Reeve Summit 2025 | March 10-12 | Register Now!

Connect

Pag-aalaga sa balat

Ano ang balat?

Ang balat ay ang pinakamalaki at buhay na sistema ng mga bahagi ng katawan. Binabalot nito ang buong panlabas na bahagi ng katawan at may ilang butas ito para sa mga mata, tainga, butas ng ilong, bibig, urethra, tumbong at ari ng babae sa kababaihan.

Ang balat ay ang pangunahing tagaprotekta ng panloob na bahagi mula sa labas. Pinapanatili nitong nasa labas ang di-kaaya-ayang mga bagay gaya ng dumi at iba pang materyal, bakterya, virus, parasito, at fungus, nakakapagharang ng katamtamang puwersa, pinoprotektahan tayo laban sa mga kemikal at radyasyon. Ang balat ay may napakahalagang trabaho sa pagkontrol ng katawan at naisasagawa ito kapag napananatili ang temperatura sa pamamagitan ng pagbabalanse ng daloy ng likido ng mga nakapaligid na daluyan ng dugo, pawis at buhok sa katawan. Naibubuklod at napananatili nito ang mga antas ng bitamina D sa katawan.

May kakayahan din ng pakiramdam ang balat. May mga nerves sa bawat bahagi ng balat na makakatulong sa iyong malaman ang panlabas na mundo ng init, lamig, haplos at sakit. Masasabi nito sa iyong utak kung mayroong hindi komportable sa labas ng katawan mo gaya ng temperatura ng paligid, o napakatinding init na pumapaso sa iyo, o sa mismong balat mo gaya ng pantal o kilabot. Magpapadala ng mga senyales ang balat kung ikaw ay masyadong naiinitan o giniginaw, kung napakainit o napakalamig ng hinawakan mo, o kung may nakakapagdulot sa iyo ng pananakit.

Ang mga pakiramdam at tugon ng balat ay kontrolado ng Autonomic Nervous System (ANS), ang bahagi ng sistema ng kaugatan na umaandar nang kusa. Ang ANS ay awtomatiko. Nagpapadala ang balat ng mga mensahe sa utak sa pamamagitan ng Peripheral Nervous System (PNS) (ang mga nerbiyo sa buong katawan) na dadaan sa gulugod tungo sa utak. Ang utak ay nagpapadala ng mga mensahe na dadaan sa gulugod tungo sa PNS at pabalik sa balat. Wala tayong pansariling kontrol sa PNS. Awtomatikong kinokontrol ng utak ang balat batay sa mga mensaheng ipinapadala tungo at mula rito.

Ang balat ay isang tagatulong na bahagi para sa proteksyon ng katawan at paggamit ng pakiramdam. Wala itong kusang paggalaw na nakokontrol. Sa halip, nababanat ang balat upang magbigay-daan sa paggalaw ng mga buto at kalamnan na nasa loob nito. Ang natural na balat ay may takdang antas ng ‘pagbibigay’ kaya nagagawang umangkop ng iyong katawan.

Ang balat ay binubuo ng dalawang patong. Ang epidermis ay ang panlabas na patong ng balat. Makikita mo ang ibabaw ng epidermis kapag tiningnan mo ang iyong balat. Ang epidermis ay harang na pumoprotekta sa panloob na patong ng balat. Ang dermis ay binubuo ng mga daluyan ng dugo, glandula ng pawis, sebaceous gland, (mga glandulang gumagawa ng langis upang mapanatiling mamasa-masa ang balat), mga follicle ng buhok, mga hibla ng nerbiyo at maraming maliliit na ugat (capillaries).

Sa ilalim lang ng balat ay himaymay ng taba (adipose) na tumutulong sa pagprotekta sa mga kalamnang nasa ilalim ng patong ng taba. Malapit ang mga kalamnan sa iyong mga buto. Nakadikit ang mga kalamnan sa buto sa pamamagitan ng mga ligamento. Sa larawan sa ibaba, makikita mo ang epidermis sa ibabaw, ang dermis na may mga daluyan ng dugo, mga follicle ng buhok at mga glandula sa susunod na patong. Ang dilaw na patong ang kumakatawan sa himaymay ng taba. Ang pink na patong ay kumakatawan sa mga kalamnan at ang mas kupas na pink ay ang mga ligamento. Ang puti ay buto

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

Maaaring magkaroong ang sinumang indibidwal ng mga karaniwang kondisyon ng balat. Ang lahat ng uri at ang lahat ng pinagmumulan ng mga pantal o dermatitis (derm=balat, -itis=pamamaga) ay napakalaganap. Ang mga pantal ay maaaring magmula sa isang iritasyon sa balat na mula sa ihi, dumi, mga lotion at ointment, sabon, shampoo, pollen, pawis, o iba pang kumikiskis sa balat. Pwede ring lumabas ang pantal dahil sa anumang naipasok sa katawan gaya ng pagkain, inuman, gamot, o mga nasinghot na sangkap o substance. Ang reaksyon sa pag-aalala o stress ay maaari ding magdulot ng pantal. Ilan sa karaniwang kondisyon ng balat ay ang:

Acne na karaniwang lumilitaw sa mukha o likod. Kung kinakailangan ang operasyon sa iyong likod o gulugod ngunit matindi ang acne mo, maaaring kailanganing gamutin ang acne bago ang operasyon upang maiwasan ang panloob na impeksyon.

Alipunga ay makati, mapulang fungus na karaniwang nasa pagitan ng mga daliri sa paa. Sanhi ito ng pagpapawis, o pagsusuot ng parehong sapatos araw-araw nang hindi pinapahanginan ito. Sa mga indibidwal na may spinal cord injury (pinsala sa gulugod), pwedeng lumitaw ang fungus sa pagitan ng mga daliri sa paa at sa mga tiklop ng balat sa ibang bahagi ng katawan.

Atopic Dermatitis ay pangmatagalang pantal na malangib at kumakati. Ang eczema ay isang halimbawa ng atopic dermatitis.

Kalyo ay isang patse ng kumapal na balat na karaniwang nabubuo mula sa isang bagay na kumikiskis dito gaya ng sapatos na kumikiskis sa iyong sakong, sa mga kamay dahil sa paulit-ulit na gawain gaya ng pagpapaandar ng wheelchair, o sa mga siko dahil sa pagsandal sa mga ito o pagkiskis sa pantulong na aparato. Dahil sa bawas na paggalaw, maaaring mabuo ang kalyo mula sa balat na hindi nagagalaw para matuklap ang mga lumang selula ng balat.

Contact Dermatitis ay lumalabas pagkatapos mong humawak o pagkatapos kang mahawakan na nagiging kulay pula, makati o namamagang balat. Ang pantulong o pampuwestong kagamitan ay maaaring maging sanhi ng contact dermatitis.

Kanser ay maaaring benign (hindi malubha) o malignant (malubha). Isang madalang na nakamamatay na kanser sa balat ay ang basal cell carcinoma na karaniwang nakikita sa ulo, leeg o likod. Ang melanoma ay hindi karaniwang kanser sa balat ngunit kilala ito bilang nakamamatay. Ang labis na paglantad sa araw dahil sa mas manipis na ozone layer ay maaaring humantong sa kanser sa balat. Ang hindi pagprotekta sa ang iyong balat kung saan bawas ang iyong pakiramdam ay makakadagdag sa panganib ng pagkakarooon ng kanser sa balat.

Pantal sa Singit o pantal dahil sa Lampin ay lumalabas bilang reaksyon sa pagkakaroon ng ihi o dumi sa balat. Ang paggamit ng mga pansalo ng dumi na nababalot ng plastik na walang daluyan ng hangin ay nakakalikha ng dako kung saan mabubuhay ang bakterya kahit malinis o hindi ang balat. Nagkakaroon nito ang kapwa mga nasa hustong gulang at mga bata lalo na kapag gumagamit ng padding para sa kawalan ng kakayahang magpigil, karumihan, o sa mga tiklop ng balat lalo na habang nakaupo.

Kasama sa Herpes simplex virus (HSV) ang HSV-1, cold sores (mala-singaw) at fever blisters (mala-paltos), at HSV-2, isang sakit na nalilipat dahil sa pakikipagtalik.

Herpes zoster o kulebra ay isang impeksyon ng virus na galing sa tulog na bulutong. Napakasakit nito. Magkakaroon ng pantal ang balat na sumusunod sa direksyon ng isang dermatome (direksyon ng isang nerbiyo sa katawan) sa loob ng tatlong araw pagkatapos magsimula ang pananakit o pangangati. May mga bakunang makakapagpababa sa insidente ng pagkakaroon ng kulebra o makakapagpabawas sa sakit at tagal ng pag-atake.

Tagulabay ay isang umuusbong na pantal na biglang lumalabas mula sa mga allergen o di-nalalamang dahilan.

Sunburn ay sunog sa balat mula sinag ng araw. Karaniwan, namumula ang sunburn at ito ay unang antas ng pagkasunog. Ang pulang pantal na may mga paltos ay ikalawang antas na pagkasunog. Naitala na ang mga sunburn sa ikatlo at ikaapat na antas. Ang hindi pagprotekta sa iyong balat kung saan bawas ang pakiramdam ay makakadagdag sa paganib ng pagkakaroon ng sunburn.

Soryasis (psoriasis) ay isang makati at mapulang bahagi na may nangapal na balat at makikintab na patse. Pwede itong lumitaw saan man sa katawan ngunit madalas na lumalabas sa mga tuhod at siko. Ang ilan sa mga taong may soryasis ay nagkakaroon ng psoriatic arthritis.

Rosacea ay isang pulang pantal kung saan kitang-kita ang mga daluyan ng dugo (blood vessel) na lumilitaw sa mga pisngi, ilong, baba, at minsan sa noo. Pangunahing naaapektuhan nito ay ang mga taong nasa kalagitnaang-gulang o talubata, mapuputing babae ngunit maaari nitong maapektuhan ang lahat. Hindi ito dapat ipagkamali sa mga pagbabago sa daluyan ng dugo (blood vessel) sa mukha na kaugnay ng alkoholismo sa kalalakihan at kababaihan.

Pamamawis

Dahil sa mga problema ng Autonomic Nervous System pagkatapos ng spinal cord injury, naaapektuhan ang pagkontrol sa temperatura ng katawan dahil hindi naipaparating nang tama ang mga mensahe sa pagkontrol. Ang kakayahan ng katawan na kontrolin ang iyong panloob na temperatura ay maaaring maapektuhan ng spinal cord injury. Kapag mas matindi ang pinsala, mas naaapektuhan ang pagkontrol sa temperatura sa pamamagitan ng pamamawis.

Ang Hyperhidrosis (HH) o labis na pamamawis ay nangyayari sa ilang indibidwal na may spinal cord injury. Pwede itong mangyari sanhi ng di-nalalamang dahilan, bilang sintomas ng autonomic dysreflexia o anumang paggambala sa autonomic nervous system o dahil sa syringomyelia na isang bukol o cyst na puno ng likido na lumalabas sa dako ng spinal cord injury pagkatapos ng operasyon. Maaaring mapigilan ng mga gamot para sa autonomic dysreflexia ang labis na pamamawis. Matagumpay din ang mga resulta ng gamot na oxybutynin.

Napag-alaman ng ibang may SCI na hindi sila namamawis sa bahaging mas mababa sa pinsala. Maaari itong maging sanhi na labis na uminit ang katawan dahil sa kakayahang maglabas ng pawis na siyang natural na paraan ng katawan upang magpalamig. Dapat isagawa ang mga hakbang upang mapigilan ang labis na pag-init. Maaaring kasama dito ang paggamit ng aircon, bentilador, malalamig na tela, tabing at malalapad na sombrero.

Friction Injury (Pinsalang dulot ng Pagkiskis)

Maaaring magkaroon ng friction (pagkiskis) at shearing (paghilatsa) na pinsala sa balat. Maaaring kilala ninyo ang uri ng pinsala na ito bilang ‘rug burn’. Nangyayari ito kapag naghiwalay ang epidermis at dermis lalo na dahil sa bawas na collagen pagkatapos ng spinal cord injury. Pinakamadalas na nangyayari ito kapag ginagalaw ang katawan o bahagi ng katawan sa pamamagitan ng pagkaladkad dito sa halip na pag-angat at paggalaw. Maaari ding magkaroon ng mga friction at shearing injury kapag paulit-ulit na kumikiskis ang isang pantulong na kagamitan (adaptive equipment) sa iyong balat. Pinipigil ng pagkiskis sa ibabaw ang paggalaw ng epidermis nang kasing bilis ng katawan kung kaya’t nasisira ang maselang pagkakadikit ng dalawang bahagi ng balat. Makakatulong sa pagpigil sa friction injury ang pag-aangat sa iyong katawan habang gumagalaw. Dapat magsagawa ng madalas na mga pagsusuri ng balat dahil sa bagong kagamitan.

Mga Kalyo

Maaaring magkaroon ng mga kalyo sa mga sakong, kamay, siko at tuhod dahil sa kawalan ng kakayahang magtuklap ng mga patay na selula ng balat. Ang proseso ng panunuklap ng balat ay madalas na nagaganap sa paggalaw ng katawan kapag nadidikit sa damit at sapatos. Kung hindi mo mapapagalaw ang iyong balat, mananatili sa iyong katawan ang mga selula, at maiipon ang mga ito at magiging kalyo. Tuyo ang mga kalyo at hindi nababanat na gaya ng balat. Nabibitak agad ang mga ito na pwedeng magdulot ng pananakit kung mayroon kang pakiramdam, ng autonomic dysreflexia kung bawas ang pakiramdam, at makakalikha ng puwang kung saan makakapasok ang bakterya.

Dapat ay napakaingat na maisagawa ang pagpapaliit ng mga kalyo. Dahan-dahang paliitin ang kalyo sa pamamagitan ng pagbababad nito sa tubig, pagkatapos ay ‘pakinisin’ ang bahaging iyon gamit ang tuwalya o bimpo. Huwag kailanmang mabilisang paliitin ang kalyo gamit ang matalas na bagay dahil ang balat sa ilalim ng kalyo ay naging malambot na at madaling mabibiyak. Kung malaki at makapal ang kalyo, maaari kang makipag-usap tungkol sa pagpapagamot sa isang podiatrist (doktor ng paa).

Pressure Injury (Pinsalang dulot ng Puwersa)

Pagkatapos ng spinal cord injury, nagkakaroon ng mga pagbabago sa balat. Nababawasan ang collagen na nagpapatatag sa balat, gayundin ang supply ng dugo sa balat. Nababawasan din ang laki ng kalamnan dahil sa kawalan ng kakayahan sa paggalaw na napapalitan ng dagdag na patong ng taba. Ang persepsyon ng pakiramdam ay nababawasan din o nawawala depende sa uri ng spinal cord injury. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring maging sanhi upang mas madaling magkaroon ng presyon na pinsala ang isang indibidwal.

Nagiging daan ang mga pagbabago sa balat, daloy ng dugo, kompisisyon ng kalamnan, pagbabahagi ng taba at bawas na pakiramdam dahil sa spinal cord injury upang magkaroon ng presyon na pinsala. Sa karaniwan, ang mga nakausling buto ng kalansay ay nakasandig sa himaymay ng kalamnan, na nagpapakalat ng presyon sa lahat ng kalamnan. Habang numinipis ang kalamnan, mas hindi ito nakapagpapakalat ng presyon. Nadaragdagan ang himaymay ng taba. Habang dumaragdag ang presyon sa himaymay ng taba, nasisiksik ito na lumilikha ng dagdag pang presyon sa mabutong bahagi. Bumibigay ang mga daluyan ng dugo dahil sa presyon na ito kaya hindi naisasagawa ang sirkulasyon. Kapag mas maliit ang daluyan ng dugo, ibig sabihin, ang napakaliliit na ugat ng balat, mas mabilis na nababawasan ang suplay ng dugo. Ang pakiramdam ang magbibigay ng senyales sa iyo na igalaw ang iyong katawan para mabuksan ang maliliit na ugat bago masira ang balat ngunit pagkatapos ng spinal cord injury, nababawasan o nawawala ang senyales na iyon.

Maaaring may ilan pang katawagan sa Pressure injury (PI) gaya ng pressure ulcer, skin breakdown, pressure sore, bed sore o decubitus ulcer. Sa loob nagsisimula ang presyon na pinsala, kung saan hindi mo ito makikitang magsimula. Ang unang senyales ng PI ay maaaring nangitim, pula o kulay-abong patse sa balat dahil bumigay ang mga daluyan ng dugo, na karaniwan sa ibabaw ng nakausling buto o bahaging may kartilago. Ang nakausling buto ay karaniwang nasa dulo ng buto kung saan may umbok ito. Halimbawa, madali mong makakapa ang umbok ng buto ng iyong baba sa ilalim ng balat mo o ang buto ng iyong siko o tuhod. Ang panlabas na bahagi ng tainga at ang dulo ng ilong ay binubuo ng kartilago na nababanat ngunit matigas na himaymay.

Mga Bahagi na Madaling Magkaroon ng presyon na pinsala

Makikita ang mga larawan sa itaas sa kagandahang loob ng Northwest Regional Spinal Cord Injury System (http://sci.washington.edu)

Nalalaman ang yugto ng pinsala dulot ng presyon batay sa hitsura nito sa ibabaw ng balat. Malamang ay mas malalim ang pinsala kaysa sa nakikita mo sa labas ng katawan.

  • Yugto I: May bahagi ng balat na may kulay na maaaring masakit kung mayroon kang pakiramdam. Maaaring mag-iba ang kulay depende sa kulay ng balat: sa mas maitim na balat, maaari mala-asul o mala-lila ito; sa mas maputing balat, ang bahagi ay maaaring magmukhang pula. Ito ay tanda na may nabubuong pressure ulcer. Maaaring mainit-init, malamig-lamig, matigas o malambot ang balat. Maaaring may pamamanas (edema) sa bahagi ng mantsa at lagpas pa.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

  • Yugto II: Magpapaltos ang balat o magkakaroon ng bukas na sugat. Ang epidermis (ang panlabas na patong ng balat) ay maaaring buksan o alisin. Umaabot sa dermis ang sugat. Maaaring pula at may iritasyon ang bahagi sa paligid ng sugat.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

  • Yugto III: Ngayon, ang balat ay magkakaroon ng bukas, nakalubog na butas na tinatawag na uka (crater). Ito ay umaabot hanggang sa patong ng taba ng katawan. May-pinsala ang himaymay na nasa ilalim ng balat. Maaari kang makakita ng taba sa ibaba ng uka. Maaaring may mga patseng puti na pwedeng impeksyon o nabubulok na himaymay. Maaaring matigas ang mga gilid ng butas, mas maputla ang kulay, at papaloob ang kabilugan. Ang tawag dito ay epibole.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

  • Yugto IV: Umabot na sa buto ang presyon na pinsala. Maaaring may-pinsala sa kalamnan at buto, at minsan sa mga litid at hugpungan.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

May dalawang naiibang uri ng presyon na pinsala na hindi umaakma sa isa sa apat na yugto.

  • Ang mga injury na “hindi matatakdaaang yugto” ay natatakpan ng patay na balat na na tinatawag na eschar na kulay dilaw, tan, berde o brown. Pinapahirap ng pilat na tasahin ang lalim ng pinsala. Maaaring kailanganing alisin ang pilat ng isang medikal na propesyonal ngunit hanggang sa matasa ito, hinaharang nito ang pagpasok ng mga mikrobyo sa pinsala kahit na maaaring may impeksyon na sa loob na hinaharangan ng pilat. Mahalaga na huwag alisin ang pilat, ipatukoy sa iyong medikal na propesyonal ang kalagayan ng presyon na pinsala.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

  • Ang mga nabubuong presyon na pinsaladulot ng presyon sa himaymay na nasa malalim na bahagi ng balat ay tinatawag na deep tissue injuries (mga pinsala sa malalim na himaymay). Maaaring madilim na kulay-ube o maroon ang bahagi, at maaaring may paltos na puno ng dugo sa ilalim ng balat. Ang ganitong uri ng pinsala sa balat ay maaaring mabilis na maging presyon na pinsala sa yugto III o IV.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

Pagtatasa ng Pinsala dulot ng presyon

Ikaw ang unang magpoprotekta sa iyong balat. Inspeksyunin ang iyong balat para sa mga pantal, kalyo, may-biyak na bahagi, mga pagbabago sa kulay, mga pagbabago sa temperatura kung ito ay mas malamig o mas mainit, mga hiwa, punit, butas o gasgas. Kapag may napansin kang problema sa iyong balat na sa palagay mo ay hindi magagamot kaagad, iwasan ang bahaging iyon at ipagbigay-alam sa iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga.

Magsasagawa ng pisikal na pagsusuri ang iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga nang may kumpletong pagtatasa ng iyong balat. Mas pagtutuunan ng pansin ang bahagi kung saan may posibleng presyon na pinsala. Maaaring magkaroon ng pagsusuri ng dugo upang matasa ang impeksyon at nutrisyon. Kung bukas ang bahagi, maaaring i-swab ang bahagi upang matasa kung may impeksyon ang pinsala.

Tatanungin ka ng tungkol sa iyong activities for daily living (ADL) (mga aktibidad sa pang araw-araw), kakayahang lumipat at umikot upang maiangat ang katawan kaysa kaladkarin ito. Tatasahin ang dalas ng pagpapalabas ng presyon kapag gising o sa gabi. Susuriin ang iyong kagamitan upang matiyak na naisasagawa nito ang pagpapakalat ng presyon, suporta at proteksyong kinakailangan upang masustena ang iyong balat.

Para sa ilang presyon na pinsala na hindi matatasa ang lalim, maaaring magsagawa ng CT scan o MRI para makita ang loob ng pinsala. Napakahalaga nito para matasa kung nakapasok na ang pinsala sa buto o kung may impeksyon ito.

Malamang na magsagawa ang propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga ng ‘blanch test (pagsusuri sa sirkulasyon ng dugo)’ sas bahaging may mantsa upang matasa ang daloy ng dugo. Pwedeng hindi gawin ang pagsusuring ito kung tiyak ang presyon na pinsala. Isang beses lang dapat gawin ang blanch test (pagsusuri sa sirkulasyon ng dugo), ng isang propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga. Hindi maiiba ng karagdagang pagsusuri sa sirkulasyon ng dugo ang mga resulta kundi, makakadagdag lang ng pinsala sa bahaging iyon. Sa pagsusuring ito, lalagyan ng tagasuri ng presyon ang bahagi gamit ang isang daliri, nang isang beses lang. Nagdaragdag ito ng presyon upang hindi na kailangang isagawa ang napakarami pang pagsusuri. Kung dumaloy ang dugo, masasaid ang bahagi at agad na mapupuno ng dugo (blanch). Kung hindi dumaloy ang dugo, walang magiging pagbabago sa kulay ng may-mantsang bahagi.

Ginamit nang may pahintulot ng National Pressure Injury Advisory Panel 11/9/20

May isasagawang pagtatasa sa bukas na presyon na pinsala. Kasama dito ang lokasyon at laki (haba, lapad, lalim). Tatakdaan ng yugto ang pinsala gaya ng nakasaad sa itaas. Ang ibaba ng presyon na pinsala, kung nakikita ay tatasahin. Itatala din ang iba pang katangian gaya ng amoy, pagpapaagos, pagkakaroon ng paltos, tuklap, pilat, necrosis (patay na himaymay), kalidad ng mga gilid ng pinsala, at pananakit, dagdag na pagtigas ng kalamnan (spasticity) o kung mayroon o nadagdagan ang autonomic dysreflexia dahil sa presyon na pinsala. Isang ligtas na litrato ng pinsala na may panukat na tape ang kukunin. Ang mga pagtatasang ito ay isasagawa ng iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga o rehistradong nars sa bawat pagbisita upang masubaybayan ang iyong pagbuti.

Ang ilang pinsala ay may mga lukbutan o lagusan na hindi nakikita dahil sa posisyon ng mga ito sa pinsala. Maaaring gumamit ang iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga ng pamahid na bulak upang siyasatin ang entrada para maghanap ng mga lukbutan (pocket) o seksyon (tract) na pwedeng makapagtago ng bakterya o makapagpaantala sa paghilom.

Paggagamot sa Pinsala dulot ng presyon

Nangangailangan ng oras ang paggagamot ng mga presyon na pinsala. Maaari kang mangailangan ng tulong mula sa ibang tao upang makumpleto ang pagpapalit ng damit o para matulungan kang makalipat o sa mga aktibidad na pang-araw-araw. Maaari kang mawalan ng oras sa trabaho o sa pamilya habang ikaw ay nagpapagaling dahil sa mga paghihigpit sa presyon.

Kung hindi bukas ang balat sa ibabaw ng presyon na pinsala, ang tanging paggagagamot ay ang umiwas sa bahaging iyon. Ang bahaging may-mantsa ay mawawala rin sa paglipas ng panahon. Kapag nakapansin ka ng pagbabago sa kulay sa butong nakausli, kailangan mong ganap na umiwas sa bahaging iyon hanggang sa bumalik ang kulay sa normal na kulay ng balat mo. Walang eksepsyon. Ang ibig sabihin ay hindi ka pwedeng magka-presyon sa bahagi kapag hihiga, uupo, o iba pang presyon sa bahagi para sa anumang dahilan; hindi para sa pagtatrabaho, pag-aaral, pag-aaliw, personal na kalinisan o iba pang aktibidad. Kailangang makapagsagawa ng mga alternatibo sa iyong pang-araw-araw na iskedyul. Kung pipiliin mong tumayo sa loob lang ng limang minuto para magsipilyo, mababalewala na ang iyong pagsisikap na umiwas sa bahaging iiyon. Kadalasan, kung agad madidiskubre ang pagbabago sa kulay, sa loob lang ng ilang oras ay magbabalik na sa iyong normal na kulay ang bahaging iyon. Kapag mas pinatagal mo ang pagtatanggal ng presyon, mas matatagalan ang lunas sa pag-iiba ng kulay.

Ang mga bukas na pinsala ay mangangailangan ng isterlisado o malinis na pantapal para maibigay ang proteksyon na natural na ibinibigay ng balat, at para rin makaiwas sa bahaging iyon. Dapat isagawa ang paglilinis gamit ang iniresetang solusyon sa paglilinis o malinis na tubig. Hindi inirerekomenda ang Hydrogen peroxide dahil sinisira nito ang granulation (pamumuo ng mga bagong selula) ng pinsala. Ang ilang pinsala ay nangangailangan ng irigasyon para malinis ang lahat ng aspekto ng pinsala. Maaaring isagawa ang irigasyon gamit ang isang bulb syringe, o aparatong pang-irigasyon na mababa ang presyon. Maaaring maglagay ng gamot sa bukas na pinsala alinsunod sa mga tagubilin ng iyong tagapaghatid ng pangkalusugang pangangalaga.

Kapag pinanatiling sarado ang pinsala dulot ng presyon sa pamamagitan ng pilat, mapipigilan nito ang pagpasok ng bakterya sa pilat habang gumagaling ito mula sa injury bed hanggang sa balat. Kusang made-debride (matutuklap o matatanggal) ang ilang mga pressure injury gamit ang pansariling immune system ng katawan sa ilalim ng pantapal na hindi mapapasukan ng hangin. Pwedeng gumamit ng mga enzyme sa bawat pagpapalit ng pantapal para sa banayad na pagtuklap.

Sa ibang pagkakataon, mangangailangan ng dagdag na tulong sa debridement (pagtutuklap o pagtatanggal). Ito ay dapat lang isagawa ng iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga. Sa proseso ng debridement, gagamit ng panistis (scalpel) o kemikal para tanggalin ang eschar, patay na himaymay o himaymay na walang sirkulasyon. Ang matalas na debridement (gamit ang panistis) ay maaaring isagawa sa klinika ng propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga gamit ang pinapahid o lokal na pampamanhid sa bahagi, o sa operating room gamit ang pangkalahatan o lokal na anestetiko. Naging matagumpay din ang paggamit sa maggot therapy sa paglilinis ng mga pinsala dulot ng presyon.

Ang mga bukas na pinsala dulot ng presyon ay karaniwang nangangailangan ng magaang na packing para sa tamang paghilom. Dapat maghilom ang mga pinsala dulot ng presyon mula muna sa ilalim at mahuhuli ang pagsasara ng balat. Ito ay dahil tungkulin ng balat ang isara at protektahan ang katawan. Subalit, kung agad na magsasara ang balat at hindi pa naghihilom ang pinsala, maaaring may lukbutan (pocket) na mamuo na pwedeng bumukas ulit o sumarang impeksyon na may nana. Habang naghihilom ang tissue bed, nababawasan ang packing. Kung may mga seksyon (tract) sa pinsala, dapat maglagay ng packing sa mga ito para maghilom. Minsan, maaaring may gamot ang packing o inilalagay nang basa sa loob ng pinsala, Kapag natuyo ito, inaalis ang packing material na pwedeng magdulot ng karagdagang debridement ng pinsala.

Ang ilang pinsala ay nangangailangan ng Negative Pressure Wound Therapy (NPWT). Ito ay isang aparato na gumagamit ng mababang presyon sa pagsipsip sa pinsala na maglalabas ng mga nasipsip. May motor ito na pwedeng ilagay sa tabi ng kama o sa wheelchair. Kailangan ng espesyal na awtorisasyon ng insurance para sa paggagamot na ito.

Pwedeng makatulong ang elektrikal na stimulasyon sa pagpapahilom ng mga pinsala dulot ng presyon sa Yugto III o Yugto IV. Pwedeng makatulong ang elektrikal na stimulasyon sa pagpapabilis ng daloy ng dugo para mapalaki ng maliliit na ugat, ang oxygenation at granulation ng himaymay.

Ang Hyperbaric Oxygen ay paggagamot na iniaalok minsan para sa mga pinsala dulot ng presyon. Ang iyong buong katawan o bahagi ng katawan na may pinsala dulot ng presyon ay inilalagay sa isang chamber o silid na naghahatid ng 100% oxygen na may kaunting pressure. Ipinapalagay na nagpapabilis ng pagpapagaling ang oxygen.

May isinasagawang mga operasyon sa pagsasara para sa ilang pinsala dulot ng presyon sa Yugto III o Yugto IV. Bago ang operasyon, dapat ay pasado sa kalagayan ng nutrisyon at impeksyon. Inaalis sa operasyon ang hindi gumagaling na bahagi ng pinsala dulot ng presyon at maaaring kasama dito ang pagbabawas sa butong nakausli. Iniikot ang tikop ng malusog na kalamnan tungo sa bahagi ng injury para maging proteksyon at para sa pagdaloy ng dugo. Isasara ang balat sa pamamagitan ng pag-ikot sa malusog na balat tungo sa ibabaw ng bahaging ooperahan. Karaniwan ay may nilalagdaang kontrata ang pasyente na mananatili silang nakahiga, hindi gagambalain ang bahaging inoperahan sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon para maghilom ang bahaging inoperahan. Pagkatapos ay unti-unting magkakaroon ng mga oras ng pag-upo ng mga limang minuto, pagsusuri sa bahagi, aalisin ang presyon sa loob ng ilang oras at uulitin ito. Napakadetalyado ng prosesong nito na mangangailangan ng iyong buong pagtatalaga para magtagumpay.

Sepsis Ang mga pinsala dulot ng preyson na may impeksyon sa himaymay, sa buto o pareho ay maaaring magnana. Ito ay isang impeksyon na kumakalat sa iyong buong katawan na nakakaapekto sa lahat ng pangunahing bahagi. Nakakamatay ang sepsis kung hindi gagamutin o hindi gagamutin kaagad. Ang sepsis ay sitwasyong pang-911 o Pang-emergency Room. Kasama sa mga sintomas ng sepsis ang:

Maaaring umiiral ang ilan o ang lahat sa mga sumusunod na sintomas:

  • Pagkakaroon ng impeksyon o posibleng impeksyon
  • Mataas na temperatura, mas mataas sa 38.30C o 101.30F
  • Mabilis na pagtibok ng puso, mas mabilis sa 90 tibok kada minuto
  • Mabilis na paghinga, mas mabilis sa 20 paghinga kada minuto

Iba pang mga sintomas na maaaring umiiral:

  • Pagkalito o koma
  • Pamamanas (edema) lalo na sa mga paa’t kamay, leeg, o mukha
  • Mataas na sugar sa dugo (blood sugar) kahit walang dyabetis
  • Mas mababang temperatura na mas mababa sa 36C o 97F

Napakaraming makalumang paraan ng paggagamot ng mga pinsala dulot ng preyson. Baka may makilala kang magrerekomenda ng mga ito, ngunit ang mga paggagamot na ito ay napatunayan nang mali. Ang mga sumusunod na paggagamot ay hindi na ginagamit sa ngayon.

Pagmamasahe upang mapasigla ang daloy ng dugo. Hindi totoo. Ang pagmamasahe sa pinsala dulot ng presyon ay nakakadagdag ng pressure na nagdudulot ng iba pang pinsala o kinokontra ang iyong tamang gawain tungo sa paghilom. Idinaragdag ng ilang tao ang paggamit ng alkohol para mapasigla ang daloy ng dugo habang minamasahe. Ito ay nakakadagdag din ng presyon. Walang ginagawa ang pagpapahid ng alkohol upang pagandahin ang daloy ng dugo.

Mga proteksyong hugis donut. Hindi totoo. Ang donut ay nagiging pampasikip na bilog sa paligid ng pinsala dulot ng presyon at pinapabagal nito ang daloy ng dugo tungo sa apektadong bahagi.

Paminsan-minsan ay ginagamit ang honey dahil sa ideya na nakakatulong ang asukal sa pagpapahilom ng pinsala dulot ng preyson. May ilang ebidensya na ito ay may positibong epekto ngunit dapat ay panggamot na honey (medical grade) ang gagamitin, at hindi mula sa pulot-pukyutan ng iyong kapitbahay. Ito rin ay inilalagay sa pinsala dulot ng preyson, hindi kinakain para makapagpahilom.

Ang pagputol ng bahagi ng katawan ay hindi ang paggagamot para sa mga pinsala dulot ng presyon. Isang eksepsyon ay kapag may impeksyon sa buto na naglalakbay sa iyong buong katawan. Maaaring matagal na panahon ang kailangan para maalis ang pinsala dulot ng preyson pero nangyayari ito. Ang pinakakaraniwan ay, hindi ito isang pinsala na nangangailangan ng pagputol ng bahagi ng katawan.

Pangangalaga ng Iyong Balat Pagkatapos ng Spinal Cord Injury

Napakahalagang paraan ang Pagse-set ng Alarm sa pagpapalabas ng presyon upang masunod ang nakasanayan sa pagpapalabas ng pressure. Maaaring makakuha ng mga pahiwatig mula sa mga aparatong pang-alarm gaya ng mga smart phone, iba pang app at relo. Pwede ring gamitin ang mga pangkapaligirang pahiwatig, halimbawa ang pagpapalabas ng presyon sa bawat pag-ulit ng mga komersyal sa telebisyon o kapag tumunog ang orasan kada oras.

Paghuhugas ng kamay Ang pananatiling malinis ng mga kamay ay nakakatulong upang mabawasan ang pagkalat ng impeksyon sa iyong katawan at sa ibang tao. Madalas na hugasan ang mga kamay mo gamit at mainit-init na tubig at sabon, at ikiskis ang iyong mga kamay, sa loob ng 20 segundo o sa panahong kailangan upang makanta ang Happy Birthday o ang alpabeto, nang dalawang beses. Maraming bagay ang nahahawakan ng mga kamay sa buong araw kaya makakapulot ito ng mga dumi na maaaring kumalat sa iyong katawan kapag hinawakan mo ang iyong mukha o kapag nagpasok ka ng katheter (catheterize). Dapat maghugas ng kamay bago at pagkatapos magsagawa ng mga personal na paglilinis.

Hydration Magiging maayos ang paggana ng iyong katawan kapag nasusutenahan ng likido. Kasama dito ang pagdaragdag ng pamamasa sa iyong balat. Dahil sa pagkabawas ng collagen pagkatapos ng SCI, maaaring makatulong ang dagdag na likido sa pagha-hydrate sa katawan mo, pati na rin ang pananatiling mamasa-masa ng iyong balat mula sa loob. Maaaring may mga paghihigpit sa likido dahil sa iyong programa sa salit-salit na pagpapasok ng katheter, mga problema sa puso o ilang uri ng pamamanas. Ang pinakamainam na likidong iinumin para sa hydration ay tubig. Ginagamit ang tubig sa buong katawan. Dapat gamitin ang ibang likido sa katamtamang paraan. Tinutuyot (dehydrate) ng alak ang katawan at nag-iiwan ng kaunting likido para sa mga selula ng iyong balat. Nagbibigay ng napakaraming asukal o asin ang mga inuming matamis at maalat, at binabago nito ang kakayahan ng mga selula ng katawan sa metabolismo. Tiyaking tingnan ang mga etiketa sa mga likido para sa nilalamang asukal at asin bago inumin ang mga ito.

Kalinisan Kapag palaging malinis ang katawan, napipigilan ang pagdami ng bakterya at virus sa ibabaw ng balat, at nababawasan ang posibilidad ng pagpasok ng mga mikrobyo sa iyong katawan. Hugasan ang iyong katawan gamit ang mainit-init na tubig at banayad na sabon. Magbanlaw nang husto. Ang pagkuskos habang hinuhugasan ang iyong katawan ay makakatulong sa pagtatanggal ng mga mikrobyo, makakapagpasigla ng sirkulasyon, at makakatulong sa pagtatanggal ng mga lumang selula ng balat.

Ang paliligo ay nagsisimula sa itaas, pababa o mukha muna at pagkatapos ay pababa sa iyong katawan. Ang ari, pagkatapos ng guhit ng puwit (gluteal fold) ay huling hinuhugasan. Isang pampalambot na lotion ay makakapagbigay ng pamamasa-masa sa labas ng iyong balat. Maraming produkto ang pwedeng gamitin sa paliligo. May ilang tao na mangangailangan ng mas banayad na sabon, maaaring mas magustuhan naman ng iba ang mas malalakas o mga antibacterial na sabon. Pwedeng magdulot ng iritasyon sa iba ang mga produkto. Mag-ingat sa mga produktong sinusubukan mo, lalo na ang mga nagdudulot ng pantal sa iyong balat.

Mag-moisturize Ang paglalagay ng pampalambot na lotion sa iyong balat ay nakakatulong sa pagdaragdag ng moisture mula sa labas ng iyong katawan.

Mga Kalyo Karaniwang lumilitaw ang mga naipong patay, tuyot na balat kung saan palaging ginagamit ang balat. Kung hindi maglalakad, maaaring maipon ang balat na ito dahil hindi ito natutuklap ng sapatos mo, ang labis na paggamit ng mga kamay gaya ng kapag nagtutulak ng wheelchair, o mula sa isang balangkat (splint) o tukod (brace) na kumikiskis sa iyong balat. Natutuyo ang mga kalyo at nabibitak sa paglipas ng panahon kaya nakakapasok ang bakterya. Dahan-dahang paliitin ang kalyo sa pamamagitan ng pagbababad nito sa tubig, pagkatapos ay ‘pakinisin’ ang bahaging iyon gamit ang tuwalya o bimpo. Huwag kailanmang mabilisang paliitin ang kalyo gamit ang matalas na bagay dahil ang balat sa ilalim ng kalyo ay naging malambot na at madaling mabibiyak. Kung malaki at makapal ang kalyo, maaari kang makipag-usap tungkol sa paggagamot sa isang podiatrist (doktor ng paa).

Huminto sa Paninigarilyo Ang nikotina at iba pang sangkap sa mga sigarilyo, e-cigarette, tabako, pipa, mga vape at sinisinghot, ay dumidikit sa mga pulang selula ng dugo at pumapalit sa oxygen. Kapag suminghot ka ng nikotina o iba pang sangkap, ninanakawan mo ang iyong katawan ng kinakailangan nitong oxygen upang gumana. Kasama dito ang balat. Makipag-usap sa iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga tungkol sa mga paggagamot upang mahinto ang paninigarilyo. Kung nagawa mo na ito noon, subukan ito ulit. Posible ang tagumpay.

Nutrisyon Kailangang-kailangan ang masustansya at balansing pagkain upang masustenahan ang iyong katawan, kasama na ang balat.
Partikular na kinakailangan para masustenahan ang balat at mapaghilom ang pinsala dulot ng preyson ay ang kalories (o enerhiya), protina, micronutrients (zinc, bitamina C, bitamina A, at iron), at mga likido. Ang pangangailangan mo sa kalories ay malamang na nagbago pagkatapos ng SCI na pwedeng mangailangan ng mas kaunting kalories dahil sa mas madalang na paggalaw ng katawan, mas madalang na pagdumi o mas maraming kalories dahil sa pagtigas ng kalamnan (spasticity). Maaaring mangailangan ng karagdagang sustansya para mapaghilom ang isang pinsala dulot ng presyon. Kailangan ng protina para makabuo ng kalamnan at mapagana ng katawan. Tumutulong ang micronutrients sa pagganap ng katawan. Iba-iba ang pangangailangan ng bawat tao, samakatuwid, kinakailangan ang pagkonsulta sa isang dietician. Makakatulong ang nutrisyonal na pagtatasa para malaman ang mga espisipiko mong pangangailangan. Ang paghingi ng payo batay sa komposisyon ng iyong katawan sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo ay makakatulong sa iyo na makaiwas sa labis na pag-inom ng gamot na may sustansyang sapat nang nasa iyong katawan.

Pagkontrol ng Timbang Maaaring maging mahirap ang pagmementina ng timbang pagkatapos ng spinal cord injury. Ang ilang indibidwal ay mangangailangan ng dagdag na kalories at ang iba naman ay mas kaunti. Kapag napakapayat, mas lalaki ang panganib ng pagkakaroon ng pinsala dulot ng preyson dahil baka hindi sapat ang iyong kalamnan para maikalat ang presyon mula sa loob ng katawan kahit na gumagamit ka ng mga panig na nakakabawas ng presyon. Ang iba na may napakabigat na timbang ay posibleng naglalagay ng presyon sa kanilang taba na sumisiksik at hindi nagkakalat sa presyon. Maaaring akalain ng mga taong may spinal cord injury na ang nakausli nilang tiyan ay taba ngunit sa katotohanan, ito dahil sa hindi-gumaganang kalamnan sa tiyan.

Ehersisyo Dapat idagdag ang paggalaw sa mga bahagi ng iyong katawan na mas mababa sa spinal cord injury, bukod pa sa mga bahagi ng katawang mas mataas sa spinal cord injury. Upang matiyak na ang lahat ng bahagi ng iyong katawan ay makakagalaw, dahan-dahang magsagawa ng mga ehersisyo sa paggalaw. Pinasisigla nito ang daloy ng dugo na nakakatulong sa pagpapakain sa balat, at nagpapalabas ng presyon at nagpapahusay sa pangkalahatang paggana ng katawan. Kung hindi mo naigagalaw ang iyong katawan, ipakilos ito sa isang tapag-alaga. Kung magpapasya kang sumali sa mas agresibong pag-e-ehersisyo, pansinin kung kasali ang lahat ng bahagi ng katawan. Kung hindi, idagdag ang mga ito sa iyong rutina sa pag-e-ehersisyo.

Pagsisiyasat Tignan ang iyong buong katawan nang hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw (pagkatapos ng isang magdamag sa kama at sa katapusan ng buong araw ng pag-upo). Dapat isagawa ang pag-iinspeksyon ng balat nang mas madalas kung nagbago ang kalagayan ng iyong kalusugan o kung gumagamit ng mga bagong kagamitan o aparato. Kung hindi mo nakikita ang mga bahagi ng iyong katawan, gumamit ng salamin na may mahabang hawakan o gamitin ang telepono mo para kumuha ng kompidensyal na litrato. Subaybayan ang anumang pagbabago sa kulay na maaaring nagpapahiwatig ng pinsala dulot ng preyson na namumuo, o mga pagbabago sa iyong balat na maaaring pantal, pagbabago sa oxygenation (gaya ng mala-asul na kulay sa mga daliri sa kamay, mga daliri sa paa o sa labi) o iba pang mga pagbabago sa balat. Ang trabahong ito ay sa iyo, ang may-ari ng iyong balat. Nag-iiba-iba ang mga tagapag-alaga o nagkakasakit. Napakahalaga na alam mo kung ano ang nagaganap sa iyong sariling katawan.

Mga Panig na Nakakabawas ng Presyon Tiyakin na ikaw ay gumagamit ng kama at mga panig ng upuan na pumoprotekta sa iyong buong katawan (pati na rin sa iyong ulo) saanman na bawas ang pakiramdam. Maraming uri ang mga panig, ngunit ang layunin ay ang mapakalat nila ang pressure sa halip na siksikin ito.

Maraming uri ng panig na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon. Karaniwan para sa mga panig ng pansuporta sa kama ay kasinghaba ng katawan ngunit wala nang pansuporta sa bandang ulo. Sa halip, mga unan o iba pang panig na nakakabawas ng pressure ang ginagamit sa ilalim ng ulo dahil sa pangkalahatan, ang mga tao ay may pakiramdam doon. Ang upuan ay maaaring may panig para sa pag-upo at isa para sa likod depende sa antas ng injury. Ang mga patungan ng ulo, patungan ng braso, patungan ng binti ay maaaring piliin ayon sa pangangailangan.

Ang kagamitan sa pagpapakalat ng pressure ay maaaring gawa sa pang-medikal na antas ng kutson (hindi ang kutson na galing sa craft store, hindi nito nakakalat ang presyor) o gel. Maaaring puno ito ng hangin, likido, naka-honeycomb, o naka-chamber para dumadaloy ang hangin mula sa bawat punto ng aparato upang mas mababa ang pressure sa ilalim ng mga nakausling buto. Kasama din sa kategoryang ito ang mga mekanikal na aparato na awtomatikong iniiba ang presyur para sa iyo. Ang pagpili ng mga panig na nakakabawas ng pressure ay dapat gawin nang may payo ng iyong propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga at therapist para makuha ang pinakanaaangkop sa iyo.

Pansinin na ang kagamitang ito ay tinatawag na ‘nakakabawas’ ng presyor, hindi nakakatanggal ng pressure. Walang aparato na nakakapagtanggal ng lahat ng pressure. Kailangan pa ring isagawa ang pagpapalabas ng presyor.

Nakakadagdag ng pressure ang mga unan at craft foam. Kapaki-pakinabang ang mga ito upang mapanatili sa puwesto ang iyong katawan ngunit nakakadagdag ng pressure sa mabubutong panig. Walang iba liban sa iyong mga damit ang dapat na nakapagitna sa iyo at sa iyong kagamitang nakakabawas ng presyor.

Pagmamapa ng Presyon Masusukat at makikita kung gaano kahusay gumagana ang iyong panig na nakakabawas ng presyor sa pamamagitan ng isang aparatong nagmamapa ng presyur (pressure mapping device). Ito ay kalupkop (overlay) na nasa pagitan mo at ng panig na nakakabawas ng presyor na tinatasa mo. Ipapakita ng isang litrato kung gaano karaming presyor ang nasa mga buto mong nakausli kapag ginagamit ang kagamitan na nakakabawas ng presyor. Mainam ang kulay asul o berde, habang ang pula o orange ay nagpapahiwatig na hindi sapat ang naikakalat na presyon. Ang mga ito ay hindi aparatong ginagamit araw-araw, kundi, mga kasangakapan sa pagtatasa na maaaring makaalam sa kalagayan ng kasalukuyan mong kagamitan o mga bagonga aparato.

Mga Pagpapalabas ng Presyon Para makaiwas sa pinsala dulot ng presyon, kailangan mong magpalabas ng pressure kada 10 hanggang 15 minuto sa loob ng 60 segundo habang gising. Kasama dito ang pagtitindig sa iyong katawan mula sa panig na inuupuan, pagkiling sa bawat gilid, mula sa harap tungo sa likod, o paggamit sa kakayahan ng iyong upuan na umangat. Pinapayagan nitong dumaloy ang sirkulasyon ang hindi naaantala ng presyon Sa kama, kailangan ang pag-ikot kada dalawang oras o mas maikli. Kung may pinsala dulot ng presyon na nagsisimula bilang pagbabago sa kulay ng balat, iwasan ang bahaging iyon hanggang sa malunasan ang pagbabago ng kulay.

Pagpuwesto Susi ang pagpapanatili ng pagkakaayon ng katawan upang mapanatiling mahusay na gumagana ang katawan mo. Ito ay ang pagpuwesto sa katawan gaya ng sa normal na kalagayan. Hindi lang ito nakakatulong sa paghinga, pagtunaw ng pagkain at pagdaloy ng dugo, nakakatulong din ito sa pag-iwas sa pressure injury. Ang wastong pagpuwesto ay ang natural na paraang gusto ng katawan para mapanatili ang kalusugan nito. Inilalagay nito ang katawan sa pinakagumaganang kalagayan nito. Dapat panatilihin ang maingat na pagpuwesto kapag nakahiga o nakaupo.

Shearing Igalaw ang iyong sarili sa pamamagitan ng pag-aangat sa iyong katawan kaysa sa pagkakaladkad dito. Pinupuksa nito ang shearing (paghihilatsa) o paghihiwalay ng epidermis sa dermis. Ang shearing ay maaaring namumulang bahagi o nahiwalay na epidermis na nag-iiwan ng hiwa sa iyong balat. Kahit na nasa ibabaw na patong lang ng balat ang hiwa, makakapasok pa rin ang bakterya sa iyong katawan. Maaari din itong magsanhi ng pananakit o reaksyong autonomic dysreflexia (AD).

Mga Kulubot Tiyakin na walang kulubot ang buong panig kung saan may presyon ang iyong katawan. Maaaring magdulot ng pressure sa iyong balat ang mga pananamit, kagamitan sa pag-ihi, mga pantulong na aparato (adaptive devices) o iba pang mga balakid mayroon mang nakausling buto o wala. Pinananatiling ligtas ng mga panlapat na kumot (smoothing sheet) at pananamit ang iyong balat.

Pagkabanayad Nagiging magaspang ang pagtrato ng ilang indibidwal sa kanilang mga katawan, kadalasan dahil sa kakulangan ng pakiramdam. Naging kagawian na ang pagmamadali at pagduduhapang ng mga bahagi ng katawan sa kama o sa upuan. Ingatan ang iyong katawan. Ang pagkabanayad ay dahilan upang makaiwas sa maraming problema sa pagkapunit ng balat, shearing, pamamasa, pamumuo ng pinsala dulot ng presyon, mga baling buto at deep vein thrombosis (DVT). Maaaring bawas ang iyong pakiramdam, ngunit may ibang reaksyon parin ang iyong katawan sa injury at pananakit.

Ang Mga Sentro sa Pangangalaga ng Sugat ay binubuo ng mga ekspertong nagpapagaling ng mga pinsala dulot ng presyon. Kung ikaw ay nag-aalala dahil sa isang pinsala dulot ng presyon, tiyaking kumonsulta sa mga eksperto sa isang sentro sa pangangalaga ng sugat para sa pinakabagong paraan ng paggagamot ng iyong pinsala.

Paggaling mula sa Pressure Injury

Napakaselan ng bahagi kung saan naghilom ang pinsala dulot ng presyon. Ang balat ay may natural na kakayahang mabanat. Ito ang kaunting ‘pagbibigay’ mula sa balat para sa presyon at paggalaw. Ang balat na naghilom na pinsala dulot ng presyon ay peklat na walang kakayahang mabanat. Kahit na isinara ang isang pinsala dulot ng presyon sa pamamagitan ng operasyon, hindi sanay ang balat na iyon sa presyon. Mas malaki ang pagkakataon ng naghilom o naayos na balat para mapagbuti ang isang pinsala dulot ng presyon.

Kapag nalunasan na ang isang pinsala dulot ng presyon, magsisimula na ang pagpapaubaya sa presyon. Magsisimula ito sa pamamagitan ng paghiga o pag-upo sa bahagi nang hindi lalampas sa 5 minuto at pagkatapos ay pag-iwas sa bahaging iyon nang hindi bababa sa dalawang oras. Kung walang pagbabago sa kulay, unti-unting dadagdagan ang presyon sa bahaging iyon sa paglipas ng panahon. Dapat tasahin ang bawat sesyon ng presyon para sa pagbabago ng kulay. Magpapatuloy ang proseso hanggang sa maabot ang iyong normal na oras ng presyon. Dapat isagawa ang pagpapalabas ng pressure upang maiangkop ang pressure kahit na gumagamit ng kagamitan sa pagpapakalat ng presyon.

Dahil bawas ang kakayahang mabanat ng balat sa ibabaw ng pinsala dulot ng presyon, mas madaling magkaroon ng mga pinsala dulot ng presyong ito sa hinaharap. Maging masigasig sa pagsubaybay sa bahaging iyon.

Rehabilitasyon

Dapat panatilihin ang patuloy na pagsubaybay sa lahat ng balat dahil sa bawas na pakiramdam pagkatapos ng spinal cord injury. Kailangang-kailangan ang malusog na balat para sa malusog na buhay. Kabilang sa mga kalahok sa pag-aalaga ng mga indibidwal ay ang:

Physiatrist Ang medikal na pinuno ng iyong team. Ang doktor na ito na espesyalista ng pisikal na medisina at rehabilitasyon na siyang mangangasiwa sa pangangalagang kinakailangan para sa iyong sitwasyong pangkalusugan. Maaaring sila ang mangalaga sa iyong pinsala dulot ng preyson o kumonsulta sa ibang mga propesyonal.

Doktor sa Pangangalaga ng Sugat o Plastic Surgeon Ang mga doktor sa pangangalaga ng sugat o plastic surgeon ay mga medikal na propesyonal na espesyalista sa pangangalaga ng pinsala dulot ng preyson. Hindi ibig sabihin nito na ooperahan ka o mangangailangan ng operasyon, ngunit ang medikal na espesyalistang ito ay magtatakda ng kailangang paggagamot upang mapaghilom ang iyong pinsala.

Nars sa Pangangalaga ng Sugat Isang rehistradong nars na may espesyal na pagsasanay ang magbibigay ng paggagamot at magpapalit ng mga pantapal na kinakailangan upang mapaghilom ang iyong pinsala. Oobserbahan ng taong ito ang iyong pinsala dulot ng presyon kung umaayos at aaksyon kung naaantala ang paggaling. Ikaw o ang iyong tagapag-alaga ay tuturuan niya kung paano palitan ang pantapal sa presyon sa bahay. Tatasahin nila ang kagamitan mo para sa pagpapakalat ng presyon.

Physical Therapist Sa ilang bahagi ng bansa, sinakop na ng mga Physical Therapist ang mga tungkulin sa pangangalaga ng pinsala dulot ng preyson. Pwedeng gamutin ng physical therapist sa iyong pinsala pati na rin ang mag-order ng kagamitan upang turuan ka ng mga pamamaraan ng paggalaw upang makaiwas sa dagdag na pinsala.

Insurance Nurse Case Manager Magbibigay ang iyong insurance ng isang taong tutulong sa iyo sa mga pangangailangan mo para sa iyong pinsala dulot ng presyon. Ito rin ang taong itatalaga ng nagbabayad para sa pangangalaga ng iyong spinal cord injury. Makikipagtulungan sila sa iyo upang makuha ang kagamitan at mga paggagamot na kinakailangan upang malunasan ang iyong pinsala dulot ng presyon.

Dietician Pagkatapos ng spinal cord injury, tumutulong ang dietician upang matiyak na alam mo ang mga nutrisyonal na pangangailangan ng iyong katawan para sa kalusugan. Maaaring tumulong ang dietician sa dami ng kalories at sustansyang kailangan ng katawan para mapaghilom ang iyong pinsala dulot ng presyon.

Psychologist Naaapektuhan ng pangmatagalang pinasala dulot ng preyson ang iyong buhay sa iba’t ibang paraan. Tutulungan ka ng psychologist na bumuo ng mga estratehiya para maharap ang pangmatagalang problema.

Vocational Counselor Maaaring magbago ang iyong buhay-pagtatrabaho sa di-tiyak na haba ng panahon, lalo na kung ikaw ay nasa bahay at nakaratay. Pwedeng makipagtulungan ang vocational counselor sa nagpapatrabaho sa iyo upang matiyak na magpapatuloy ang iyong trabaho o para tulungan kang magkaroon ng mga bagong kakayahan.

Pagsasaliksik

Napakalawak ng pag-aaral ukol sa balat at pinsala dulot ng presyon . Sinasaliksik ang mga isyung ukol sa balat sa larangan ng physiology (kung paano gumagana ang balat) pati na rin ang mga sakit sa balat gaya ng mga pantal at paghihilom ng balat. Makabuluhan ang artipisyal na balat para sa malalaki, bukas na pinsala dulot ng presyonna maaaring matakpan upang mapasimulan ang paghilom at mapalitan ang natural na pangharang ng balat laban sa impeksyon. Napakahalaga nito sa paggagamot ng mga paso at mga sugat na kauri ng pinasala dulot ng presyon. Kitang-kita ang pagsasaliksik tungkol sa balat sa mga laboratoryo at klinika at ang ilan sa mga ito ay sa dermatology, plastic at reconstructive surgery, pisikal na rehabilitasyon, pangangalaga at physical therapy.

Ang pinsala dulot ng presyon ay larangan ng pagsasaliksik na napakalawak. Ang mga estratehiya at pamamaraan sa pagpigil kabilang ang nutrisyon, hydration, pagpapalabas ng pressure, kagamitan sa pagpapalabas ng presyon, at pagpapahusay sa daloy ng dugo ay ang susi para maiwasan ang mga pinsala dulot ng presyon. Ang mga patnubay para malaman ang yugto ng mga pinsala dulot ng presyon ay kasalukuyang narebisa batay sa kasalukuyang ebidensya (pagsasaliksik). Isinaalang-alang at binalikan ang mga paggagamot sa pagpapahilom ng pinsala bilang mga inobasyon sa pangkalusugang pangangalaga.

Kabilang sa espesipikong pagsasaliksik sa pinsala dulot ng presyon ang cytokine growth factor therapy (hal. recombinant human platelet-derived growth factor (rhPDGF), basic fibroblast growth factor), mga therapy na batay sa selula (platelet-rich plasma, paghahatid ng autologous stem cell), at mga pagpapahusay sa teknolohiya ng mga panig na nakakabawas ng pressure (hal. teknolohiyang fluid immersion).

Nasaliksik na ang mga pang-edukasyong estratehiya para sa mga indibidwal, pamilya, nars, at iba pang mga propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga para sa pinakamahusay na pagsasagawa. Binibigyang-diin ang iba’t ibang puntong pang-edukasyon para sa komunidad, sa intensive at acute na ospital at lalong-lalo na sa ospital na pangrehabilitasyon.

Subalit, sa kabila ng lahat ng pagsasaliksik sa physiology, pagpigil at paggagamot, nagaganap pa rin ang mga pinsala dulot ng presyon. Kadalasan, nagaganap ang mga pinsala kahit nakapailalim sa pinakamahusay na pag-aalaga. Humuhusay ang paghahanap ng solusyon sa ganap na pagpigil sa pangangailangan ng mga tao at mga isyung mekanikal, subalit, hindi madaling mahanap ito. Dahil sumasalabat ang mga isyu sa balat at ang presyon na pinsala sa maraming isyu sa pangkalusugang pangangalaga kabilang ang spinal cord injury, ibinabahagi ang pagsasaliksik sa mga propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga.

Mga Katotohanan at Bilang ukol sa Presyon na pinsala.

Sa U.S., napag-alaman ng Collaborative Healthcare Patient Safety Organization na ang Hospital Acquired Pressure Injury (HAPU) ay may 2.5 milyong pasyente. Ang device presyon na pinsala ay nasa mga 30% ng kabuuang bilang ng mga presyon na pinsala.

Ang kaganapan ng presyon na pinasal sa mga indibidwal na may spinal cord injury ay 25-66%. Kapag mas mataas ang antas ng pinsala, mas mataas ang kaganapan ng presyon na pinsala.

Sa buong mundo, 1 sa 5 indibidwal na may spinal cord injury ang magkakaroon ng presyon na pinsala.

Ang pinakakaraniwang bahaging naaapektuhan ng presyon na pinsala ay ang sacrum (sa ibabaw ng guhit ng puwit, balakang) at sa ischium (mga pang-upong buto sa ibaba).

Ang halaga ng sukdulang kakapalan ng presyon na pinsala ay tinataya sa halagang $70,000 na may kabuuang $11 bilyon taon-taon.

Ang presyon na pinasala ang sanhi ng ikalawang pinakamalaking bilang ng mga medikal na kaso taon-taon na nasa 17,000.

May 60,000 pagkamatay kada taon na tuwirang maipapatungkol sa presyon na pinsala.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon ng Konsumidor

Kung naghahanap ka ng karagdagang imipormasyon tungkol sa pangangalaga ng balat at presyon na pinsala o kung mayroon kang espesipikong tanong, makakausap ang aming mga Information Specialist sa buong linggo ng pagtatrabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet tungkol sa pangangalaga sa balat at pinsala sa presyon na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis. Hinihikayat ka namin na maabot ang mga samahan ng pinsala sa presyon kabilang ang:

National Pressure Injury Advisory Panel https://npiap.com/

Bidyo: Pag-aalaga sa Balat

Bidyo: Pagpapaginhawa ng Presyon

Narito ang ilang paraan kung paano maigagalaw ang iyong katawan sa upuan mo para makahinga ang iyong balat at makaiwas sa mga pressure sore (mga sugat dahil sa presyon).

KARAGDAGANG PAGBABASA

Mga Sanggunian

Alderden J, Rondinelli J, Pepper G, Cummins M, Whitney J. Risk factors for pressure injuries among critical care patients: A systematic review. International Journal of Nursing Studies, Volume 71, June 2017, pages 97-114. https://doi.org/10.1016/j.ijnurstu.2017.03.012

Bhutani S, Vishwanath G. Hyperbaric oxygen and wound healing. Indian J Plast Surg. 2012;45(2):316-324. doi:10.4103/0970-0358.101309

Chen HL, Cai J-Y, Du L, Shen H-W, Yu H-R, Song Y-P, Zha ML. Incidence of pressure injury in individuals with spinal cord injury. Journal of Wound, Ostomy and Continence Nursing: May/June 2020 – Volume 47 – Issue 3 – p 215-223 doi: 10.1097/WON.0000000000000633

Cowan LJ, Ahn H, Flores M, Yarrow J, Barks LS, Garvan C, Weaver MT, Stechmiller J. Pressure ulcer prevalence by level of paralysis in patients with spinal cord injury in long-term care. Advances in Skin & Wound Care: March 2019 – Volume 32 – Issue 3 – p 122-130 doi: 0.1097/01.ASW.0000553109.70752.bf

Delparte, J.J., Flett, H.M., Scovil, C.Y. et al. Development of the spinal cord injury pressure sore onset risk screening (SCI-PreSORS) instrument: a pressure injury risk decision tree for spinal cord injury rehabilitation. Spinal Cord (2020). https://doi.org/10.1038/s41393-020-0510-y

Edsberg LE, Black JM, Goldberg M, McNichol L, Moore L, Sieggreen M. Revised National Pressure Ulcer Advisory Panel Pressure Injury staging system: Revised pressure injury staging system. J Wound Ostomy Continence Nurs. 2016;43(6):585-597. doi:10.1097/WON.0000000000000281

Fiordelli M, Zanini C, Amann J, Scheel-Sailer A, Brach M, Stucki G, Rubinelli S. Selecting evidence-based content for inclusion in self-management apps for pressure injuries in individuals with spinal cord injury: Participatory design study. JMIR Mhealth Uhealth 2020;8(5):e15818 DOI: 10.2196/15818 PMID: 32432559 PMCID: 7270844

Gour-Provencal G, Mac-Thiong J-M, Feldman DE, Bégin J, Richard-Denis A. Decreasing pressure injuries and acute care length of stay in patients with acute traumatic spinal cord injury. The Journal of Spinal Cord Medicine, 2020. DOI: 10.1080/10790268.2020.1718265

Grigorian A, Sugimoto M, Joe V, Schubl S, Lekawa M, Dolich M, Kuncir E, Barrios C, Nahmias J. Pressure ulcer in trauma patients: A higher spinal cord injury level leads to higher risk. J Am Coll Clin Wound Spec. 2017; 9(1-3): 24–31.e1. doi: 10.1016/j.jccw.2018.06.001 PMCID: PMC6304286 PMID: 30591898.

Harper AE, Terhorst L, Brienza D, Leland NE. (2020) Exploring the first pressure injury and characteristics of subsequent pressure injury accrual following spinal cord injury. The Journal of Spinal Cord Medicine, DOI: 10.1080/10790268.2020.1744871

Hogaboom NS, Worobey LA, Houlihan BV, Heinemann AW, Boninger ML. Wheelchair breakdowns are associated with pain, pressure injuries, rehospitalization, and self-perceived health in full-time wheelchair users with spinal cord injury. Archives of Physical Medicine and Rehabilitation Volume 99, Issue 10, October 2018, Pages 1949-1956. https://doi.org/10.1016/j.apmr.2018.04.002

Kloth, LC. Electrical stimulation for wound healing: A review of evidence from in vitro studies, animal experiments, and clinical trials. Sage Publications, 2005, LOWER EXTREMITY WOUNDS 4(1);2005 pp. 23–44, Sage Publications.

Kranke P, Bennett MH, Martyn-St James M, Schnabel A, Debus SE, Weibel S. Hyperbaric oxygen therapy for chronic wounds. Cochrane Database of Systematic Reviews 2015, Issue 6. Art. No.: CD004123. DOI: 10.1002/14651858.CD004123.pub4

Kruger EA, Pires M, Ngann Y, Sterling M, Rubayi S. Comprehensive management of pressure ulcers in spinal cord injury: current concepts and future trends. J Spinal Cord Med. 2013;36(6):572-585. doi:10.1179/2045772313Y.0000000093

Lemmer DP, Alvarado N, Henzel K, Richmond MA, McDaniel J, Graebert J, Schwartz K, Sun J, Bogie KM. What lies beneath: Why some pressure injuries may be unpreventable for individuals with spinal cord injury. Archives of Physical Medicine and Rehabilitation, Volume 100, Issue 6, June 2019, Pages 1042-1049. https://doi.org/10.1016/j.apmr.2018.11.006

Levine SM, Sinno S, Levine JP, Saadeh PB. An evidenced-based approach to the surgical management of pressure ulcers. Ann Plast Surg 2012;69:482–4. doi: 10.1097/SAP.0b013e31824b26bc.

National Center for Complementary and Integrated Health (NCCIH). Common skin conditions at a glance. https://www.nccih.nih.gov/health/skin-conditions-a…

Posthauer ME, Banks M, Dorner B, Schols J. The role of nutrition for pressure ulcer management. Advances in Skin & Wound Care: April 2015 – Volume 28 – Issue 4 – p 175-188 doi: 10.1097/01.ASW.0000461911.31139.62

Scheel-Sailer, A., Wyss, A., Boldt, C. et al. Prevalence, location, grade of pressure ulcers and association with specific patient characteristics in adult spinal cord injury patients during the hospital stay: a prospective cohort study. Spinal Cord 51, 828–833 (2013). https://doi.org/10.1038/sc.2013.91

Schwartz K, Henzel MK, Richmond MA, Zindle JK, Seton JM, Lemmer DP, Alvarado N, Bogie KM. (2020) Biomarkers for recurrent pressure injury risk in persons with spinal cord injury. The Journal of Spinal Cord Medicine, 43:5, 696-703, DOI: 10.1080/10790268.2019.1645406

Sherman RA, Wyle F, Vulpe M. Maggot therapy for treating pressure ulcers in spinal cord injury patients. The Journal of Spinal Cord Medicine, 18:2, 71-74, DOI: 10.1080/10790268.1995.11719382

Sun Y-S. Electrical stimulation for wound-healing: Simulation on the effect of electrode configurations. BioMed Research International, vol. 2017, Article ID 5289041, 9 pages, 2017. https://doi.org/10.1155/2017/5289041

Tasleem S, Naqvi SB, Khan SA, Hashimi K. ‘Honey ointment’: a natural remedy of skin wound infections. J Ayub Med Coll Abbottabad. 2011;23(2):26-31. PMID: 24800336

Thakral G, LaFontaine J, Najafi B, Talal TK, Kim P, Lavery LA. Electrical stimulation to accelerate wound healing. Diabet Foot Ankle. 2013; 4: 10.3402/dfa.v4i0.22081. doi: 10.3402/dfa.v4i0.22081. PMCID: PMC3776323. PMID: 24049559

Ud-Din S, Bayat A. Electrical stimulation and cutaneous wound healing: A review of clinical evidence. Healthcare (Basel). 2014 Dec; 2(4): 445–467. doi: 10.3390/healthcare2040445 PMCID: PMC4934569 PMID: 27429287

Vos-Draper TL, Morrow MMB. Seating-related pressure injury prevention in spinal cord injury: A review of compensatory technologies to improve in-seat movement behavior. Curr Phys Med Rehabil Rep. 2016;4(4):320-328. doi:10.1007/s40141-016-0140-7

Zanini, C., Lustenberger, N., Essig, S. et al. Outpatient and community care for preventing pressure injuries in spinal cord injury. A qualitative study of service users’ and providers’ experience. Spinal Cord 58, 882–891 (2020). https://doi.org/10.1038/s41393-020-0444-4