Mga Walking system at braces
Pangkalahatang-ideya ng mga orthosis
Ang mga orthosis at brace ay mga pangkaraniwang kagamitan sa rehabilitasyon, bagama’t mas madalang na itong ginagamit ngayon kaysa noong nakaraan. Ito ay dahil din sa pagbabawas ng gastusin, limitadong klinikal na kadalubhasaan at mas maikling panahon sa rehabilitasyon. May laganap na pakiramdam din sa maraming gumagamit na mahirap ang paggagamit ng mga orthosis at mukhang masyadong mekanikal o “baldado.”
Pwedeng gamitin ang orthosis para magposisyon ng kamay, braso o binti, o para dagdagan o pahusayin ang kakayahan. Pwede rin itong maging kasing simple ng isang splint o kasing komplikado ng functional electrical stimulation (FES) brace para sa ambulation (paglalakad nang walang tulong) sa paraplegics.
Ang nasa ibaba ay ilang pagpipilian para sa mga orthosis at nakikilala nang aparato.
Wrist-hand orthosis
Ang wrist-hand orthosis (WHO) ay naglilipat ng puwersa mula sa isang aktibong galanggalangan (wrist) tungo sa mga paralisadong daliri. Ito ay nag-aalok ng kakayahang kumapit para sa mga may cervical na pinsala (karaniwan sa pagitan ng C4-C7). Ang WHO, na tinatawag ding tenodesis splint, ay binago at pinasimple sa paglipas ng mga taon, minsan may dagdag na baterya para sa power.
Ankle-foot orthosis
Ang ankle-foot orthosis (AFO) ay karaniwang ginagamit sa mga taong na-stroke, nagka-multiple sclerosis, at di-ganap (incomplete) na spinal cord injury para matulungan ang bukung-bukong (ankle) at payagan ang paang umangat sa lupa sa yugto ng pagkampay habang naglalakad. Maraming iba’t ibang uri, ang karamihan ay may nakamoldeng heel cup na umaabot hanggang sa likod ng binti.
Knee-ankle-foot orthosis
Ang knee-ankle-foot orthosis (KAFO) ay nagbibigay-daan sa isang taong paralisado (kadalasang L3 at mas mataas) na mapatatag ang tuhod at bukung-bukong. Bagama’t napakahirap nitong gawin, ang mga taong gumagamit ng mga KAFO, kahit na iyong mga hindi nakakagalaw ng balakang, ay makakahakbang sa pamamagitan ng pagkampay ng kanilang mga binti habang sinusportahan ng mga saklay para sa bisig. Maraming uri ng KAFO, kasama dito ang mga plastic at bakal na brace.
Reciprocating gait orthosis
Ang reciprocating gait orthosis (RGO), na nagmula sa Canada para sa mga batang may spina bifida, ay binubuo ng isang pares ng KAFO na may matitibay na ankles na nahihigpitan ang knee joints at binti, at mga strap para sa hita. Ang bawat binti ng brace ay nakakabit sa isang pelvic unite na may hip joint, na sumusuporta sa paggalaw ng balakang at ekstensyon. May kableng bakal na nagkakabit sa dalawang hip joint para malimitahan ang layo ng hakbang.
Sa pamamagitan ng pag-ikot sa katawan (torso), inililipat ng gumagamit ang bigat sa binti sa harap; pinapayagan nitong sumulong ang kabilang binti. Ang ganitong uri ng paglalakad ay matatag at balansyado, ngunit mabagal at nangangailangan ng maraming enerhiya.
Idinagdag ng mga klinika ang FES sa RGO para makatulong sa paglalakad.
Parastep
Ang parastep ay isang “neuroprothesis,” isang aparato na nakakaapekto sa kapwa istraktura ng katawan (gaya ng isang brace) at sa nervous system (pamalit sa mga napinsalang nerbiyo). Ito ay isang portable na FES sytem na nagpapadali sa reciprocal walking (salitang paggalaw ng paa) sa pamamagitan ng pagsi-stimulate sa mga kalamnan ng binting naka-cue. Medyo mala-robot ang paggalaw, ngunit independiyente ito at makabuluhan sa loob ng maikling panahon.
Karamihan sa mga taong may spinal cord injury sa pagitan ng T4 at T12 ay makakagamit ng Parastep, na nangangailangan ng rehimen ng physical therapy na binubuo ng 32 sesyon. Sagot ng Medicare ang aparato para sa mga kwalipikadong user. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Sigmedics.
Exoskeleton
Ang mga exoskeleton at ang papel na ginagampanan ng mga ito sa pangangalagang pag-rehabilitasyon at buhay sa bahay ng mga taong namumuhay nang may paralysis ay naging mahalaga at nakikilalang teknolohiya ilang taon lang ang nakakaraan. Sa katunayan, ang mga exoskeleton ay ang mga bionic na binting pinapagana ng baterya, na may maliliit na motor sa mga hugpungan.
Iminumungkahi ng mga kompanya na mas malaki pa ang maibibigay ng aparatong exoskeleton sa kakayahan ng mga gumagamit nito na makatingin sa mata ng iba. Kasama sa mga benepisyo sa kalusugan ang mas mahusay na density ng buto at bawas na pananakit. May naitala ring ebidensya na ang robotic na paglalakad ay nakakatulong sa kakayahang dumumi at umihi
Mga gumagawa ng exoskeleton
Noong Hunyo 2014, inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit sa ReWalk Personal System sa bahay at sa komunidad. Ito ang unang aparatong exoskeleton na naaprubahan ng FDA. Ayon sa kompanya, ang ReWalk ay: “Nagdudulot ng paggalaw na pinasisimulan ng gumagamit sa pamamagitan ng pagsasama ng nasusuot na pansuportang brace, isang computer-based na control system at mga sensor ng paggalaw.”
Ibinibigay ng ReWalk sa mga taong namumuhay nang may paraplegia ang pagkakataong tumayo at maglakad nang mag-isa, ngunit ang halaga nito ay hadlang para sa ilan — may isang artikulong nagsabi na ang halaga ng pagkakaroon ng ganitong aparato ay malapit sa $70,000. Ang ReWalk ay nanggaling sa Israel at Europa.
Kasalukuyang sinusubukan ng Ekso Bionics ang mga robotic na exoskeleton sa mga rehabilitation center sa buong mundo. Ayon sa kompanya, dapat pangasiwaan ang paggamit ng mga indibidwal na may iba’t ibang level ng paralysis ng aparato sa klinika.
Ang mga nadiskubre na pinakakamakailang iniulat ng Esko mula Setyembre 2012 ay napili mula sa klinikal na pagsubok ng 13 indibidwal, 12 may paraplegia at isang may quadriplegia. Napag-alaman sa pag-aaral na ang paglalakad at pagtayo sa aparato ng Esko ay posible, at ang paghusay ng mga kakayahan ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagsasanay gamit ang aparato. Ayon sa kompanya, ang bilis at distansya ng paglakad, suwabeng galaw, paraan ng paglalakad, at balanse ay mas umayos lahat. Kasalukuyang hindi aprubado ang Ekso Robotic Skeletons para sa personal na paggamit sa Amerika.
Ang Parker Indego® ay isang “powered na orthosis para sa ibabang biyas na tumutulong sa mga taong may problema sa paggalaw, na makapaglakad at makasali sa over-ground na gait training.” Naparangalan ang Indego kamakailan ng FDA clearance para mai-market at maibenta ang exoskeleton para sa klinikal at personal na paggamit sa Amerika (nabibili na ang Indego sa Europa). Nilalayon ng kompanya na ilunsad ang aparato sa merkado ng Amerika sa mga darating na buwan.
Noong Oktubre 2015, ipinahayag ng Parker na magsu-suplay ito ng mga aparatong gawa ng Indego para sa apat na taong pag-aaral na pinondohan ng U.S. Department of Defense, ukol sa napatunayang pang-ekonomiya at pangrehabilitasyong pakinabang ng mga exoskeleton.
Noong Hulyo 2014, sumubok ang kompanya ng isang aparatong gawa ng Indego sa Shepherd Center sa Atlanta, Georgia — ito ang unang pagkakataon na nagamit ito ng isang indibidwal na may quadriplegia — Cole Sydnor.
Ang Hybrid Assistive Limb (HAL), na ginawa ng Cyberdyne, ang Hapong tagagawa ng robot, ay dumaraan na sa mga proseso ng pag-aapruba ng mga medikal na aparato.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa mga sistema ng paglalakad at mga brace o kung may partikular kang tanong, ang aming mga information specialist ay makakausap sa mga araw ng trabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bukod pa rito, pinapanatili ng Reeve Foundation ang mga sistemang paglalakad at binabaluktot ang mga fact sheets na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.