Make twice the difference, give now!

Connect

Pananakit

Ano ang Pananakit?

Ang pananakit ay isang senyales na pinasisimulan sa nervous system upang alerto tayo sa posibleng pinsala.

Ang matinding pananakit, ang resulta ng biglaang trauma, ay may layunin. Ang ganitong uri ng sakit ay karaniwang maaaring masuri at malunasan kaya’t ang kakulangan sa ginhawa ay pinamamahalaan at nakakulong sa isang naibigay na tagal ng panahon.

Gayunpaman, ang matinding pananakit, ay higit na nakakagulo. Ito ay ang uri ng alarma na hindi mawawala at lumalaban sa karamihan ng mga paggagamot.

Maaari itong bilang isang resulta ng isang nagpapatuloy na sanhi – sakit sa buto, kanser, impeksyon – ngunit ang ilang mga tao ay may malalang sakit sa loob ng mga linggo, buwan at taon sa kawalan ng anumang halatang patolohiya o katibayan ng pinsala.

Ang isang uri ngmatinding pananakit tinatawag na neurogenic o neuropathic na sakit ay madalas na kasama ng paralysis – ito ay isang malupit na kabalintunaan para sa mga taong walang sensasyon na maranasan ang matinding paghihirap ng pananakit.

Bakit nagaganap ang pananakit?

Ang pananakit ay isang komplikadong proseso na kinasasangkutan ng komplikadong ugnayan sa pagitan ng ilang mga kemikal na likas na natatagpuan sa utak at spinal cord. Ang mga kemikal na ito, na tinatawag na neurotransmitters, ay naglilipat ng mga impulse ng nerbiyo mula sa isang selula patungo sa iba.

May kritikal na kawalan ng GABA (gamma-aminobutyric acid), isang inhibitory neurotransmitter, sa napinsalang spinal cord. Maaari nitong “di mapigil” ang mga spinal neuron na may pananagutan na makaramdam ng sakit, na nagdudulot ng mas matinding sakit kaysa sa karaniwan. Ang kahirapang mapigilan na ito ay pinaniniwalaang ugat rin ng spasticity.

Iminumungkahi in ng kamakailang data na maaaring may kakulangan ng neurotransmitter norepinephrine, at pati na rin ang sobra-sobrang neurotransmitter glutamate. Habang isinagawa ang mga eksperimento, ang mga maliliit na daga o bubuwit na may hinarangang glutamate receptors ay nagpakita ng bawas sa kanilang pagtugon sa sakit.

Ang iba pang mahalagang mga receptor sa paglilipat ng sakit ay ang mga tila opiate na receptor. Ang morphine at iba pang mga opioid na gamot ay gumagana sa pamamagitan ng pagdidikit sa mga receptor na ito, na lumilipat sa mga nagdudulot ng sakit na daanan o circuit, at samakatuwid ay hinaharangan ang sakit.

Kasunod ng isang pinsala, ang nervous system ay sumasailalim sa isang napakalaking muling pagsasaayos. Ang mga malalaking pagbabago na nangyayari kapag napinsala at ang patuloy na pananakit ay nagpapatunay na ang chronic na pananakit ay dapat ikonsidera bilang isang sakit ng nervous system, hindi lang isang humaba na matinding pananakit o isang sintomas ng pinsala. Samakatuwid, dapat ay mag-develop ng mga bagong gamot.

Sa kasamaang palad, ang kasalukuyang mga gamot para sa karamihang mga chronic pain na kondisyon ay lubos na di mabisa at karaniwang ginagamit na paraan kung saan magpapakasakali kung gagana o hindi.

Ang problema sa malalang pananakit sa nerbiyo ay di lang ang pagpapaling ng pansin sa ibang bagay bukod sa pananakit. Ang pananakit ay maaaring humantong sa kakulangan ng kilos, na maaaring magresulta sa galit at yamot, pagbubukod sa iba, depresyon, di makatulog, kalungkutan, at posibleng mas maraming pananakit.

Ito ay isang cycle ng paghihirap na walang madaling labasan, at ang modernong medisina ay wala masyadong nahahandog na malawak na saklaw na tulong Ang pagkokontrola sa sakit ay nagiging isang pamamahala sa pananakit para mapahusay ang paggana at mapahintulutan ang mga tao na makasali sa mga pang-araw araw na aktibidad.

Mga uri ng sakit

Musculoskeletal o mechanical na pananakit nagaganap ito sa lugar o itaas ng antas ng hiwa sa spinal cord at maaaring buhat sa sobrang paggamit ng natitirang mga gumaganag kalamnan o iyong ginamit para sa di sanay na gawing aktibidad. Ang pagpapausad ng wheelchair at mga paglilipat mula dito ay may pananagutan sa karamihang mga mekanikal na pananakit.

Ang Central na pananakit o deafferentation na pananakit ay nararamdaman sa ibaba ng antas ng pinsala at karaniwang natitiyak sa pamamagitan ng pakiramdam ng paso, pananakit at/o mahapdi. Ang central na pananakit ay hindi parating lumalabas agad. Maaaring tumagal ng ilang linggo o buwan bago ito maramdaman at kadalasang nauugnay sa paggaling sa ilang mga paggana ng spinal cord. Ang ganitong uri ng pananakit ay hindi masyado karaniwan sa mga kumpletong pinsala. Ang iba pang mga iritasyon, tulad ng mga pressure sores o bali, ay maaaring magpalakas sa pakiramdam ng pagkapaso ng central na pananakit.

Psychological na pananakit: ang pagtanda, depression, stress at pagkabalisa ay may kaugnayan sa mas matinding post-spinal cord injury na pananakit. Hindi ito nangangahulugan na ang pakiramdam ng sakit ay nasa isip lamang ninyo – ito’y totoo, pero ang pananakit ay tila galing rin sa damdamin.

Mga opsyon sa paggagamot para sa neuropathic pain

Heat at massage therapy: minsan ay mabisa ang mga ito para sa muscoskeletal na pananakit na nauugnay sa spinal cord injury.

Acupuncture: ang paraang ito ay mula pa noong sinaunang 2,500 taon sa China at kinasasangkutan ng pagtutusok ng mga karayom sa mga tiyak na punto ng katawan. Habang iminumungkahi ng ilang mga pananaliksik na ang pamamaraang ito ay nagpapalakas sa antas ng likas na painkiller ng katawan (endorphins), ang acupuncture ay hindi ganap na tinatanggap sa medikal na komunidad. Ngunit, ito ay hind invasive at hindi mahal kung ikukumpara sa maraming mga paggagamot sa sakit. Sa ilang mga limitadong pag-aaral, ang pamamaraang ito ay nakakatulong na maibsan ang pananakit na dulot ng SCI.

Ehersisyo: ang mga indibiduwal na namumuhay nang may SCI na sumailalim sa programa ng regular na pag-ehersisyo ay nagpakita ng malaking paghusay sa mga pain score, at pati na rin ang humusay na depression score. Kahit na light hanggang katamnan na paglalakad o paglangoy ay makakatulong sa pangkalahatang pakiramdam sa kapakanan ng katawan sa pamamagitan ng pagpapahusay sa daloy ng dugo at oxygen sa mga tense at mahihinang kalamnan. Mas kaunting stress ay katumbas ng mas kaunting pananakit

Hypnosis: ang visual imagery therapy na na gumagamit ng mga ginagabayang imahe para baguhin ang pag-uugali sa pamamagitan ng pagbabago ng mga pananaw sa kawalan ng ginhawa.

Biofeedback: sinasanay na malaman ang at magkaroon ng kontrol sa ilang mga pagkilos ng katawan, kasama na ang muscle tension, heart tare, at temperatura ng balat. Maaari rin matuto ang isang tao na magdulot ng isang pagbabago ng kaniyang mga pagtugon sa pananakit, halimbawa, sa pamamagitan ng mga pamamaraang tulad ng relaxation. Sa pamamagitan ng may malay na pagbabago sa out-of-balance brain rhythms, maaaring mapahusay ng indibiduwal ang mga proseso ng katawan at physiology ng utak. Maraming mga pag-aangkin na ginawa sa paggagamot ng chronic pain gamit ang biofeedback, lalo na gamit ang brain wave information (EEG).

Transcranial electrical stimulation (TCES): may electrodes na inilalagay sa anit ng isang tao, na pinapahintulutan ang kuryente na dumaloy at pasiglahin ang nasa ilalim ng cerebrum. Ipinapakita sa mga pag-aaral na ang mas bagong paggagamot na ito ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng mga chronic na pananakit na may kaugnayan sa SCI.

Transcutaneous electrical nerve stimulation (TENS): ipinakitang nakakatulong sa chronic musculoskeletal na pananakit. Sa pangkalahatan, ang TENS ay hindi kasing bisa para sa sakit na mas mababa sa level ng pinsala.

Transcranial magnetic stimulation (TMS): ginagamit ang electromagnetic pulses sa utak Ang TMS ay nakatulong sa post-stroke na pananakit at sa mga limitadong pag-aaral ay nakapagbawas sa post-SCI na pananakit sa pangmatagalang paggamit dito.

Stimulation sa spinal cord: may electrodes na ipinapasok sa pamamagitan ng pag-opera sa epidural na espasyo ng spinal cord. Inuudyok ng pasyente ang pulse ng kuryente sa spinal cord gamit ang isang maliit na tila kahon na receiver. Ito ang pinakakaraniwang ginagamit para sa pananakit sa ibabang parte ng likod (lower back) pero ang ilang mga taong may MS o paralysis ay maaaring makanibang dito.

Deep brain stimulation: makokonsidera bilang isang extreme na pamamaraan ng paggagamot at kinasasangkutan ng inooperang stimulation ng utak, na karaniwan sa thalamus. Ito ay ginagamit sa limitadong bilang ng mga kondisyon, kasama na ang central pain syndrome, pananakit mula sa kanser, phantom limb pain at iba pang mga uri ng neuropathic na pananakit.

Magnets: karaniwang inuuri bilang isang pseudoscience, ang mga proponent ay may haka-haka na ang mga magnet ay maaaring maka-apekto sa mga pagbabago sa cell o chemistry sa katawan, at sa gayon ay nagdudulot ng ginhawa sa pananakit.

Botulinum toxin injections (Botox): karaniwang ginagamit para gamutin ang focal spasticity, na maaaring magka-epekto sa pananakit.

Nerve blocks: mga gamot, chemical agent o pamamaraan ng pag-opera na gumagambala sa paglilipat ng mga mensahe ng sakit sa pagitan ng mga tiyak na area ng katawan at ng utak. Ang mga uri ng surgical nerve blocks (mga pangharang sa nerve sa pamamagitan ng pag-opera) ay kinabibilangan ng neurectomy, spinal dorsal, cranial, at trigeminal rhizotomy, at sympathetic blockade..

Physical therapy at rehabilitasyon: madalas na ginagamit para mapalakas ang paggana, makontrola ang pananakit at mapabilis ang paggaling ng isang tao.

Pag-oopera: kasama ang rhizotomy, na kung saan ang isang nerve na malapit sa spinal cord ay hinihiwa, at ang cordotomy, kung saan tumpok ng mga nerve sa loob ng spinal cord ay hinihiwa.

Cordotomy: ginagamit para gamutin ang sakit na may kaugnayan sa terminal cancer. Ang dorsal root entry zone operation, o DREZ, ay sumisira sa spinal neurons na may kaugnayan sa pananakit ng pasyente. Ang pag-opera na ito ay magagawa gamit ang electrodes na piling sinisira ang mga neuron sa natarget na area ng utak.

Marijuana: habang ilegal ito sa ibang mga estado, ito ay maisasama sa iba pang mga gamot na nagpapahupa ng sakit. Sa katotohanan, sa loob ng maraming mga taon, ito ay binebenta sa anyong tila sigarilyo ng gobyerno ng Estados Unidos para sa layuning iyon lang. ay tila dumidikit sa mga receptor na natataguan sa maraming mga brain region na nagpoproseso ng impormasyon tungkol sa pananakit.

Ang pananaliksik sa neuroscience ay hahantong sa mas mabuting pag-uunawa sa mga basic na mekanismo ng sakit, at sa mga superior o mas mataas na uri ng paggagamot sa mga darating na taon. Ang paghaharang o paggagambala sa mga senyales ng sakit, lalo na kung walang kitang-kitang pinsala o trauma sa tissue, ang pangunahing layunin ay ang pag-develop ng mga bagong gamot.

Iba pang Mga Paggagamot

Ang mga opsyon sa malalang pananakit ay kinabibilangan ng listahan ng mga gamot, simula sa over the counter na nonsteroidal anti-inflammatories tulad ng aspirin, hanggang sa lubos na kontroladong opiates tulad ng morphine.

Ang aspirin at ibuprofen ay maaaring makatulong sa pananakit ng muscle at joint pero minimal na ginagamit para sa neuropathic na pananakit. Kabilang dito ang COX-2 inhibitors (superaspirins) tulad ng celecoxib (Celebrex).

Sa itaas ng listahan ng ito ay ang opioids. Ang mga ito ay mga gamot na mula sa poppy plant at isa sa pinakalumang gamot na kilala sa tao. Kabilang sa mga ito ang codeine at morphine.

Habang ang morphine ay isang karaniwang ginagamit na therapy sa itaas ng listahan, hindi ito karaniwang magandang pangmatagalang lunas. Pinapahina nito ang paghinga, nagdudulot ng pagkatibi at pinagugulo ang pag-iisip. Ang mga tao ay natitiis rin ito sa katawan at nagiging gumon. Higit a dito, hindi ito mabisa laban sa maraming mga uri ng neuropathic na pananakit. Umaasa ang mga scientist na makapag-develop ng tilad morphine na gamot na may mga kalidad na pumapatay sa sakit tulad ng morphine pero wala ang mga nakakasamang side effect nito.

May mga katamtaman lang na gamot na gumagana para sa ilang mga uri ng chronic na sakit:

  • Ang mga anticonvulsants ay na-develop para gamutin ang mga seizure disorder pero minsan ay inirereseta rin para sa pananakit.
  • Ang Carbamazepine (Tegretol) ay ginagamit para gamutin ang ilang mga masasakit na kondisyon, kasama na ang trigeminal neuralgia.
  • Ang Gabapentin (na binebenta bilang Neurontin) ay karaniwang inirereseta na “off label” (di inaprubahan ng FDA) para saneuropathic na pananakit.

Natanggap ng Pfizer ang aprubasyon ng FDA noong 2012 ng isang anticonvulsant para matarget ang pananakit, ngayon naman ay tiyak ito para sa SCI. Ang Pregabalin (binebenta sa pangalan na Lyrica) ay nagbawasa sa neuropathic na pananakit na may kaugnayan sa SCI mula sa baseline kung ikukumpara sa placebo. Ang mga pasyenteng nakakatanggap ng Lyrica ay ipinapakitang may 30 hanggang 50 porsiyentong pagbabawas sa pananakit kung ikukumpara sa nakakatanggap ng placebo. Hindi gumagana ang Lyrica para sa lahat. At pagdating sa malawak na saklaw ng posibleng mga side-effect, kasama ang pagkabalisa, hindi mapakali, kahirapang matulog, mga take ng pananakit, galit, madaling ma-irita, nerbyos, gustong makipag-away, at panganib na magpakamatay.

Para sa ilan, ang tri-cyclic na antidepressant na gamot ay maaaring makatulong para sa paggagamot ng sakit. Ang amitriptyline (binebenta sa pangalan ng Elavil at iba pang mga tatak) ay mabisa sa paggagamot ng post-SCI na pananakit at may kaunting katibayan na gumagana ito sa mga indibiduwal na namumuhay nang may depression.

Dagdag pa dito, ang klase ng mga anti-anxiety na gamot na tinatawag na benzodiazepines (Xanax, Valium) na kumikilos bilang mga pang-relaks ng kalamnan na minsan ay ginagamit para sa pananakit. Ang iba pang mga pang-relaks ng kalamnan, ang baclofen, na ginagamit sa pamamagitan ng isang implanted na pump (intrathecally), ay nagpapahusay sa chronic na post-SCI na pananakit, pero maaari lang gumawa kapag may kaugnayan ito sa mga muscle spasm.

Ang pananaliksik sa neuroscience ay hahantong sa mas mabuting pag-uunawa sa mga basic na mekanismo ng sakit, at sa mga superior o mas mataas na uri ng paggagamot sa mga darating na taon. Ang paghaharang o paggagambala sa mga senyales ng sakit, lalo na kung walang kitang-kitang pinsala o trauma sa tissue, ang pangunahing layunin ay ang pag-develop ng mga bagong gamot.

Bidyo: Pamamahala sa Pananakit

Pang-edukasyong Serye ng Pamamahala sa Pananakit Bahagi 1

Ang webinar na ito nakatuon sa tanong na: “Ano ang gamot ko para sa pananakit?” Ang mga paksang tatalakayin sa sesyon ay isang introduksyon sa pangunahing batayan ng mga gamot para sa pananakit, pag-unawa sa pananakit na dulot ng pamumuhay nang may paralysis, at ang mga nararapat na gamot. Magkakaroon din ng talakayan ukol sa mga potensyal na mapagkukunan ng impormasyon upang manatiling nakakaalam tungkol sa mga gamot para sa pananakit.

Ang magho-host ng sesyon ay si Jay Gupta, RPh, MSc, MTM Specialist at C-IAYT. Siya ang Director of Pharmacy and Integrative Health sa Harbor Homes sa Nashua, NH, at isa ring MTM consultant at Yoga Therapist. Si Jay ay co-founder din ng RxRelax, LLC at ng YogaCaps, Inc.

Ni-record noong Enero 2019

Pang-edukasyong Serye ng Pamamahala sa Pananakit Bahagi 2

Ni-rekord noong Pebrero 2019

Ang webinar na ito ay nakatuon sa pag-unawa sa mga opioid at sa pagkilala sa mga senyales ng adiksyon. Kasama sa mga paksang tatalakayin sa sesyon ay ang maikling pagsasalaysay tungkol sa naunang webinar, pagtalakay sa pinagmulan ng mga opioid, paano gumagana ang mga ito, at ang mga sanhi ng sakit na dahil sa paggamit ng opioid at ang mga paggagamot para dito. Magkakaroon din ng maikling pagbubuod sa tinalakay sa huling webinar, kasama ang mga opsyon sa unti-unting pagbabawas sa paggamit ng opioid.

Ang magho-host ng sesyon ay si Jay Gupta, RPh, MSc, MTM Specialist at C-IAYT. Siya ang Director of Pharmacy and Integrative Health sa Harbor Homes sa Nashua, NH, at isa ring MTM consultant at Yoga Therapist. Si Jay ay co-founder din ng RxRelax, LLC at ng YogaCaps, Inc.

Pang-edukasyong Serye ng Pamamahala sa Pananakit Bahagi 3

Ni-rekord noong Marso 2019

Kasama dito ang mga pangunahing kaalaman ng at ang mga salik na nauugnay sa unti-unting pagbabawas, mga karaniwang tanong na may-kaugnayan sa unti-unting pagbabawas at paglipat sa gamot na hindi opioid, at iba’t ibang mga opsyon sa integrative therapy.

Ang magho-host ng sesyon ay si Jay Gupta, RPh, MSc, MTM Specialist at C-IAYT. Siya ang Director of Pharmacy and Integrative Health sa Harbor Homes sa Nashua, NH, at isa ring MTM consultant at Yoga Therapist. Si Jay ay co-founder din ng RxRelax, LLC at ng YogaCaps, Inc.

Mga Mapagkukuhanan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap kayo ng mas maraming impormasyon sa ALS o may tiyak na tanong, ang aming information specialists ay available tuwing may araw ng pasok, Lunes-Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang mga fact sheet sa pananakit, alternatibong gamot, sa complex regional pain syndrome na pananakit na may mga karagdagang mapagkukunang impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunang impormasyon at tulong ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunang impormasyon at tulong ng estado hanggang sa sekundaryang kumplikasyon ng paralysis. I-download ang aming booklet sa Pain Management.

Hinihikayat din namin kayo na makipag-ugnay sa mga sumusuporta sa mga sumusuportang grupo at organisasyon, kabilang ang:

Pinagmulan: National Institute of Neurological Disorders and Stroke (NINDS),National Multiple Sclerosis Society, Dana Foundation