malaki. Ang mga ito ay nabubuhay sa mga surface ng katawan o sa loob ng katawan. Ang bakterya ay lumilikha ng sarili nilang kopya kaya’t karaniwan ay nananatili sila sa iisang lugar. Hangga’t lubos na marami na sila na kakalat ang mga ito sa ibang mga area, karaniwan sa pamamagitan ng pagpasok sa mga cell o daloy ng dugo. Ang bakterya ay hindi pumapalit sa mekanismo ng cell na dumoble. Ang bakterya ay may cell wall at maaaring manatiling buhay at makapagparami ng mag-isa. Maaari rin silang magkaroon ng maiksing buntot na nakakatulong sa pag-ikot ikot ng mga ito.

Dahil ang mga virus ay nakakapasok at pumapalit sa mga nahawahang body cell, may ilang mga paggagamot para sa kanila. ‘Namamalagi sa surface (surface dwellers) ang mga bakterya sa mga cell. Ang pagkakaibang ito ay nagpapahintulot sa bakterya na magamot gamit ang mga niikha sa laboratoryo na antibiotics. Ang mga virus ay walang lunas pero ginawa ang mga bakuna na pumapatay sa virus sa katawan o iniiwasan ang pagpasok ng virus sa cell.

Lubos na mabiis ang pagkalat ng COVID-19 na virus. Ito ay nalilipat sa bawat tao sa pamamagitan ng mga droplet na galing sa inyong respiratory system sa pamamagitan ng pag-ubo at laway na galing sa isang naimpeksyunang taon, hanggang sa mga mucous membrane ng iba. Ang mucous membranes ay mga mamasa-masang bukasan tulad ng inyong mata, butas ng ilong, bibig, ari o tumbong. Maaari itong lumutang-lutang sa hangin para maabot ang bawat isa at lumipat sa ibang tao, mabuhay sa mga surface na lumaon ay mahihipo o mahahawakan, sa pamamagitan ng direktang kontak sa pamamagitan ng paghipo, paghalik o iba pang pisikal na kontak, o iba pang mga paraan na hindi pa natutuklasan.

Ang mga virus ay maaaring mag-mutate o magbago. Ginagawa nila ito para umangkot sa mga pagbabanta sa kanilang pagkabuhay. Masyado maraming mga strain ng COVID-19 virus. Marami pang made-develop habang gumagamit ng mga paggagamot at bakuna.

Kapag nakonekta kayo sa isang nakontaminang droplet sa pamamagitan ng paghinga nito o sa paghawak sa virus papunta sa isang mucous membrane, nakakapasok ito sa inyong katawan. Ang mga indibiduwal na nahawahan ng COVID-19 ay nakakaranas ng iba’t ibang uri ng sakit sa buong itatagal ng kanilang pagkakasakit. Ang ilan ay asymptomatic (walang mga sintomas), non-severe symptomatic (mapapamahalaan ang kanilang mga sintomas sa bahay), o matinding respiratory at systemic na mga paglabas (pagkaka-ospital o intensive care treatment ay kinakailangan). Tinatantiyang 80% ng mga indibiduwal na may COVID-19 ay gumagaling ng walang advanced na medikal na pag-aalaga.

Ano ang Mangyayari kapag Pumasok sa Inyong Katawan ang COVID-19

Ang mucous membranes, ang mga mabasa-basang surface sa mga bukasan ng inyong katawan ay magkakaloob ng isang bagong pasukan para sa COVID-19. Kung ang isang droplet ng COVID-19 ay pumasok sa inyong katawan, ito ay nakikinabang sa respiratory system dahil maraming ACE-2 (angiotensin-converting enzyme 2) receptor sa mga cell. Ang ACE-2 receptors ay mga protein na nagpapahintulot sa COVID-19 ng madaling pagpasok sa inyong mga cell. Ang mabilis na pagtaas ng COVID-19 virus ay kumakabit sa ACE-2 receptor at pumapasok sa cell ng katawan. Maraming mga ACE-2 receptor na malalim ang pagkakapasok sa inyong mga baga at ito ang dahilan kung bakit lubos na naaapektuhan ng COVID-19 ang paghinga. Mayroong mga ACE-2 receptor sa iba pang parte ng katawat at kasama na rin dito ang mga artery, puso, bato at intestine.

Ang COVID-19 ay nakaka-apekto sa katawan sa pamamagitan ng pagpapagana sa immune system na nakokontrola ng Autonomic Nervous System (ANS). Ang immune system ay bahagi ng katawan na tumutugon sa bakterya, mga virus, parasite at fungi. Makikita ng immune system ng katawan ang mga virus sa pamamagitan ng mga substance na lumalabas sa impeksyon kasama na ang mga white blood cells at cytokines, mga natural na maliliit na protein na gumagalaw sa palibot ng dugo at iniiwasan ang pagpasok ng mga virus sa mga cell ng katawan. Pinapadalhan ng mga ito ng senyales ang utak sa pamamagitan ng ANS na nakatuklas ng isang invader o mayroong isang pathogen.

Inuutusan ng ANS ang katawan na gumawa ng mga natural na antibodies na mga protein na nalilikha ng mga white blood cell para makuha at maalis mula sa katawan ang mga pathogen kapag natuklasan ang mga ito. Ang mga natural na antibody ay nililikha ng inyong katawan. Madalas, ang dagdag na pagdami ng antibodies ay kinakailangan para makatulong na malabanan agad ang impeksyon at sa mabisang paraan.

Kung dumami ang virus sa masyado mabilis na paraan at hindi magawang mahinto ito ng ANS, kumakalat ang impeksyon. Ang ANS ay maaaring maapektuhan ng spinal cord injury (SCI) sa pamamagitan ng pagpapabagal sa pagtugon para matuklasan ang impeksyon o mapabagal ang kakayahan na makagawa ng mga natural antibodies para makontrol ito. Ang COVID-19 ay isang virus na nakaka-apekto sa respiratory system, pero ang virus ay patuloy na darami sa buong katawan, na nakaka-apekto sa mga pangunahing organ lalo kung ang ANS ay hindi makakatugon sa mabisang paraan at mabilis. Doon sa mga apektado ng spinal cord injury, may mataas na panganib ng pagpasok sa pamamagitan ng urethra o rectum habang nililinis ang sarili.

Ang iba pang mga mahahalagang organ ng immune system ay ang lymph system at spleen. Ang lymph system ay ang pangunahing removal section ng immune system. Ang lymph nodes ay matatagpuan sa kabuuan ng inyong katawan. Kinukulong nila ang mga panlabas na nakapasok sa katawan at na-neutralize ito sa pamamagitan ng paggamit ng white blood cells, lalo na iyong mga tinatawag na leukocytes. Ang leukocytes ay nililikha sa inyong bone marrow. Kapag kayo ay may impeksyon, maaaring mapansin ninyo ang isang nalalapit na area ng ikinababahala. Ito ay marahil na isang namamagang lymph node na ginagawa ang kailangan nitong gawin na patayin ang anumang nakakasama sa inyong katawan.

Ang spleen ay nasa ilalim ng ribs, sa ibaba ng baga sa kaliwang parte ng inyong katawan. Sinasala ng spleen ang inyong dugo para masira ang mga bagay na hindi nararapat doon. Ito ay nagtatabi rin ng mga pattern para natural na antibodies hangga’t kailanganin muli ang mga ito. Sa sandaling naisadokumento na ang pathogen sa loob ng katawan, tinatabi ng spleen ang impormasyon na gagamitin na muling lumabas ang pathogen na ito.

Sa COVID-19 tulad ng iba pang lubos na mabiils na kumakalat na mga impeksyon, may di balanse sa immune system lalo na sa pagliliit ng T cells (mga lumalaban sa pathogen) at ang paglilikha ng masyado maraming cytokines. Ito ay lumilikha ng ‘cytokine storm’ syndrome (CSS) o masyado maraming cystokines sa katawan ng sabay-sabay. Ang cytokines ay nagtatrabaho para makatulong na maalis mula sa katawan ang impeksyon pero sa CSS, masyado maraming cytokines ang ginagawa na nagsisimulang sirain rin ang mabubuti sa katawan na tissue. Ang cytokine storm na ito ay nade-devevlop sa pinakamalala at nakamamatay na kaso ng COVID-19.

Ang ilang mga epekto ng COVID-19 sa katawan ay maaaring kabilang ang ilang mga pagbabago sa respiratory system pero kasama rin ang: Cytokine storm syndrome (CSS), patuloy o pansamantalang nawawala pero bumabalik rin na lagnat ng matagal, ubo, kahirapan sa paghinga, matinding pananakit ng katawan, pagkahilo, sakit ng ulo, medyo nawawalan ng malay, acute cerebrovascular disease kasama na ang stroke, kawalan ng kontrol sa pagkilos ng katawan, mga seizure, mga pagbabago sa peripheral nervous system (PNS), kawalan ng panlasa at pang-amoy, small vessel blood clots o embolous sa bowel, nag-ibang kulay na mga daliri sa paa at / daliri sa kamay na kilala bilang COVID toe, at multisystem inflammatory syndrome in children (MIS-C). Ang mga pagbabagong ito ay nasasabing pansamantala at may kasama rin na pangmatagalang konsekuwensya.

Mga sintomas ng COVID-19

Ang mga sintomas ng COVID-19 ay lumalabas 2-14 araw makalipas na malantad sa virus. Maaaring makahawa kayo ng COVID-19 sa iba bago lumabas ang mga sintomas o marahil, kahit hindi kailanman makaramdam ng mga sintomas. Ang karamihan sa mga indibiduwal na may COVID-19 ay magkakalagnat na aabot sa 100.5°. Ang listahan ng mga sintomas ng COVID-19 ay dumarami pero kabilang sa mga ito ang:

  • Mga lagnat o pangangaligkig
  • Ubo
  • Pagkahapo o kahirapan huminga
  • Lubos na pagkapagod
  • Mga pananakit ng muscle o katawan
  • Sakit ng ulo
  • Bagong kawalan ng panlasa o pang-amoy
  • Sore throat
  • Pagbabara ng ilong o patuloy na tumutulong sipon
  • Pagkahilo o pagsusuka
  • Diarrhea

Mga Mapanganib na Factor ng COVID-19

Ang lahat ay may patas na posibilidad na mahawahan ng COVID-19 kung malantad sila. May mga mapanganib na factor na makaka-apekto sa kalubhaan ng itatagal ng virus. Maaaring wala kayong mapapanganib na factor pero malubha pa rin ang kaso ng sakit ninyo. Ang mga indibiduwal na may maramihang mga mapapanganib na factor ay nakaranas ng mga banayad na kaso. Gayunman, ang mga indibiduwal na may mapapanganib na factor ay may gawi na magkaroon ng mas malalang kaso. Kabilang sa mga mapapanganib na factor ang:

Edad Ang panganib na mahawahan ng COVID-19 sa mas batang mga age group ay sumusulong. Ang ipinapalagay na magpapataas sa panganib sa mga bata ay mga medikal na kondisyon kasama pero hindi limitado sa: sukdulang katabaan, magulong medikal na kalagayan, malubhang mga genetic disorder, malubhang neurologic disorder, namanang mga metabolic disorder, congenital (mula nang ipinanganak) na sakit sa puso, diabetes, hika at iba pang chronic na sakit sa baga, at immunosuppression sanhi ng malignancy o nagpapahina sa resistensya na mga gamot.

Isang bihirang komplikasyon ng COVID-19 sa mga bata ay ang Multisystem Inflammatory Syndrome in Children (MIS-C), isang malubhang kondisyon na nagpapamaga sa iba’t ibang parte ng katawan Ang mga sintomas ng MIS-C ay kinabibilangan ng lagnat at iba pa o lahat ng mga sintomas na ito: pananakit sa abdomen (gut), pagsusuka, diarrhea, pananakit ng leeg, pamumutlig, mga sobrang pulang mga mata, o sobrang pagod na pakiramdam. Ang sanhi ng MIS-C ay kasalukuyang hindi alam.

Ang mga batang adulto ay maaaring magkaroon ng COVID-19 tulad ng iba pang mga indibiduwal sa anumang edad. Iyong mga may mas malulubhang kaso ay may gawing magkaroon ng mga mapanganib na factor na ito: lubusang katabaan o overweight, hika, paninigarilyo, vaping, o kasaysayan ng paninigarilyo at/o vaping.

Ang mas nakatatandang adulto na may edad na 65 at mas matanda pa ay tila may mas matitinding kaso na lumulubha pa habang tumatanda. Ito ay marahil sanhi ng pagbabagal ng immune system. Bilang isang normal na bahagi ng pagtanda, ang pagde-develop ng T cells na lumalaban sa impeksyon ay hindi na masyado mabisa.

Lahi/etnisidad Batay sa genes, ang mga tao ay pare-pareho lang. Ang lahi ay hindi nakaka-apekto sa COVID-19, gayunman, ang kultura, lipunan, ekonomiko, edukasyon at batay sa rituwal na mga value ng isang pangkat ng mga tao ay maaaring maka-apekto sa panganib ng COVID-19. Mas maraming mga Black, Latino, American Indian at Alaskan Native na mga tao ay nao-ospital para sa COVID-19 kaysa sa pangkalahatang populasyon. Ang karamihang mga sistema ng klasipikasyon ay depende sa archaic na paggamit ng lahi bilang paghihiwalay para sa layunin ng pagtatasa.

Kasarian Ang mga lalaki ay mas naaapektuhan ng hindi masyadong resulta mula sa COVID-19 kumpara sa mga kababaihan. Maraming iba’t ibang mga dahilang namungkahi sa pagkakaiba kahit na ang tiyak sa kasarian na variation ay hindi pa napag-aaralan sa Estados Unidos. Iminumungkahi ng ilang mga theory na ang mga kalalakihan ay marahil na mas naaapektuhan sanhi ng mas maraming saligang kondisyong pangkalusugan kaysa sa mga kababaihan. Ang mga mapapanganib na factor ng sakit sa puso, mataas na presyon ng dugo, at sakit sa bato ay batay sa kasaysayan na mas madalas nararanasan ng mga lalaki pero ngayon ay halos magkapareho na sa parehong kasarian. Ang mga lalaki ay may mas mataas na concentration ng angiotensin-converting enzyme 2 (ACE-2) sa kanilang dugo na mas madaling pasukan ng COVID-19 ang mga cell. Ang mga babae ay mas mahahaba ang mga X chromosome na maaaring magpabuti sa kanilang resistensya. Sa ngayon ay mga haka-haka lang ang mga ito. Ang dahilan sa pagkakaiba ayon sa kasarian ay hindi kilala.

Mga medikal na kondisyon Maraming kasalukuyang medikal na kondisyon ay nakaka-apekto sa kalubhaan ng COVID-19. Ang karamihan sa mga medikal na kondisyon na ito ay may immunosuppression at panloob na body inflammation bilang mga konsekuwensya ng mga sakit. Ang mga kondisyon na ito ay kinabibilangan ng:

  • Kanser
  • Chronic na sakit sa bato
  • COPD (chronic obstructive pulmonary disease)
  • Mga kondisyon o sakit sa puso, tulad ng heart failure, coronary artery disease, o cardiomyopathies.
  • Immunocompromised state (huminang immune system) sanhi ng solid organ transplant
  • Obesity (body mass index [BMI] na 30 kg/m2 o mas mataas pero < 40 kg/m2)
  • Severe Obesity (BMI ≥ 40 kg/m2)
  • Sickle cell disease
  • Paninigarilyo
  • Type 2 diabetes mellitus
  • Paggamit ng ilang mga medikasyon
  • Kahirapan at maraming mga tao
  • Ilang mga uri ng trabaho
  • Pagbubuntis

Ang ilang mga medikal na kondisyon ay maaaring magpalala sa kalubhaan ng COVID-19. Ang mga kondisyong ito ay kasalukuyang pinag-aaralan:

  • Hika (moderate-hanggang-severe)
  • Cerebrovascular disease (nakaka-apekto sa mga blood vessel at supply ng dugo sa utak)
  • Cystic fibrosis
  • Hypertension o high blood pressure
  • Immunocompromised state (huminang immune system) mula sa blood o bone marrow transplant
  • immune deficiencies, HIV, paggamit ng corticosteroids, o paggamit ng iba pang mga gamot na nagpapahina sa resistensya
  • Neurologic na kondisyon tulad ng dementia (at spinal cord injury)
  • Sakit sa atay
  • Overweight (BMI > 25 kg/m2, pero < 30 kg/m2)
  • Pagbubuntis
  • Pulmonary fibrosis (may pinsala o may sugat na mga tissue ng baga)
  • Thalassemia (isang uri ng disorder sa dugo)
  • Type 1 diabetes mellitus

Paggamit ng ilang mga medikasyon Mga regular na iniinom o ginagamit na mga gamot na napansing may epekto sa kalubhaan ng COVID-19. Ang walang naisadokumentong impormasyon ay nagpapahiwatig na ang mga supplements na melatonin, vitamin D at zinc ay nagpapahina sa kalubhaan at tagal ng COVID-19. Ang anti-reflux drug, famotidine, na ginagamit nang matagal na bago pa man magkaroon ng COVID-19, ay tila nagbibigay ng mas mahinang mga sintomas ng COVID-19 at mas mabilis na pagkakaroon ng sakit. Ang mga supplement at gamot na ito ay hindi dapat basta-basta lang inumin dahil maaaring maka-apekto ito sa inyong katawan, bumuo ng nakakalasong level ng vitamin D, at makasalungat sa iba pang mga gamot at pagkain. Tiyakin sa inyong professional sa pangangalaga ng kalusugan bago idagdag o baguhin ang mga gamot o supplement.

Ang mga gamot na nagpapabilis sa pagsulong ng COVID-19 ay hindi pa natitiyak.

Kahirapan at maraming mga tao Ang mga indibiduwal na nakatira sa mga mahihirap na area ay hindi madaling makakuha ng mga sariwang pagkain at personal protective equipment para mabawasan ang kanilang pagkakalantad na mahawahan ng COVID-19. Mas kakaunti ang posibilidad nila sa pangangalaga sa kalusugan kung magkasakit sila. Madalas, ito ay humahantong sa mas kaunting paggagamot para sa mga saligang kondisyon at pati na rin ang mga pangangailangan nila para sa maagap/emergency na pangangalaga kung makaramdam sila ng mga sintomas. Dagdag pa dito, maaaring nakatira sa mga pabahay na maraming mga tao o maraming mga kasambahay. Sila ay mas marahil na may mga trabaho na kailangang magtrabaho nang malapitan sa iba. Ang pisikal na kapaligiran kasama ng kakulangan ng kakayahan na matamo ang mga supply na kinakailangan para mabawasan ang panganib ay karaniwang hindi nakakatulong na maiwasan ang sakit.

Ilang mga uri ng trabaho Ang mga indibiduwal na kailangang magtrabaho sa mga kondisyon na kung saan maraming mga pumapalibot na tao o lubos na mataong area ay mas nanganganib sa COVID-19 sanhi ng mas mataas na pagkakalantad dito. Ang mga manggagawa sa healthcare, mga mahahalagang manggagawa, o anumang iba pang uri ng trabaho na kailangan ang malapitan na ugnayan sa iba ay mas mataas na nanganganib.

Pagbubuntis Mas maraming mga buntis na kababaihan ay parehong nagde-develop ng COVID-19 at ang iba ay pinapapasok sa ICU at inilalagay sa isang mechanical ventilation kung ikukumpara sa mga babaeng hindi buntis. Ang dahilan ay hindi malinaw, pero iminumungkahi ng mga theory na maaaring sanhi ito ng mga saligan nang kondisyon ng mas matandang edad ng pagbubuntis, mas mataas na body mass index at dati nang mayroon na diabetes o hypertension. Ang hypermetabolism ng pagbubuntis ay maaaring isang factor rin.

Ang mga Mapanganib na Factor ng COVID-19 para sa Mga Indibiduwal na May Spinal Cord Injury

Ang Autonomic Nervous System (ANS) ay naapektuhan ng spinal cord injury ng parehong trauma at mga medikal na kondisyon. Ang ANS ay hindi mabisang nakapagpapadala ng mensahe na ang isang virus ay naroroon o hindi nito napapasigla ang resistensya para malabanan ang virus o pareho. Ang mahinang pagtugon ng ANS ay nakakapagpahintulot sa anumang impeksyon na mabilis na maparami at mapakalat.

Immunosuppression ay isang napahinang bisa ng tugon ng inyong katawan sa bakterya at mga virus. Makalipas ang SCI, ang inyong immune system ay hindi kasing tibay. Ito ay dahil makalipas ang isang spinal cord injury, ang mga mensahe tungkol sa mga virus at bakterya ay maaring hindi malipat sa utak para mapasimulan ng katawan ang maaga o mabisang pagtugon. Ang mga indibiduwal na immunosuppressed ay ang pinakananganganib sa malulubhang kaso ng COVID-19.

Sa panahon ng spinal cord illness o injury, ang proseso ng pamamaga ay napapalitan ng paglalagay ng cushion sa lugar ng pinsala para mawasto ang area kung saan naapektuhan ang spinal cord. Ito ay isang normal na tugon ng katawan sa pinsala. Habang lumilipas ang panahon, patuloy na nagkakaloob ng extrang likido ang katawan sa napinsalang area ng spinal cord, utak o ang dalawang ito habang sinusubukan nitong iwasto ang anumang pinsala. Tapos ay nagiging isang chronic inflammation ito. Ang pagkokontrol sa chronic inflammation ay mahirap dahil ang katawan ngayon ay umangkop na sa bagong paraan ng paggana.

Ang sekundaryong mga komplikasyon ng spinal cord injury ay lalong dumadagdag sa panganib ng pagkakaroon ng COVID-19 at ang kalubhaan ng sakit:

Autonomic Nervous System Dysfunction Ang Spinal cord injury ay nakaka-apekto sa ANS. Ito ay napapakita sa pamamagitan ng maraming mga isyu tulad ng pagpapabagal sa cardiovascular system (mabagal na pulse at mababang presyon ng dugo), huminang vascular na pagtugon (orthostatic hypotension, dumaming mga blood clot), mga hadlang sa paghinga at pag-ubo. Napapahina ang pagtugon ng resistensya.

Ang Diabetes ay isang komplikasyon ng SCI lalo na sa kakulangan ng pagkilos ng katawan. Ang diabetes ay nakaka-apekto sa immune response ng katawan sa lahat ng mga bakterya at virus.

Maaaring mag-develop ng sakit sa puso sanhi ng kakulangan sa pagkilos o ehersisyon at pati na rin ang hindi magandang mga gawi sa pagkain at genetics.

Ang Respiratory o urinary tract infection ay nagpapataas rin sa panganib ng COVID-19. Ang mahinang immune response sa kasalukuyang nararanasan na impeksyon ay nagpapahina sa kakayahan ng katawan na labanan ang iba pang impeksyon. Ang kumaunting kakayahan na umubo o linisin ang mga dumi mula sa mga baga ay nagpapahintulot ng pamumuo ng mga germs. Ang mga indibiduwal na nauuring mas nanganganib sa mga virus at bakterya dahil sa pagpasok nit sa sterile na urinary system.

Buksan ang pressure injuries ay iba pang mga daanan ng virus at bakteria para makapasok sa katawan. Ang COVID-19 ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng mga mucous membrane. Ang bukas na pinsala ay isang paraang mapaasukan ng mga virus at bakterya.

Ang spleen ay isang pangunahing organ ng katawan na lumalaban sa impeksyon. Kung may sakit kayo na nakaka-apekto sa inyong spleen o nagka-trauma sa spleen o pag-aalis ng spleen, mas nanganganib kayo sa isang impeksyon.

Pang-Bata na MIS-C

Maraming mga bata, tulad ng mga adulto, ay mas mahinang klase ng COVID-19 ang nararanasan pero kailangan pa rin ng tulong medikal. Dahil ang inyong anak na may SCI ay may immunosuppression, ang Multisystem Inflammatory Syndrome in Children (MIS-C) na nauugnay sa COVID-19 ay maaaring maganap. Hindi lahat ng mga bata ay maaaring magkaroon ng mga sintomas. Ang diagnosis ay nabibigay kapag ang ilan o lahat ng mga sintomas na ito ay nakikita:

  • Lagnat
  • Pananakit ng Abdomen
  • Pagsusuka
  • Diarrhea
  • Pananakit ng lee
  • Pamumutlig
  • May dugo o sobrang pulang mga mata
  • Sobrang pagod ang pakiramda

Ito ba ay isang Sipon, Trangkaso o COVID-19?

Ang mga sintomas ng sipon, trangkaso at COVID-19 ay nagpapatong-patong. Maaaring nakakalito malaman kung alin. Ang tsart, na inilathala ng CDC, ay makakatulong sa inyong alamin kung alin ang nararanasan ninyo. Malalaman lang ninyo kung mayroon kayong COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapasuri. Parating tingnan sa inyong professional sa pag-aalaga ng kalusugan para matiyak ang inyong kalusugan at mga pagpapagamot.

Pagpapasuri para sa COVID-19

Kung may nararamdaman kayong mga sintomas o nalapit sa isang taong may COVID-19, kailangan ninyong tumawag sa provider sa pangangalaga ng kalusugan. Sasabihin nila sa inyo kung saan kayo maaaring masuri. Maliban na lang kung may sukdulang emergency, ang mga nahawahang tao ay hindi dapat magpunta sa mga tanggapan ng provider sa pangangalaga ng kalusguan o mga ospital para maiwasan ang pagkalat ng virus sa iba. Kung nahihirapan kayong huminga, ang nabawasang kalagayan ng kaisipan o iba pang emergency, kailangan ninyong tawagan parati ang 911. Sabihin sa kanilang may hinala kayo na may COVID-19 kayo para handa kapag dumating ang emergency personnel at maprotektahan nila ang kanilang sarili at kayo.

Ang mga test kit at mga testing site ay available. Ang test kit, na may kasamang deep nasal swab, o saliva collection test ay magpapahiwatig kung may COVID-19 kayo o wala. Tatagal lang ito ng 24 hanggang 72 oras para makuha ang resulta depende sa supplier ng test kit at dami ng mga test. Kailangan ninyong bumukod hanggang ang mga resulta ng inyong pagsusuri ay alam na.

Ang mga antibody test ay nakukuha sa pamamagitan ng blood sample na nagpapahiwatig kung kay ay may antibodies laban sa COVID-19. Kung gayon, marahil ay nagkaroon na kayo ng virus.

Manatili sa bahay at bumukod sa iba kung kayo ay may sakit para sa anumang dahilan. Ito ay nagpapaiwas sa pagkalat ng COVID-19 at pati na rin sa ibang mga sipon at trangkaso. Kung mayroon kayong COVID-19 pero pinamamahalaan ito sa bahay, manatili sa kuwarto ninyo at huwag tumanggap ng mga bisita. Ang mga caregiver ay maaaring tumulong sa inyo pero di dapat magtagal. Kung posible, magtalaga ng banyo para sa taong iyon lamang.

Mga Bakuna at Paggagamot para sa COVID-19

Mayroong dalawang daanan para maiwasan o magamot ang kasalukuyang COVID-19 ng mga indibiduwal. Ginagamit ang mga bakuna para maiwasang mahawahan ng virus. Ang mga bakuna ay humaharang sa pagpasok ng mga virus sa mga cell sa inyong katawan. Hindi natatalo ng mga bakun ang virus dahil matatagpuan pa rin ito sa kalikasan… May mga dine-develop na paggagamot para gamutin ang virus sa sandaling nakapasok na ito sa katawan.

Mga bakuna

Ang mga bakuna ay nilikha para mapahinto ang pagpasok ng mga virus sa loob ng cells. Sa dahilang ito, pinakamabuting gumagana ang mga bakuna bago pumasok ang virus sa inyong katawan. Ang mga bakuna ay gumagana sa pamamagitan ng pagkokopya sa virus. Ito ay nagpapahintulot sa immune system na makapag-develop ng T cells para ma-neutralize ang virus bago pa man ito makapasok sa mga cell ng inyong katawan. Isang memorya ng tiyak na na-develop na T cell para sa isang tiyak na virus ay tinatabi.

Mayroong limang magkakaibang uri ng mga bakuna. Ang mga buhay at attenuatedna bakuna ay isang iniksyon ng pinahinang virus na hindi kayo bibigyan ng sakit, ang inactivated vaccines ay binubuo ng patay na virus, ang toxoid vaccines ay mga pinahinang virus, anf subunit vaccines ay naglalaman lang ng parte ng virus, at ang conjugate vaccines ay iba’t ibang mga virus pero may coating na tulad ng tinatarget na virus. Ang lahat ay kumokopya sa katawan para makalikha ng neutralizing na mga epekto.

Noong Oktubre 2020, ang inactive type ng bakuna ay marahil na pipiliin para sa COVID-19. Maraming mga pharmaceutical na kompanya sa buong mundo ay nagtatrabaho patungo sa pagde-develop ng isang COVID-19 na bakuna. Maaaring kailagnan sa bakuna ang ilang dosis para maabot ang bisa sa katawan. Gaano kadalas kailangan kunin ang bakuna ay hindi alam.

Palagay sa Mga Bakuna Noong unang naganap ang pandemic ng SARS noong 1970s, nakapag-develop ng bakuna na may kaugnayan sa pagdami ng nagkaroon ng Guillain Barré, isang neurological disease na nagdudulot ng paralysis, na karaniwang may parehong resolusyon. Napagpasyahan na may depekto sa paraan kung paano ginawa ang bakuna. Ang proseso ng pagdevelop ng bakuna ay matagal nang nabago. Ang mga kasalukuyang bakuna ay pinapalaki sa mga itlog. Tatanungin kayo kung allergic kayo sa itlog bago makuha ang bakuna. Makipag-usap sa inyong professional sa pag-aalaga ng kalusugan bago gumamit ng anumang bakuna kung may kasaysayan kayo ng Guillain Barré o allergy sa itlog.

Ipinapakita sa pinakahuling mga pag-aaral na ang mga indibiduwal na bakunahan ay mas maliit ang panganib na magkaroon ng Guillain Barré kaysa kung hindi kay magpabakuna. Halimbawa, ang panganib na mahawahan ng Guillain Barré ay mas mababa kung may bakuna kayo laban sa trangkaso at mas malaki kung wala kayong bakuna laban sa trangkaso.

Mga paggagamot sa COVID-19

Ang Monoclonal Antibodies ay isang paggagamot na ipinapalagay na binabawasan ang kalubhaan at tagal ng panahon ng pagkakaroon ng indibiduwal ng COVID-19. Ang mga monoclonal na antibody na ito ay dumidikit sa spikes ng coronavirus na hinahadlangan ang mga ito na makapasok sa mga cell ng katawan.

Ang natural antibodies na nalilikha mula sa mga indibiduwal na gumaling mula sa COVID-19 ay kinukuha mula sa kanilang blood plasma. Ang mga ito ay nagagawa muli sa isang laboratoryo at nare-replicate (cloned). Ang kahulugan ng mono ay isang uri. Ang clonal ay nangangahulugan na na-clone o duplicated. May iba-ibang monoclonal antibodies na maaaring makuha sa iisang gamutan lang.

Ang Monoclonal antibodies ay ibinibigay sa pamamagitan ng I.V. sa isang taong may COVID-19 pero hindi makagawa ng sapat na mga natural antibodies mag-isa. Ang pamamaraang ito para sa paggagamot ay malawakang ginagamit sa mga indibiduwal na sumasailalim ng paggagamot sa kanser na may kakaunting mga side effect. Ang theory ay pareho lang ang magiging kalalabasan, na may kakaunting side effects, para sa mga indibiduwal na may COVID-19, kahit na ang theory na ito ay kasalukuyang sinasaliksik.

Ang antivirals ay mga gamot na hinahadlangan ang mga virus na makapasok sa cell ng inyong katawan. Hindi sinisira ng mga ito ang virus pero dahil hinahadlangan nito ang pagpasok sa mga cell ng inyong katawan, hindi ito makokopya. Ang ilang mga kompanya ay lumilikha ng antiviral na gamot bilang gamot sa COVID-19. Ang ganap na bisa nito ay hindi pa napapakita.

Ang hydroxychloroquine at chloroquine ay mga di napatunayang paggagamot sa COVID-19 at hindi dapat gamitin.

Plasma

Ang mga indibiduwal na may COVID-19 at galing na ngayon, ay may antibodies para sa tiyak na virus na ito sa kanilang blood system dahil nakapag-develop ang kanilang immune system ng mga natural antibodies. Isang transfusion ng plasma ng donor ay maaaring i-infuse sa isang may COVID-19 pero hindi magdudulot ng matagumpay o nasa oras na antibodies. Ang prosesong ito ay nagpapalakas sa immune system ng indibiduwal na tumatanggap ng infusion.

Iba pang Mga Gamot para sa Pagpapagamot laban sa COVID-19

Ang isang magandang natuklasan, ang ilang mga gamot na ginagamit ng mga tao para sa iba pang mga kondisyon ay na-ugnay sa pagpapabilis sa tagal ng pagkakaroon ng COVID-19. Walang tiyak na scientific study ng mga gamot na ito, pero may mga pangyayaring na-ulat. Huwag pasimulan ang paggamit ng mga gamot na ito. Tiyakin sa inyong professional sa pag-aalaga ng kalusugan bago simulan ang anumag paggamit ng gamot o health supplment. Anumag bagong gamot o supplement ay maaaring makasagabal sa inyong regular na medikasyon o magresulta sa pagkakalason sanhi ng overdose.

Pinapahina ng aspirin ang panganib ng mga pamumuo ng dugo at binabawasan ang inflammation.

Ang Dexamethasone ay isang anti-inflammatory at marahil na nababawasan ang mga inflammatory na epekto ng COVID-19.

Sa totoo, ang oxygen ay isang gamot. Ang extra na oxygen ay binibigay sa katawan ninyo kung hindi sapat ang nakukuha ninyo nito sa normal na paghinga.

Ang melatonin ay ipinapalagay na nagpapalakas sa immune system sa pamamagitan ng pagtulog ng tama. Ito man ay nakakatulong o hindi na mapalakas ang inyong immune system ay hindi pa nasasaliksik.

Ang Famotidine na ginagamit ng matagalan para sa gastric reflux disease (heartburn) bago pa magkaroon ng COVID-19 ay nasabing nagbabawas sa pangangailangan na mapunta sa ICU na pag-aalaga at ang bilang ng mga kamatayan. Walang pananaliksik na narepaso ng isang peer. Ito ay impormasyon batay sa mga kuwento.

Pinapalakas ng Vitamin D ang immune system, kung mababa ang Vitamin D ninyo. Huwag basta basta inumin ang bitaminang ito. Tiyakin sa inyong professional sa pag-aalaga ng kalusugan para makita kung may Vitamin D deficiency kayo. Maaaring nakakalason ang Vitamin D. Hindi pa napag-aaralan kung mas madali kayong mahawa sa COVID-19.

Ang Zinc ay pinahihinalaan na nagpapaiksi sa panahon ng impeksyon pero walang pananaliksik para sa layuning ito.

Iba pang Mga Paggagamot

Ang mga paggagamot na ginagawa sa mga indibiduwal na may COVID-19 ay sumasaklaw mula sa pag-aalaga sa bahay gamit ang mga gamot tulad ng Non-Steroidal Anti-Inflammatory Drugs (NSAIDs) para sa comfort sa pagkaka-ospital at intensive care. Ang mga paggagamot sa indibiduwal ay depende sa bawat kaso.

Ang Mechanical ventilation o assisted breathing gamit ang isang respirator ay maaaring kailangan kung hindi mabisa ang paghinga mag-isa. Ito ay maaaring pansamantala o pangmatagalan. Ang assistive devices ay maaaring CPAP, BiPAP o mechanical ventilation sa pamamagitan ng bibig o gamit ang tracheostomy (surgical opening).

Ang Dialysis ay binibigay sa mga indibiduwal na hindi gumagana ang bato. Ito ay maaaring pansamantala o pangmatagalan.

Rehabilitasyon makalipas ang COVID-19 na may SCI

Maraming mga indibiduwal na may moderate hanggang severe na COVID-19 ay mangangailangan ng pangmatagalang rehabilitation therapies. Ang mga limitasyon ng gobyerno ay napadali para mapahintulutan ang mga nakaligtas na maka-access ng pag-aalaga sa mga pasilidad ng rehabilitasyon.

Iyong maaaring kabilang sa inyong pag-aalaga ay:

Ang physiatrist ay isang physician na dalubhasa sa rehabilitasyon at physical medicine. Ang taong ito ay direktang nagtatrabaho kasama ninyo para matamo ang therapy at mga paggagamot na kinakailangan para mapahusay ang pisikal at psychological na pag-aalaga.

Ang Internist o General Practitioner ay inyong regular na professional na pang-aalaga sa kalusugan na susubaybay sa inyong progreso sa inyong transisyon pabalik sa inyong regular na medikal na pag-aalaga.

Ang pulmonologist ay isang medikal na espesyalista sa respiratory care na makakatulong na malipat kayo sa paghinga ng mag-isa o gamit ang supplemental breathing equipment ayon sa pangangailangan.

Ang Respiratory Therapist ay isang professional susunod sa inyong kakayahan na huminga at tumulong mula sa dahan-dahan na paghinto sa assistive breathing devices.

Ang Rehabilitation Registered Nurse ay tumutulong sa integrasyon ng mga bagong pamamaraan para makayanang mag-isa sa inyong mga activities of daily living (ADL), mga medikasyon at paggagamot.

Ang Physical Therapist ay tumutulong sa gross motor progress kasama na ang pagpapalakas, balanse at pagkilos.

Ang Occupational Therapist ay tumutulong sa fine motor progress kasama na ang pagpapalakas at activities of daily living.

Ang Speech Therapist ay tutulong sa pagbibigkas at paglunok lalo na sa pagsunod sa pangmatagalang mechanical ventilation o tracheostomy.

Ang Psychologist ay lubos na makakatulong sa mga indibiduwal na nakaranas ng traumatic o chronic na isyu sa kalusugan. Ang taong ito ay maaaring tumulong sa inyo at sa inyong pamilya na makitungo sa muling pagbalik sa inyong buhay.

Ang Dialysis Nurse ay tutulong sa pangmatagalang dialysis o tuturuan kayong magsagawa ng dialysis sa inyong bahay kung mayroon kayong mga isyu sa bato.

Ang Dietician ay tutulong sa inyong bumuo ng isang diyeta na makakayanan ninyo gamit ang mga kinakailangang nutrients para mabalik ang inyong lakas at kalusugan.

Pagpoprotekta sa Inyong Sarili mula sa COVID-19

Tulad ng anumang mga sakit o karamdaman, ang pag-iiwas ay isang mabuting simula. Para doon sa mga immunosuppressed, tulad noong may spinal cord injury o may sekundaryang mga komplikasyon ng SCI na maaaring magpataas sa panganib na magkaroon kayo ng malubhang COVID-19, may mga pag-iingat na magagawa ninyo para mabawasan ang mga pagkakaton na mahawahan nitong virus.

Mga pagbabakuna

Kailangang protektahan ang inyong katawan mula sa mga sakit, lalo na ang mga virus para maiwasan ang mga ito na makapasok sa mga cell ng katawan. Ang pagkakaroon ng impeksyon, bacterial man o viral ay magbabawas sa inyong kakayahan na labanan ng inyong immune system ang COVID-19. Ang maraming mga impeksyon ay humahamon sa inyong immune system.

Ang Flu shots ay mahalagang mga pag-iiwas para sa mga indibiduwal na immunocompromised. Ang mga ito ay nagkakaloob sa inyong katawan ng immunity na kinakailangan para sa mga flu strain na pinaghihinalaan taon-taon. Mapapatatag ninyo ang immunity para sa iba’t ibang mga flu strain gamit ang bawat flu shot. Ang flu shots ay ibinibigay ng isa o dalawang beses kada taon. Mayroong dalawang lakas, ang isa ay regular ang lakas at ang isa ay mas matapang na bersyon para sa mga mas nakatatanda o immunocompromised na mga indibiduwal.

Ang Pneumonia vaccination ay ang susi sa pagbibigay proteksyon mula sa bakterya at mga virus na maaaring humantong sa pneumonia na karaniwan sa lahat ng mga indibiduwal na may spinal cord injury sanhi ng hindi mabisang paghinga ng malalim at pag-ubo para maalis ang mga labi mula sa baga. Ang bakuna laban sa pneumonia ay binibigay tuwing 10 taon.

Iwasan Gamitin ang Inyong Bibig para sa Functional Assistance.

Maraming mga indibiduwal na may mataas na level ng spinal cord injury ay ginagamit ang kanilang bibig para tumulong sa mga aktibidad. Kailangan mong ihinto ang paggawa nito kapag nasa labas ng inyong bahay dahil ang bibig ay isang pangunahing daanan ng COVID-19 para makapasok sa inyong katawan.

Magsuot ng Mask

Ang paggamit ng mask ay kinakailangang gawin kapag lalabas kayo ng bahay o sa labas ng personal ninyong ari-arian. Sanhi ng immunosuppression, ang mga indibiduwal na may spinal cord injury, iba pang chronic na sakit o mga mapanganib na factor ay higit na madaling makapitan ng sakit.

Ang mga batang mas bata sa edad na 2 o iyong mga hirap huminga ay hindi kailanman dapat magsuot ng mask para matiyak na ang paghinga ay hindi nagagambala. Sinumang nakompromiso ang paghinga ay hindi dapat magsuot ng mask pero dapat sanayin ang hindi masyado paglabas at social distancing. Kung nakompromiso ang inyong paghinga, ang panganib ng pagsuot ng mask ay nagbibigay limitasyon sa pagdaloy ng hangin ay mas malaki. Ang muling paghinga ng nailabas nang hangin ay maaaring humantong sa pagkaantok at lumaon ay kamatayan. Kung hindi ninyo magawang malaman kung kulang ang inyong oxygen sanhi ng pagkaantok o hindi kayang gamitin ang inyong mga kamay para alisin ang mask, ang mga konsekuwensya ay mas malaki.

Ang mga batang mas matanda sa 2 taong gulang na walang nakompromisong pahinga ay kailangang magsuot ng mask kapag nalabas. Kailangang obserbahan ang mga bata para matiyak na ligtas sila sa kanilang paghinga at pati na rin pananatili ng wastong posisyon ng mask at para maiyak na hindi ito mabuhol sa kanilang leeg.

Ang mga batang mas matanda sa 2 taong gulang na walang nakompromisong pahinga ay kailangang magsuot ng mask kapag nalabas. Kailangang obserbahan ang mga bata para matiyak na ligtas sila sa kanilang paghinga at pati na rin pananatili ng wastong posisyon ng mask at para maiyak na hindi ito mabuhol sa kanilang leeg.

Sa wastong pagsuot ng isang mark, ang inyong ilong at bibig ay dapat may takip sa lahat ng mga panig na nakadikit sa inyong balat. Ang mga mask na may pleats ay dapat suotin na kung saan ang pleats ay nakalabas pababa. Tiyakin na ang ear loops ay hindi masyado mahigpit para di makapagdulot ng pressure injury sa likod ng inyong tainga o sobrang higpit na hinihila ng mga ito ang tainga ninyo na nagdudulot ng ear fatigue.

Para alisin ang mask, tanggalin ang pagkakabuhol o mga loop sa palibot ng tainga, habang hawak ang dulo ng mask o halos hindi mahihipo ang loob ng mask. Iwasan ang paghipo sa labas na parte ng unahan ng mask dahil dito nakokolekta ang mga germs. Dahan-dahan, ibaba ang mask, papalayo mula sa inyong bibig at ilong. Kung ang mask ay disposable, tupiin ito mag-isa para ang unahan ng mask ay nasa loob at itapon ito ng maayos. Magdala ng bag kung walang basurahan tulad ng kapag papasok sa kotse. Ang mga telang mask ay dapat ilagay sa isang plastic bag hangga’t matapon ninyo ang mga ito sa washer para malabhan. Ang mga telang mask ay dapat labhan makalipas ang kada gamit. Ang mga disposable na mask ay dapat na maayos na itapon makalipas ang bawat gamit.

Paglalaba sa kamay at Paghuhugas sa Mukha

Kailangang malinis ang kamay ninyo sa pangyayari na mahipo ninyo ang inyong mukha dahil maaaring may mga mikrobyo ito, ang COVID-19 at ang lahat ng iba pang mga bakterya at virus sa pangunahing entry point sa inyong katawan, mata, ilong at bibig. Kung ikaw ay gumagamit ng catheterize, dapat may bowel program o may open pressure injury, ang mga ito ay maaaring mga entry points.

Tiyakin na sundin nang mainam ang mga tuntunin sa paghuhugas ng kamay ng madalas at may gana! Ang paghuhugas ng kamay ay mahalaga para maiwasan ang impeksyon. Kapag may spinal cord injury, ang paghuhugas ng kamay ay mahalaga hindi lang sa pangkalahatang gawi pero pati na rin sa pag-aalaga sa sarili. Ang mabisang paghuhugas ng kamay ay batay sa tatlong mga prinsipyo, mainit-init na dumadaloy na tubig, sabon at pagkikiskisan. Hugasan ang inyong mga kamay ng kahit man lang 20 segundo hanggang matapos ang awit na Happy Birthday ng dalawang beses. May ginawang bersyon si Gloria Gaynor sa kaniyang hit na, I Will Survive, habang naghuhugas siya ng kaniyang mga kamay. Nagiging mas masaya ang paghuhugas ng kamay.

Mabuti ang paggana ng hand sanitizer kapag ikaw ay nasa labasan. Ang hand sanitizer ay gumagana kapag mayroon itong 60% na alcohol ayon sa mga patnubay ng CDC. Ang 70% alcohol ay mas mabuti. Maaari kayong gumawa ng sarili ninyong wipes sa pamamagitan ng paglalagay ng isang basa at may sabong mga paper towel sa isang mahigpit na nakasaradong bag o food saver box. Kailangan rin ninyo ng hiwalay na basang paper towel set para sa pagbabanlaw at kaunting mga tuyong paper towel para sa pagpapatuyo. Oo, medyo marami itong dalhin pero mas mabuti na ito kaysa magkaroon ng virus.

Sanhi ng taas ng wheelchair, medyo dehado kayo dahil ang ulo ninyo ay mas mababa kaysa sa mga taong nakatayo. Nailalagay kayo sa isang alanganing posisyon. Makalipas lumabas o makipag-ugnayan sa iba, hugasan ang inyong mukha at pati na rin ang inyong mga kamay. Tandaan, ang mukha ninyo ay may mga mucous membrane na nagpapahintulot sa mga virus at bacteria na makapasok. Hugasan ang inyong mga kamay muna tapos hugasan ang inyong mukha simula sa talukap ng mata, tapos ang iba pang parte ng inyong mukha. Gumamit ng malinis na bimpo tuwing naghuhugas kayo ng mukha. Ang face shield, nakasara sa noo, ay makakatulong na protektahan ang inyong mga mata. Dapat magsuot ng mask kasama ng face shield.

Maghugas o gumamit ng disinfectant wipes sa mga gulong at rims ninyo bago ipasok sa bahay. Hugasan gamit ang anumang mayroon kayo, ang gulong sa unahan o likod at hugasan ang iba pang rims at gulong hangga’t nalinis na ninyo lahat. Gawin din ito sa mga cane at walker. Kung naglalakad, gumamit ng isang set ng mga sapatos para sa paglabas na mananatili sa labas ng bahay at hindi gamitin sa looban.

Social Distance

Ipanatili ang social distance mula sa iba ng kahit man lang anim na feet. Kung kayo ay nasa isang situwasyon kung saan may mga indibiduwal na kumakanta, sumisigaw, nag-cheer o gumagamit ng malalakas na boses, ang kanilang paghinga palabas ay mas malayo ang nararating, na kailangan mas malayo kayo ng kahit man lang 12 hanggang 20 feet o higit pa.

Para doon sa nasa dehadong posisyon dahil sa kanilang paggamit ng alternative equipment para sa pagkilos, tulad ng wheelchair, kayo ay nasa mababang posisyon kung saan maaaring maabot ng mga respiratory droplet ng iba. Lubos na mahalaga ang social distancing para makalayo sa abot ng paghinga palabas ng iba. Ito ay hindi mas malapit sa anim na feet ang layo. Maliban sa paghuhugas ng inyong mga kamay, hugasan ang inyong mukha, mata muna at mainim na tubig at sabon sa inyong mukha makalipas na hugasan ang mga kamay.

Iwasan ang maraming tao. Ito ay isang hamon para sa lahat. Mahilig tayong makihalobilo sa iba. Mag-isip ng iba pang mga paraan para magtipon-tipon. Ang social media ay tunay na mahalagang parte ngayon. Huwag kalimutan ang lumang telepono para makausap at marinig ang boses. Tingnan minsan kung maayos ang inyong mga kapit bahay anuman ang edad o mga kakayahan.

Ok lang na lumabas kahit maraming tao. Ang pagpapa-araw at paglanghap ng sariwang hangin ay mabuti para sa lahat. Ilang minuto lang ng araw ang kailangan para maparami ang vitamin D sa inyong katawan. Huwag magsimulang gumamit ng mga supplements maliban kung natiyak na kailangan ninyo ang mga ito, dahil ang ilan, tulad ng vitamin D, ay maaaring nakakalason. Ang inyong provider sa pangangalaga ng kalusugan ay maaaring makatiyak sa inyong pangangailangan sa pamamagitan ng mga blood test. Ang pagdadagdag ng anumang supplement ay maaaring maka-apekto sa inyong medikasyon.

Dahil lang may mga pagkakataon para lumabas, ay hindi nangangahulugan na kailangan ninyong dumalo. Maaaring piliin ninyong gawin ito pero tandaan na tasahin ang mga panganib kumpara sa mga benepisyo. May panganib ng COVID-19 kapag lumabas kasama ng iba. Kapag mamalagi sa bahay habang may pandemic ng COVID-19 ay kapaki-pakinabang sa kalusugan.

Iwasan ang mga indibiduwal na nakasama sa malaking mga pagtitipon, iyong mga kamakailan na bumiyahe o nalantad sa COVID-19 at pati na rin iba pang mga sipon at trangkaso. Iminungkahi sa mga pinakahuling patnubay ang grupo na mas kaunti sa 50 katao. Iminungkahi rin ng mga scientist ang mas kaunting numero. Sinasabi ng ilan na ang mga pagtitipon-tipon ay hindi dapat mas malaki sa sampu. Ang isa sa pinakakaraniwang hot spot na maaaring mahawa ng COVID-19 ay maliliit na mga grupo, kahit na mga grupo ng pamilya.

Malilinis na Surfaces Ang COVID-19 ay karaniwang kumakalat sa pamamagitan ng mga respiratory droplet pero ang mga ito ay bumabagsak at dumadapo sa mga surface. Panatilihing malilinis ang mga surface gamit ang sanitizing wipes o hugasan gamit ang sabon at tubig. Maaaring kasama rito ang mga rim ng wheelchair, mga cane at walker, iba pang mga assistive device, pintuan at hawakan sa kotse, mga counter, susi, mga handrail o anumang iba pang mga surface na maaaring mahipo ninyo.

Mga guwantes

Maaari ninyong piliin na magsuot ng disposable gloves kapag wala kayo sa bahay. Ang ilan ay maaaring gumamit ng disposable gloves kapag tinutulak palabas ang kanilang chair. Basta’t tandaan na huwag gamitin ang bibig ninyo para alisin ang mga guwantes o hipuin ang inyong mukha habang suot ang mga ito. Ang guwantes ay hindi nangangahulugan na hindi na kailangang maghugas ng ating mga kamay.

Dahil maraming tao ang mali ang paggamit ng guwantes, naisip na mas nagkakalat ang mga ito ng sakit. May gawi ang mga taong isipin na ang pagsuot ng guwates ay nagbibigay ng kaligtasan, pero gumagana lang ito kung isang bagay lang ang hinawakan ninyo at tapos ay nagpalit ng guwantes. At, tandaan na kapag suot ninyo ang inyong guwantes, huwag kontaminahin ang inyong sarili sa pamamagitan ng paghipo sa inyong mukha, tulad ng hindi ninyo paghipo sa inyong mukha gamit ang kamay ninyo. Sa spinal cord injury, nanganganib rin kayo kapag nag-catherize, may bowel program o may bukas na pinsala tulad ng pressure injury.

Ang proseso ng pag-aalis ay pinapawalang bisa ang mga guwantes at nagbibigay ng maling pakiramdam na hindi mahahawahan kapag may suot na mga guwantes. Kung piliin ninyong magsuot ng guwantes, isuot ang mga ito tulad ng anumang mga guwantes pero iposisyon ang inyong mga kamay sa ibaba ng inyong baywang, malayo mula sa inyong mukha.

Kapag inaalis ang inyong guwantes, muli, ipuwesto ang inyong mga kamay sa ibaba sa may baywang ninyo, malayo sa mukha. Gamit ang inyong kamay na may guwantes, pindutin ang labas ng guwantes na malapit sa inyong pulso pero iwasan na hipuin ang inyong balat, hawak lang ang guwantes. Hilahin pababa ang guwantes at hubarin na pabaliktad tulad nang parati ninyong ginagawa. Ikipkip sa may guwantes na kamay ang inyong hinubad na guwantes. Tapos ay gamit ang walang guwantes na kamay, ipasok ang inyong kamay sa loob ng natitirang suot na guwantes sa kabilang kamay at dahan dahan na alisin ito, ng padulas. Ang unang guwantes ngayon ay nasa loob ng ikalawang guwantes na nakabaliktad, na magsisilbi bilang isang maliit na plastic bag hangga’t matapon ninyo ito ng wasto. Huwag biglang alisin ang guwantes o alisin ang mga ito ng basta-basta. Kailangang ikulong ninyo ang anumang guwantes na nasasa loob nito. Agad na hugasan ang inyong mga kamay o gumamit ng hand sanitizer.

Mga Caregiver (tagapag-alaga) at Bisita

Ang lahat ng mga bisita ay dapat maghubad ng sapatos at ilagay sa tabi ng pinto. Sa pagbalik sa bahay, ang mga tagapag-alaga (caregiver) o mga bisita ay dapat maghugas ng kanilang kamay nang maigi. Ang mga caretaker at bisita, lalo na iyong mga hindi ninyo kasama sa bahay, ay dapat magsuot ng mask lalo na kapag nag-aalaga.

Ang caregiver ay dapat magpalit ng mga malinis na damit kapag pumapasok sa inyong bahay. Maaari silang magdala ng mga bagong labang damit sa isang self-sealing na bag.

Kausapin ang inyong caregiver tungkol sa buhay nila sa labas ng inyong tahanan. Maaaring kailangan ninyong magsagawa ng ibang kaayusan kung hindi sila maingat sa kanilang personal na buhay.

Pangkalahatang Kalusugan

Uminom ng mga fluid na naaayon sa inyong mga limitasyon sa bladder program o malayang uminom kung walang mga bawal sa inyong bladder o iba pang mga isyu sa kalusugan. Ang tubig ang pinakamabuting fluid dahil ito ay nagbibigay ng hydration sa katawan, na pinananatili itong mabuti sa kalusugan at maayos na gumagana. Parating mahalaga ang hydration. Sanhi ng mga problema sa bladder (pantog), maaaring mahirap na magkaroon ng mas maraming tubig kaysa sa nararapat para sa inyo. HUWAG biglain ang system pero subukan na uminom ng kahit isang lagok ng tubig bawat oras kapag gising kayo. Ito ay magpapataas sa hydration na kailangan ng katawan ninyo pero hindi masyado nakaka-apekto sa inyong bladder program.

Kumain ng wasto at balanse. Pinananatili rin nito ang katawan ninyo na nasa mabuting kondisyong pangkalusugan at gumagana ng tama. Tiyakin sa isang dietician para masigurado na tama ang mga nutrients na nakukuha ninyo. Maraming impormasyon tungkol sa mga epekto ng diyeta sa immune system. Ang pagkain ng mabuti sa kalusugan at balanseng diyeta ay pinakikinabangan ng lahat. Ang mga pagkain na nakakatulong mapalakas ang immune system ay kinabibilangan ng spinach, sariwang kale, swiss chard, bell peppers, strawberries at mushrooms. Ang mga pagkaing ito kahit frozen, ay pareho lang ang mga benepisyo. Kinakailangan ng kaunting panahon para mapatatag ang immune system, sa pamamagitan ng diyeta. Isang simula na ang isang meal, pero kailangan ng panahon para makita ang mga pakinabang.

Bigyang priyoridad ang Ehersisyo

Kung hindi kayo mag-ehersisyo, panahon na ngayon para simulan ang ilang mga uri ng pagkilos. Simulan ng mabagal, tapos dahan-dahan ay dalasan ng tatlong beses bawat araw. Kausapin ang inyong professional sa pangangalaga ng kalusugan tungkol sa isang magandang programa ng ehersisyo at tiyakin na handa na kayong mag-ehersisyo.

Mag-ehersisyo, lalo na sa parte ng katawan na hindi masyado gumagana. Ang parte ng inyong katawan sa itaas at ibaba ng level ng pinsala ay nangangailangan ng kilos. Maaari nitong palakasin ang inyong immune system, mapahusay ang circulation, pinapahina ang mga contracture at tono (mga spasm) at pahusayin ang kapakanan ng inyong kaisipan. Maaaring mas mabuti ang inyong kalusugan sa pagtapos ng pandemic kaysa noong nagsimula ito.

Hygiene sa Pagtulog

Ang maayos na tulog ay nagpapalakas sa immune system ng katawan. Pinapahintulutan nito ang utak at katawan na makapagpahinga at muling maproseso ang inyong mga sarili. Panatilihin na ang TV at musika ay naka-off para ang utak ninyo ay hindi nagagambala. Huwag gumamit ng mga electronics ng dalawa hanggang apat na oras bago matulog o sa gabi. Subukan na matulog sa parehong oras at bumangon sa parehong oras. Ang mga gawing ito ay nakakatulong na lumikha ng mas maganda o mas nakapahingang tulog.

Panatilihin ang Inyong Kalusugang Pangkaisipan

Sikapin na mapahusay o panatilihin ang kapakanan ng kaisipan. Panatilihing aktibo ang inyong isip habang pinananatiling tama ang lakas ng inyong katawan. Maaaring kabilang dito ang pagpapalawak sa inyong mga horizon at aktibidad para mapahusay ang inyong kakayahang makaraos, lalo na kapag nagsasagawa ng social distancing.

Makipagtulungan sa ibang mga tao. Kausapin ang iba at makipag-ugnayan sa ibang paraan, sa pamamagitan ng telepono o computer. Ang social distancing ay hindi nangangahulugan na pagbubukod o pag-iisa mula sa iba.

Kung nakakagulat para sa inyo ang pandemic o nahihirapan kayong makaraos sa kalungkutan, depression, pag-iisa o iba pang mga situwasyon, tumawag sa inyong provider sa pangangalaga ng kalusugan para sa tulong. Maaari rin kayong magpadala ng text sa Crisis Text Line sa 741741 o tumawag sa National Suicide Prevention Lifeline 1-800-273-8255. Ang Boys Town ay isang libreng toll na linya para sa mga tumatawag na may krisis o may tangkang magpakamatay: 866-697-8394.

Pagpoprotekta sa inyong Respiratory System

Ang pag-uubo ay nakakatulong na protektahan ang inyong mga baga na para malinis ang mga ito mula sa mga dumi tulad ng mucous at mga particle na nakakapasok sa mga baga habang kayo ay humihinga. Ang pag-uubo ay nakakagambala rin sa mga virus at bakterya mula sa pamamalagi ng mga ito sa inyong baga. Hindi kayo nito mapapahinto na magkasakit, pero makakatulong itong maalis ang mga dumi na pumapalibot at papalabas sa inyong mga baga. Huminga ng malalim ng tatlong beses kasunod ng isang ubo ng kahit man lang apat na beses sa isang araw.

Takpan ang inyong mga pag-ubo at pagbahing gamit ang tissue at tapos ay agad na itapon ito sa isang basurahan. Huwag itabi ang mga tisyu para magamit ulit. Hugasan agad ang inyong mga kamay. Bilang alternatibo, umubo sa looban ng inyong siko para maiwasan ang pagkalat ng mga germs sa iba. Hugasan agad ang inyong mga kamay.

Kung mayroong kayong incentive spirometer sa pamamalagi sa ospital o sa rehabilitation, panahon na para gamitin ito. Maaaring bilhin ang mga ito online. Ito ay isang plastic na device na karaniwang may tatlong bola sa bawat chamber. Lumanghap ng hangin sa inyong bata gamit ang mouthpiece para mapataas ang mga bola sa mga chamber. Subukan na mapanatiling nakalutang ang mga bola habang humihinga papasok. Simulan sa mahina at palakasin. Ito ay makakatulong na mabawasan ang mga trangkaso at sipon sa pamamagitan ng pananatiling mabuti ang kalagayan ng inyong mga baga. Linisin ang inyong incentive spirometer na mouthpiece at tubo araw-araw gamit ang sabon at tubig.

Pagkuha ng Mga Supply

Kailangan ng lahat ng mga supply. Nakakatulong rin ng lubos ang mga delivery ng mga produkto at pagkain. Ipaiwan sa may labas ng pintuan ang package at ipasok ito pagkaalis ng delivery. Ang mga drive through at contactless na pag-pickup ay nakakatulong rin. Suotin ang inyong mask. Hugasan ang inyong mga kamay o gumamit ng hand sanitizer makalipas hawakan o alisin ang anumang packaging.

Kung hindi ninyo kailangang magpunta sa tindahan, magsimula sa lokasyon kung nasaan ang cart cleaner wipes. Ang karamihan sa mga tindahan ay may kumukuha ng cart at tapos ay nililinis ito. Sa sandaling nahawakan na ninyo ang card, may nakuha na kayong germs! Simulan sa paglilinis ng wipes, punasan ang inyong mga kamay gamit ito, gumamit ng mga bagong wipes para linisin ang pushing bar tapos ay gamitin ang inyong cart. Kung may access kayo sa mga hand wipes sa labasan, muling punasan ang inyong mga kamay sa paglabas ninyo.

Ang hindi mahal na mga disposable na guwantes ay mainam sa mga grocery store sanhi ng paghawak sa mga produkto. Huwag kayong tamarin sa pagsuot ng guwantes. Hindi ninyo puwedeng hawakan ang inyong mukha kahit na may guwantes kayo.

Umasa sa mga kapamilya at kaibigan para tulungan kayo kapag nasa labas ng inyong tahanan. Sila ang utusan ninyong mamili at lumabas kung may kailangang gawin kung maaari.

Manatiling Positibo at Maingat

May ilang mga bagay na makakatulong sa inyo na ayusin ang pagbabagong ito sa buhay Una, bumangon sa parehong oras araw-araw. Karamihan ay ganito na ang gawi, pero madaling manatili ng kaunti sa kama kapag hindi ninyo kailangang umalis ng bahay. Ang mga regular na oras ng pagbangon at pagtulog ay makakatulong sa inyong katawan at isip. Ito ay makakapagpahusay rin sa inyong gawi sa pagtulog.

Ikalawa, magbihis. Baguhin ang inyong mga damit sa umaga para mabigyang seyales ang inyong sarili na isang bagong araw na naman. Paminsan-minsan, magsuot ng magandang gamit, kahit na hindi kayo puwede lumabas o hindi gustong lumabas.

Ikatlo, pansinin ang personal hygiene. Maaaring hindi kayo lalabas o di kayo makikipagkita ng personal, pero ang inyong pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng kaisipan ay malugod na tatanggap sa personal na kalinisan.

Ayusin ang Inyong Araw

May ilang mga paraan para ayusin ang inyong araw. Ang ilang mga taong lumalabas araw-araw para sa mga aktibidad o trabaho ay may pakiramdam na ang pagiging nasa bahay ay tila isang mahabang weekend o bakasyon, hangga’t maunawaan nila na hindi na babalik sa dating routine. Magiging madali na walang gawin na hahantong sa pagka-bore at mapalakas ang anxiety. Ang paglilikha ng bagong routine ay makakatulong sa walang pagbabagong ginagawa kaya’t kahit na hindi ninyo makokontrol ang buhay sa labas, maaari ninyong makontrol ang sarili ninyong mga personal na aktibidad.

Ang paglalagay ng sarili ninyong kaayusan sa araw ay maaaring isang magandang desisyon. Makalipas ang isang spinal cord injury, may ilang mga kaayusan na kailangang maganap tulad ng pag-aalaga sa pantog o bladder, mga bowel program at pag-aalag sa balat. Maaaring naisama na ninyo ito sa inyong mga gawain sa araw-araw. Kung walang regular na routine, ang mga aktibidad na ito ay maaaring dumating sa punto kung saan hindi na nasusundan ang inyong routine na hahantong sa mga di kinakailangang komplikasyon. Tiyakin na sundin ang inyong pang-araw araw na routine sa pag-aalaga kahit na ang mga karaniwang hudyat na ginagamit ninyo sa pagsisimula ng isang gawain ay wala.

Lumikha ng schedule para sa sarili ninyo. Hatiin ang mga gawain sa mga simpleng hakbang na magagawa sa loob ng ilang mga araw o linggo para hindi kayo mainip o magulat sa anumang iisang aktibidad. Kapag tigil sa iisang aktibidad lang, maaaring makalimutan ninyong mag-catherize, gawin ang pressure release ninyo o kahit na kumain sa wastong oras. Sa kabilang dako naman, ang mga taong nasa looban ng kanilang bahay at mapipili kung ano at kailan dapat gawin ang isang bagay ay may gawi na kumain ng madalas, o patuloy na kumain ng meryenda. Makakatulong ang isang schedule para sa inyong bagong kapaligiran.

Isipin ang mga bagay na nais ninyong matamo. Maaaring ito ay paggawa ng isang bagay na wala kayong panahon dati. Gumawa ng pang-araw araw na routine na kasama ang pag-aalaga sa sarili, sa trabaho o paaralan. Isama ang mga aktibidad na hinihiling mula sa inyo. Tapos ay isama sa inyong mga napiling aktibidad. Halimbawa, ng hindi lumalabas sa inyong bahay, maaaring may oras kayo sa araw na iyon na dati ninyong ginamit para sa pag-commute o maaaring hindi kayo namimili pero nag-order na lang online o ipakiusap sa kapit bahay na bumili para sa inyo. Dahil tayo ay nasa isang nag-aarugang lugar, maaaring mas maraming panahon kayo na ilaan sa inyong sarili.

Iba-ibahin ang Inyong Mga Gawain sa Araw

Hindi gusto ng ilang mga indibiduwal ang takdang gawain. Maaari pa rin ninyong ayusin ang araw ninyo para matiyak na ligtas ang kalusugan ninyo ng walang mahigpit na schedule Kailangan ninyong gawin ang inyong routine na pag-aalaga sa sarili, sa trabaho at paaralan pero sa libreng oras ninyo, piliin ang ilang mga aktibidad na nais ninyong matapos. Isulat ang mga ito sa papel at ilagay ang mga ito sa isang mangkok. Maaari ninyong bigyang detalye kung kinakailangan at simulan ang nasabing gawain. Ito ay nagdadagdag ng kagandahan sa araw. Ang pamamaraan na ito ay ginagawang mas madali para sa mga taong hindi masyado nagugustuhang sabihin kung ano ang dapat gawin.

Ihalo ang Kaayusan at Pag-iiba iba sa Inyong Araw

Ang mga tao ay karaniwang mas gusto ang parehong kaayusan at pagkakaiba-iba, kaya’t haluin o magpalipat-lipat sa dalawa Hindi kayo nakatali sa mahihigpit na mga tuntunin, pero kailangan ninyong mabuhay. Ang importanteng aspekto ay patuloy na magsikap para matapos ang inyong layunin o pakay, kaya’t maramdaman ninyo ang tagumpay ng pagtatapos sa halip na sayangin lang ang mga oras. Ang isang uri ng plano o kaayusan ay makakatulong na mabawasan ang stress sa mga di tiyak na panahon.

Pananaliksik sa COVID

Maraming mga epekto ang COVID-19. Dahil bago ang virus, nagsasagawa ang gobyerno ng Estados Unidos ng pag-aaral para matasa ang mga pangmatagalang epekto. Ang pag-aaral na ito ay tinatawag na COVID-19 Observational Study (CORAL). Ito ay isinasagawa ng National Institutes of Health (NIH) National Heart, Blood and Lung Institute (NHLBI). Bilang isang indibiduwal na may spinal cord injury, magkaroon kayo ng COVID-19, maaaring piliin ninyong sumali sa pag-aaral na ito dahil kritikal ito na makita kung paano naaapektuhan ang mga taong namumuhay na may SCI.

Nakatuon ang mga kasalukuyang pagsisikap sa pananaliksik sa mga bakuna at paggagamot sanhi ng kalubhaan ng sakit at bilis nitong makahawa. Ang CORAL study ay makakatulong na unawain ang pangmatagalang mga epekto. Ang mga ulat ng pangyayari ay magpapahiwatig doon sa mga makakaligtas sa COVID-19 na mayroong mga pangmatagalan isyu sa fatigue, pagkahapo, pananakit ng muscle, pagkalito, mga sakit ng ulo at hallucination. Ang iba pang mga problema ay kinabibilangan ng heart inflammation at muscle wasting, lung inflammation kasama na ang chronic na tuyong ubo, pagkahapo at pananakit habang naubo. Ang ilang mga indibiduwal ay kailangan ng pantulong sa paghinga ng matagalan. Maaaring maapektuhan ang nervous system sa pamamagitan ng mga sakit ng ulo, pagkahilo, kahirapan na makapag-concentrate at hindi matandaan ang mga impormasyon o bagay-bagay. Dagdag pa dito, isang isyu rin ang mga pamumuo ng dugo.

Ang panandalian at pangmatagalang mga epekto ng COVID-19 ay sinusuri. Ang pananaliksik sa China ay nagpahiwatig na ang mga indibiduwal na may COVID-19 ay nakaranas ng pangmatagalang pinsala sa baga na nagreresulta sa kahirapan sa paghinga at cardiomyopathy (muscle disease ng puso) na nagreresulta sa arrythmias (irregular na tibok ng puso).

Maraming mga gamot at bakuna ang kasalukuyang nasa iba’t ibang yugto ng pananaliksik. Ang pag-aaral sa mga gamot ay sumusunod sa tatlong phrase ng clinical trial sa mga tao.

Ang Phase I ay direktang mula sa mga pag-aaral sa laboratoryo (walang taong kasangkot). Ito ay isang pagsubok sa paggagamot o bakuna na unang ginagamit sa mga tao. Ito ay para lamang sa kaligtasan.

Ang Phase II ay mga pag-aaral na pumasa sa safety test (pagsusuri sa kaligtasan) ng Phase I. Mas kaunting bilang ang ginagamit para matasa ang wastong dosis.

Ang Phase III na mga pag-aaral ay maramihan. Ang mga pag-aaral na ito ay naghahanap ng mga salungat na apekto na maaaring magresulta sa posibilidad ng paggagamot o bakuna.

Minsan, ang Humanitarian Use (Paggamit sa Tao) ay idinedeklara lang makalipas ang mga pagsubok sa Phase II, bihira sa Phase I, para sa nakakamatay na mga sakit na walang ibang alternatibo. Ang ilang mga paggagamot na kasalukuyang dine-develop ay nakatalaga sa mga indibiduwal na may malubhang mga kaso ng COVID-19 sanhi ng kakulangan sa mga opsyon sa paggagamot.

Ang mga paggagamot sa COVID-19 ay dine-develop ng maraming mga kompanya sa buong mundo. Ang ilan ay dine-develop na tiyak para sa COVID-19, ang iba ay mga kasalukuyang gamot na iniiba ang layunin para sa COVID-19. Ang isang halimbawa ay ang Favipiravir mula sa Fujifilm Toyama Chemical na isang antiviral na na-develop para makaiwas at gamutin ang Ebola virus. Ito ay kasalukuyang pinag-aaralan para sa COVID-19. Ang iba pang mga nilalanghap na nitrous oxide ay kasalukuyang pinag-aaralan dahil ipinapalagay na ito ay makakaiwas sa pagpasok ng COVID-19 sa mga cell.

Mga Katotohanan at Bilang

Para sa mga bilang ng kaso at mga namatay mula sa COVID-19 sa Estados Unidos, magpunta sa website ng CDC sa COVID Data Tracker o Johns Hopkins’ COVID-19 Dashboard.

Para sa mga bilang ng kaso o namatay mula sa COVID-19 sa mundo, basahin angWorld Health Organization’s COVID-19 Dashboard.

Ang death rate para sa pneumonia, influenza at COVID-19 ay 7.2%.

Humigit kumulang sa 80% ng mga indibiduwal na nagkaroon ng COVID-19 ay nakakaligtas.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung kayo ay naghahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa COVID-19 o may tiyak na tanong, ang aming Mga Information Specialist ay available sa araw na may trabaho Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang mga fact sheets na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat ka naming makipag-ugnayan sa mga samahan, kabilang ang mga asosasyon na nagtatampok ng balita, suporta sa pagsasaliksik, at mga mapagkukunan, mga pambansang network ng mga pangkat ng suporta, klinika, at mga specialty na ospital.

Mga Mapagkukunan sa Komunidad:

Ang Sentro para sa Pagkontrol at Pag-iwas sa Sakit ay may pinaka hanggang sa mga mapagkukunan para sa impormasyon tungkol sa COVID-19. Suriin ang website na ito bago magpasya tungkol sa iyong pangangalaga o paggamot para sa pinakabagong impormasyon. https://www.cdc.gov/coronavirus/2019-nCoV/index.html

Klinikal na Patnubay:

Nicola M, O’Neill N, Sohrabi C, Khan M, Agha M, Agha R. Batayan sa pamamahala ng patnubay sa ebidensya para sa COVID-19 na pandemya – Review article. Int J Surg. 2020 May;77:206-216. doi: 10.1016/j.ijsu.2020.04.001. Epub 2020 Apr 11. PMID: 32289472; PMCID: PMC7151371. https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/32289472/

KARAGDAGANG PAGBABASA

Mga Sanggunian

Ahn DG, Shin HJ, Kim MH, Lee S, Kim HS, Myoung J, Kim BT, Kim SJ. Current Status of Epidemiology, Diagnosis, Therapeutics, and Vaccines for Novel Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). J Microbiol Biotechnol. 2020 Mar 28;30(3):313-324. doi: 10.4014/jmb.2003.03011. PMID: 32238757.

Baj J, Karakuła-Juchnowicz H, Teresiński G, Buszewicz G, Ciesielka M, Sitarz E, Forma A, Karakuła K, Flieger W, Portincasa P, Maciejewski R. COVID-19: Specific and Non-Specific Clinical Manifestations and Symptoms: The Current State of Knowledge. J Clin Med. 2020 Jun 5;9(6):1753. doi: 10.3390/jcm9061753. PMID: 32516940; PMCID: PMC7356953.

Bilbul M, Paparone P, Kim AM, Mutalik S, Ernst CL. Psychopharmacology of COVID-19. Psychosomatics. 2020 Sep-Oct;61(5):411-427. doi: 10.1016/j.psym.2020.05.006. Epub 2020 May 18. PMID: 32425246; PMCID: PMC7232075.

Chan JF, Yip CC, To KK, Tang TH, Wong SC, Leung KH, Fung AY, Ng AC, Zou Z, Tsoi HW, Choi GK, Tam AR, Cheng VC, Chan KH, Tsang OT, Yuen KY. Improved Molecular Diagnosis of COVID-19 by the Novel, Highly Sensitive and Specific COVID-19-RdRp/Hel Real-Time Reverse Transcription-PCR Assay Validated In Vitro and with Clinical Specimens. J Clin Microbiol. 2020 Apr 23;58(5):e00310-20. doi: 10.1128/JCM.00310-20. PMID: 32132196; PMCID: PMC7180250.

Esakandari H, Nabi-Afjadi M, Fakkari-Afjadi J, Farahmandian N, Miresmaeili SM, Bahreini E. A comprehensive review of COVID-19 characteristics. Biol Proced Online. 2020 Aug 4;22:19. doi: 10.1186/s12575-020-00128-2. PMID: 32774178; PMCID: PMC7402395.

Halpin DMG, Singh D, Hadfield RM. Inhaled corticosteroids and COVID-19: a systematic review and clinical perspective. Eur Respir J. 2020 May 7;55(5):2001009. doi: 10.1183/13993003.01009-2020. PMID: 32341100; PMCID: PMC7236828.

Heneka MT, Golenbock D, Latz E, Morgan D, Brown R. Immediate and long-term consequences of COVID-19 infections for the development of neurological disease. Alzheimers Res Ther. 2020 Jun 4;12(1):69. doi: 10.1186/s13195-020-00640-3. PMID: 32498691; PMCID: PMC7271826.

Huang L, Zhang X, Zhang X, Wei Z, Zhang L, Xu J, Liang P, Xu Y, Zhang C, Xu A. Rapid asymptomatic transmission of COVID-19 during the incubation period demonstrating strong infectivity in a cluster of youngsters aged 16-23 years outside Wuhan and characteristics of young patients with COVID-19: A prospective contact-tracing study. J Infect. 2020 Jun;80(6):e1-e13. doi: 10.1016/j.jinf.2020.03.006. Epub 2020 Apr 10. PMID: 32283156; PMCID: PMC7194554.

Juan J, Gil MM, Rong Z, Zhang Y, Yang H, Poon LC. Effect of coronavirus disease 2019 (COVID-19) on maternal, perinatal and neonatal outcome: systematic review. Ultrasound Obstet Gynecol. 2020 Jul;56(1):15-27. doi: 10.1002/uog.22088. PMID: 32430957; PMCID: PMC7276742.

Kannan S, Shaik Syed Ali P, Sheeza A, Hemalatha K. COVID-19 (Novel Coronavirus 2019) – recent trends. Eur Rev Med Pharmacol Sci. 2020 Feb;24(4):2006-2011. doi: 10.26355/eurrev_202002_20378. PMID: 32141569.

Le Bert N, Tan AT, Kunasegaran K, Tham CYL, Hafezi M, Chia A, Chng MHY, Lin M, Tan N, Linster M, Chia WN, Chen MI, Wang LF, Ooi EE, Kalimuddin S, Tambyah PA, Low JG, Tan YJ, Bertoletti A. SARS-CoV-2-specific T cell immunity in cases of COVID-19 and SARS, and uninfected controls. Nature. 2020 Aug;584(7821):457-462. doi: 10.1038/s41586-020-2550-z. Epub 2020 Jul 15. PMID: 32668444.

Li B, Yang J, Zhao F, Zhi L, Wang X, Liu L, Bi Z, Zhao Y. Prevalence and impact of cardiovascular metabolic diseases on COVID-19 in China. Clin Res Cardiol. 2020 May;109(5):531-538. doi: 10.1007/s00392-020-01626-9. Epub 2020 Mar 11. PMID: 32161990; PMCID: PMC7087935.

Li H, Liu Z, Ge J. Scientific research progress of COVID-19/SARS-CoV-2 in the first five months. J Cell Mol Med. 2020 Jun;24(12):6558-6570. doi: 10.1111/jcmm.15364. Epub 2020 May 7. PMID: 32320516; PMCID: PMC7264656.

Liu H, Wang LL, Zhao SJ, Kwak-Kim J, Mor G, Liao AH. Why are pregnant women susceptible to COVID-19? An immunological viewpoint. J Reprod Immunol. 2020 Jun;139:103122. doi: 10.1016/j.jri.2020.103122. Epub 2020 Mar 19. PMID: 32244166; PMCID: PMC7156163.

Long B, Brady WJ, Koyfman A, Gottlieb M. Cardiovascular complications in COVID-19. Am J Emerg Med. 2020 Jul;38(7):1504-1507. doi: 10.1016/j.ajem.2020.04.048. Epub 2020 Apr 18. PMID: 32317203; PMCID: PMC7165109.

Madjid M, Safavi-Naeini P, Solomon SD, Vardeny O. Potential Effects of Coronaviruses on the Cardiovascular System: A Review. JAMA Cardiol. 2020 Jul 1;5(7):831-840. doi: 10.1001/jamacardio.2020.1286. PMID: 32219363.

Mahmoudi S, Rezaei M, Mansouri N, Marjani M, Mansouri D. Immunologic Features in Coronavirus Disease 2019: Functional Exhaustion of T Cells and Cytokine Storm. J Clin Immunol. 2020;40(7):974-976. doi:10.1007/s10875-020-00824-4.

Muniyappa R, Gubbi S. COVID-19 pandemic, coronaviruses, and diabetes mellitus. Am J Physiol Endocrinol Metab. 2020 May 1;318(5):E736-E741. doi: 10.1152/ajpendo.00124.2020. Epub 2020 Mar 31. PMID: 32228322; PMCID: PMC7191633.

Pascarella G, Strumia A, Piliego C, Bruno F, Del Buono R, Costa F, Scarlata S, Agrò FE. COVID-19 diagnosis and management: a comprehensive review. J Intern Med. 2020 Aug;288(2):192-206. doi: 10.1111/joim.13091. Epub 2020 May 13. PMID: 32348588; PMCID: PMC7267177.

Sanchis-Gomar F, Lavie CJ, Perez-Quilis C, Henry BM, Lippi G. Angiotensin-Converting Enzyme 2 and Antihypertensives (Angiotensin Receptor Blockers and Angiotensin-Converting Enzyme Inhibitors) in Coronavirus Disease. 2019 Mayo Clin Proc. June 2020;95(6):1222-1230. https://doi.org/10.1016/j.mayocp.2020.03.026

Shanmugaraj B, Siriwattananon K, Wangkanont K, Phoolcharoen W. Perspectives on monoclonal antibody therapy as potential therapeutic intervention for Coronavirus disease-19 (COVID-19). Asian Pac J Allergy Immunol. 2020 Mar;38(1):10-18. doi: 10.12932/AP-200220-0773. PMID: 32134278.

Tang Y, Liu J, Zhang D, Xu Z, Ji J, Wen C. Cytokine Storm in COVID-19: The Current Evidence and Treatment Strategies. Front Immunol. 2020;11:1708. Published 2020 Jul 10. doi:10.3389/fimmu.2020.01708

Tu YF, Chien CS, Yarmishyn AA, Lin YY, Luo YH, Lin YT, Lai WY, Yang DM, Chou SJ, Yang YP, Wang ML, Chiou SH. A Review of SARS-CoV-2 and the Ongoing Clinical Trials. Int J Mol Sci. 2020 Apr 10;21(7):2657. doi: 10.3390/ijms21072657. PMID: 32290293; PMCID: PMC7177898.

Wollina U, Karadağ AS, Rowland-Payne C, Chiriac A, Lotti T. Cutaneous signs in COVID-19 patients: A review. Dermatol Ther. 2020 May 10:e13549. doi: 10.1111/dth.13549. Epub ahead of print. PMID: 32390279; PMCID: PMC7273098.

Zhou Z, Kang H, Li S, Zhao X. Understanding the neurotropic characteristics of SARS-CoV-2: from neurological manifestations of COVID-19 to potential neurotropic mechanisms. J Neurol. 2020 Aug;267(8):2179-2184. doi: 10.1007/s00415-020-09929-7. Epub 2020 May 26. PMID: 32458193; PMCID: PMC7249973.

Zhou MY, Xie XL, Peng YG, Wu MJ, Deng XZ, Wu Y, Xiong LJ, Shang LH. From SARS to COVID-19: What we have learned about children infected with COVID-19. Int J Infect Dis. 2020 Jul;96:710-714. doi: 10.1016/j.ijid.2020.04.090. Epub 2020 May 7. PMID: 32389849; PMCID: PMC7204709.