Support our Team Reeve athletes in the Chicago and NYC marathons!

Connect

Para sa mga beterano

Kagawaran ng Depensa (Department of Defense)

Nag-aalok ang Kagawaran ng Depensa (DOD) ng napakaraming mapagkukunan para sa mga aktibo at mga reserbang miyembro ng serbisyo at mga beterano.

Ang mga mapagkukunan na ito ay mas malalim at higit na madaling gamitin ngayon kaysa sa henerasyon na nakaraan, malaking bahagi ng pasasalamat sa pangako ng gobyerno ng Estados Unidos na gawin ang mga dokumento at patakaran na mas malawak na magagamit at mas madaling maunawaan.

Para sa malawak na pag-unawa sa mga paksa ukol sa militar at mga link sa daan-daang kaugnay na programa ng DOD, bisitahin ang www.defense.gov.

Mga programa para sa sugatan, may sakit, o may pinsala

Ang komprehensibong pangangalaga para sa isang lubhang sugatan na miyembro ng serbisyo ay nangangailangan ng koordinasyon sa lahat ng mga ahensya at disiplina, at ang mga programa ng Wounded Warrior ang nag-aalok ng ugnayan na ito.

Ang bawat isa sa mga sangay ng militar ay mayroong sariling programa na Wounded Warrior upang tugunan ang tiyak na layunin sa paggaling, rehabilitasyon, at muling pagbabalik. Ang mga programang ito ay nagbibigay ng pang habang-buhay na suporta para sa miyembro ng serbisyo at ang pagiging karapat-dapat ay hindi nagtatapos kapag ang miyembro ng serbisyo ay pinalabas mula sa isang pasilidad para sa paggaling ng militar.

Ang Army Wounded Warrior Program (AW2) ay pinangangasiwaan ng U.S. Army Warrior Transition Command. Nag-aalok ang pangkat na ito ng mga isinapersonal na serbisyo sa paggaling para sa mga malubhang sugatang sundalo at pamilya hangga’t kailangan nila ng tulong.

Ang lahat ng mga sugatan, may pinsala, at may sakit na sundalo ay itinatalaga sa isang Warrior Transition Unit (WTU) upang pagtuunan ng pansin ang pagpapagaling bago ibalik sa tungkulin o ilipat sa status na beterano. Ang US Army ay nagtatag ng mga WTU sa mga pangunahing pasilidad ng militar sa paggamot upang magbigay ng suporta sa mga sugatang sundalo na nangangailangan ng hindi bababa sa anim na buwan ng rehabilitasyong pangangalaga at kumplikadong pamamahalang medikal.

Ang bawat sundalong sugatan ay mayroong isinapersonal na Comprehensive Transition Plan (CTP) na may layuning hayaan sila at ang kanilang pamilya na umusad sa buhay pagkatapos ng pinsala.

Upang makipag-ugnay sa tukoy na WTU, tawagan ang Wounded Soldier at Family Hotline, libreng toll sa 1-800-984-8523. Ang mga may malawak na pangangailangang medikal ay may nakaatas na lokal na AW2 Adbokasiya para sa pangmatagalang tulong.

Proseso ng pagsusuring pang medikal

Ang Integrated Disability Evaluation System (IDES) ay nangyayari pagkatapos na ang isang sugatan o may sakit na miyembro ng serbisyo ay dumaan sa panandaliang yugto ng paggamot.

Ang miyembro ng serbisyo ay kinakailangan pumili sa Continue on Active Duty (COAD), Continue on Active Reserve (COAR), o humiwalay/magretiro mula sa militar. Nagsisimula ang proseso ng IDES kapag lumalabas na ang kondisyon ng isang miyembro ng serbisyo ay permanente at maaaring makagambala sa kanyang kakayahang maglingkod sa aktibong tungkulin.

Ang isang miyembro ng serbisyo na mabibigong matugunan ang mga pamantayan sa medikal na pananatili ay isa-sangguni ng awtoridad sa medisina sa IDES kapag ang karagdagang paggamot ay hindi mabibigyan ang miyembro ng serbisyo ng kakayahang gampanan ang mga tungkulin ng opisina, grado, ranggo, o marka. Kasama sa IDES ang isang medical evaluation board (MEB), isang physical evaluation board (PEB), isang proseso ng pagsusuri ng apela at isang pangwakas na disposisyon.

Ang MEB ay isang impormal na proseso na sinisimulan ng pasilidad sa paggamot na medikal. Ang PEB ay isang pormal na pagpapasya sa kakayahan-para-sa-tungkulin at kapansanan at maaaring magrekomenda ng isa sa mga sumusunod:

  • Ibalik ang miyembro sa tungkulin
  • Ilagay ang miyembro sa listahan ng may pansamantalang kapansanan/retirado
  • Ihiwalay ang miyembro mula sa aktibong tungkulin
  • Iretiro ang miyembro sa kadahilanang medikal

Ang mahalaga, ang PEB ang magtutukoy ng porsyento ng kabayaran sa kapansanan ng miyembro ng serbisyo. Kung ang miyembro ng serbisyo ay hindi sumasang-ayon sa anumang impormasyon na kasama sa mga dokumento ng medical board, maaari siyang magsumite ng isang pagtanggi.

Sinusuri ng PEB ang lahat ng dokumentasyon ng medikal board upang matukoy kung ang miyembro ng serbisyo ay angkop para sa patuloy na serbisyong militar. Ang mga miyembro na napatunayang hindi akma para sa tungkulin ay may karapatang humiling ng isang Formal Board. Isang abogado pagkatapos ay itinatalaga o inaarkila upang kumatawan sa miyembro ng serbisyo. Sinusuri ng Board ang ebidensya, nakikinig sa patotoo, at isinasaalang-alang ang anumang bagong katibayan bago gumawa ng isang rekomendasyon

Ang mga beterano na nahiwalay sa militar ng Estados Unidos sa dahilang medikal sa pagitan ng Setyembre 11, 2001 at Disyembre 31, 2009 ay maaaring ipasuri ang kanilang mga rating ng kapansanan mula sa Physical Disability Board of Review (PDBR) upang matiyak ang pagiging patas at kawastuhan.

Ang PDBR, na isinabatas ng Kongreso at ipinapatupad ng Kagawaran ng Depensa, ay gumagamit ng impormasyong medikal na ibinigay ng VA at militar. Kapag nakumpleto ang isang pagsusuri, nagpapasa ang PDBR ng rekomendasyon sa kalihim ng kani-kanilang sangay ng armadong serbisyo. Ginagawa ng sangay ng serbisyo ang pangwakas na pagpapasiya sa rating ng kapansanan

Kagawaran ng Veterans Affairs

Ang Kagawaran ng Veterans Affairs (VA) ng Estados Unidos ay responsable sa pamamahala ng mga benepisyo para sa mga beterano, kanilang pamilya, at mga nakaligtas. Kabilang sa mga benepisyo ang kabayaran sa kapansanan, pensiyon, edukasyon, pautang sa pabahay, life insurance, rehabilitasyon bokasyonal, mga benepisyo para sa mga nakaligtas, benepisyong medikal at libing.

Ang pagiging karapat-dapat para sa mga programa ng VA ay magkakaiba. Ang mga beterano ay ikinategorya sa walong mga prayoridad na grupo, batay sa mga kadahilanan tulad ng mga kapansanan na nakakonekta sa serbisyo, kita, at mga assets.

Ang mga beterano na may 50 porsyento o mas mataas na kapansanan na konektado sa serbisyo ay karaniwang binibigyan ng komprehensibong pangangalaga at gamot nang walang bayad. Ang mga beterano na may mas mababang factor sa pagka-kwalipikado na lumampas sa paunang tukoy na threshold ng kita ay gumagawa ng mga bahaging babayaran para sa kanilang pangangalaga.

Ang mga benepisyo sa pangangalaga sa ngipin at pangangalaga sa loob ng nursing home ay mas pinaghihigpitan. Walang kinakailangang co-payment para sa mga serbisyo ng VA para sa mga beterano na may mga kondisyong medikal na nauugnay sa militar, na tinukoy bilang mga problemang nagsimula o pinalala dahil sa serbisyo militar.

Ang mga reservist at tauhan ng National Guard na nagsilbi sa estado sa panahon ng kapayapaan o walang mga kapansanan na nauugnay sa serbisyo sa pangkalahatan ay hindi kwalipikado para sa mga benepisyo sa kalusugan ng VA.

Ang pangangalagang polytrauma ay para sa mga beterano at nagbabalik na mga kasapi ng serbisyo na may mga pinsala sa higit sa isang physical region o organ system, na nagreresulta sa mga kapansanang pisikal, cognitive, sikolohikal, o diperensya sa pag-iisip at pakikisalamuha sa ibang tao at kapansanan sa pagganap.

Kapag matatag na ang kondisyong medikal, ang pinakamalubhang nasugatan ay madalas na nililipat sa isa sa limang Polytrauma Rehabilitation Centers (PRCs)

  • McGuire VA Medical Center sa Richmond, Virginia
  • James A. Haley VA Medical Center sa Tampa, Florida
  • Minneapolis VA Medical Center sa Minnesota
  • Palo Alto Health Care System sa California
  • South Texas Veterans Health Care System sa San Antonio, Texas

Mayroon din 23 Polytrauma Network Site, na pinapayagan ang mga miyembro ng serbisyo na magpagaling malapit sa bahay.

Karagdagang mga serbisyo ng VA

Ang Federal Recovery Coordination Program (FRCP) ay isang inisyatiba ng VA na idinisenyo upang putulin ang mga linya ng mga makapangyarihan at maabot ang pribadong sektor. May nakatalagang isang Federal Recovery Coordinator (FCR) sa mga sugatang miyembro ng serbisyo o mga beterano, na bumubuo ng isang isinapersonal na plano para sa pagaling (Federal Individualized Recovery Plan) na may patnubay mula sa isang koponan ng iba’t-ibang disiplina ng pangangalaga sa kalusugan. Bagaman unang nakabase sa mga pasilidad ng militar at VA, ang FRCP ay nagpapanatili ng pang-habang-buhay na pangako para sa kapakanan ng mga beterano at kanilang pamilya.

Ang My HealtheVet ay isang libre, online na personal na rekord sa kalusugan na idinisenyo para sa mga beterano, mga miyembro ng serbisyo na nasa aktibong tungkulin, kanilang mga dependent at tagapag-alaga. Ang mga gumagamit ng pangunahing account ay maaaring tumingin ng kanilang sariling impormasyon na inilagay. Ang mga advanced o premium na uri ng account ay maaaring payagan muling punan ang mga reseta nila online at tingnan ang mga bahagi ng mga tala ng kalusugan ng VA at/o impormasyon sa Serbisyo ng Militar ng DOD. Nag-aalok din ang My HealtheVet ng isang sentro para sa tulong sa mangangalaga (Caregiver Assistance Center).

Ang Civilian Health and Medical Program ng Department of Veterans Affairs (CHAMPVA) ay isang programa hinggil sa mga benepisyo sa kalusugan. Upang maging karapat-dapat para sa CHAMPVA, ang isang benepisyaryo ay hindi maaaring maging karapat-dapat para sa TRICARE. Ang CHAMPVA ay nagbibigay ng saklaw sa asawa o biyuda at sa mga anak ng isang beterano na namatay o may permanente at ganap na kapansanan. Ang mga pangunahing tagapag-alaga ng pamilya ng mga karapat-dapat na post-9/11 na mga beterano ay maaari ding maging kuwalipikado para sa CHAMPVA.

Ang mga beterano na nagsilbi nang hindi bababa sa siyamnapung araw ng aktibong serbisyo pagkatapos ng Setyembre 10, 2001 at nakatanggap ng marangal na pagtiwalag ay kwalipikado para sa Post-9/11 GI Bill. Upang maging karapat-dapat para sa buong benepisyo, ang isang beterano ay dapat na nagsilbi ng hindi bababa sa tatlong taon ng aktibong tungkulin pagkatapos ng Setyembre 10, 2001. Kabilang sa mga benepisyo ang matrikulang pangkolehiyo at, sa ilang mga kaso, mga programa sa pabahay, libro, at mga programa sa pagsasanay at muling pagsasanay.

Ang eBenefits ay isang one-stop na mapagkukunan para sa mga aktibong militar at beterano sa serbisyo. Sa paggamit ng account sa eBenefits, maaari kang mag-apply para sa mga benepisyo, mag-download ng DD 214 o iba pang mahahalagang dokumento, at tingnan ang katayuan ng mga benepisyo tungkol sa kabayaran, pabahay, na-aangkop na pabahay, pautang sa pabahay, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, tulong sa paglipat, rehabilitasyong bokasyonal, insurance, kamatayan, atbp.

Ang mga beterano sa labanan ay maaaring makatanggap ng pangangalagang medikal na walang gastos para sa anumang kondisyong nauugnay sa kanilang serbisyo sa loob ng limang taon pagkatapos ng petsa ng kanilang pagtiwalag o paglaya. Ang mga beterano sa labanan ng OEF / OIF ay maaaring maging karapat-dapat para sa isang beses na paggamot sa ngipin kung inilapat sa loob ng 180 araw mula sa petsa ng paghiwalay.

TRICARE

Kung ikaw ay isang miyembro ng armadong serbisyo, ang iyong mga pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan ay pinoproseso ng TRICARE, isang pamilya ng mga plano sa kalusugan para sa mga miyembro ng serbisyo at kanilang mga pamilya batay sa kanilang lokasyon at katayuan.

Ang mga miyembro ng serbisyo na may aktibong tungkulin, kabilang ang mga Reservist at Pambansang Guwardya sa kahusayan para sa pederal na aktibong tungkulin na higit sa tatlumpung araw, ay malamang na saklaw ng TRICARE Prime at iniugnay ng isang Primary Care Manager (PCM) sa isang pasilidad sa paggamot ng militar (Military Treatment Facility).

Kung magretiro ka, ikaw at ang iyong pamilya ay awtomatikong masasakop sa ilalim ng TRICARE Standard at TRICARE Extra. Hindi nangangailangan ng bayad sa pagpapatala o premium sa alinman sa dalawa.

Kapag ang isang retirado na militar ay umabot na sa animnapu’t lima, ang kanyang pangunahing insurance na pangkalusugan ay magiging Medicare. Gayunpaman, ang TRICARE Standard ay nagsisilbing pangalawang saklaw sa ilalim ng isang programa na tinatawag na TRICARE para sa Buhay.

Tandaan: Ang pagiging karapat-dapat upang makatanggap ng pangangalaga sa ilalim ng anumang programa ng TRICARE ay nangangailangan ng pagpaparehistro sa Defense Enrollment Eligibility Reporting System (DEERS).

Huwag iwala ang numerong ito

DD 214 – ang Sertipiko ng Paglabas o Pagtiwalag mula sa Aktibong Tungkulin – ay isa sa pinakamahalagang dokumento na matatanggap mo sa panahon ng iyong serbisyong militar.

Ito ang iyong susi sa paglahok sa lahat ng mga programa ng VA pati na rin sa ilang mga programang pang-estado at pederal. Panatilihin ang iyong orihinal sa isang ligtas, hindi masusunog na lugar, at magkaroon ng sertipikadong mga kopya na magagamit para sa sanggunian.

Tumawag sa National Personnel Records Center sa 314-801-0800 upang humiling ng isang aplikasyon para sa kapalit ng iyong DD 214

Social Security at Medicare

Ang mga miyembro ng serbisyong militar ay maaaring makatanggap ng pinabilis na pagproseso ng mga ina-angkin o claims para sa kapansanan mula sa Social Security.

Ang Social Security ay nagbabayad ng mga benepisyo sa kapansanan sa pamamagitan ng dalawang programa: ang programa ng Social Security Disability Insurance (SSDI), na nagbabayad kung nagtrabaho ka ng sapat at nagbayad ng mga buwis sa Social Security; at ang programang Supplemental Security Income (SSI), na nagbabayad ng mga benepisyo batay sa pangangailangan sa pananalapi. Ang mga benepisyong ito ay naiiba kaysa sa mga mula sa VA at nangangailangan ng isang hiwalay na aplikasyon.

Awtomatikong nagsisimula ang saklaw mula sa Medicare pagkatapos mong makatanggap ng mga benepisyo sa kapansanan sa loob ng 24 na buwan. Para sa mga miyembro ng serbisyo na may karapatan sa Medicare Part A (hospital insurance) at Part B (medical insurance), ang TRICARE ay nagbibigay ng saklaw na “wraparound” ng Medicare. Ang Medicare ang pangunahing nagbabayad para sa mga benepisyaryo na ito, at ang TRICARE ay nagsisilbing suplemento, na binabayaran ang Medicare na maibabawas at bahagi ng gastos ng pasyente

TRICARE at ang Affordable Care Act

Ang Patient Protection and Affordable Care Act (PPACA) na pinarmahan para maging isang batas noong 2010 ay nangangahulugan ng mga pagbabago sa saklaw ng pangangalagang pangkalusugan para sa maraming mga Amerikano.

Ang batas ay hindi nalalapat nang direkta sa TRICARE, na pinahintulutan ng isang independiyenteng hanay ng mga batas, at nananatili sa ilalim ng awtoridad ng Kagawaran ng Depensa at ng Kalihim ng Depensa.

Nagbibigay ang TRICARE ng saklaw para sa mga dati nang kondisyon at malubhang karamdaman. Nagsasama ito ng isang hanay ng mga serbisyo sa pang-iwas na pangangalaga na walang pagbabahagi na gastos, pati na rin ang mababang mga binabawas at co-payment, at walang mga hangganan sa taunang o panghabambuhay na saklaw.

Ang isang benepisyo na tinugunan ng PPACA, na dati ay hindi bahagi ng TRICARE, ay ang saklaw ng mga batang may sapat na gulang hanggang sa edad na 26. Gayunpaman, ang National Defense Authorization Act ay humantong sa mabilis na pagpapatupad ng TRICARE Young Adult (TYA). Nagbibigay ito sa mga karapat-dapat na dependent ng unipormadong taga-serbisyo na wala pang 26 taong gulang at hindi kasal ang pagpipiliang bumili ng TYA, hangga’t hindi sila karapat-dapat para sa saklaw ng pansariling pangangalangang pangkalusugan na suportado ng employer.

Mga benepisyo ng VA para sa mga pinsala na hindi konektado sa serbisyo

Q. Ang aking spinal cord ay napinsala sa isang aksidente sa sasakyang de motor pagkatapos kong bumalik mula sa aktibong tungkulin. Makakakuha pa ba ako ng mga benepisyong medikal ng VA??

A. Oo, karapat-dapat ka para sa pangangalagang pangkalusugan ng VA batay sa iyong serbisyo, na nangangahulugang nagkaroon ka ng isang marangal na pagtiwalag at mayroong DD 214

Itatalaga ka ng VA sa isang Priority Group batay sa kung mayroon kang mga kundisyon na konektado sa serbisyo. Nakasalalay sa Priority Group kung saan ka inilagay, maaari kang magkaroon ng co-pay para sa pangangalaga pang-inpatient, pangangalaga pang-outpatient, at mga reseta. Kung mayroon kang pribadong insurance, ang kumpanya ng insurance ay maaaring masingil din.

Sa iyong kaso na isang nakamamatay na pinsala na hindi konektado sa serbisyo, itatalaga ka sa Prayoridad na 4 na Grupo, bilang pagsunod sa tinatawag na Catastrophic Disability Evaluation na isinasagawa ng isang manggagamot ng VA. Kapag itinuring na nakamamatay, ang kita ng isang beterano ang matutukoy kung siya ay mananagot para sa mga bahaging babayaran.

Mayroong iba pang mga benepisyo na magagamit ang mga beterano na hindi konektado sa serbisyo at may spinal cord injury. Batay sa pagpapatala sa sistema ng VA at pagkawala ng paggamit ng lower extremities, ang isang beterano ay may karapatan sa dalawang pasadyang wheelchair, tulong upang magkaroon ng isang sasakyan na binago, at isang maliit na tulong para sa mga pagbabago sa bahay. Ang mga ito ay walang gastos sa beterano ng anupaman habang pinangangasiwaan bilang extension ng pangangalaga sa kalusugan ng VA.

Kung ang beterano ay nangangailangan ng mga serbisyo sa bituka/pantog, maaaring bayaran ng VA ang kontratang pangangalaga na ito sa bahay sa pamamagitan ng bayarin. Sa maraming mga pagkakataon, ang asawa ang tagapag-alaga ng beterano at, sa sandaling sinanay ng VA, ay maaaring gumanap at mabayaran para sa mga kinontratang serbisyong ito.

Mga serbisyo ng nagbibigay ng pangangalage o caregiver

Nagbibigay ang VA ng mga benepisyo at serbisyo na partikular upang suportahan ang mga tagapag-alaga ng pamilya, kapwa sa loob at labas ng tahanan. Makipag-ugnay sa Linya ng Suporta ng Tagapag-alaga (Caregiver Support Line) ng VA, libreng toll 1-855-260-3274, o kumonekta sa isang Tagapag-alalay ng Suporta ng Tagapag-alaga (Caregiver Support Coordinator) sa isang sentro ng medisina ng VA.

Ang isang Tagapag-ugnay sa Suporta ng Tagapag-alaga ay isang lisensyadong propesyonal na maaaring itugma ka sa mga serbisyo tulad ng mga sentro para sa pangangalaga ng nakatatanda (adult day care center), pangunahing pangangalaga na nakabase sa bahay (home-based primary care), bihasang pangangalaga sa bahay (skilled home care), mga impormasyong gamit ang telehealth sa bahay (home telehealth resources), pangangalaga sa pahinga (respite care), at pangangalaga para sa mga higit na matatanda sa bahay (home hospice care).

Ang mga tagapag-alaga ng pamilya ng mga beterano na nasugatan pagkatapos ng 9/11 ay maaaring maging karapat-dapat para sa karagdagang mga serbisyo ng VA, kasama ang regular na sweldo, panggastos sa paglalakbay, pangangalaga sa pahinga, komprehensibong pagsasanay, at saklaw na medikal sa pamamagitan ng VA.

Ang Resources and Education for Stroke Caregivers’ Understanding and Empowerment (RESCUE), ay isang resource online ng VA na nagbibigay sa mga tagapag-alaga ng stroke – naaangkop din sa mga tagapag-alaga ng mga mahal sa buhay na may iba pang mga biglaang kapansanan – ng mga impormasyon kung paano mapangalagaan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Mga mapagkukunan para sa trabaho

Nag-aalok ang Transition Assistance Program (TAP) ng tulong sa paghahanap ng trabaho, impormasyon sa pagsasanay at mga kaugnay na serbisyo.

Ang Disabled Transition Assistance Program (DTAP) ay isang pangunahing sangkap ng tulong sa paglipat para sa mga miyembro ng serbisyo na itiniwalag dahil sa isang kapansanan, na ginawang karapat-dapat para sa Vocational Rehabilitation at Employment Program ng VA. Naghahatid ang DTAP ng isinapersonal na mga serbisyo sa rehabilitasyong bokasyonal sa mga karapat-dapat na miyembro ng serbisyo sa pamamagitan ng pagtulong sa mga benepisyo.

Pagpapatunay ng karanasan at pagsasanay sa militar: ang mga miyembro ng serbisyo ay mayroong maraming pagsasanay at karanasan sa trabaho. Sa kabutihang palad, isinusulat ng militar ang lahat sa DD Form 2586.

Ang America’s Heroes at Work ay isang programa ng Kagawaran ng Paggawa (Department of Labor) ng Estados Unidos na nakatuon sa mga hamon sa pagtatrabaho ng nagbabalik ng mga miyembro ng serbisyo na nabubuhay na may traumatic brain injury (TBI) at/o post-traumatic stress disorder (PTSD).

Nag-aalok ang Career Center for Wounded Warriors ng tulong upang makahanap ng trabaho pagkatapos ng serbisyong militar. Alamin ang tungkol sa mga potensyal na employer at job fair, humingi ng tulong para sa iyong resume, at maghanap ng mga trabahong malapit sa iyo.

Ang disability.gov ay pinamamahalaan ng Tanggapan ng Kagawaran ng Paggawa (Department of Labor) ng Estados Unidos para sa Office of Disability Employment Policy (ODEP) sa pakikipagtulungan ng 21 mga kasosyong ahensyang pederal. Isang pangunahing pansin ay ang pagtatrabaho.

Mga trabahong pederal para sa mga beterano: ang gobyerno ng Estados Unidos ay gumawa ng pangako na kumalap ng mga beterano para sa serbisyong sibil (Kagawaran ng Estado, Kagawaran ng Transportasyon, Homeland Security, atbp.)

Ang VetJobs ay isang serbisyo sa trabaho sa Internet na pinamamahalaan upang ilagay ang mga beterano na may mga kasanayang panteknikal, kadalubhasaan sa pamamahala, at mga kasanayan sa pamumuno.

Mga mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon

Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon sa mga pang-militar at pang-beteranong na mapagkukunan, mayroon tayong mga information specialist sa mga araw na bukas ang trabaho at pasok, Lunes hanggang Biyernes, libreng toll sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.

Bilang karagdagan, ang Reeve Foundation ay nagpapanatili ng isang fact sheet sa mga beterano at benepisyo ng militar na may mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Suriin ang aming repository of fact sheets of sa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.