Make twice the difference, give now!

Connect

Kalusugan sa Paghinga

Pangangasiwa ng Kalusugan sa Paghinga

Ang paghinga ay kinokontrol ng autonomic nerve system (ANS), ang bahagi ng nervous system na awtomatikong kumikilos o sa labas ng iyong may kamalayan na kontrol. Ang kakaiba sa paghinga ay maaari mo rin itong kontrolin sa pamamagitan ng paghinga nang sinasadya, pag-ubo at pagpigil sa hininga mo. Ang karamihan sa mga sistema sa katawan na kinokontrol ng ANS ay hindi pwedeng may kamalayan na “i-override” o pangunahan ang mga pagpapaandar o gawain nito. Bukod sa awtomatikong pagkontrol, ang pagkakaroon ng sinasadyang epekto sa paghinga ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagpapanatili ng sistemang ito.

Ipinapasok ng baga ang hangin papunta sa loob ng katawan upang makuha ang oxygen na nasa hangin. Ang oxygen ay dumadaan sa maliliit na daluyan sa baga na tinatawag na alveoli. Sa pamamagitan ng alveoli, nakakapasok ang mga oxygen molecules sa dugo. Ang mga oxygen molecule ay ipinapamahagi sa lahat ng mga selula sa katawan. Kapag ang oxygen ay na-metabolize o nagamit na ng katawan, papakawalan naman ang carbon dioxide sa dugo. Ang carbon dioxide ay ang basura na ibinabalik sa baga kung saan ibabalik ito sa hangin sa pamamagitan ng paghinga.

Ang paghinga ay nasasailalim ng kontrol ng iba’t ibang bagay. Ang pangunahing kontrol ng central nervous system (CNS) sa paghinga ay ang brainstem. Ang spinal cord injury o stroke sa brainstem ay kadalasang nakakaapekto sa paghinga. Ang mga pangunahing nerbiyo na ginagamit sa paghinga ay kinabibilangan ng phrenic na nerbiyo, vagus na nerbiyo, at mga posterior thoracic na nerbiyo.

Ang diaphragm ang responsable sa pagtulak sa baga pababa sa katawan upang makalanghap ng hangin. Ang diaphragm ay kinokontrol ng phrenic na nerbiyo na lumalabas sa spinal cord sa C3, C4 at C5 na antas. Ang pagkakaroon ng pinsala sa mga antas na ito ay nakakaapekto sa diaphragm sa pagkontrol nito sa paghinga. May pangalawang set ng mga kalamnan, ang mga intercostal na kalamnan, na tumutulong din upang makapasok ang hangin sa baga. Ang mga intercostal na kalamnan ay matatagpuan sa pagitan ng bawat tadyang. Sa pamamagitan ng mga kalamnan na ito, nahihila ang baga palabas. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng paghila sa tadyang pataas at papunta sa direksyong palabas upang matulungan ang hangin na makapasok sa baga. Ang mga intercostal na kalamnan ay kinokontrol ng mga spinal na nerbiyo na nasa T1 hanggang T11. Ang pinsala sa spinal cord na kinasasangkutan ng mga antas na ito ay makakaapekto sa gawain ng mga intercostal na kalamnan. May pangatlong set din ng mga kalamnan na tumutulong din upang maipasok ang hangin papunta sa mga baga sa pamamagitan ng paggawa ng negatibong presyur sa baga sa pamamagitan ng mga kalamnan sa tiyan. Ang mga kalamnan na ito ay kinokontrol ng mga spinal na nerbiyo na nasa T7 hanggang L1. Ang pinsala sa spinal cord na kinasasangkutan ng mga antas na ito ay makakaapekto sa ilang intercostal na kalamnan at kalamnan sa tiyan. May iba pang kalamnan na tumutulong sa paghinga, kabilang na dito ang mga kalamnan sa leeg.

Upang ipalabas ang hangin, nagre-relaks ang mga kalamnan na nagpapasok ng hangin sa loob ng katawan. Ang pag-relaks na ito ng mga grupo ng kalamnan ang dahilan upang makabalik ang baga sa matahimik na sukat nito kaya naitutulak ang hangin palabas sa katawan. Ang hangin na walang oxygen at may lamang carbon dioxide ay lumalabas sa katawan. Ang paghinga ng hangin papasok sa katawan ay maaari lang mangyari sa pamamagitan ng pag-aktibo ng mga kalamnan samantalang sa pagpapalabas ng hangin mula sa baga, hindi kinakailangan na magtrabaho ang mga kalamnan. Sa halip, kailangan lang na naka-relaks sila at mailalabas na ang hangin sa katawan. Hindi awtomatiko na itinutulak ng mga kalamnan ang hangin palabas sa katawan. Maaari mong sadyain na gawaing aktibo ang mga kalamnan upang puwersahin ang hangin na makalabas sa katawan, bagama’t sadyang lalabas din ang hangin sa natural na proseso ng paghinga.

Malubhang Problema sa Paghinga na Kaakibat ng Spinal Cord Injury

Pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury, maraming bahagi ng paghinga ang maaaring maapektuhan nito. Depende sa level ng injury, naaapektuhan ang autonomic nervous system (ANS) na kumukontrol sa awtomatiko na kakayahan ng katawan na huminga. Ang kakayahan na sadyang kontrolin ang paghinga ay naaapektuhan katulad ng kakayahan na huminga nang malalim upang mabuksan ang daanan ng hangin sa baga at/o pag-ubo na isang protektibong mekanismo ng respiratory system. Ang lakas ng kakayahan ng kalamnan na makalanghap ng hangin ay naaapektuhan sa antas ng pinsala at pababa dito. Ang tone (spasticity) ay maaaring makaapekto sa pag-relax ng tatlong set ng mga kalamnan sa paghinga na magpapahirap sa paglanghap at pagpapalabas ng hangin sa katawan. Ang pagsasalita ay maaari ring mabago.

Kung may mangyayaring paralysis sa C2 o pataas dito, maaapektuhan ang phrenic na nerbiyo kaya hindi maaaring pag-gana ng tiyan. Kakailanganin ang mekanikal na bentilasyon upang mapadali ang paghinga. Dahil sa pagsulong ng teknolohiya sa SCI respiratory care, maaaring matutong huminga ang taong may spinal cord injury sa C3 o C4 nang hindi gumagamit o kaya naman ay bahagyang gumagamit ng mekanikal na bentilasyon. Sa dalawang antas na ito, maaaring magawa pa rin ng tiyan ang ilan sa mga trabaho nito ngunit maaaring hindi maisagawa ng intercostal na kalamnan, kalamnan ng tiyan at iba pang kalamnan sa paligid ng dibdib na palakihin ang itaas na bahagi dibdib habang bumababa ang diaphragm kapag lumalanghap ito ng hangin.

Sa oras ng spinal shock sa mga injury sa matataas na antas – ang unang bahagi pagkatapo magkaroon ng pinsala sa spinal cord – ang mga nakalaylay ng intercostal na kalamnan ay nagiging sanhi upang bumaba ang dibdib habang kumikilos palabas ang mga intercostal na kalamnan. Ang maling balanse na ito sa proseso ay maaaring maging dahilan upang maging hindi maayos ang paghinga, o magdulot ng pagbagsak ng daluyan ng hangin, pagdami ng mga trabaho upang maisagawa ang paghinga at bahagyang pagbagsak ng mga sac sa baga. Maaaring maging matigas ang mga kalamnan sa paghinga kaya maaaring maging mas mabagal ang pag-recover sa paghinga. Ang spasticity o pagtigas ng mga kalamnan ay maaaring mangyari at ito ay nakakaapekto naman upang humina ang kakayahan ng katawan na huminga nang maayos o kaya naman ay mas lumakas ang paghinga dahil sa overactivity. Sa mga acute phase ng SCI, maaaring gumapang ang injury level pataas o pababa depende kung magpapatuloy o maaayos agad ang pamamaga o pagdurugo nito.

Ang mga taong may paralysis sa mid-thoracic na antas at pataas dito ay maaaring magkaroon ng problema sa paghinga nang malalim at pagbuga nang matindi. At dahil posibleng hindi nila magamit ang kanilang tiyan o intercostal na kalamnan, mawawalan ang mga taong ito ng kakayahan na pwersahin ang sarili nila na umubo nang malakas. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagbabara ng baga at impeksyon sa respiratory system.

Paulit-ulit na Problema sa Paghinga Kaakibat ng Spinal Cord Injury

Ang tatlong karaniwang kumplikasyon sa paghinga dulot ng injury sa spinal cord ay:

  1. Ang Atelectasis ay ang pagbagsak ng bahagi ng baga o buong baga, o maging ang dalawa mismong baga. Ito ay maaaring dahil sa pamumuo ng tubig sa mga maliliit na sac (alveoli) kung saan nagaganap ang pagpapalit ng oxygen, o kaya naman ay sa pagbagsak ng mga sac. Sa alinman sa dalawang kalagayang ito, ang oxygen ay hindi makuha mula sa nilanghap na hangin dahil hindi gumagana ang sac. Ang mga sintomas nito ay ang hirap sa paghinga, mabilis na pagtibok ng puso, pag-ubo, bahagyang asul na kulay ng kuko o labi. Ang pananakit ng dibdib ang pangunahing palatandaan nito. Maaaring hindi ito maramdaman kung may mahina kang pakiramdam sa dibdib mo. Maaaring makaranas ka ng pananakit o magkakaroon ka ng episode o pagsisimula ng autonomic dysreflexia (AD).
  2. Ang Pneumonia (pulmonya) ay isang kalagayan kung saan ang mga sac (alveoli) na naglilipat ng oxygen sa katawan ay napupuno ng tubig o nana. Ito ay isang impeksyon na sanhi ng bakterya, virus o fungi na pumapasok sa respiratory system. Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng produktibong ubo (ubo na may plema), lagnat, panlalamig at hirap sa paghinga.
  3. Ang Respiratory Failure ay nangyayari kapag ang katawan mo ay hindi nakakatanggap ng tamang dami ng oxygen, hindi matanggal ang carbon dioxide sa katawan, o kumbinasyon ng mga ito. Ito ay maaaring sanhi ng iba’t ibang dahilan kabilang na ang pulmonya, overdose ng opioid, stroke, pinsala sa baga o sakit o kaya naman ay bilang sekundaryong epekto ng injury sa spinal cord. Ang mga sintomas nito ay kinabibilangan ng hirap sa paghinga, pagkalito, kulay blue na balat o labi. Maaaring hindi mo mapansin ang mga sintomas na ito, ngunit siguradong mapapansin ito ng isang caregiver. Tawagan agad-agad ang 911.

Ang iba pang mga problema sa paghinga na nakakaapekto sa mga taong may spinal cord injury ay:

Ang pag-ubo ay naaapektuhan kung nasa pinakamataas na antas ang spinal cord injury. Maaaring mahirapang umubo nang matindi kung mas maraming kalamnan sa pag-ubo ang naaapektuhan. Ang pag-ubo ay isang depensa ng respiratory system kung saan tinitipon nito ang hangin at pinapadaan ito sa baga upang tanggalin ang mga debris o mga natitirang materyal na nakapasok sa respiratory system. Ito ang natural na paraan ng katawan upang linisin ang baga.

Ang posisyon ay nakakaapekto sa paggaana ng baga. Ang pag-upo ay nakabubuti sa paggana ng baga dahil natutulungan ng gravity ang tiyan. Gayunpaman, maaari ring makasama ang pag-upo kung walang abdominal binder na ginagamit dahil ang laman ng abdomen ay maaaring hindi masambot dahil sa paghina ng kalamnan ng tiyan. Ito ay nagiging sanhi ng pagtaas ng presyur sa abdominal cavity kapag nakaupo, na nakakaapekto naman sa kakayahan ng diaphragm na mag-function.

Ang pulmonary edema (tubig sa baga) ay nangyayari sa 50% ng mga tao sa pagsisimula ng tetraplegia o paralysis sanhi ng fluid resuscitation o pagbabalik ng tubig sa katawan. Sa pagdaan ng injury, maaaring mabuo ang pulmonary edema nang may kumplikasyon sa puso, overload ng fluid o edema sanhi ng tuluy-tuloy at hindi maayos na pag-function ng puso. Ang hindi paggamit ng abdominal binder ay nakakapag-pataas ng peligro ng pagkakaroon nito.

Ang Pulmonary thromboembolism (P.E.) (pamumuo ng dugo o air bubble sa baga) ay nangyayari din sanhi ng masamang pag-function ng puso na nagiging dahilan ng hindi magandang sirkulasyon ng dugo, kawalan ng movement o pagkilos at pagsisikip ng daanan ng dugo. Ang clot o namuong dugo ay karaniwang nabubuo sa ibang bahagi ng katawan at nakakarating sa baga.

Iba Pang Problema sa Paghinga

Adult Respiratory Distress Syndrome (ARDS)-pabalik-balik na pamumuo ng tubig sa mga sac ng baga (alveoli)

Aspiration-paglanghap ng fluid o pagkain papasok sa respiratory track at hindi ito matanggal

Bronchitis-pamamaga ng mga bronchi o ng mga pangunahing tubo sa baga

Bronchospasm-spasm o paghilab ng mga bronchi na nagiging sanhi upang sumikip ang daanan ng hangin kaya nagiging mahirap ang paghinga ng hangin, papasok man o papalabas.

Lung abscess-malaking impeksyon sa baga

Pleural effusion-kapag kumikiskis ang baga sa membrane na kinalalagyan nito, na siyang nagiging dahilan ng matinding pananakit

Pneumo/hemothorax-dugo at/o gas na nakokolekta sa membrane na kinalalagyan ng baga

Pulmonary edema– pamumuo ng labis na tubig sa baga

Tracheitis-impeksyon sa trachea na pangunahing daanan ng hangin sa katawan at nagsisimula sa bibig hanggang sa baga

Upper Respiratory Infection (URI)-impeksyon sa airway o daanan ng hangin, ngunit hindi kasama ang baga (Ang pinaka-karaniwan ay ang sipon)

Ventilatory failure-kawalan ng kakayahan ng respiratory system na mag-function, kung saan dapat magdala ito ng oxygen sa katawan at tanggalin naman dito ang carbon dioxide

Ang mga pre-existing o pagsisimula ng mga respiratory disorder ay maaaring magpalala sa problema sa paghinga pagkatapos magkaroon ng SCI. Maraming mga tao ang may sdayang mayroon ng mga kondisyon sa paghinga o nagsisimula pa lang na kondisyon ng paghinga. Ang mga sakit na ito ay nakakadagdag sa problema sa paghinga pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury. Ang paggagamot sa mga karamdaman sa paghinga ay dapat ipagpatuloy o kung minsan, kailangan ang mas advanced na pangangalaga upang mapanatili ang kalusugan sa paghinga. Ang ilang mga kalagayan na nakakaapekto sa paghinga ay ang hika, COPD, paulit-ulit na bronchitis, emphysema, kanser sa baga cystic fibrosis, pleural effusion (ang baga ay kumikiskis sa membrane na kinalalagyan nito at nagdudulot ito ng pananakit).

Sleep Apnea

Ang Sleep Apnea ay isang respiratory sleep disease kung saan tumitigil ang paghinga ng isang tao o hindi maayos ang paghinga niya habang natutulog siya. Maaaring mangyari ito sa loob ng maikling panahon. Maaaring ito ay kumpletong pagkawala ng paghinga o problema sa paghinga na nakikita sa pamamagitan ng paghilik. Maaaring hindi mo alam na may problema ka dahil hindi mo ito napapansin habang natutulog ka. Sa pangkalahatan, may ibang tao na magsasabi sa ‘yo na naghihilik ka o kaya naman ay tumigil ang paghinga mo nang ilang beses habang natutulog ka o sumisinghap ka sa hangin. Maaaring mapansin mo ang mga sintomas nito katulad ng pananakit ng ulo sa paggising, tuyong bibig, pagkairita, hindi makapag-concentrate, pagiging pagod sa araw o kaya naman ay nakakatulog ka sa araw.

May tatlong uri ng sleep apnea. Ang pinaka-karaniwan ay ang obstructive sleep apnea. Nangyayari ito dahil nagre-relaks ang mga kalamnan sa lalamunan at dahil dito hindi makadaan ang hangin dito. Ang central sleep apnea ay nangyayari naman kapag ang mensahe mula sa utak upang huminga ay hindi nakakarating sa katawan. Ang kumbinasyon ng dalawang uri ng sleep apnea ay ang Complex Sleep Apnea Syndrome. Ang mga taong may spinal cord injury ay maaaring magkaroon ng alinman sa tatlong uring ito ng sleep apnea.

Ang sleep apnea ay higit na karaniwan sa mga taong may spinal cord injury. Karaniwan ito sa mga taong may tetraplegia (paralysis), kung saan tinatayang 25-40 porsyentos ang meron nito. Ang paghina ng kalamnan sa [aghinga ay malamang na kasangkot sa anumang antas ng pinsala. Ang pagiging mataba, lalo na sa bahaging leeg at tiyan, ay isa ring dahilang peligro sa pagkakaroon ng sleep apnea. Ang pagtulog nang nakatihaya ang pinakatamang posisyon kung saan maaaring mangyari ang sleep apnea. May ilan ding mga gamot para sa pagpapa-relaks ng kalamnan (halimbawa, ang baclofen ay kilala na nagpapabagal ng paghinga) na nakakaapekto sa pagtulog.

Ang pag-aarang tungkog sa pagtulog ang ginagamit upang suriin ang sleep apnea. Sa sitwasyong ito, ikaw ay imo-monitor habang natutulog ka. Bago ang pag-aarang tungkog sa pagtulog, kung may spinal cord injury ka, gugustuhin mo na ang hihigaan mo ay tumutugon sa mga pangangailangan mo at naibibigay sa ‘yo ang mga pisikal na pangangailangan mo.

Ang paggamot ay kinabibilangan ng paggamit ng mga aparato na magsisiguro na tuluy-tuloy ang paghinga habang natutulog. Kasama rin dito ang pagtulog sa gabi at pag-idlip sa araw. Ang continuous positive airway pressure (CPAP) ay isang aparato na nagdadala ng presyur ng hangin sa pamamagitan ng maskara upang mapanatiling bukas ang daanan ng hangin habang natutulog. Ito ang pinaka-karaniwang paggamot na ginagamit. Ang mga alternatibo dito ay ang bilevel positive airway pressure (BPAP), na isang aparato na nagdadala ng dagdag na pressure sa paglanghap ng hangin at mas mababang presyur naman sa paglalabas ng hangin. Ang mas bagong aparato na ginagamit ay ang Adaptive Servo-Ventilation (ASV). Kinokopya ng aparato na ito para sa airflow ang pattern ng iyong normal na paghinga at ginagaya ang pattern na ito habang natutulog ka. Inirerekomenda lang ito para sa ilang uri ng sleep apnea. May mga oral appliances din na ginagamit upang pisikal na mabuksan ang daanan ng hangin habang natutulog para sa ilang tao, depende sa uri ng kanilang sleep apnea. Ang mga oral appliances ang pinaka-hindi mahusay sa lahat ngunit gumagana ito para sa ilang mga tao.

Pagsusuri ng Respiratory System

Ang unang hakbang na isinasagawa upang malaman ang tamang paggamot sa problema sa paghinga ay ang pag-alam sa sanhi ng kalagayan. Ang mga detalye sa mga pangangailangang pangkalusugan pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury ay magkakaiba sa bawat tao.

Ang physical assessment ang unang pagsusuri na isinasagawa sa respiratory system. Sinisimulan ito sa pamamagitan ng pagsukat ng bilang ng paghinga sa bawat minuto. Ang normal na paghinga ay may 12 hanggang 20 paghinga bawat minuto. Ang problema sa paghinga ay itatala kung ang paghinga ay mas mababa sa mga12 paghinga kada minuto o kung mas mataas sa mga 25 paghinga kada mintuo sa loob ng ilang panahon, at hindi lang pansamantala dahil sa pagkilos. Ang mas mataas na bilang ng paghinga sa loob ng isang minuto ay nagpapahiwatig na ang katawan ay nangangailangan ng mas maraming oxygen.

Papakinggan ng doktor ang iyong baga gamit ang stethoscope. Ito ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kalidad ng hangin na dumadaan sa baga. Itatala ang kawalan ng paghinga, mahinang paghinga o mga tunog sa paghinga katulad ng paghingal at mala-sipol na tunog.

Ang dami ng oxygen na nasa dugo mo ay maaaring sukatin sa pamamagitan ng pulse oximeter (SpO2). Ito ay isang maliit na clip na kadalasang ikinakabit sa daliri habang sinusuri ang mga vital signs mo sa isang medical appointment, o maaari ring lagyan ka ng pad ang daliri para sa pangmatagalang pagsusuri habang nasa acute care hospital ka. Ang dami ng liwanag na naa-absorb sa pamamagitan ng daliri ang nagbibigay ng reading nito. Ang normal na reading ay nasa pagitan ng 100% at 95%. Ang mababang reading ay nasa 90% o mas mababa pa dito.

Isasagawa sa iyo ang kasaysayan ng iyong kalusugan at kasayan ng pamilya upang malaman kung meron kang problema katulad ng mga sakit sa paghinga tulad ng hika, COPD, problema sa sinus, pinsala sa dibdib, operasyon o iba pang problema sa kalusugan na maaaring nakakaapekto sa paghinga mo. Tatanungin ka rin kung gumagamit ka ng anumang inhalant katulad ng pagsisigarilyo, vaping o kung gumagamit ka ng inhaled drug na inireseta na hindi para sa medikal na pangangailangan at nakakaapekto sa proseso ng oxygenation sa iyong katawan.

Ang tisyu (balat) ng iyong katawan ay dapat na malusog at may natural na kulay. Ang mga problema sa paghinga ay maaaring mapansin kung nagkukulay asul ang iyong labi o kuko. Kung mas madilim ang kulay ng asul, nangangahulugan ito na mas malala ang problema sa paghinga o mas matagal ng nararansan ang problema sa paghinga. Ang kulay asul na ito ay nagpapahiwatig na hindi naiisagawa ang proseso ng paggamit ng oxygen sa loob ng iyong katawan. Ang pinakaunang sintomas ng pagbabago ng kulay ay nangyayari sa bahagi ng katawan na pinakamalayo sa puso katulad ng daliri sa kamay o paa, o mga lugar kung saan maraming maliliit na ugat katulad ng labi.

Ang pag-ungol habang humihinga, nasal flaring (pagbuka ng butas ng ilong habang lumalanghap ng hangin), mala-sipol na tunog, o retraction o pagbaba ng dibdib o tiyan ay mga pisikal na palatandaan na ang isang tao ay gumagawa ng dagdag na pagsusumikap upang maipasok ang hangin sa baga niya. Sa normal na paghinga, makikita mo na ang dibdib ay tumataas at bumababa ngunit kadalasan, walang iba pang tunog o dagdag na paggalaw ng kalamnan na kailangan upang maipasok ang hangin sa loob ng katawan.

Ang pamamawis nang walang lagnat o pakiramdam na naiinitan ay nagpapahiwatig na ang katawan ng isang tao ay nagtratrabaho nang mas matindi sa normal. Ito ay maaaring sanhi ng dagdag na pagsusumikap na kailangan upang maipasok ang hangin sa katawan. Ang taong humihilig paharap upang huminga ay nagpapahiwatig na lubos siyang nahihirapan sa paglanghap ng hangin. Ito ay isang palatandaan na siya ay maaaring magkaroon ng pagbagsak sa paghinga.

Ang pagsusuri sa laboratoryo ay ginagamit para suriin ang paggana sa loob ng katawan. Ang mga pangkaraniwang lab test sa paghinga ay binubuo ng complete blood count (CBC) kung saan sinusukat ang mga indicator kabilang na ang hemoglobin, na isang protina na nagdadala ng oxygen sa buong katawan. Kailangan mong lumanghap ng hangin, ngunit kapag nasa loob na ito ng katawan mo, ang hemoglobin ang magdadala ng oxygen sa buong katawan upang magamit ito ng mga selula. Tumutulong din ito na magdala ng ilang carbon dioxide palabas sa katawan.

Ang mga gas sa dugo (PaO2) ay kadalasang kinukuha mula sa artery sa pulso. Sa pagsusuring ito, sinusuri ang proseso ng paggamit ng oxygen sa katawan sa oras na kinuha ang dugo. Malaki ang pagkakatulad nito sa pulse oximeter na pagsusuri at ang pagkakaiba lang ay walang dugo na kinukuha mula sa katawan.

Ang pagsusuri sa baga ay mga pisikal na pagsusuri na isinasagawa upang makita ang baga at i-check kung maayos na gumagana ito. Ang isang X-ray sa dibdib ay nagbibigay ng larawan kung ano ang itsura ng iyong baga. Ito ay isang mahalagang tool upang makita kung may impeksyon sa baga katulad ng pulmonya o pagbabara sa baga. Maaari rin itong gamitin upang i-assess ang pangunahing structure ng baga at upang makita rin kung gaano kalaki ang baga. Ang CT scan o MRI ay nagbibigay ng mas detalyado pang impormasyon.

Ang Peak Flow Meters ay mga handheld na aparato na sumusukat sa pwersa ng pag-exhale (paghinga upang ilabas ang hangin).

Ang pulmonary function test ay isang pagsusuri na isinasagawa ukol sa paggana ng baga. Kasama dito ang spirometry kung saan kailangang ipasok mo ang lahat ng hangin na kaya mo sa iyong baga at ilabas ang lahat ng hangin na kaya mong ilabas. Sinusukat ang dami ng hangin na ito. Gayundin, susuriin din ng tagasuri kung gaano kadali para sa iyo na gawin ito.

Ang electromyography (EMG) ay maaaring gamitin upang suriin ang pagtugon ng pagpapasigla ng kalamnan sa nerbiyo para sa pagkilos ng iyong dibdib at tiyan. Sa nerve conduction study (NCS) naman, sinusuri ang paggana ng nerbiyo. Ang mga ito ay parehas na mahalaga upang malaman kung merong spasticity (paninigas) sa mga nerbiyo ng paghinga at kalamnan. Sa EMG/NCS, maaaring suriin ang paggana ng tiyan at iba pang nerbiyo na tumutulong sa paghinga.

Paggagamot ng Respiratory System pagkatapos magkaroon ng Spinal Cord Injury

Ang lahat ng mga taong may spinal cord injury, anuman ang antas nito, sanhi ng sakit o karamdaman ay dapat na mag-ingat na napapanatili nila na laging maayos ang kalagayan ng kanilang respiratory system, hangga’t maaari. Ang sinumang may spinal cord injury ay maaaring magkaroon ng problema sa paghinga. Ang mga sumusunod na impormasyon ay makatutulong sa iyo upang mapanatili mo ang maayos na kalagayan ng respiratory system mo.

Panatilihing malinis ang iyong bibig. Ito ang pinakaunang gawain upang mapanatili ang kalusugan ng baga ng sinuman, may spinal cord injury man o wala. Napakarami nang nagsasaliksik ukol sa oral hygiene. Ang mga piraso ng pagkain na naiwan sa bibig mo o tinga sa pagitan ng mga ngipin ay nabubulok kahit makalipas lang ang kaunting panahon. Ang laway ang nagsisimulang tumunaw sa mga piraso ng pagkain bilang unang bahagi ng pagtunaw. Kung sakaling hindi sinasadya na malanghap mo o mahirinan ka ng nabubulok na pagkain, may bakterya na pumapasok sa respiratory system mo. Kung pananatilihin mo na malinis ang bibig mo, walang pagkain na matitira sa bibig mo at kung meron man, mas kokonti ang bakterya nito, kung meron man. Mas maliit ang peligro na magkaroon ng impeksyon sa baga kung malinis ang pagkain na hindi sinasadyang makakapasok sa baga mo. Panatilihin ang iyong kalusugan sa bibig sa pamamagitan ng paglilinis ng iyong bibig, pagbabanlaw nito, paggamit ng floss at pagsunod sa iskedyul ng dental appointment. Kung hindi ka makalunok o pinapag-ingat ka na mahirinan, pwede kang gumamit ng sepilyo na nakakabit sa suction.

Uminom ng tubig upang mapanatili ang moisture ng iyong katawan. Ang hydration o pagbibigay ng tubig sa katawan ay mahalaga upang masiguro na maayos na gumagana ang lahat ng sistema sa katawan lalo na ang respiratory system sa pamamagitan ng pagpapanatili ng moisture sa baga, na manipis na mucous nito at madali itong iubo palabas.

Kumain ng balanseng diet. Mag-ingat sa kinakain mo upang mapanatili ang timbang mo. Ibig sabihin, magdagdag ng calories upang maiwasan na maging sobrang payat o bawasan ang calories upang mabawasan ang timbang. Ang labis na timbang ay kadalasang napupunta sa bahagi ng leeg na maaaring maging dahilan upang maging mahirap ang paghinga o kaya naman ay maging sanhi ng sleep apnea. Ang mahinang paggana ng kalamnan ng tiyan ay nagdudulot ng negatibong presyur sa tiyan na nakakaapekto sa kakayahan ng tiyan na magtrabaho nang maayos.

I-posisyong nang maayos ang iyong katawan at siguraduhig naka-align ito. Maaaring makasagabal sa paghinga ang pag-upo nang nakahilig sa tagiliran o pagtulog nang tumutungo ang ulo sa harapan. Kumausap ng isang tao upang pakinggan niya ang paghinga mo kapag natutulog ka, lalo na kapag natutulog ka nang nakatihaya upang tingnan kung may sleep apnea ka.

Mag-ehersisyo. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng paggalaw ng mga bahagi ng katawan mo, may pakiramdam man ito o wala, o kaya naman ay humingi ng tulong sa iba na i-exercise ang katawan mo. Sa paggamit ng bahagi ng katawan sa mga aktibidad, nai-stimulate ang katawan at nakatutulong sa ‘yo upang huminga ka nang malalim at malinis ang baga mo.

Huminga nang malalim at umubo. Tatlong beses na huminga nang malalim, hangga’t kaya mo, at pagkatapos ay iubo ito. Sa pamamagitan nito, napapagalaw ang anumang secretion na nasa baga mo. Kapag napagalaw na ito, mas madali na itong ilabas. Kung hindi mo kayang umubo, gumamit ng isa sa mga non-invasive na respiratory assistive na aparato na nasa listahan sa ibaba. Kung gumagamit ka ng mekanikal na bentilasyon, gamitin ang sign button kung pinapayagan ito ng doktor mo.

Gumamit ng abdominal binder. Ito ay isang panlabas na aparato na nagbibigay ng suporta sa mga kalamnan ng tiyan at nakakatulong upang maging mas maayos ang paghinga at pag-ubo.

Itigil ang paninigarilyo, vaping o paggamit ng anumang non-medical inhalants o kaya ay lumayo sa sinumang gumagawa nito. Pinupuno ng mga substance na ito ang baga mo na nagiging dahilan upang hindi makapasok ang oxygen sa katawan mo. Bukod sa naa-addict ang sarili mo sa mga substance na ito, hindi mo rin nakukuha ang oxygen na kailangan mo upang mapanatili ang kalusugan mo. Ang resulta -pinsala dahil sa presyon, hindi maayos na sirkulasyon ng dugo, sakit sa puso at baga. Ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng cancer sa baga, esopago, larynx, bibig, lalamunan, bato, pantog, atay, lapay, tiyan, cervix, colon, tumbong, at acute myeloid leukemia. May tulong-medikal na ibinibigay at available sa pamamagitan ng doktor mo, upang tulungan ka na mahinto ang paninigarilyo mo.

Magpabakuna at panatilihing up to date ang mga bakuna mo. Magpabakuna laban sa trangkaso taun-taon. Ang bakuna sa pulmonya ay ibinibigay tuwing 10 taon. Ang mga ito ay kailangan upang mapababa ang peligro na magkaroon ng mga mapanganib na sakit na ito.

Suporta sa Paghinga

Kung minsan, makakatulong ang mekanikal na tulong upang makahinga ka pagkatapos magkaroon ng spinal cord injury. Katulad sa sleep apnea, maraming paraan na nakakatulong sa paghinga. Ang pagpili ng aparato na makatutulong sa paghinga, kailangan munang humingi ng opinyon mula sa doktor upang maging mas mainam ang resulta nito.

Non-invasive na Respiratory Assistance

Gumamit ng bulb syringe upang mapanatili na walang lumalabas ang ilong at likod ng bibig. Napakalaki ng naitutulong nito kung nahihirapan kang suminga.

Para sa bahagyang pagbabara, uminom ng mga singaw ng likido, lumanghap ng moist o basang hangin katulad ng pagpunta sa isang kuwarto na may shower na may singaw o gumamit ng humidifier. Pinaninipis ng singaw ang uhog.

Ang incentive spirometer ay ginagamit upang palakihin ang daanan ng hangin at ang baga. Kapag lumanghap ka ng hangin, tataas ang mga maliliit na bolang plastik na nasa aparato. Ang layunin ay ang pataasin ang bola at panatilihin ito sa posisyon nito na nakatutulong naman upang ma-ehersisyo ang baga mo na huminga nang malalim.

May iba pa ding ehersisyo para sa sanayin ang kalamnan ng paghinga at maaaring ituro ito sa iyo ng isang respiratory o physical therapist.

Pinatitibay ng abdominal binder ang contraction ng mga kalamnan ng tiyan upang mapabuti ang paghinga.

Napakaraming paraan na maaaring magamit upang matanggal ang mucous at pagbabara sa baga.

  • Ang percussion o bahagyang pagtambol sa rib cage ay maaaring makatulong upang matanggal ang pagbabara.
  • Ang Flutter ay isang handheld na aparato na ginagamit upang tanggalin ang mucous sa baga. Medyo kahawig ito na asthma inhaler. May steel na bola sa loob ng device na nagdudulot ng pag-vibrate sa loob ng daanan ng hangin at sa wall o dingding ng baga. Maaari itong isagawa ng mga pasyente kahit pa may problema sila sa paggamit ng kamay nila.
  • Ginagamit naman ng postural drainage ang gravity upang itulak ang mga secretion mula sa ilalim ng baga papunta sa taas ng dibdib kung saan pwede na itong ilabas sa pamamagitan ng ubo. Kadalasang gumagana ito kapag ang posisyon ng ulo ay mas mababa sa paa sa loob ng 15-20 minuto. Siguraduhing makipag-usap muna sa iyong doktor ukol dito bago mo gawin ang paraan na ito.
  • Ang glossopharyngeal breathing ay maaaring gamitin upang makahinga nang malalim sa pamamagitan ng sunud-sunod na “paglunok” ng hangin sa bibig at itulak ito papunta sa baga, at pagkatapos ay ihinga palabas ang hangin na naipon. Maaaring gamitin ito upang makatulong sa pag-ubo.
  • Ang cough assist ng caregiver ay ginagamit ng ilang tao. Maaaring makasama ito kung hindi ito magagawa nang maayos. I-check muna ito sa iyong doktor upang masiguro na ligtas ito sa iyong level ng injury at masiguro rin na nagagawa ito nang maayos ng taong may-alam sa pagsasagawa nito. Ang maling pagsasagawa ng cough assist ay maaaring maging sanhi ng iba’t iba at malubhang problema sa kalusugan.

Gamot

Ang mucolytic ay gamot na nakakatulong upang linisin ang daanan ng hangin, baga, bronchi at trachea, at kabilang sa mga ito ang mga sumusunod:

Ang guaifenesin at iba pang expectorant ay mga tabletas o liquid na maaaring inumin upang mapanipis ang mucous sa respiratory system. May mga tao na iniinom ito paminsan-minsan kung kailangan samantalang may iba naman na iniinom ito nang regular.

Ang nebulized sodium bicarbonate ay kadalasang ginagamit upang mas madaling tanggalin ang matinding secretion o mucous.

Ang nebulized acetylcysteine ay mabisa rin upang tanggalin ang mucous, bagama’t maaaring magdulot din ito ng reflex bronchospasm.

Ang Non-Invasive Ventilation (NIV) ay kadalasang ginagamit sa acute respiratory dysfunction (ARD) o acute respiratory failure (ARF) ngunit maaari rin itong gamitin sa paghinga sa pangmatagalang panahon.

Kung ang isang tao ay hindi nakakatanggap ng sapat na oxygen nang walang structural problem sa katawan, maaaring ibigay sa kanya ang oxygen sa pamamagitan ng nasal tube. Maaaring isagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng low flow o high flow nasal cannula, na isang uri ng tubo na may dalawang sanga na nagdadala ng oxygen papunta sa ilong. Kapag ginagamit ang technique na ito, kailangan na pwedeng maisara ang bibig sa halos buong panahon habang isinasagawa ito upang magkaroon ng kumpletong epekto ng oxygen. Kung hindi pwedeng mapanatiling nakasara ang bibig, maaaring gumamit ng maskera sa ilong at bibig o kaya naman ay ilagay sa loob ng isang tent sa ibabaw ng higaan ang itaas na bahagi ng katawan.

Ang Continuous Positive Airway Pressure (CPAP) ay isang external na breathing device (NIV) na ikinakabit sa ilong, at kung minsan, ay sa bibig din. Maraming version ang treatment na ito kabilang na dito ang nasal Continuous Positive Airway Pressure (nCPAP) at Bubble Continuous Positive Airway Pressure (BCPAP). May mga pagkakaiba ang bawat isa ngunit sa pangkalahatan, dahan-dahang nagbubuga ang mga ito ng condensed air upang mapanatiling nakabukas ang ilong, airway at baga. Maaaring narinig mo na ang tungkol sa paggamot na ito para sa mga taong hustong-gulang na may pagbabara sa kanilang airway habang natutulog sila (sleep apnea). Maaaring magamit ang mga aparato na ito sa paghinga habang natutulog upang makapahinga ang katawan o kaya naman buong araw upang mapanatiling bukas ang daanan ng hangin o maipagpatuloy ang pagdaan ng hangin o oxygen papunta sa baga.

Ang iba pang uri ng NIV na maaaring gamitin ay ang Nasal Intermittent Positive Pressure Ventilation (NIPPV) kung saan gumagamit ito ng ventilator na nagbibigay ng pabugsu-bugso o intermittent na paghinga na may full inspiratory pressure na dumadaan sa ilong. Ang Bilevel Nasal Positive Airway Pressure (BiPAP) ay gumagamit ng mas mababang presyur, mas mahabang paglanghap ng hangin (inspiration) at pagbuntung-hininga (paminsan-minsang paghinga nang malalim). Sinusunod ng mga makinang ito ang karaniwang pattern ng paghinga sa paglanghap ng hangin at pagkatapos ay pahinga upang mailabas ang hangin na may carbon dioxide.

Mechanical Ventilation

Ang Mechanical Ventilation (MV) ay isang tubo na ikinakabit sa bibig o lalamunan upang maisagawa ang paghinga. Ito ay itinuturing na invasive dahil ipinapasok ang breathing tube sa loob ng katawan. Ang tracheostomy, o surgical incision o paghiwa sa ibabang parte sa harap ng leeg, ay isinasagawa upang mas mapadaling maisagawa ang paghinga kung ang bentilasyon ay gagamitin nang matagalan.

May dalawang pangunahing uri ng mechanical ventilator:

  • Ang mga negative pressure ventilator, katulad ng iron lung, ay bumubuo ng vacuum sa paligid sa labas ng dibdib, na siyang nagiging dahilan upang mag-expand ang dibdib at humigop ng hangin papunta sa loob ng baga.
  • Ang mga positive pressure ventilator naman na ginagamit na mula pa noong 1940s, ay salungat naman ang paggana, kung saan ibinubuga nito ang hangin nang diretso sa baga. Ang mga ventilator ay invasive – gumagawa ng butas sa bahagi ng lalamunan upang daanan ng hangin at kinakabitan ito ng device na tinatawag ng karamihan na “trach.”

Sa pangkalahatan, ang mga taong may kumpletong neurologic injury sa C2 at pataas, ay wala ng paggana na nagaganap sa diaphragmatic at nangangailangan sila ng bentilador. Ang mga taong may kumpletong injury sa C3 o C4 ay maaaring magkaroon pa ng paggana sa diaphragm at maaaring gumamit sa simula ng bentilador hanggang hindi na ito kailanganin ng katawan. Ang mga taong may kumpletong injury sa C5 at pababa nito, ay may intact pa na function ng diaphragm at maaaring kailanganin nila ventilator sa oras na magkaroon sila ng injury, ngunit sa kadalasan, umaabot sa oras na hindi na nila kailangan ang paggamit ng device na ito.

Ang kakayahan na hindi na kailanganin ang paggamit ng mechanical ventilation ay mahalaga dahil nakatutulong ito upang mapababa ang peligro na magkaroon ng ilang problema sa kalusugan katulad ng pulmonya at kumplikasyon dulot ng tracheostomy. Ang pagtigil sa paggamit ng mechanical ventilation ay maaari ring magpababa sa gastos sa assisted care.

Ang settings ng ventilator ay ina-adjust ayon sa pangangailangan ng taong gumagamit nito. Ang mga settings ay hindi dapat i-adjust nang walang espesyal na tagubilin. Mga salita na maririnig mo at dapat mong malaman:

Ang peak inspiratory pressure (PIP) ay ang pinakamataas na pressure na kailangan ng baga para maipasok ang oxygen sa loob nito. Ito ay nalalaman sa pamamagitan ng tamang movement o kilos ng chest wall o dibdib.

Ang inspiratory time ay ang haba ng oras ng pagpuno ng hangin sa baga gamit ang makina na komokontrol dito.

Ang positive end expiratory pressure (PEEP) ay ang pressure sa baga kung saan nakakalabas ang hangin o ang deflated na presyur ng baga. Sa paghinga, ang hangin ay hinihila papasok sa baga, ngunit ang pressure ay kailangang naka-relaks o banayad upang mailabas rin ang hangin.

Ang PaO2/FiO2 ratio ay ang ratio ng oxygen sa artery na may partial o bahagyang pressure at ang bahagi ng oxygen na nalanghap. Sa madaling salita, ito ang dami ng oxygen na nasa baga na ikino-convert ng alveoli upang maging oxygen na nasa dugo.

Ang Tidal Volume (TV) ay ang dami ng hangin sa loob at labas ng baga sa isang paghinga lang.

May iba’t ibang uri ng mga adaptor sa mechanical ventilation na pwedeng magamit. Ang ilan sa mga ito ay ikinakabit sa bibig, ngunit karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng tracheostomy tube na kailangang ikabit sa leeg sa pamamagitan ng operasyon. Sa pamamagitan nito, lubhang nagiging mas maliit ang trabahong kailangan ng pasyente upang huminga dahil ang hangin ay hindi na kailangang dumaan sa ilong, bibig at lalamunan. Kailangang magsagawa ng maingat na hygiene o paglilinis sa bahaging ito ng katawan, pati na rin ang paglilinis at pagpapalit ng tracheostomy tube upang maiwasan ang impeksyon o ang pamumuo at pagdami ng mucous.

May mga posibleng kumplikasyon na kaakibat ng paggamit ng tracheostomy tubes, kabilang na ang pagkawala ng kakayahan na makapagsalita o lumunok nang normal. Ang pagkawala ng kakayahan na magsalita ang pinakamahirap na bahagi sa paggamit ng mechanical ventilation. May mga tracheostomy tube na ginawa sadya upang dalhin ang hangin paitaas kapag nag-e-exhale o bumubuga ng hangin palabas, at dahil dito, maaaring makapagsalita ang tao sa loob ng regular na interval. May mga adaptive valve na maaari ring ikabit na nakatutulong upang makapagsalita ang pasyente. Ang mga valve na ito ay maaaring ikabit sa pagitan ng tracheostomy tube at ng ventilatory tubing, at nakatutulong upang makapagsalita ang pasyente. Ina-adjust din ang ventilatory settings upang makapagsalita ang pasyente. Gayundin, may mga computer na pwedeng makontrol sa pamamagitan ng paggalaw ng mata na maaaring gamitin ng pasyente upang makapagsalita.

Ang isa pa sa mga kumplikasyon na kaakibat ng tracheostomy ay ang impeksyon. Ang tubo ay isang bagay na hindi kaugnay ng leeg at dahil dito, may peligro na makapagpasok ito ng mga organismo na karaniwang napipigilan ng natural na depensa na nasa ilong at bibig. Ang paglilinis at dressing o pagtatapal ng bahagi ng leeg na may tracheostomy ay isang napakahalagang hakbang upang maiwasan ito.

Ang suctioning ay karaniwang ginagamit sa ventilatory support upang linisin ang baga at alisin ang mga namumuong mucous at secretion. Ang suctioning ay nangangailangan ng pagsasagawa ng sterile technique. Bago at sterile ang ginagamit na suction catheter sa bawat suctioning session. Maaari itong ipasok o ilabas nang maraming beses sa isang suctioning event ngunit hindi ito dapat gamitin sa susunod na pagkakataon dahil sa pamumuo ng bakterya dito. Ang suction catheter ay dapat na angkop sa size ng pasyente at sa tracheostomy.

Dapat na gumagalaw ang suction catheter sa buong oras na nasa loob ito ng daanan ng hangin. Kung hahayaan ang suction na nakatigil sa maselang tissue, maaaring maging sanhi ito ng pagkakaroon ng gasgas o pagdurugo. Ang suction ay kailangang naka-off kapag pumapasok ito sa daanan ng hangin at naka-on naman habang tinatanggal ang suction catheter. Hindi dapat lumampas ang haba ng panahon na ang suction catheter ay nasa loob ng baga sa haba ng panahon na kaya mong pigilin ang hininga mo. Kung may problema sa pagpasok nito sa bawat baga, at ang pasyente ay walang spinal precaution, sabihin sa pasyente na ilingon niya ang ulo niya sa direksyon na salungat sa baga na isa-suction. Sa pamamagitan nito, naa-adjust ang physiology sa loob ng katawan kaya mas nagiging mas madali ang pag-suction sa bawat baga.

Para sa karamihan ng mga tao, ang suctioning ay hindi kumportable, ngunit pwede itong tiisin. Kung ang suctioning ay magiging problema, maaari mong isaalang-alang ang paggamit ng CoughAssist (insufflator) bilang alternatibo sa paglilinis ng daanan ng hangin dahil bahagyang mas banayad ito, bagama’t medyo matagal bago ka masanay sa paggamit nito.

May iba’t ibang makina na maaaring bilhin na nakakatulong sa pag-ubo ng mga taong gumagamit ng ventilator:

Ang Vest ay isang inflatable vest na ikinakabit sa sa air pulse generator sa pamamagitan ng mga air hose, at ito ay mabilis na nag-i-inflate at nagde-deflate (lumolobo at nagiging manipis katulad ng lobo). Nag-a-apply ito ng bahagyang pressure sa chest wall o dibdib upang matanggal ang manipis na mucous at maitulak ito papunta sa pangunahing daanan ng hangin kung saan maaari itong malinis sa pamamagitan ng pag-ubo o suctioning.

Katulad ng nabanggit sa itaas, ang mga CoughAssist machine ay ginawa upang palakasin ang kakayahan ng pasyente na umubo sa pamamagitan ng pag-stimulate o paghikayat sa mekanismo sa pag-ubo gamit ang makina. Ang device na ito ay nagbubuga ng hangin na may pressure sa loob ng katawan at pagkatapos ay sinusundan agad ito ng hangin na papalabas naman.

* Ang Vest at ang CoughAssist ay parehas na naaprubahan ng Medicare para sa refund kung mapapasyahan na ito ay isang medikal na pangangailangan.

Mga Respiratory Implants (Neuroprosthesis)

Ang Phrenic Nerve Pacemaker ay isang implant na inilalagay sa ibabaw ng diaphragm sa pamamagitan ng isang operasyon na bahagyang-bahagya lang na invasive. May kontrol na inilalagay sa labas ng katawan na nagbibigay ng electrical stimulation sa phrenic nerve upang mag-contract ito. Ang mga phrenic nerve pacer ay matagal nang available. May dalawang kumpanya na gumagawa ng mga diaphragm stimulation system:

Ang Avery pacemaker ay ginagamit na bago pa naaprubahan ng FDA ang mga medical device, mula pa noong kalagitnaan ng 1960s. Kasama sa procedure nito ang pagsasagawa ng operasyon na dumadaan sa katawan o sa leeg upang mahanap ang phrenic nerve sa bawat gilid ng katawan. Ang mga nerve ay inilalabas at ikinakabit sa pamamagitan ng pagtatahi nito sa mga electrode. May maliit na radio receiver din na inilalagay sa chest cavity o dibdib; ito ay naa-activate gamit ang isang external antenna na naka-tape sa katawan.

Ang Synapse system na nagsimula sa Cleveland, ay ginamit ni Christopher Reeve sa isang panimulang clinical trial noong 2003. Ang Cleveland system, na inaprubahan ng FDA ang implant para sa mga taong may spinal cord injury noong 2008, ay ini-install lang sa pamamagitan ng outpatient laparoscopic technique. Inilalagay ang dalawang electrode sa bawat gilid ng diaphragm muscle, at sa balat naman ay may mga kawad na nakakabit sa battery powered stimulator. Ang Synapse ay may approval din ng FDA upang maglagay ng implant sa mga taong may ALS.

Gumawa ang mga tagasaliksik sa Cleveland FES Center ng electrical stimulation protocol na nagbibigay sa mga tetraplegic na pasyente (may paralysis) ng kakayahang umubo nang malakas, ayon sa pangangailangan. Ang sistemang ito ay kasalukuyang sinusuri at hindi pa available sa paggagamot.

Rehabilitasyon

Ang physiatrist o espesyalista sa pisikal na rehabilitasyon ang mangunguna sa pangangasiwa ng pangangalaga sa mga pangangailangan mo dala ng iyong spinal cord injury. May mga isasagawang basic at advanced na respiratory assessment at kokonsultahin ang mga pulmonary specialists kung kailangan.

Ang mga pulmonary specialists o espesyalista sa paghinga ang mamumuno sa pag-aalaga ng mga pasyente na may problema sa paghinga. Kadalasang kinukonsulta ang pulmonary specialist kung may iba’t iba kang problema sa paghinga o kung kailangan mo ng advanced na respiratory care.

Ang Interventional Radiologist ay maaari ring makipagtulungan sa iyong pulmonary specialist upang magsagawa ng mga test ng respiratory function mo o kung may may respiratory implant o neuroprosthesis na tumutulong sa iyo sa paghinga.

Ang Respiratory Therapist (RT) ay magiging isang mahalagang miyembro ng team kung nahihirapan ka sa paghinga. Ang mga espesyalistang ito ay binubuo ng mga dalubhasa upang i-monitor, magbigay ng gamot at magsagawa ng mga treatment para sa mga problema mo sa paghinga. Maaaring makatanggap ka ng iba’t ibang dalubhasang treatment mula sa RT para sa mga pangangailangan mo. Maaaring kasama sa mga treatment na ito ang pangangasiwa sa mechanical ventilation mo at mga ehersisyo na pwedeng gawin sa bahay upang mapabuti ang kakayahan mong huminga.

Ang mga rehabiliation nurse ay mahalaga sa pag-detect ng mga problema sa paghinga, pagbibigay ng treatment at gamot na makatutulong sa respiratory health mo alinsunod sa itinatagubilin ng iyong physiatrist, pulmonologist at respiratory therapist. Ang nurse ang mangangasiwa ng mga pangangailangan mo sa ICU, rehabilitation hospital at maaari rin siyang maging bahagi ng iyong home care team.

Bibigyan ka rin ng Physical Therapy (PT) na tutulong sa iyo na i-adapt ang motor skills o paggalaw mo sa pangangailangan mo sa paghinga. Tuturuan ka nila na i-conserve o imbakin ang iyong lakas kung kailangan, at pati na rin kung paano mapapalakas ang mga kalamnan mo para sa paghinga.

Ang Occupational Therapy (OT) naman ay nagtuturo at nagbibigay ng treatment para sa mga pang-araw-araw na gawain na maaaring kailangang baguhin dahil sa problema mo sa paghinga, at tuturuan ka rin niya kung paano i-adapt ang mga gawain sa mga device na tumutulong sa paghinga.

Ang Speech/Language Pathologist (SLP CCC) ang tutulong sa ‘yo upang matuto kang magsalita at lumunok gamit ang mga adaptive breathing device, pati na rin kung paano mababawasan ang peligro ng pagkakabulon (aspiration).

Ang Psychologist naman magbibigay sa iyo ng tulong para sa kalusugan ng utak mo upang matuto kang mag-adjust sa bagong paraan mo ng pamumuhay.

Ang Social Worker ang tutulong sa ‘yo at sa pamilya mo sa paghahanap ng mga resources at staff na maaaring tumulong sa ‘yo sa bahay.

Ang Insurance Case Manager ay maaaring makatulong sa iyo sa paghahanap ng mga care provider at gamit o equipment na kailangan para sa kalagayan mo.

Pananaliksik

Napakaraming bench (laboratory) at clinical (isinasagawa sa tao) na pananaliksik ang isinasagawa ukol sa effective breathing function. Pinapasok rin ng mga pananaliksik na may kinalaman sa respiratory system ang lahat ng mga sangay ng medisina. Kung ano ang nadidiskubre sa isang diagnosis ay ginagamit rin sa ibang diagnosis kaya nagiging malawak ang pagbabahagi ng kaalaman.

Upang mapabuti ang paghinga ng mga tao na may anumang problema sa respiratory system, nagkaroon ng pagsulong sa teknolohiya para dito at patuloy pa rin ang pagsulong nito. Salamat sa pagdami ng bilang at uri ng mga device na pwedeng gamitin, lubhang dumami rin ang mga option sa mga nakaraang taon. Ang mga tao ay umaaasa sa pagkakaroon ng mga device at bahagi nito na mas effective, mas kumportable at mas madaling gamitin.

Ang mga pananaliksik para sa mga taong may spinal cord injury ay kinabibilangan ng pag-unawa kung paano gumagana ang mga nerbiyo ng paghinga at may pangmatagalang layunin na pagbutihin ang paghinga ng mga pasyente. Pinag-aaralan ng maraming mga researcher kung paano nabubuo respiratory system sa fetus upang makita kung ang natural na development nito ay maaaring kontrolin at gamitin upang gamutin ang mga problema sa paghinga sanhi ng spinal cord injury. Sa fetus, maraming mga nerbiyo na nabubuo upang maging phrenic na nerbiyo. Ang mga ekstrang nerbiyo ay natural na tinatanggal ng katawan bago ipanganak ang bata. Ang pag-i-stimulate upang mabuo ang mga ekstrang phrenic na nerbiyo ay maaaring maging isang solusyong upang mapabuti ang paghinga pagkatapos magkaroon ng SCI.

Ginagamit rin ang phenomenon ng plasticity sa neurological system. Ang plasticity ay isang teorya kung saan pinaniniwalaan na ang nervous system ay umaangkop sa mga problema na nangyayari dito. Ang teoryang ito ay ginagamit sa lahat ng SCI at pananaliksik na may kinalaman sa nervous system. Interesado ang mga nagsasaliksik na malaman kung paano umangkop ang nervous system sa SCI at kung paano pwedeng simulan at pagbutihin ang prosesong ito.

Ang pag-eehersisyo upang mapabuti ang paghinga ay itinuturo sa mga taong may SCI sa lahat ng antas. May mga isinasagawang pag-aaral upang alamin kung alin sa mga ito ang pinaka-epektibo at sa anong antas ng pinsala ito naaangkop. Lumalabas na mukhang may natural na paggaling na nagaganap sa respiratory system sa loob ng unang taon ng pinsala. Patuloy ang pag-aaral kung paano nagaganap ang pagpapa-unlad na ito at kung paano ito magagamit upang mas mapagbuti pa ang kalagayan ng pasyente.

Patuloy rin ang pananaliksik ukol sa mga gamot na nakatutulong sa paghinga. Ang isang halimbawa nito ay ang Theophylline, na isang gamot na ginagamit sa mga problema sa paghinga katulad ng hika, at ito ay ginagamit at pinag-aaralan din para sa mga taong may SCI. Gayundin, pinag-aaralan din ang gamot sa pagpapa-relaks ng kalamnan para sa spasticity o paninigas ng kalaman upang malaman ang angkop at pinakamainam na paraan ng pagbibigay ng gamot na ito upang mabawasan ang spasticity o paninigas ng kalamnan nang hindi naman nababawasan ang kakayahan ng pasyente na huminga.

Mga Katotohanan at Bilang Ukol sa Respiratory SCI

Ang 80% ng mga taong may spinal cord injury sanhi ng sakit o trauma (aksidente) ay magkakaroon ng kumplikasyon sa paghinga. *

Ang mga karaniwang kumplikasyon sa paghinga pagkatapos magkaroon ng SCI ay ang atelectasis (bahagya o kumpletong pagnagsak ng baga), pulmonya (bacterial, viral o fungal na impeksyon) at respiratory failure (kawalan ng kakayahan na magdala ng oxygen sa katawan at/o pagpapalabas ng carbon dioxide).*

Sa isang pag-aaral, nakita na 84% ng mga taong may pinsala sa C1-C4 ay nagkaroon ng kumplikasyon sa paghinga, samantalang 60% naman para sa C5-C8 at 65% sa mga may pinsala sa T1-T12.**

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon para sa mga Konsumidor

Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa Pangangasiwa ng Paghinga pagkatapos magkaroon ng SCI o kung may mga specific na tanong ka, ang aming information specialists ay bukas tuwing araw na may trabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet na may karagdagang mga mapagkukunang impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation. check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga estadong mapagkukunan ng impormasyon at tulong hanggang sa sekundaryong komplikasyon ng paralysis.Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuportang grupo at organisasyon, kabilang na ang ang:

PVA Consortium for Spinal Cord Medicine Clinical Practice Guidelines. (2005). Respiratory Management Following Spinal Cord Injury: A Clinical Practice Guideline for Health-Care Professionals. Paralyzed Veterans of America. www.pva.org

Vent Users Support Page

American Lung Association Support Groups

KARAGDAGANG PAGBABASA

Mga Sanggunian

Berlowitz DJ, Wadsworth B, Ross J. Respiratory problems and management in people with spinal cord injury. Breathe (Sheff). 2016 Dec; 12(4): 328–340. doi: 10.1183/20734735.012616 PMCID: PMC5335574 PMID: 28270863

Brown R, DiMarco AF, Hoit JD, Garshick E. Respiratory Dysfunction and Management in Spinal Cord Injury. Respir Care. 2006 Aug; 51(8): 853–870. PMCID: PMC2495152 NIHMSID: NIHMS43993 PMID: 16867197

Cardozo CP. Respiratory Complications of Spinal Cord Injury. J Spinal Cord Med. 2007; 30(4): 307–308. doi: 10.1080/10790268.2007.11753945 PMCID: PMC2031931 PMID: 17853651

Goshgarian HG. The crossed phrenic phenomenon: a model for plasticity in the respiratory pathways following spinal cord injury J Appl Physiol (1985). 2003 Feb;94(2):795-810. doi: 0.1152/japplphysiol.00847.2002. PMID: 12531916 DOI: 10.1152/japplphysiol.00847.2002

Hristara-Papadopoulou A, Tsanakas J, Diomou G, Papadopoulou O. Current devices of respiratory physiotherapy. Hippokratia. 2008;12(4):211-20. PMID: 19158964

**Jackson AB, Groomes TE. ©1994 by the American Congress of Rehabilitation Medicine and the American Academy of Physical Medicine and Rehabilitation. Incidence of Respiratory Complications Following Spinal Cord Injury. Arch Phys Med Rehabil Vol75, March 1994. https://www.archives-pmr.org/article/0003-9993(94)…

National Spinal Cord Injury Statistical Center. Spinal Cord Injury Facts and Figures at a Glance. 2019. https://www.nscisc.uab.edu/Public/Facts and Fi…

Ozpinar A, Weiner GM, Ducruet AF. Epidemiology, clinical presentation, diagnostic evaluation, and prognosis of spinal arteriovenous malformations. Handb Clin Neurol. 2017;143:145-152. doi: 10.1016/B978-0-444-63640-9.00014-X.PMID: 28552136 DOI: 10.1016/B978-0-444-63640-9.00014-X

Schilero GJ, Spungen AM, Bauman WA, Radulovic M, Lesser M. Pulmonary function and spinal cord injury. Respir Physiol Neurobiol. 2009 May 15;166(3):129-41. doi: 10.1016/j.resp.2009.04.002. Epub 2009 Apr 9.

Slack RS, Shucart W. Respiratory dysfunction associated with traumatic injury to the central nervous system. Clin Chest Med. 1994 Dec;15(4):739-49.

*Tollefsen E, Fondenes, O. Respiratory complications associated with spinal cord injury. Tidsskr Nor Legeforen 2012, 132: 1111. doi: 10.4045/tidsskr.10.0922

Zimmer MB, Nantwi K, Goshgarian HG. Effect of Spinal Cord Injury on the Respiratory System: Basic Research and Current Clinical Treatment Options. J Spinal Cord Med. 2007; 30(4): 319–330. doi: 10.1080/10790268.2007.11753947 PMCID: PMC2031930 PMID: 17853653