Pag-aalaga sa itaas na galamay o parte ng katawan
May sakit sa braso, balikat o pulso
Kung nagtutulak ka ng wheelchair, hindi ka nag-iisa. Halos kalahati ng mga may spinal cord injury ay nakakaranas ng sakit sa upper extremity bilang resulta ng pagtulak ng wheelchair. Gayunpaman, kung may kaalaman, tamang kagamitan, ehersisyo at pangangalaga, mapapanatili mo ang iyong mga braso at balikat pangmatagalan, at maiiwasan ang sakit.
Maraming indibidwal na nagtutulak ng manu-manong wheelchair sa kanilang buong buhay ay walang isyu, ngunit maaaring mapilitan ang isang tao lumipat mula sa isang manu-mano patungo sa isang power wheelchair dahil sa pagtaas ng timbang, pagtanda, at sakit.
Maraming kadahilanan hihimuk sa isang tao na lumipat – ang mga power wheelchair ay mas mabilis at maaaring lagyan ng tilt-in-space na upuan na nagbibigay ng pinakamahusay na lunas sa presyon – ngunit maaari maging isang mahirap na desisyon. Sa dahilang psychological, ang ilan ay maaaring makaramdam ng higit na ‘may kapansanan’ kapag gamit ang power wheelchair, at ang pangangailangan para sa isang van ay isang napakamahal na kadahilanan upang isaalang-alang dahil ang paglipat mula sa isang power chair patungo sa upuan ng kotse ay hindi praktikal.
Ang mga aparato na power-assist ay magagamit upang gawing makabagong power yunit and isang manu-manong wheelchair. Ang bentahe ay mas mura sila kaysa sa isang buong power yunit ngunit magdagdag ng makabuluhang timbang sa isang manu-manong chair, at ginagawang mas mahirap ang pagsakay sa kotse.
Bago ka gumawa ng anumang desisyon: Palaging makipagtulungan sa isang pangkat ng mga seating specialist.
Alam ng mga seating specialist na ang tamang pagpoposisyon ay mahalaga upang maiwasan ang sakit, at makakatulong sila sa mga isyu hinggil sa reimbursement ng kagamitang medikal.
Pagdating sa pagbabago ng iyong wheelchair, ang pangunahing pasya ay batay sa pagkamit ng lubos na kalayaan. Ang pagpili sa paglipat sa power chair ay hindi maaari at hindi dapat gawin nang mag-isa. Maraming mga kadahilanan na kasangkot sa pagpili ng tamang chair at mga aksesorya upang tumugma sa iyong tukoy na mga pangangailangan.
Bidyo: Pag-iwas sa mga isyu sa balikat
Naka-set up ba ang iyong wheelchair para sa pinakamahusay na gamit? Maaaring nagtatrabaho ka nang labis upang makapaglibot at itinatakda ang iyong sarili para sa sakit sa balikat.
Mga tip upang mabawasan ang mga problema sa braso at kamay
Kung mananatili ka sa iyong manu-manong upuan, narito ang ilang tip na isaalang-alang:
- Ayusin ang mga axle sa hulihan papunta sa harap hanggat kaya nang walang pakiramdam na parang susubsob. Maaaring naisin mong magdagdag ng mga anti-tiper kung hindi mo mahawakan ang isang wheelie; pipigilan ka nito mula sa pagbaliktad.
- Para sa isang maayos, low-impact na pagtulak, ang paggalaw ng kamay ay dapat paikot-ikot –hindi pabalik-balik. Makabubuti na ibagsak ang iyong mga kamay kapag pinakawalan mo ang mga rim. Ibalik ang mga ito nang mababa na parang hahawakan mo ang mga axle. Ang landas ng iyong mga kamay ay dapat na maliit na bilog sa loob ng malaking bilog ng rim.
- Ang paglipat ay nagpapahirap sa balikat. Huwag lumipat kung hindi kinakailangan.
- Ang taas ng upuan ay nakakaapekto sa kahusayan ng pagtulak ng rim. Kung ang mga axle ng iyong gulong ay masyadong mataas o masyadong mababa, pinapahirap nito ang iyong trabaho. Ang mas mababang pagkaupo ay mas mahusay. Itakda ang taas ng axle upang ang mga daliri ay lampas sa mga axle kapag ikaw ay sumandal na nakapahinga ang mga braso.
- Ang mga gulong na hindi tama ang hangin ay mas mahirap itulak. Panatilihing madaling magamit ang isang panukat at panatilihing ganap na napunan ang mga gulong.
- Ang kasalukuyang linya ng mga magaan na chair, lalo na ang mga gawa sa titanium, ay maaaring makagawa ng malaking pagkakaiba sa paggalaw ng isang tao. Ang mga lightweight ay nangangailangan ng mas kaunting puwersa upang itulak, ganap silang naaayos at mas mababa ang gastos upang mapatakbo kaysa sa mabibigat na uri na parang pang ospital.
- Isaalang-alang ang mga pagbabago sa kapaligiran sa bahay upang mabawasan ang stress sa mga upper extremity. Kasama rito ang mga kagamitan sa paglipat, elevator o mga kama pang-ospital.
- Tandaan na gamutin kaagad ang acute pain at subukang mapanatili ang pinakamainam na saklaw ng kilos.
Kasama ng wastong setting ng chair at mga pagbabago, ang ehersisiyo at pag-iinat ay mahahalagang bahagi ng kalusugan ng balikat. Ang balikat ay isang kamangha-manghang joint ngunit dahil ito ay binubuo ng isang kumplikadong hanay ng mga tendon at malalambot na tissue, kailangan itong igalaw sa loob ng saklaw nito. Ikaw ay pinapayuhan makipagtulungan sa isang physical therapist upang higit na malaman kung ano ang dapat mong gawin upang maiinat ang balikat.
Ang pagpapanatili ng lakas at kakayahang umangkop ng balikat ay nangangailangan ng ehersisyo. Halimbawa, gumamit ng isang pares ng magaang na dumbbell o isang elastic band para sa pagsasanay sa resistance. Muli, kumuha ng payo bago ka magsimula sa anumang programa sa pag-eehersisyo, at gawin ito sa iyong sariling bilis. Maaari mong saktan ang iyong sarili kung susubukan mong gumawa ng sobra at napakabilis.
Ang impormasyon sa itaas ay nagmula sa Clinical Practice Guidelines na binuo ng Consortium for Spinal Cord Injury, kung saan ang Reeve Foundation ay miyembro ng nagpapatakbong komite. Ang pangunahing mga alituntunin ay nakatutok sa mga propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan. Ang isang patnubay sa mamimili, “Preservation of Upper Limb Function: What You Should Know” ay inilabas kamakailan. Makukuha ang mga publikasyon mula sa Paralyzed Veterans of America.