Maghanap ng sentro para sa rehab
Mahahalagang tanong na dapat itanong
Pagkatapos umayos ang lagay ng isang tao pagakatapos magkaroon ng spinal cord injury, pupunta sila sa isang espesyal na ospital na tinatawag na sentro ng rehabilitasyon.
Bagama’t pinaka madali ang pinakamalapit na pasilidad, at maaaring nag-aalok ito ng maraming pakinabang pagdating sa suporta mula sa pamilya at mga kaibigan, maaaring hindi nito maibigay ang antas ng serbisyong kinakailangan para sa komplikadong pinsala o sakit.
Napakahalagang mahanap ang pinaka-naaangkop na sentro ng rehabilitasyon upang makatanggap ng naiaangkop na pag-aalaga para sa spinal cord injury na magbibigay-daan sa sukdulang panunumbalik ng kakayahan.
Kasama sa ilan sa pinakamahahalagang tanong na dapat tanungin kapag pumipili ng sentro ng rehabilitasyon ang:
- May karanasan ba ang pasilidad sa partikular na diyagnosis o kondisyon?
- Ilang pasyenteng may espesipikong diyagnosis o kondisyon ang tinatanggap ng pasilidad kada taon?
- Gaano kalayo ang handang ibiyahe o handang ikalayo sa pamilya ng pasyente?
- May makabago bang mga therapy ang pasilidad?
- Naaangkop ba sa edad ang pasilidad?
- Ilan ang mga empleyado kung ihahambing sa mga pasyente?
- Accredited ba ang pasilidad – ibig sabihin, nakakatugon ba ito sa mga propesyonal na pamantayan ng pangangalaga para sa iyong mga espesipikong pangangailangan?
Nasa ibaba ang ilang mapagkukunan ng impormasyon na pwedeng mapangsanggunian kapag naghahanap ng accredited na pasilidad.
Spinal Cord Injury Model System Centers
Pinopondohan ng National Institute on Disability, Independent Living and Rehabilitation Research (NIDILRR) ang 14 na Spinal Cord Injury Model System Center sa Amerika.
Ang mga Model System Center para sa SCI ay mga pambansang lider sa medikal na pagsasaliksik at pangangalaga ng pasyente, at nagbibigay ng mga komprehensibong serbisyo mula sa pagsisimula ng injury hanggang sa rehabilitasyon at muling pagbalik sa pamumuhay sa komunidad.
Ang mga pasilidad na ito ay kasalukuyang nasa Alabama, California, Colorado, Florida, Georgia, Illinois, Kentucky, Massachusetts, Michigan, New Jersey, Pennsylvania at Washington.
Ang bawat Center ay nag-aambag sa SCI Model Systems Data Center, lumalahok sa independiyente at tulong-tulong na pagsasaliksik, at nagbibigay ng impormasyon at mga mapagkukunan ng impormasyon sa mga indibidwal na may SCI, sa kanilang pamilya at tagapag-alaga, sa mga propesyonal sa pangkalusugang pangangalaga at sa pangkalahatang publiko.
Website: www.msktc.org
Phone: 206-685-4181
Commission on Accreditation of Rehabilitation Facilities (CARF)
Ang Commission on Accreditation of Rehabilitation Facilities (CARF) ay isa pang mapagkukunan ng impormasyon para sa paghahanap ng mga accredited na pasilidad ng rehabilitasyon. Para magawaran ng CARF accreditation, dapat pumasa ang isang pasilidad sa malalimang pagsusuri ng mga serbisyo nito.
May pagkakaiba sa pagitan ng pangkalahatang CARF accreditation at doon sa partikular na para sa spinal cord injury, kaya tiyaking humingi ng listahan ng mga accredited na sentro para sa spinal cord injury gamit ang mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa ibaba.
Website: www.carf.org
Phone: 888-281-6531 (toll-free)
Mga rehabilitasyong sentro para sa bata
Bagama’t napakahalagang papel ang gagampanan ng edad ng iyong anak upang matukoy kung ano ang pinakanababagay na sentro ng rehabilitasyon , may ilang napakahuhusay na programang iniangkop para sa mga batang pasyente. Bilang magulang, tandaang magtanong at sumangguni sa mga mapagkukunan ang impormasyon.
- Ang Kosair Charities Center for Pediatric NeuroRecovery sa University of Louisville ay nagkakaloob ng mga therapy na batay sa aktibidad at nagsasagawa ng mga pagsasaliksik sa pagsalin. Sa pamamagitan ng pangkat nila ng mga eksperto sa iba’t ibang larangan, nakatalaga silang matugunan ang paiba-ibang hamon ng paglaki at pagbuti mula kabataan hanggang makarating sa hustong edad.
- Ang Shriners Hospital for Children ang kauna-unahang sistema sa pangkalusugang pangangalaga sa bansa na nakapagtatag ng mga sentro ng rehabilitasyonr para sa spinal cord injury, na partikular na dinisenyo para sa mga bata. Ang makabagong nilang pagsasaliksik ay humantong sa mga makabagong paraan ng paggagamot na naghahatid ng pangangalagang nakakatulong sa mga bata upang makapamuhay ng isang ganap, aktibo at malusog na buhay.
- Ang Kennedy Krieger Pediatric Rehabilitation Unit ay nagtataguyod ng komprehensibong paggagamot sa iba’t ibang larangan, pagtatasa, at mga serbisyo sa follow-up para sa mga pasyenteng mas kaunti ang kakayahan dahil sa iba’t ibang dahilan gaya ng pinsala sa utak at spinal cord injury.
Pagkilala sa iyong pangkat sa rehab
Isa pang aspekto ng magandang rehab ay ang lawak at kalidad ng propesyonal na empleyadong naghahatid-serbisyo. Ito ang mga propesyong makakasagupa mo sa isang rehabilitation team.
Physiatrist
Ang physiatrist ay isang doktor na espesyalista sa pisikal na paggagamot at rehabilitasyon. Maraming ginagamot na problema ang mga physiatrist, mula sa mga magang balikat hanggang sa mga spinal cord injury, at gumagamot din sila ng matindi at malalang pananakit, at mga problemang musculoskeletal.
Ipinagbibigay-alam ng mga physiatrist ang matagalang proseso ng rehabilitasyon para sa mga pasyenteng may mga spinal cord injury, kanser, stroke o iba pang mga nyurolohikal na problema, mga pinsala sa utak, mga amputation (pagputol ng bahagi ng katawan) at multiple sclerosis.
Rehab nars
Ang mga nars na may natatanging pagsasanay sa mga rehabilitative at restorative principle ay nakikipagtulungan sa ibang miyembro ng rehabilitasyon na pangkat para lumutas ng mga problema at pamahalaan ang mga komplikadong medikal na isyu.
Eksperto ang mga rehabilitation nurse sa pag-ihi, pagdumi, nutrisyon, pananakit, integridad ng balat, paghinga, sariling pangangalaga, pagsasaayos ng mga medikal na rehimen, at mga kaugnay na isyu. Nagbibigay sila ng patuloy na edukasyon sa pasyente at sa pamilya, nagtatakda ng mga layunin para sa pagiging independiyente, at bumubuo ng mga plano ng pangangalaga para mapanatili ang pinakamabuting kapakanan.
Nagsisimulang makipagtulungan ang mga rehabilitation nurse kasama ang mga indibidwal at ang kanilang pamilya, pagkatapos na pagkatapos ng pagsisimula ng isang injury o matagalang sakit, at patuloy silang nagbibigay ng suporta matapos makabalik ng indibidwal sa bahay, sa trabaho o sa paaralan.
Occupational therapy
Ang isang occupational therapist (OT) ay mahusay sa pagtulong sa mga indibidwal na matutunan, muling matutunan ang mga pang-araw-araw na aktibidad na kailangan nila para makamit ang ganap na pagiging independiyente. Ang mga OT ay nag-aalok ng mga programa sa paggagamot upang makatulong sa pagligo, pagbibihis, paghahanda ng pagkain, paglilinis ng bahay, pagsali sa arts and crafts o paghahardin. Nagbibigay sila ng mga rekomendasyon at nag-aalok ng pagsasanay na may pantulong na aparato upang mahalinhinan ang nawalang kakayahan.
Tinatasa ng mga OT ang mga kapaligiran sa bahay at trabaho at nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa mga pantulong. Ginagabayan din ng occupational therapist ang mga miyembro ng pamilya at mga tagapag-alaga tungkol sa mga ligtas at epektibong pamamaraan ng pangangalaga ng mga tao. At, higit pa ang ginagawa nila kaysa sa pagpapahusay ng mga pisikal na kakayahan sa pamamagitan ng pagtuon sa komunidad sa labas ng ospital.
Physical therapy
Ang mga physical therapist (PT) ay gumagamot ng mga kapansanang nagmumula sa mga pinsala sa paggalaw at pakiramdam. Ang kanilang layunin ay ang tulungan ang mga tao na madagdagan ang lakas at resistensya, mas pahusayin ang koordinasyon, bawasan ang paninigas sa kalamnan, panatilihin ang mga kalamnan sa paralisadong biyas, pangalagaan ang balat mula sa pressure sores, at magkaroon ng dagdag na kontrol sa kakayahang umihi at dumumi.
Makakapagturo din ang mga PT ng mga pamamaraan para sa paggamit ng mga pantulong na aparato gaya ng mga wheelchair, baston, o brace. Maliban sa mga “hands-on” o aktuwal na pag-eehersisyo at paggagamot, tinuturuan din ng mga physical therapist ang mga tao na alagaan ang kanilang mga sarili.
Maaari ding paginhawahin ng mga PT ang mga hugpungan (joints) at tiyakin ang saklaw ng paggalaw ng mga ito, at gumamit ng mga pamamaraang gaya ng ultrasound, mga hot pack at yelo.
Kasama sa iba pang mga therapist sa rehab unit ay ang:
- Mga recreation therapist na tumutulong sa mga taong matuklasan ang napakaraming opsyon sa paglilibang na magagawa nila sa komunidad.
- Tumutulong ang mga vocational therapist na tasahin ang kanilang mga kasanayan sa trabaho, at nakikipagtulungan sa pang-estadong vocational rehab o iba pang ahensya para makakuha ng kagamitan pagsasanay, at paghahanap ng trabaho.
- Marami sa mga pasilidad ng rehab ay may mga eksperto sa pag-upo at sa posisyon para matulungan ang mga taong mapili ang pinakamagandang wheelchair, kutson, at kagamitang pamposisyon.
- Karamihan sa mga pasilidad ng rehab ay may mga psychologist upang matulungan ang mga tao sa kadalasang matitinding mga pagbabago sa buhay na kasunod ng sakit o trauma.
- Napakahalagang bahagi ng karamihan sa mga programa ng rehab ang pagpapayo tungkol sa pakikipagtalik at pamilya, upang matulungan ang mga pasyenteng mas maunawaan ang kakayahan sa pakikipagtalik, pagpaplano para sa pamilya, atbp.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa kung paano maghanap o pumili ng isang pasilidad ng rehabilitasyon, ang aming mga information specialist ay makakausap sa mga araw ng trabaho at pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang mga fact sheets sa pagpili ng isang sentro ng rehab na may mga karagdagang mapagkukunang impormasyon at tulong mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan impormasyon at tulong ng estado hanggang sa sekondaryang komplikasyon ng paralysis.