Make twice the difference, give now!

Connect

Mga benepisyo sa Social Security

Pangkalahatang-ideya ng mga programa ng Social Security

Ang dalawang pangunahing programa ng Social Security na sumusuporta sa mga taong namumuhay nang may kapansanan ay ang Social Security Disability Insurance (SSDI) at ang Supplemental Security Income (SSI).

Kailangan mong mag-apply para sa SSDI at SSI sa lalong madaling panahon pagkatapos mong magkaroon ng kapansanan. Maaari kang maging kwalipikado para sa isa ngunit hindi sa isa

Maaaring magtagal ng ilang buwan o mahigit sa isang taon bago makatanggap ng pasya, depende sa kung gaano katagal makukuha ang iyong mga medikal na record. Ang pagsisimula ng pagtanggap sa iyong mga benepisyo ay nakasalalay sa petsa ng iyong pagkakaroong kapansanan, petsa ng aplikasyon bilang may-kapansanan, at sa uri ng mga benepisyong nararapat sa iyo

Social Security Disability Insurance (SSDI)

Ang Social Security Disability Insurance ay batay sa iyong kawalan ng kakayahang magtrabaho. Itinuturing kang may-kapansanan sa ilalim ng mga panuntunan ng Social Security kung hindi mo na magawa ang trabahong ginawa mo noon at napagpasyahang hindi ka makaka-akma sa ibang trabaho dahil sa iyong (mga) medikal na kondisyon.

Mataas ang porsiyento na tinatanggihan ang mga inisyal na ina-angkin o claims sa SSDI. Subalit, may tatlong antas ang proseso ng pag-aapela. Para makapanalo ng pag-aangkin sa anumang antas, kailangang magharap ng medikal na ebidensya ng kapansanan ang aplikante. Ang pinakamagandang mapagkukunan ng ebidensyang ito ay ang doktor ng aplikante at hindi ang aplikante.

Maliban sa pagtugon sa kahulugan ng pagkabalda, may sapat na tagal ng panahon kang nakapagtrabaho at dapat kamakailan din, alinsunod sa Social Security upang maging kwalipikado para sa mga benepisyo sa pagkabalda. Dapat ay nakapagtrabaho ang isang tao nang hindi bababa sa 5 sa 10 taon bago ang kapansanan, at nakapagbayad ng mga buwis sa FICA. Ang pagkabalda o kapansanan ay dapat tantiyadong magtatagal nang hindi bababa sa 12 buwan.

Ang mga benepisyo ng SSDI ay makukuha ng mga manggagawang may mga kapansanang “matutukoy sa medikal na paraan” na humahadlang sa kanilang makapanatili sa trabaho o makagawa ng anumang “makabuluhan at kapaki-pakinabang na aktibidad.” Proteksyon ito ng mga manggagawang hindi matutulungan ng mga adjustment at adaptation na tinatawag na “mga makatuwirang tulong” sa Americans with Disabilities Act (ADA).

At, ang sinumang indibidwal na namumuhay nang may kapansanang mas bata sa edad 65 ay dapat tumanggap ng mga benepisyo sa pagkabalda mula sa Social Security sa loob ng 24 na buwan bago maging kwalipikado para sa Medicare.

Supplemental Security Income (SSI)

Ang Supplemental Security Income ay isang programang nagdudulot ng mga buwanang kabayaran sa mga taong limitado ang kinikita at mapagkukunan.

Ang SSI ay para sa mga taong 65 o mas matanda, pati na rin sa iba ang edad kabilang ang mga bata, bulag o may mga kapansanan.

Para makakuha ng SSI, ikaw ay dapat:

  • 65 taong gulang o mas matanda
  • Ganap o di-ganap ang pagkabulag; o
  • May medikal na kondisyon/kapansanan na humahadlang sa iyong magtrabaho at inaasahang mabubuhay nang hindi bababa sa isang taon o magreresulta sa kamatayan.

Ang mga benepisyo ng SSI ay hindi batay sa iyong kasaysayan sa trabaho ni ng sa iyong kamag-anak. Sa karamihan sa mga estado, ang mga tumatanggap ng SSI ay nakakakuha rin ng saklaw ng Medicaid para sa mga pamamalagi sa ospital, mga singil ng doktor, mga gamot, at iba pang mga gastusin sa pangkalusugang pangangalaga.

Ang mga tumatanggap ng SSI ay maaari ding maging kwalipikado para sa mga food stamp sa bawat estado maliban sa California dahil sa halip na rito, idinadagdag ng estado ang pera upang ibayad sa pederal na pamahalaan para sa SSI.

Kapag inaalam ang iyong kwalipikasyon, kinakalkula ang iyong kita at ibinabatay sa perang iyong kinikita, sa iyong mga benepisyo sa Social Security, sa iyong mga pensyon at sa halaga ng mga bagay na nakukuha mo sa ibang tao, gaya ng pagkain at tirahan. Naaapektuhan ng halaga ng kita kung saan ka nakatira dahil iba-iba ang mga panuntunan sa iba-ibang estado.

Maaari kang makatanggap ng SSI kung ang iyong mga mapagkukunan (mga bagay na pag-aari mo) ay hindi lalampas sa $2,000 para sa isang tao, o $3,000 para sa mag-asawang naninirahan nang magkasama. Hindi binibilang ang lahat ng iyong pag-aari. Halimbawa, hindi isinasama ng SSI ang isang bahay na pag-aari mo kung ikaw ay nakatira dito, at karaniwang hindi isinasama ang iyong kotse.

Ngunit, isinasaalang-alang ang cash, mga bank account, stocks at bonds.

Para makatanggap ng SSI, dapat kang mag-apply para sa iba pang mga benepisyo ng pamahalaan kung saan maaaring kwalipkado ka. At, kung tumatanggap ka ng SSI, kadalasan ay makakatanggap ka ng mga benepisyo mula sa Supplemental Nutrition Assistance Program (SNAP), pati na rin sa Medicaid. Tumutulong ang Medicaid sa pagbabayad ng mga singil ng doktor at ospital, at tumutulong ang SNAP sa pagbabayad ng pagkain.

Ang Programang SSI ay pinopondohan ng General Revenue. Hindi ito pinopondohan sa pamamagitan ng mga binabawa na buwis ng Social Security alinsunod sa Federal Insurance Contributions Act (FICA).

Bisitahin ang website ng Social Security Administration at hanapin ang tanggapan ng Social Security na pinakamalapit sa iyo para sa karagdagang tulong.

Sa halip na pumunta sa tanggapan ng Social Security, pwede kang mag-set-up ng interview sa telepono para masimulan ang proseso sa pamamagitan ng pagtawag sa 1-800-772-1213.

Ang mga indibidwal na may paralysis na lilipat sa mga rehabilitation center sa ibang mga estado ay maaari ding mag-set-up ng interview sa telepono sa kanilang pagmumulang estado gamit ang numerong nakalista sa ibaba.

Ang proseso ng pag-aapela

Hindi palaging ginagawang madali ng Social Security ang makakuha o makapagpanatili ng mga benepisyo. Kapag nagpasya ang ahensya na hindi ka kwalipikado o hindi na kwalipikado para sa mga benepisyo, o na ang halaga ng mga kabayaran sa iyo ay dapat baguhin, makakatanggap ka ng sulat na nagpapaliwanag sa pasya.

Kung hindi ka sumasang-ayon, pwede mong ipatingin sa kanilang muli ang kaso mo. Kung gusto mong mag-apela, dapat mong isagawa ang iyong kahilingan nang nakasulat, sa loob ng 60 araw mula noong matanggap mo ang sulat. May apat na antas ng pag-aapela.

Ang rekonsiderasyon ay ganap na pagsusuri ng iyong claim ng isang taong hindi kalahok sa orihinal na pasya. Titingnan ng taong ito ang lahat ng naisumiteng ebidensya noong isinagawa ang orihinal na pasya, pati na rin ang anumang bagong ebidensya.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa rekonsiderasyon, pwede kang humiling ng paglilitis (hearing). Isasagawa ang paglilitis ng isang administrative law judge na walang naging bahagi sa alinman sa unang pasya o sa rekonsiderasyon ng iyong kaso. Kayo ng iyong kinatawan, kung mayroon, ay pwedeng dumalo sa paglilitis upang ipaliwanag ang Iyong kaso. Maaari mong repasuhin ang anumang nasa iyong file at magbigay ng bagong impormasyon.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa pasya sa paglilitis, maaari kang humiling ng muling pagsusuri ng Social Security’s Appeals Council. Tinitingnan ng Appeals Council ang lahat ng mga kahilingan para sa muling pagsusuri, ngunit maaari nitong tanggihan ang isang kahilingan kung sa palagay nitong tama ang pasya sa panahon ng paglilitis.

Kapag nagpasya ang Appeals Council na muling suriin ang iyong kaso, maaari nitong pagpasyahan mismo ang iyong kaso o ibalik ito sa administrative law judge para sa karagdagang pagsusuri.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa pasya ng Appeals Council o kung magpasya ang Appeals Council na huwag muling suriin ang iyong kaso, ang iyong panghuling opsyon ay ang magharap ng kaso sa isang federal district court.

Dahil komplikado ang mga panuntunan, maraming aplikante ang kumukuha ng mga abogado na eksperto sa batas ng Social Security. Ang National Organization of Social Security Claimants’ Representatives ay maaaring magmungkahi ng mga lokal na referral.

Para sa mga katanungan tungkol sa SSI, SSDI, o iba pang mga programa ng benepisyo sa pagkabalda, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng Social Security.

Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa Social Security o kung may partikular kang tanong, ang aming mga information specialist ay makakausap sa mga araw ng trabaho at pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang fact sheets sa mga programa sa Social Security na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.

Pinagmumulan: Social Security Administration, Allsup, Inc.