Mga mapagkukunan ng tulong at impormasyon para sa mga tagapag-alaga
Mga tip sa pag-aalaga na pinagsama-sama ng aming pangkat na mga information specialist.
Heto ang ilang mga tip sa pag-aalaga na pinagsama-sama ng aming pangkat na mga information specialists.
Alagaan ang inyong sarili
Ang unang tuntunin sa lahat ng mga tagapag-alaga ay alagaan ang inyong sarili. Ang pagbibigay ng pag-aalaga habang may trabaho, inaalagaan ang bahay, o ginagampanan ang mga tungkulin bilang magulang ay maaaring makadulot ng matinding pagkapagod. Ang isang taon na sobrang pagod o may sakit ay mas marahil na hindi maganda ang magiging desisyon o mailalabas ang mga pagkakaunsyami ng hindi tama at hindi kinakailangan.
Ang stress ay kilala bilang nag-aambag sa iba’t-ibang mga problema sa kalusugan. Mas pag-ingatan ninyo ang sarili ninyong kapakanan, mas mapapahusay ninyo ang mga kakayahan para makaraos at ang inyong stamina. Sa pamamagitan ng pag-aalaga sa inyong sarili, mas mabuti ninyong, parehong sa pisikal at emosyonal na paraan, maaalagaan ang inyong mahal sa buhay.
Makipag-usap sa iba pang mga tagapag-alaga
Makipag-ugnayan sa komunidad ng tagapag-pangalaga. Ibahagi at alamin at pakinabangan ang pinagkaisang mga kaalaman ng komunidad ng tagapag-pangalaga.. Mahalaga na ang mga tagapag-alaga ay makipag-ugnayan sa isa’t-isa para magkaroon ng lakas at malaman na hindi sila nag-iisa.
Para sa karamihan, ang isolation na kasama ng trabaho ay napapadali sa pamamagitan ng pagdadalo sa mga support group meeting kasama ang ibang may mga katulad na sitwasyon. Ang mga support group ay nagbibigay ng emosyonal na suporta at mga tip sa pag-aalaga, at pati na rin impormasyon na mapagkukunan ng impormasyon sa komunidad.
Ang mga online support group ay maaaring lubos na makatulong. Ang Reeve Foundation ay sumusuporta sa mga aktibong forum at mga talakayan sa komunidad tungkol sa lahat ng mga isyu na may kaugnayan sa pag-aalaga.
Ang therapy at counseling ay maaari rin magpadali sa mas mabuting paglulutas sa problema. Ang counseling ay makakatulong sa isang makaraos sa mga damdamin ng galit, pagkakainis, pakiramdam ng pagkakasala, kawalan o nagkakalabanan na personal, pantrabaho at pampamilyang mga demand.
Magkaroon ng kaalaman
Alamin hangga’t maaari ang kondisyon ng inyong mahal sa buhay. Dapat ninyong malaman ang tungkol sa mga medikal na isyu at kung paano nakaka-apekto ang sakit o kapansanan sa isang tao sa pisikal,sikolohikal, pag-uugali, atbp. Kayo ay isang mahalagang miyembro ng pangkata sa pangangalaga ng kalusugan ng inyong mahal sa buhay.
I-download o humiling ng kopya ng Paralysis Resource Guide. Ang Paralysis Resource Guide ay magpapakita sa inyo ng maraming mga mahahalagang paksa, tulad ng mga pangunahing sanhi ng paralysis at makakatulong sa inyong mag-navigate sa pabago-bago ninyog mundo. Kung mayroon kayong mga tanong, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa aming mga information specialist na available na magbigay sa inyo ng impormasyon at ipatungo kayo sa mga lokal na serbisyo.
Ang pananaliksik sa web ay isa pang mahalagang tool sa pag-aaral tungkol sa medikal na batayan ng kapansanan.
Ang mga doktor at iba pang mga propesyonal sa kalusugan ay makakatulong sa inyong maunawaan kung paano maaaring mabago ang kondisyon ng inyong mahal sa buhay at kung paano makaka-apekto ang pagbabagong iyon sa mga hamon ng tagapag-alaga.
Mag-schedule ng oras ng pahinga
Pakinabangan ang mga oportunidad para sa respite care. Magpahinga at paminsan-minsan ay huminto sa inyong mga pang-araw araw na gawain. Ang isang pinatagal na bakasyon ay maaaring hindi makatotohanan, pero ito ay mahalaga para sa mga caregiver para ma-schedule ang ilang mga oras ng pahinga. Ito ay maaaring isang maiksing paglabas, oras ng pagpapahinga sa bahay, panonood ng pelikula kasama ang isang kaibigan, atbp.
Para makalayo, maaaring kailanganin ng tagapag-alaga ang respite care/tulong mula sa iba. Reach out to our information specialists para sa ilang mga posibleng pag-uugnay para makatulong sa inyong makapagpahinga.
Makipag-usap at maging isang tagapagtanggol
Maging isang tagapagtanggol. Tandaan na maaaring kayo lang ang may kayang magsalita sa ngalan ng inyong mahal sa buhay o kayo lang ang makakapagbigay ng mahihirap na tanong.
Ihanda ang kasaysayang pangkalusugan ng inyong mahal sa buhay at dalhin ito kapag kayo ay may mga appointment. Maghanda sa hinaharap sa lubusan ng inyong kakayahan. Ang pinansiyal at legal na pagpaplano ay mga mahahalagang bagay na dapat ikonsidera. Ang mga isyu tulad ng pananalapi para sa pangmatagalang pag-aalaga, pagpoprotekta sa mga asset, pagtatamo ng awtoridad para sa pagdedesisyon sa surrogate, at iba pang mga bagay-bagay na kailangan ng pansin.
Kumuha ng appointment sa isang abogado na may kaalaman sa pagpaplano sa estado, pagpapatotoo sa testamento, at, kung posible, pagpaplano sa mga pampublikong benepisyo. Ang iba pang mga area na madalas na kailangan ang pagpaplano ay kinabibilangan ng koordinasyon sa pagitan ng mga serbisyo sa komunidad at ng mga kasangkot na kaibigan at miyembro ng pamilya.
Ang mga desisyon sa pagtatalaga sa isang nursing home o iba pang mga opsyon sa pag-aalaga ay madalas na mapapadali sa pamamagitan ng isang professional na alam na alam ang mga kahinaan sa utak, pag-aalaga at mga mapagkukuhanan ng impormasyon sa komunidad. Sa ilang mga kaso, kinakailangang magsagawa ng mag desisyon sa pagwawakas ng buhay para sa inyong mahal sa buhay.
Mag-avigate ng insurance
Unawain sa lubusan ng inyong kaalaman kung paano ang system works for insurance, Social Security ay iba pang mga pamamaraan ng pampublikong tulong. May mga eksperto sa mga pampublikong ahensya na makakatulong at maihahanda kayo sa pamamagitan ng paunang pananaliksik ng mga paksa.
Humingi ng tulong
Maraming mga tagapag-alaga ay masyado nang sanay sa pagbibigay ng tulong at pag-aalaga ayon sa mga pangangailangan ng iba na hindi na nila alam kung paano humingi ng tulong. Ang pamilya ninyo ang unang mapagkukuhanan ng tulong. Ang mga asawa, kapatid na lalaki at babae, mga bata, at iba pang mga kamag-anak ay maraming magagawa para mapadali ang inyong bigat sa pag-aalaga. Sabihin sa kanila kung ano ang magagawa at dapat nilang gawin.
Magpunta sa inyong lugar ng pananampalataya para sa tulong at payo. Ipaalam sa inyong relihiyosong ang tungkol sa inyong situwasyon. Hikayatin ang mga kaibigan at kapit-bahay ng inyong mahal sa buhay na magbigay ng anumang ginhawa na maibibigay nila. Kung kailangan ninyong kumuha ng tagapaglingkod, may ilang mabubuting gabay na mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na nakalista sa ibaba.
Alamin ang lahat ng makakayanan ninyo tungkol sa mga tool at mga naaangkop na kagamitan. Mahalaga na alam ng mga tagapag-alaga ang tungkol sa mga produkto sa pag-aalaga ng tahanan at mga serbisyo na maaaring magpadali sa kanilang mga trabaho.
Bigyang lakas ang inyong mahal sa buhay
Habang kayo ay nasasanay sa inyong tungkulin bilang isang tagapag-alaga, maaaring matagpuan ninyo ang inyong sarili na nagdedesisyon para sa mga taong dati-rati ay nagdedesisyon para sa inyo. Minsan ay isa itong diskarte para balansehin ang mga naglalabanang pangangailangan ng kontrol. Pero mahalaga na galangin ang karapatan ng taong inaalagaan para makapagdesisyon.
Mabuti ang pumili; sa pagpapasya ng mga bagay-bagay, mayroon tayong pakiramdam ng kontrol sa ating mga buhay. Pahintulutan ang inyong mahal sa buhay na makapagdesisyon ng marami hangga’t maaari, mula sa pagkain sa menu hanggang sa kanilang pang-araw araw na kasuotan hanggang sa mga papanoorin sa TV.
Bigyang lakas ang inyong sarili
Magkaroon ng lakas ng look sa inyong mga kakayahan at ipagmalaki ang inyong mga natamo. Mas madaling sabihin kaysa sa sabihin – paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, aalagaan ang inyong sarili, at maghanap ng balanse sa pagitan ng mga pangangailangan ninyo at noong mga mahal ninyo sa buhay?
Ang Caregiver Action Network ay naghahandog ng mga sumusunod na prinsipyo ng pagbibigay lakas sa mga tagapag-alaga na hinihikayat na gawin:
Piliin na mamuno sa inyong buhay. Huwag pahintulutan na mamuno ang sakit o kapansanan ng inyong mahal sa buhay. Madalas tayong nagagawi sa pag-aalaga dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, pero minsan ay kailangan ninyong umatras at kusang sabihin na, “Pinili kong akuin ang tungkulin na ito sa pag-aalaga.” Malayo ang nararating ng pag-aalis ng pakiramdam na maging isang biktima.
Ang karangalan, pagpapahalaga at pagmamahal sa inyong sarili. Mahirap ang trabaho ninyo at nararapat lang para sa inyo ang de-kalidad na oras, para lang sa inyong sarili. Hindi karangyaan ang pag-aalaga sa sarili. Ito ay kinakailangan. Umatras at alamin kung gaano kayo kapambihira. Tandaan, ang inyong mabuting kalusugan ay pinakamagandang regalo na mabibigay ninyo sa inyong mahal sa buhay.
Hanapin, tanggapin at, minsan, humingi ng tulong. Huwag mahiyang humingi ng tulong. Kapag naghahandog ng tulong ang mga tao, tanggapin ito at magmungkahi ng mga tiyak na bagay na magagawa nila. Ang pag-aalaga, lalo na sa mga pinakamatinding antas nito, ay ganap na higit pa sa trabaho na pang-isang tao lamang. Ang paghingi ng tulong ay isang hudyatng inyong lakas at isang pagkikilala sa inyong mga karapatan at limitasyon.
Tumindig at mapabilang. Ipagtanggol ang inyong mga karapatan bilang isang tagapag-alaga at isang mamamayan. Kilalanin na ang pag-aalaga ay nauuna sa pagiging isang magulang, isang anak, isang asawa. Galangin ang inyong tungkulin sa pag-aalaga at magsalita para sa nararapat lang para sa inyong pagkikilala at mga karapatan. Maging sarili ninyong tagapagtanggol, sa parehong sariling iniikutang mundo sa pag-aalaga at higit pa dito.
Mga Mapagkukunan ng Tulong, Impormasyon at suporta para sa mga tagapag-alaga
- Paralysis Community, isang mapagkukunan ng Christopher & Dana Reeve Foundation, ay isang ligtas at segurado na online social networking site na may isang matatag na lugar ng talakayan sa maraming mga lugar ng paralysis, kabilang ang pag-aalaga.
- Caregiver Action Network ay nagtuturo, nagsusuporta at nagbibigay ng kapangyarihan sa mga pamilya na nagmamalasakit sa malalang sakit, may edad o may kapansanan na mga mahal sa buhay
- National Alliance for Caregiving ay isang koalisyon ng mga pambansang pangkat na sumusuporta sa mga tagapag-alaga ng pamilya at mga propesyonal na tumutulong sa kanila.
- The Rosalynn Carter Institute for Caregiving ay nagtataguyod ng lokal, estado at pambansang pakikipagsamahan na nakatuon sa pagtataguyod ng pangangalaga sa kalusugan, kasanayan at katatagan
- Well Spouse ay isang pambansang samahan na nagbibigay ng suporta sa mga asawang babae, asawang lalaki, at kasamahan ng malalang sakit at / o may kapansanan. Tinutugunan ang mga isyu na pangkaraniwan sa mga nag-aalaga ng pamilya: galit, pagkakasala, takot, paghihiwalay, kalungkutan, at pananakot sa pananalapi.
- Caregiving.com ay isang web na komunidad para sa mga pamilya at mga propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na nagmamalasakit sa malalang sakit o may kapansanang mga miyembro ng pamilya.
- The Family Caregiver Alliance (FCA) ay nagpapatakbo ng National Center sa Caregiving upang bumuo ng mga programa ng suporta para sa mga tagapag-alaga ng pamilya sa bawat estado.
- AARP ay nag-aalok ng isang sentro ng mapagkukunan ng pangangalaga, kabilang ang mga legal na isyu, pag-aalaga ng malayuan, mga isyu sa pagtatapos ng buhay. Toll-free 1-877-333-5885.
- Today’s Caregiver magazine ay nag-aalok ng mga newsletter na tukoy sa paksa, mga listahan ng talakayan sa online, mga chat room at isang online na tindahan.
- National Respite Coalition Network ay tumutulong sa mga magulang, tagapag-alaga at propesyonal na magpahinga gamit ang mga serbisyong pamamahinga sa kanilang lokal na lugar.
- National Caregivers Library ay malaking mapagkukunan ng libreng impormasyon para sa mga tagapag-alaga.
- Shepherd’s Centers of America (SCA) ay isang pinagsamang ibat-ibang relihiyon na organisasyon na nagsasaayos ng halos 100 mga independiyenteng Shepherd’s Center sa buong Estados Unidos upang matulungan ang mga matatanda na manatiling malaya.
- Hiring and Management of Personal Care Assistants for Individuals with SCI ay isang pwedeng ma-download na booklet mula sa SCI Project sa Santa Clara Valley Medical Center. Sinasaklaw ang lahat mula sa paghanap at pagkuha hanggang sa pagsasanay at pagbabayad ng mga personal na katulong. May kasamang mga form, checklist at mapagkukunan ng impormasyon at tulong.
- CareCure Forum para sa mga tagapag-alaga. Aktibo at kapaki-pakinabang na message board para sa mga mahal sa buhay at tagapag-alaga ng mga taong nabubuhay na may paralysis.
- Spinal Cord Injury Caregivers ay isang pagtitipon sa Yahoo! upang magbahagi ng impormasyon at para suportahan ang iba pang mga tagapag-alaga na nagmamalasakit sa mga taong may SCI.
- Nursing Home Compare, ay nai-sponsor ng Medicare, nag-aalok ng impormasyon tungkol sa nakaraang pagganap ng karamihan sa mga nursing home sa U.S.