Reeve Summit 2025 | March 10-12 | Register Now!

Connect

Pamamahala sa Pantog

Ang epekto ng paralysis sa inyong pantog.

Ang paralysis sa anumang antas ay karaniwang nakaka-apekto sa pagkokontrol ng pantog. Ang mga nerbiyo na nagkokontrol sa mga organ na ito ay nakakabit sa pinaka-base ng spinal cord (mga antas S2-S4) at samakatuwid ay mapuputol mula sa input ng utak.

Kahit na hindi posibleng muling makuha ang parehong kontrol tulad nang bago mangyari ang paralysis, maraming iba’t ibang mga pamamaraan at kagamitan ang available para mapamahalaan ang tinatawag na neurogenic na pantog.

Gayunman, bago simulan ang mga pamamaraan, mahalagang unawain kung paano gumagana ang inyong pantog at ano ang maaasahan pagkatapos ng paralysis.

Paano gumagana ang pantog

Ang ihi ay pinabababa gamit ang maninipis na tubo na tinatawag na ureters, na karaniwang nagpapahintulot sa pagdaloy ng ihi sa isang direksyon lang. Ang mga ureter ay nakakonekta sa pantog, na nagsisilbi bilang isang uri ng imbakan na bag na hindi gusto ang presyur. Kapag puno na ang bag, tumitindi ang presyur, at ang mga nerbiyo ay nagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng spinal cord papunta sa utak.

Kapag handa na ang taong alisin ang laman ng pantog, nagpapadala ng mensahe ang utak pababa sa spinal cord papunta sa pantog, na nagsasabi sa detrusor na kalamnan (ang pader ng pantog ) na pigain at mag-relaks at bumuka ang sphincter na kalamnan (isang valve sa palibot ng itaas ng parte ng urethra). Ang ihi ay dumadaloy pababa sa urethra para makalabas sa katawan. Ito ay isang eleganteng proseso ng koordinasyon ng kalamnan para umihi.

Makalipas ang isang paralysis, ang normal na sistema ng pagkontrol ng katawan ay nagkakagulo; ang mga mensahe ay hindi na dumadaan sa pagitan ng mga muscle ng bladder at utak. Ang parehong detrusor at sphincter ay maaaring sobrang nagtatrabaho sanhi ng kakulangan sa pagkontrol ng utak.

Ang isang overactive na detrusor ay maaaring sumikip kaunti-kaunti kapag may overactive na sphincter; ito ay humahantong sa mataas na mga presyur sa pantog, kawalan ng pagpipigil, hindi ganap na pag-aalis ng laman nito, at reflux – kasama na ang paulit-ulit na mga impeksyon sa pantog, mga bato, hydronephrosis (kidney distention), pyelonephritis (pamamaga ng kidney), at renal failure.

Ang neurogenic na pantos ay karaniwang naaapektuhan sa isa mula sa dalawang paraan: spastic (reflex) na pantog at flaccid (non-reflex) na pantog.

Spastic (reflex) na pantog

Kapag napuno na ang pantog ng ihi, isang hindi paunang malalaman na reflex ay awtomatikong nagpapasimula dito para alisin ang laman; ito ay karaniwang nangyayari kapag ang pinsala ay higit sa T12 na antas. Sa spastic na pantog, hindi ninyo alam kung kailan, o kung, wala nang laman ang pantog.

Ang mga doktor na pamilyar sa spinal cord injury ay madalas na nagrerekumenda ng pang-relaks sa pantog na gamot (anticholinergic) para sa reflexive na pantog; oxybutynin (Ditropan) ay karaniwan, na may pangunahing side effect ng nanunuyong bibig. Ang tolterodine, propiverine, o transdermal oxybutinin ay maaaring magresulta sa hindi masyado nanunuyong bibig. Ang Botulinum toxin A (Botox) ay maaaring isang alternatibo sa anticholinergics. Ito ay naaprubahan ng FDA para sa detrusor overactivity na paggagamot sa mga indibiduwal na may SCI at multiple sclerosis. Ang pakinabang: Ang botox ay karaniwang natatagpuan sa pantog, samakatuwid, iwasan ang mga systemic na side effect, kasama ang nanunuyong bibig.

Flaccid (non-reflex) na pantog

Ang flaccid na pantog ay nangangahulugan na ang reflex ng mga kalamnan ng pantog ay mabagal o wala; ito ay maaaring sobrang mabanat o mahila. Ang pagbabanat nito ay nakaka-apekto sa tone ng kalamnan ng pantog. Maaari rin na hindi ito ganap na maalisan ng laman.

Maaaring kabilang sa mga paggagamot ang sphincter na pang-relaks na mga gamot (alpha-adrenergic blockers) tulad ng terazosin (Hytrin) o tamsulosin (Flomax). Ang botox na nainiksyon sa external urinary sphincter ay maaaring mapahusay sa pag-aalis ng laman ng pantog.

At, ang pag-oopera ay isang opsyon para buksan ang sphincter. Ang outlet na operasyon sa pantog, o sphincterotomy, ay nagbabawas ng presyur sa sphincter at samakatuwid ay pinapahintulutan ang ihi na mas madaling dumaloy palabas mula sa pantog. Ang alternatibo sa sphincterotomy ay ang paglalagay ng metal na aparato na tinatawag na stent sa pamamagitan ng external sphincter, at samakatuwid ay tinitiyak ang isang bukas na daanan. Ang isang bagay na nagpapahirap sa parehong sphincterotomy at stenting ay naiiwan ang sperm mula sa pagpapalabas sa pantog (retrograde), kaysa sa paglabas sa ari ng lalaki. Hindi nito inaalis ang posibilidad na magkaroon ng anak pero nagiging mas komplikado ito; ang sperm ay maaaring makolekta mula sa pantog pero puwedeng masira ng ihi.

Nagaganap ang dyssynergia kapag ang sphincter na mga kalamnan ay hindi nagre-relaks kapag sumisikip ang pantog. Hindi makakadaloy ang ihi sa urethra, na maaaring magresulta sa pagbalik ng ihi patungo sa mga bato (tinatawag na reflux), na maaaring humantong sa mas malulubhang mga komplikasyon.

Ang pinaka-karaniwang paraan ng pag-aalis ng laman ng pantog ay ang intermittent catheterization program (ICP), na inaalisan ng laman ang pantog sa nakatakda nang iskedyul (tuwing apat hanggang anim na buwan sa pangkaraniwan).

Ang catheter ay ipinapasok sa urethra para maalis ang laman ng pantog, tapos ay inaalis. Ang indwelling catheter (Foley) ay patuloy na nag-aalis ng laman sa pantog. Kung magmula ang pag-aalis ng laman mula sa stoma (isang bukasan na nalikha sa pamamagitan ng pag-oopera) sa may lugar ng pubic bone, na umiiwas sa urethra, ito ay tinatawag na suprapubic catheter.

  • Pakinabang: walang limitasyong intake ng liquid.
  • Di kasiya-siyang kalalabasan: maliban sa pangangailangan ng collection device, ang indwelling catheters ay mas madaling magkaroon ng urinary tract infection.

Ang external condom catheter, na patuloy ang pag-aalis ng laman, ay isang opsyon para sa mga lalaki. Ang mga condom catheter ay nangangailangan rin ng collection device, hal. leg bag.

May maraming mga alternatibo sa pamamagitan ng pag-oopera para sa hindi wastong paggana ng pantog: Ang mitrofanoff procedure ay bumubuo ng bagong daanan ng ihi gamit ang apendiks; ito ay nagpapahitulot sa catheterization na maisagawa sa pamamagitan ng isang stoma sa tiyan na direkta sa pantog, isang malaking pakinabang para sa mga kababaihan at mga taong may limitadong pagkilos ng kamay.

Ang pagpapalaki ng pantog ay isang procedure na nagpapalaki sa pantog sa pamamagitan ng pag-opera, gamit ang tissue mula sa mga bituka, para mapalaki ang kakayahan ng pantog at sa gayon ay mabawasan ang pagtulo at pangangailangan ng madalas na catheterization.

Karaniwan sa mga taong may multiply sclerosis at iba pang mga spinal cord na sakit na magkaroon ng mga problema sa pagkokontrol ng pantog. Maaaring kabilang dito ang kaunting pagtulo kapag bumahing o tumawa, o kawalan ng lahat ng kontrol. Para sa karamihan, ang naaangkop na pananamit at padding ay maaaring makatulong sa kawalan ng kontrol na ito. Nakikinabang ang ilang mga kababaihan sa pagpapalakas ng pelvic diaphragm (mga Kegel na ehersisyo) para mapahusay ang pagpipigil ng ihi.

Mga katheter

Hindi na kailangang muling gamitin ang catheter ng paulit-ulit. Ang Medicare at iba pang mga nagbabayad ay maaari na ngayong magbalik ng naibayad para sa single use na intermittent ng mga catheter.

Tama nga naman isipin na ang disposable na mga catheters ay maaaring magbawas sa pagkakaroon ng impeksyon sa pantog, lalo na ang saradong “no touch” na mga sistema na may dulong nananatiling sterile.

Pero, ang Medicare ay hindi pinipilit na bayaran ang mga sterile na catheter, hangga’t hindi tunay na malubha ang sakit ng tao mula sa impeksyon sa pantog- ng dalawang beses – at tapos ay kukuha ng reseta mula sa doktor.

Ang regular na catheter ay lubos na mas mura ng $200 kada buwan kumpara sa $1500 na halaga kada buwan o higit pa para sa disposable sterile ng mga catheter.

Ang isa pang uri ng premium catheter sa merkado ay nagtatampok sa sobrang dulas na hydrophilic coating na nagpapahintulot sa mas madaling pagpapasok. May katibayan na ang mga catheters ay nauugnay sa mas kaunting mga UTI at nabawasang urethral trauma kung ikukumpara sa karaniwang polyvinyl chloride na mga catheter.

Ang LoFric ay isang kilalang tatak at ang malalaking na urological na kompanya ang sumusuporta sa hydrophilic line ngayon. Maaari ninyong pabayaran ang mga ito sa sandaling mapatunayan na ang mga urethral opening ninyo ay nanganganib.

Urinary tract infection

Ang mga taong paralisado ay mas nanganganib sa urinary tract infection (UTI), na hanggang noong 1950 ay ang nangungunang sanhi ng kaatayan makalipas na maparalisa. Ang pinagkukunan ng impeksyon ay ang mikrobyo, isang grupo o colony ng sobrang liliit, microscopic, single-celled life form na naninirahan sa katawan at kayang magdulot ng sakit.

Ang bakterya mula sa balat at urethra ay madaling nadadala papunta sa pantog sa pamamagitan ng ICP, Foley at suprapubic na mga pamamaraan ng pamamahala sa pantog. At, maraming mga tao ang hindi ganap na naalis ang laman ng kanilang pantog; ang bakterya ay marahil na tumubo sa ihi na nananatili sa pantog.

Ang ilang mga sintomas ng UTI ay maulap, may amoy, lagnat, panginginig, sakit ng ulo, mas madalas na mga paninigas ng laman, at autonomic dysreflexia (AD). Maaari rin makaramdam ng paghahapdi habang naihi, at/o di maayos na pakiramdam sa ibabang parte ng pelvic area, tiyan o ibabang parte ng likod.

Sa sandaling nakakaramdam na ng mga sintomas, ang unang paraan ng paggagamot ay antibiotics, kasama na ang fluorquinolones (e.g. ciprofloxacin), trimethorprin, sulfamethoxazole, amoxicillin, nitrofurantoin at ampicillin.

Pag-iiwas sa mga impeksyon

Ang mahalaga para maiwasan ang UTI ay ihinto ang pagkalat ng bakterya papunta sa pantog. Ang mainam na kalinisan sa katawan at maayos na pamamahala sa mga urinary supply ay makakaiwas sa impeksyon. Ang mga labi o sediment sa ihi ay maaaring makolekta sa tubing at mga konektor. Mas nagpapahirap ito sa inyong ihi na maalis lahat at nagpapadali na kumalat ang bakterya. Ang malinis na balat ay mahalagang parte rin para maiwasan ang impeksyon.

Ang pag-inom ng wastong dami ng mga fluid ay makakatulong sa kalusugan ng pantog, sa pamamagitan ng pag-aalis sa bakterya at iba pang mga dumi mula sa pantog.

Ang cranberry juice, o cranberry extract sa pamamagitan ng tableta, ay maaaring isang mabisang paraan para maiwasan ang mga impeksyon sa pantog. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapahirap sa bakterya na mapadikit sa pader ng pantog at mamalagi doon at dumami.

Ang isa pang paraan para malayo ang bakterya mula sa pamamalagi at pagdmi sa pader ng pantog ay ang paggamit ng D-mannose, isang uri ng sugar na available sa mga health food store. Tila dumidikit ito sa bakterya para hindi mapadikit ang bakterya ay wala nang iba pang madikitan.

Isang kumpletong medikal na check-up ay inirerekumenda ng kahit man lang isang beses kada taon. Ito ay dapat na may kasamang urologic na eksaminasyon, kasama na ang renal scan o ultrasound para malaman na maayos ang paggana ng mga bato. Ang eksaminasyon ay maaaring may kasama rin na KUB (kidneys, ureters, pantog), X-ray ng tiyan na maaaring makita ang kidney o mga bato sa pantog.

Isa rin sa nakakabahala ang kanser sa pantos. Pinapakita sa mga pananaliksik na ang moderate na pagtaas ng panganib na magkaroon ng kanser sa pantog doon sa mga gumagamit ng indwelling catheter ng matagal. Ang paninigarilyo ay nagpapataas rin sa panganib ng pagde-develop ng kanser sa pantog.

Bidyo sa Pamamahala ng Pantog

Mga Pagpipilian sa Bidyo ng Pamamahala sa Pantog

Mga Kagamitang Naaangkop para Makakilos Mag-isa: Mga Kagamitan ng Pantog para sa Mga Lalaki

Ang bidyo na ito ay nagpapakita kung paano ang mga lalaking may cervical na antas na spinal cord injuries ay maaaring mamahala sa kanilang personal na mga pangangailangan sa pantog.

Ang bidyo na ito, na nilikha ng Christopher & Dana Reeve Foundation at Craig Hospital, ay nagdidiin sa mga gumaganang kagamitan o naaangkop na kagamitan na available sa mga taong may kahinaan sa kamay na nais na maging mas malaya sa pagkilos mag-isa sa kanilang pang-araw araw na mga aktibidad.

Mga Kagamitang Naaangkop para Makakilos Mag-isa: Mga Kagamitan ng Pantog para sa Mga Kababaihan

Ang pamamahala sa inyong pantog ay mahalaga para sa kalusugan at pang-araw araw na kumilos mag-isa. Sa bidyo na ito, ang mga kababaihan na may limitadong pagkilos ng kamay ay ipinapakita kung paano nila nakakayanang kumilos ng mag-isa sa pamamagitan ng pamamahala sa pantog at kalinisan sa katawan ng kababaihan. May makikita kayong mga naaangkop na kagamitan at pati na rin mga bagay sa bahay na magagamit ng indibiduwal sa kanilang pangangalaga sa pantog.

Ang bidyo na ito, na nilikha ng Christopher & Dana Reeve Foundation at Craig Hospital, ay nagdidiin sa mga gumaganang kagamitan o naaangkop na kagamitan na available sa mga taong may kahinaan sa kamay na nais na maging mas malaya sa pagkilos mag-isa sa kanilang pang-araw araw na mga aktibidad.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa pangangalaga sa pantog o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay available tuwing may araw ng pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet sa pamamahala ng pantog na may karagdagang mga mapagkukunan impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng impormasyon at tulong ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga estadong mapagkukunan ng impormasyon at tulong hanggang sa sekundaryong komplikasyon ng paralysis.

Hinihikayat namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuportang grupo at organisasyon, kabilang ang:

  • Paralyzed Veterans of America (PVA) na nag-aalok ng awtoridad na mga alituntunin sa klinikal na kasanayan para sa pamamahala ng pantog, kasama ang isang e-booklet upang mai-download ang pamamahala ng pantog.
  • Shepherd Center na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pangangalaga sa pantog at kung paano maiiwasan ang mga impeksyon.
  • University of Washington School of Medicine na nag-aalok ng mga fact sheet at impormasyon tungkol sa kung paano pangalagaan ang iyong pantog kapag namumuhay na may pinsala sa spinal cord.

Mga Pinagkukuhanan ng Impormasyon: National Multiple Sclerosis Society, Spinal Cord Injury Information Network, University of Washington School of Medicine