Quality of life grant program
Tungkol sa Quality of life grant program
Ang Quality of Life Grants Program, na nilikha ng yumaong si Dana Reeve, ay nagsisikap para mabigyang lakas ang mga indibidwal na may kapansanan at ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng grants sa mga nonprofit na organisasyon na magpapahusay sa kalidad ng buhay sa pamamagitan ng pagsasama sa lahat, access, kakayahang mag-isa, mga oportunidad para sa pakikisali ng komunidad, at iba pang mga nagpapabuti sa buhay na pagsisikap.
Ang Quality of Life Grants Program ay nakapagpondo sa 3,153 na mga programa sa buong bansa, na nagkakaloob ng higit sa $28 milyon sa mga nonprofit na organisasyon.
Kailangan ng tulong sa inyong aplikasyon o may iba pang mga tanong?
Kung may mga tanong kayo tungkol sa Quality of Life Program, mangyaring magpadala ng email sa [email protected].
Mga madalas na katanungan
Sino ang dapat mag-apply?
Aming malugod na tinatanggap ang mga aplikasyon mula sa parehong malalaking organisasyon na nagbibigay suporta sa mga indibidwal na may mga pisikal na kapansanan sa bansa, at pati na rin ang mga lokal na grupo na may agad at praktikal na epekto sa mga indibidwal na buhay.
Kayo ba ay nagkakaloob ng mga grant sa mga indibidwal?
Hindi. Ang Reeve Foundation ay hindi maaaring magbigay ng grant sa mga indibidwal, pero ang aming grupo ng mga information specialist ay maaaring makatulong sa inyong kilalanin ang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na nagbibigay ng pinansiyal na tulong. Maaari ninyo kaming tawagan sa toll-free 1-800-539-7309 o magpadala sa amin ng tanong gamit ang aming simpleng online na form.
Kayo ba ay nagbibigay ng espesyal na konsiderasyon sa mga programa para sa mga beterano o sa ibang mga komunidad?
Oo. Ang Reeve Foundation ay nagbibigay ng espesyal na konsiderasyon sa mga organisasyon na naglilingkod sa mga bumalik na napinsalang militar at sa mga pamilya nito, at iyong mga nagkakaloob ng naka-target na serbisyo sa iba’t-ibang mga kultura na komunidad.
Anong uri ng proyekto ang pinopundohan ninyo?
Mangyari lang sumangguni sa malawakang pananaw ng Quality of Life Grants Program na pahina para sa paglalarawan ng Direct Effect, High Impact Priority, High Impact Innovative Assistive Technology, at Expanded Effect na mga proyektong pinopundohan. Lubos naming hinihikayat ang mga hiling para suportahan ang paglulunsad ng mga bagong inisyatiba o pagpapalawak ng kasalukuyang mga proyekto na naglilingkod sa mga indibiduwal na nabubuhay nang may paralysis, ang kanilang mga kaibigan at mga tagapag-alaga.
Paano ninyo matitiyak ang “mga organisasyon na nagbibigay ng mga serbisyo sa mga indibidwal na naapektuhan ng paralysis”?
Ang mga grant ay ipinagkakaloob sa mga organisasyon na tumutugon sa mga pangangailangan ng taong nabubuhay ng may paralysis na sanhi ng spinal cord at iba pang mga pinsala, sakit o mga kondisyon sa pagkapanganak, kasama na (pero hindi limitado sa) stroke, spina bifida, multiple sclerosis, cerebral palsy at amyotrophic lateral sclerosis (ALS). Sinusuportahan rin namin ang mga inisyatiba na nakatuon sa pag-aalaga at pagpapahusay ng kalidad ng buhay ng mga miyembro ng pamilya na nag-aalaga para sa mahal sa buhay na may kapansanan.
Anong uri ng organisasyon ang sinusuportahan ninyo?
Malugod na tinatanggap ang mga aplikasyon mula sa mga nonprofit na organisasyon na may IRS 501(c)(3) na status, munisipyo at mga estado na gobyerno, mga distrito ng paaralan, mga kinikilalang entidad na tribo at iba pang mga institusyon tulad ng mga komunidad at ospital na naglilingkod sa mga beterano.
Ang
aming Quality life grant program ay tungkol sa kalayaan.
– Dana
Reeve
Ang pumanaw na si Dana Reeve ay lubos na naniniwala na habang nagsisikap na makahanap ng isang lunas, may milyon-milyong katao ang nararapat na magkaroon ng pinahusay na kalidad ng buhay.