Affordable Care Act
Ang Epekto ng Affordable Care Act
Inilalapit ng Affordable Care Act (ACA) ang bansa sa katiyakang makakapamuhay ang mga taong may-kapansanan na magka-access sa de-kalidad, komprehensibo at abot-kayang halagang pangangalaga na makakatugon sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan, at magbibigay-daan sa kanilang makapamuhay sa independiyenteng paraan hangga’t maaari.
Kasama sa Affordable Care Act (ACA) ang mahahalagang pagbabago na nakakaapekto sa komunidad ng may-kapansanan. Kasama sa mga ito ang:
Mga umiiral nang kondisyon
Bago ipasa ang ACA, marami sa mga taong namumuhay nang may kapansanan ang madalas na hindi binibigyan ng coverage, sinisingil ng mas matataas na premium, o binabawi ang coverage pagkatapos magkaroon ng injury. Alinsunod sa ACA, hindi papayagan ang karamihan sa mga insurance plan na tumanggi o magbukod ng coverage sa sinumang Amerikano batay sa umiiral nang kondisyon, kasama na ang kapansanan.
Panghabang-buhay at taunang limitasyon ng benepisyo
Isa sa pinakamalaking ikinatakot ni Christopher Reeve ay ang lalampas siya sa panghabang-buhay at taunang limitasyon ng kaniyang insurance coverage. Walang bahagi ng populasyon ang pinakaapektado ng mga limitasyong ito kundi iyong mga humaharap sa matinding injury. Alinsunod sa ACA, ipinagbabawal ang mga panghabang-buhay at taunang limitasyon sa mga benepisyo.
Pagpapalawak sa Medicaid
Nagbibigay ang programang Medicaid ng saklaw sa pangkalusugan sa ilan sa pinakamahihinang bahagi ng populasyon, kasama dito ang mga taong may-kapansanan. Bagama’t iniuutos ng ACA ang pagpapalawak ng pang-estadong programa ng Medicaid para sa lahat ng Amerikanong mas bata sa 65, na kumikita ng hanggang mga $15,000, dahil sa pasya ng Supreme Court noong 2012, naging opsyonal ang pang-estadong pagpapalawak. Para sa impormasyong ukol sa kwalipikasyon sa Medicaid sa iyong estado, pakibisita ang www.medicaid.gov.
Health Insurance Marketplace
Binibigyang-kakayahan ng Marketplace ang mga indibidwal na bumili ng health insurance – katulad din ng kung paano sila nakakabili online ng mga ticket sa eroplano o kuwarto ng hotel. Ito ay nagbibigay ng impormasyon ukol sa mga opsyon sa insurance, pati na rin sa kwalipikasyon para sa mga programa sa pampublikong coverage, gayundin sa tax credits at tulong sa pagbabayad sa premium para maging mas-abot kaya ang insurance.
Mga serbisyong nakabase sa tahanan at sa komunidad
Pinalalawak ng ACA ang mga serbisyong nakabase sa bahay at komunidad na inaalok sa pamamagitan ng mga programang Medicaid, kung kaya’t mas madali para sa mga taong may-kapansanan ang manirahan sa bahay, sa halip na mapuwersang tumanggap ng mga serbisyo sa ibang lugar gaya ng ospital.
Kasama sa ilang mga pagpapahusay ay ang mga programang tulad ng “Community First Choice Option”, na naghahatid ng mga serbisyo ng mga makakatulong sa bahay at sa komunidad, at nagbibigay ng suporta para sa mga taong kwalipikado para sa uri ng pangangalaga na gaya ng sa ospital.
Pag-unawa sa Marketplace
Isang napakahalagang taon ang 2013 sa pagpapatupad ng Affordable Care Act, sa pagsisimula ng open enrollment sa “Health Insurance Marketplaces” ng naturang batas.
Ayon sa healthcare.gov, ang Health Insurance Marketplace ay “isang bagong paraan upang makapaghanap ng kalidad na health coverage. Makakatulong ito kung wala kang coverage sa ngayon o kung mayroon ka ngunit gusto mong humanap ng ibang mga opsyon. Sa pamamagitan ng isang aplikasyon sa Marketplace, malalaman mo kung makakakuha ka ng mas murang mga pagkakagastusan batay sa iyong kinikita, maihahambing mo ang iba’t ibang mga opsyon, at makakapag-enroll.”
Iniaatas ng pagbabago sa batas-pangkalusugan na magkaroon ang lahat ng mamamayan ng Amerika ng pagkakataong bumili online (o sa pamamagitan ng telepono) para sa pinakamagandang insurance na nababagay sa kanilang mga indibidwal na pangangailangan at badyet.
Depende sa kinikita ng isang tao, ang mga opsyon sa coverage na ibinibigay sa Marketplace ay maaaring mas magandang opsyon o hindi, sa mga kasalukyang plan na inaalok sa pamamagitan ng nagpapatrabaho sa indibidwal. Siyempre, aalukin din ng Marketplace ang mga walang insurance ng mga opsyong maaaring hindi inalok sa kanila noon.
Batay sa kung saan ka naninirahan, maa-access ang Marketplace sa iyong estado sa pamamagitan ng website na pinapagana ng pederal o pang-estadong pamahalaan
Saan ko maa-access ang Marketplace?
Ituturo ka ng HealthCare.gov sa Marketplace sa iyong estado. Ito ang pinakamagandang punto ng pagsisimula.
Ganito gumagana ang Marketplace:
- Pwedeng kumonekta online ang mga indibidwal na interesadong madagdagan ang nalalaman tungkol sa pagbili ng pribadong insurance, at ipaghambing ang mga opsyon sa health insurance.
- Mula doon, pwede kang pumili ng isang plan na nakakatugon sa iyong mga pangangailangan at badyet, at mag-enroll para sa coverage.
- Kinakailangang ipakita ang mga plan sa pamamagitan ng “metal tier” na sistema – ang mga “platinum” na plan ang pinakamahal ngunit nag-aalok ng pinakakomprehensibong coverage, habang ang mga “bronze” plan ang pinakamura ngunit nagtatakda ng pinakamahal na sariling gastusin.
Tatanungin ka ng Marketplace ng mga simpleng tanong tungkol sa iyong kinikita, sa iyong pamilya, kung saan ka nakatira, atbp. at magbibigay ng pangkalahatang-ideya ng mga opsyon sa insurance (pribado at pampubliko) kung saan ka kwalipikado.
Sa huli, kakailanganin mong magpasya batay sa iyong sariling pangangailangan, sa mga pangangailangan ng iyong pamilya, at sa iyong badyet.
Mga tip na dapat isaalang-alang bago mag-enroll
Itabi sa iyo ang mga pangunahing impormasyon sa una mong pag-log in:
Kailangan mo ng ilang pangunahing impormasyon para makapagsimula sa proseso ng pag-e-enroll – kung pipiliin mo mang mag-enroll online o sa telepono. Siyempre, kailangan mo ang impormasyong gaya ng iyong social security number at kung saan ka nakatira. Ngunit, kailangan mo din ng impormasyon ukol sa kinikita ng iyong buong sambahayan na nangangailangan ng coverage (ibig sabihin, mga pay stub, W-2 form, tax statement, atbp.).
Matutulungan ka ng impormasyong ito na malaman kung kwalipikado ka para sa pribadong insurance sa pamamagitan ng Marketplace, sa isang pampublikong programa sa health coverage (gaya ng Medicaid), at/o para sa pinansyal na tulong mula sa pamahalaan para sa pagbabayad ng coverage.
Badyet, badyet, badyet:
Kapag nag-log in ka sa Marketplace, ipapakita sa iyo ang mga plan na mula sa iba’t ibang insurer. Nakasaayos ang mga plan na ito ayon sa presyo, mga benepisyo, at iba pang mga tampok.
Ipapakita ang mga plan sa apat na kategorya – bronze, silver, gold, at platinum – para mas madaling ihambing ang mga ito. Ang magbabayad ng pinakamataas na porsiyento ng iyong mga medikal na gastusin ay ang mga platinum plan pero ito rin ang may pinakamahal na premium. Sa kabilang dako, mas mura ang babayaran mo sa mga bronze plan pero kakailanganin mong magbayad ng mataas na porsiyento sa iyong mga medikal na gastusin gamit ang sarili mong pera kapag tumanggap ka ng pangangalaga.
Maging matalino sa kung magkano ang maitatabi mo kada buwan para matugunan ang iyong mga medikal na gastusin, gayundin para sa iyong buong pamilya. Kapag alam mo ang kaya mong ibayad – para sa buwanang mga premium at sa mga sariling gastos – makakapagpasya ka nang mas maganda.
Magsaliksik ukol sa mga umiiral na plan at magtanong:
Bagama’t inaatasan ang lahat ng plan sa Marketplace na makapag-alok ng pangkat ng “Mga Pangunahing Benepisyong Pangkalusugan,” mahalagang tandaan na maaaring magkakaiba ang mga benepisyo ng mga partikular na plan sa bawat estado. At kahit na sa parehong estado, maaaring may maliliit na pagkakaiba sa pagitan ng mga plan.
Pinapahirap nito nang husto ang pamimili ng isang plan – lalo na para sa mga taong namumuhay nang may spinal cord injury, na kadalasang nangangailangan ng napakaraming serbisyong pangrehabilitasyon, mga gamot, mga therapy at kagamitan. Mahalagang malaman mo kung sa ano-anong serbisyo ka magkaka-access sa bawat plan, at maaaring hindi ito malalaman online.
Ang magandang balita ay, masasagot ng mga empleyado ng mga Health Insurance Marketplace ang mga napakaespesipikong mga tanong tungkol sa kung ano ang mako-cover o hindi ng isang partikular na plan.
At, dapat ding magbigay ng karagdagang coverage ang mga plan ng ACA para sa mga serbisyo at aparatong pangrehabilitasyon at “habilitative.” Magtanong sa isang propesyonal tungkol sa kung anong mga plano ang pinakanababagay sa iyo – lalo na kung napakahalagang aspekto ng pangangalaga sa iyo ang rehabilitasyon.
Pwede kang makipag-usap sa mga empleyadong ito nang real time sa pamamagitan ng online chat, o sa telepono. Ang HealthCare.gov ay nag-aalok ng opsyon sa telepono at online chat, para matulungan kang sagutin ang mga tanong na maaaring mayroon ka.
Hindi nababagay sa lahat ang mga plan ng Marketplace:
Tandaan, hindi mo kailangang bumili ng insurance sa pamamagitan ng isang Marketplace. Hindi makakasama ang pagsasaliksik pero kung masaya ka na sa iyong kasalukuyang insurance plan, hindi mo ito kailangang baguhin. Posible na ito pa rin ang pinakanababagay na plan para sa pangangailangan ninyo ng iyong pamilya.
Ang Medicare at ang Marketplace
Ano ang ibig sabihin ng mga bagong Marketplace na ito para sa mga mayroon nang Medicare? Sa madaling salita, wala.
Kung covered ka na ng Medicare, narito ang ilang mahalagang bagay na dapat tandaan:
- Hindi kasama ang Medicare sa Health Insurance Marketplace kaya, kung covered ka na ng Medicare, wala ka nang kailangang gawin.
- Ang magandang balita ay, kung nasa Medicare ka na ngayon, hindi maaapektuhan ng ACA ang mga pamimilian mo, at hindi na magbabago ang iyong mga benepisyo.
- Ayon sa Centers for Medicare & Medicaid Services (CMS), “Anupaman ang paraan ng pagkakaroon mo ng Medicare, kung ito man ay sa pamamagitan ng Original Medicare o isang Medicare Advantage Plan, hindi magbabago ang mga benepisyo at seguridad na mayroon ka ngayon, at hindi mo na kailangang magsagawa ng anumang mga pagbabago.”
Paalala: Hindi inaalok ng Marketplace ang karagdagang insurance ng Medicare (ang Medigap) o ang Part D na mga plan para sa resetang gamot.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa Affordable Care Act o kung may partikular kang tanong, ang aming mga information specialist ay bukas sa mga araw ng trabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang fact sheets ng sa ACA na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation.Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Pinagmumulan:Healthcare.gov