Join us for our 2025 Reeve Summit in Denver, Colorado!

Connect

Sepsis

Ano ang sepsis?

Sepsis – tinatawag rin na pagkakalason ng dugo o systemic inflammatory response syndrome (SIRS) – ay isang nakakamatay na kondisyon na buhat sa pagtugon ng katawan sa mga impeksyon na nagpinsala sa sarili nitong mga tissue at organ. Ang kondisyong ito ay humahantong sa shock, hindi paggana at kamatayan ng maraming mga organ, lalo na kung hindi natutuklasan ng maaga at agad na nagamot.

Sa mga indibidwal na may paralysis, maaari itong mag-umpisa bilang isang urinary tract (bladder o pantog) na impeksyon, pneumonia, isang sugat, pressure ulcer o iba pang impeksyon. Kung hindi makontrol kung nasaan mismo ang impeksyon, ito ay maaaring kumalat sa buong katawan.

Ang Septic shock ay matinding sepsis na dulot ay biglang pagbaba ng presyon ng dugo at hahantong sa di paggana ng organ. Ang parehong sepsis at septic shock ay parehong nakakamatay. Pinakanagtatagumpay ang paggamot sa loob ng unang oras ng onset.

Sinumang may impeksyon ay dapat may kamalayan sa mga panganib at sintomas ng sepsis at kumuha agad ng medikal na tulong.

Mga pangkalahatan sintomas ng sepsis

Ang ilan o lahat ng mga sumusunod na sintomas ay maaaring makita:

  • Impeksyon
  • Tumaas na temperatura, mas mataas sa 38.30C o 101.30 F
  • Mabilis na tibok ng puso (heart rate), higit sa 90 tibok kada minuto
  • Mabilis na respiratory rate, mas mataas sa 20 paghinga kada minuto

Ang iba pang mga sintomas na maaaring makita:

  • Pagkakalito o coma
  • Edema (pamamaga) lalo na sa mga extremities, leeg, mukha
  • Mas mataas na blood sugar kahit walang diyabetes
  • Mas mababang temperatura sa 36C o 97F

Ang diagnosis ng sepsis ay maaaring kinabibilangan ng mga bahagi ng variable na ito:

  • Ang pamamaga sa site ng paunang impeksyon o saanman sa katawan
  • Ang kakulangan ng kakayahan na mapanatili ang internal presyon ng dugo para matiyak na may sapat na oxygen na nagdadala ng dugo ay umaabot sa lahat ng mga mahahalagang organ.
  • Ang tissue perfusion (daanan ng tissue), kakulangan ng oxygen sa anumang parte ng katawan, ang pinakamadaling nakikita sa mga daliri,braso, daliri sa paa/legs

Ang sepsis ay nada-diagnose kapag may impeksyon saanman sa katawan AT ang isa sa mga sumusunod:

  • Organ dysfunction (hindi paggana ng wasto ng organ)
  • Hypoxemia (kakulangan ng kakayahan na mapaikot ang oxygen sa inyong mga tissue)
  • Oliguria (kumaunting urine output)
  • Lactic acidosis (biglang pagbaba ng oxygen sa dugo)
  • Tumaas na liver enzymes (liver dysfunction)
  • Binagong cerebral function (pagkalito/coma)

Ano ang dapat gawin

Ang pag-iiwas sa sakit ay ang pinakamabuting dapat gawin para iwasan ang pagde-develop ng sepsis.

Dapat tiyakin ng mga indibidwal sa kanilang tagapangalaga sa kalusugan ang anumang impeksyon na hindi gumagaling o tila dumarami ang mga sintomas tulad ng pamumula, pamamaga, di maginhawang pakiramdam, pananakit, sa lugar mismo na pag-iinit o lagnat/panginginig.

Kung mayroon kayong impeksyon at nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito o mga reaksyon ng katawan, tumawag o bumisita sa inyong tagapangalaga sa kalusugan kaagad.

Pag-diagnose sa sepsis: lab at imaging na mga pagsusuri

Ang tipikal na mga laboratoyo at imaging na pagsusuri para sa impeksyon ay:

  • Pagsusuri ng ihi para sa bakterya
  • Pagsusuri ng sugat para sa bakterya
  • Nasal o oral na secretion para sa bakterya
  • Mga pasgsusuri sa dugo para sa bakterya, mga kadahilanan ng pamumuo o clotting, paggana ng puso, atay at bato, oxygenation o electrolytes
  • Ang mga pag-scan sa katawan ay magagawa para tasahin ang paggana ng mga organ sa loob ng katawan. Ang mga scan na ito ay maaaring kabilang ang:
  • Mga x-ray
  • Mga CT scan (Computerized tomography)
  • Ultrasound
  • MRI (Magnetic resonance imaging)

Paggagamot

Ang paggagamot ay ipinagkakaloob ng mga eksperto sa isang ospital na kabilag ang pagsusuporta sa pang araw-araw na paggana ng katawan kasama ng mga antibiotics para makontrol ang pagkalat ng impeksyon.

  • Ang antibiotics ay ibinibigay para makontrol ang impeksyon.
  • Karaniwan, ang mga indibidwal na may sepsis o septic shock ay makakatanggap ng IV fluid therapy at oxygen.
  • Ang mga medikasyon ay ipinagkakaloob ayon sa mga sintomas ng indibidwal tulad ng:
    • Medikasyon para makontrol ang presyon ng dugo at pananakit
    • Insulin para sa mataas na glucose ng dugo
    • Corticosteroids para mapahupa ang inflammation
  • Ang therapy ay tinitiyak para sa suportadong pangangalaga para mapangalagaan at maibalik ang paggana.
  • Kung naapektuhan ang sistema ng respiratory, ang mekanikal na bentilasyon ay maaaring kailanganin.
  • Kung hindi gumagana ang bato, maaaring kailangan ang dialysis.

Paggaling

Posible na gumaling mula sa sepsis. Maraming mga indibidwal ang gumagaling ng walang natitirang dysfunction. Ang ilang mga nakaligtas sa sepsis ay may pangmatagalang mga pangangailangan sa paggaling batay sa pinsala sa organ o tissue mula sa septic na pangyayari.

Kung may matinding trauma sa mga extremity, maaaring gawin ang amputation o pagputol. Ang ilang mga pasyente ay may post-traumatic stress syndrome – isang kondisyong pangkalusugan ng kaisipan – bilang isang resulta ng trauma mula sa sepsisna pangyayari.

Mag-download ng sagip-buhay na sepsis wallet kard

Ang mabuting balita, kung alam ninyo ang mga senyas, at mabilis na makaka-ugnayan ang inyong doktor kapag nag-umpisa na ang mga ito, nagagamot ang sepsis.

Para makatulong sa inyong malaman hangga’t maaari tungkol sa sepsis, at para matulungan ang inyong doktor na maunawaan ang inyong kadaliang magkaroon ng nasabing kondisyon, ang Reeve Foundation Paralysis Resource Center (PRC) ay naghahandog ng madali at nakakaligtas-buhay na wallet card na agad mapapansin at makapagbibigay impormasyon sa sepsis.

Salamat sa pakikipagtulungan kay Linda Schultz, PhD, assistant professor ng nursing sa Maryville University, at sa medical staff ng Kennedy Krieger Institute, ang sepsis wallet card ay nilikha para sa parehong pasyente at manggagamot, at ginagamit sa parehong mga hustong gulang at bata.

Madaling ilagay sa inyong wallet, ang card ay isang tri-fold na magpapahintulot sa inyong i-rekord ang inyong level ng pinsala at masasama ang mga emergenhensiya na numero, balik-aralan ang mga sintomas ng sepsis, bukod sa iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Ang isa sa mga tupi o fold ay tiyak na sinulat para sa manggagamot. Sa kaganapan ng isang sepsis crisis, maaari ninyong hugutin ang “Attention Physician” na flap sa unahan. Ito ay magpapahintulot sa mga unang tumutugon na makita ang personal na impormasyon ninyo sa isang parte at ang mga instruksyon para gamutin ang sepsis sa kabila.

Ang mga kopya ng sepsis wallet cards ay available online para ma-download, o maaari ninyong makuha ang inyong nakalamina na kopya sa pamamagitan ng pagtawag sa PRC sa 800-539-7309/973-467-8270 (internasyonal) at hilingin na makipag-usap sa isang information specialist.

Panoorin ang aming bidyo tungkol sa sepsis

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormayon sa Sepsis

Para sa karagdagang impormasyon sa pag-unawa sa sepsis at mga karagdagang mapagkukunan ng impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang ng Reeve Foundation, mangyaring i-download ang aming fact sheet sa sepsis sa check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa pagitan na may pinsala sa spinal cord sa sekondaryang komplikasyon ng paralysis.

Ang impormasyong nilalaman ng card at web page na ito ay ipinapakita para sa layunin ng pagbibigay impormasyon sa inyo tungkol sa paralysis at mga epekto nito. Walang nilalaman dito ang maaaring maturing o hindi nilalayon bilang isang medikal na diagnosis o paggagamot. Makipag-usap sa inyong physician o iba pang kuwalipikadong provider sa pangangalaga ng kalusugan kung mayroon kayong mga tanong sa inyong kalusugan, paggagamot, o diagnosis.