Trabaho at Mga Benepisyo
Pagkuha ng trabaho
Dati, ang mga taong namumuhay nang may kapansanan at tumatanggap ng mga benepisyo ng Social Security ay napagdidiskitahan nang husto kapag kumukuha ng trabaho. Ang anumang kita na mas mataas sa ilang limitasyong itinakda ng gobyerno ay ibinabawas sa benepisyo ng isang tao, at dahil dito, nanganganib ang tanging pinagkukunan ng insurance para sa kalusugan ng mga taong may pangmatagalang mga kondisyong pangkalusugan.
Bagama’t marami ang patuloy na nakakapansin ng mga hadlang sa pagtatrabaho (ilang tao lang na nakakatanggap ng mga benepisyo ng Social Security at SSI ang nagpapatanggal sa listahan para magtrabaho), mas humusay na ang mga patakaran.
Kung gusto mong magkaroon ng trabaho nang hindi inaalala ang tungkol sa insurance para sa kalusugan, pwedeng mangyari ito. Nasa ibaba ang mga detalye ukol sa mga programa ng Social Security at iba pang mga mapagkukunan na pinopondohan ng pederal ng pahamahalaan, na dinisenyo upang hikayatin ang mga taong may mga kapansanan na magtrabaho nang walang takot na sila ay mawawalan ng mga benepisyo.
Programang Tiket para sa trabaho
Dinaragdagan ng Ticket to Work at Work Incentives Improvement Act of 1999, na nirebisa noong 2007 ang mga pamimilian para sa mga taong may kapansanan, upang makatanggap ng mga serbisyong pangrehabilitasyon at pangbokasyon, habang inaalis ang mga balakid kung saan kinakailangang pumili sa pagitan ng pangangalagang pangkalusugan na saklaw at pagkita ng pera.
Tinitiyak ng Ticket to Work na mas maraming Amerikanong may mga kapansanan ang may pagkakataong makilahok sa puwersa ng mga manggagawa, at na babawasan nito ang kanilang pagpapasustento sa mga pampublikong benepisyo.
Itinuturing ng Social Security ang programang ito bilang nababagay sa mga taong naghahangad na mas mapahusay ang kanilang potensyal na kumita, at sa mga nakatalaga sa paghahanda para sa pangmatagalang karera sa trabaho. Nag-aalok ang Ticket to Work ng mas episyenteng access sa pagtatrabaho, sa tulong ng mga espesyalistang doktor at iba’t ibang pansuportang serbisyo sa pagtatrabaho.
Maaari mong patuloy na tanggapin ang mga benepisyo habang naghahanap ka ng trabaho, habang sumasailalim sa bokasyunal na rehabilitasyon, o habang kumukuha ng karanasan sa trabaho. Kadalasang nagpapatuloy ang mga benepisyong cash sa buong panahon hanggang sa ikaw ay makapagtrabaho, at matatapos lamang kapag nakapag-ipon ka na ng takdang halaga ng kita.
Ganito ito gumagana:
- Makakatanggap ang mga benepisyaryo ng Social Security at Supplemental Security Income (SSI) ng “Ticket” para makatanggap ng bokasyunal na rehabilitasyon at iba pang mga pansurpotang serbisyo sa pagtatrabaho mula sa isang aprubadong providero na pipiliin nila.
- Makikipagkontrata ang Social Security Administration (SSA) sa mga doktor (mga ahensya ng trabaho, mga sentro ng independiyenteng pamumuhay, mga tanggapan ng bokasyunal na rehabilitasyon sa estado, mga nonprofit sa komunidad, mga simbahan, atbp.) upang maging mga Employment Network (mga EN).
- Makikipagtulungan ang mga provider na ito sa mga benepisyaryo upang magbigay ng suporta at tulong na may-kaugnayan sa pagtatrabaho.
- Ang mga benepisyaryong may Tiket ay maaaring pumili ng kahit anong EN para makapagdisenyo ng plano sa pagtatrabaho. Magkakasundo kayo ng EN na magtulungan at gumawa ng plano na maglalarawan sa iyong layunin sa pagtatrabaho, at babanghayin kung ano ang ibibigay ng EN para matulungan kang maabot ang layuning iyon.
- Pwede ring gamitin ang Tiket para makakuha ng mga serbisyo at suporta upang matulungan kang maging self-employed o magsimula ng negosyo.
- Para sa self-employment, sabihin ito kaagad sa EN; maaaring hindi tanggapin ng ilang EN ang Tiket assignment mula sa isang tao na naglalayong maging self-employed o nagtatrabaho para sa sarili.
- Malaya kang makakapag-usap sa kahit gaano karaming EN ang gusto mo bago i-assign ang iyong Ticket. Pwede mong i-unassign ang iyong Ticket at ibigay ito sa ibang EN.
- Para sa tulong sa pagpili ng EN, tawagan ang hotline ng Ticket to Work, toll-free sa 1-866-968-7842; bisitahin ang www.ssa.gov/work o pumunta sa www.choosework.net.
Paghahanda para sa pass
Ang PASS (Plan to Achieve Self-Support) ay isang plano sa insentibo sa trabaho na nagbibigay-daan sa mga taong magkaroon ng trabaho at mapanatili ang mga benepisyo sa pangangalagang pangkalusugan ng Social Security. Sa ilalim ng regular na mga panuntunan ng Supplemental Security Income, mababawasan ang iyong benepisyo sa SSI dahil sa anumang iba pang kita na mayroon ka. Subalit, hindi mababawasan ng kitang itinabi mo para sa PASS, ang iyong benepisyo sa SSI. Sa katunayan, makakatanggap ka ng mas malaking benepisyo sa SSI kung mayroon kang PASS.
Pinapayagan ka ng PASS na gamitin ang iyong kita o iba pang bagay na pag-aari mo, upang matulungan kang maabot ang mga layunin sa trabaho, gaya ng pag-aaral o pagkuha ng espesyal na pagsasanay.
Sa trabaho mo, dapat ay kumita ka nang sapat para mabawasan o mawala ang iyong mga pangangailangan para sa mga benepisyong manggagaling sa mga programang Social Security at SSI.
Dapat magpahayag ang PASS ng espesipikong layunin sa trabaho. Hindi tinatanggap na mga layunin ang “Pagkakaroon ng degree” o “pagbili ng kotse.” Kailangan mong makapagpakita ng makatuwirang pagkakataon upang makamit ang mga layunin sa makatuwirang tagal ng panahon, kasama ang mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos, pati na rin ng mga milestone para masubaybayan ang pagsulong.
Isusumite ang iyong plano sa Social Security, karaniwan sa tulong ng isang counselor, na magpapahayag ng layunin sa trabaho, kung ano ang kinakailangan upang makamit ito, at kung magkano ito. Ang layunin sa trabaho ay anumang makatotohanang bagay na inaasahan mong magagawa mo, na mapagmumulan ng sapat na kita. Pwede itong part o full time, sa bahay o hindi, suwelduhan o pagsisimula ng sarili mong negosyo.
Ang mga bagay na bibilhin mo ay dapat nauugnay sa layunin – pagsasanay, pagsusulit o tuition, isang kotse o van, isang computer o mga kasangkapan at suplay ng iyong kalakal o negosyo, daycare para sa anak habang ikaw ay nagtatrabaho o pumapasok sa paaralan, iba pang mga uri ng naiaangkop na teknolohiya, atbp.
Para makapagsimula humingi sa inyong lokal na tanggapan ng Social Security ng kopya ng PASS form SSA-545-BK. Ang porma na ito ay naglalaman ng karamihan sa impormasyong kinakailangan para masuri ang plano mo.
Pagkatapos, pumili ng layunin sa trabaho o trabahong gusto mong gawin. Alamin kung ano-anong hakbang ang kailangan mong gawin para maabot ang layunin mo at kung gaano mo katagal matatapos ang bawat hakbang. Alamin kung magkanong pera ang kakailanganin mong itabi sa bawat buwan para mabayaran ang mga bagay o serbisyong kakailanganin mo upang maabot ang iyong layunin. Kumuha ng ilang estimate para sa mga bagay na kailangan mo.
Kung nagpaplano kang magtabi ng kita para sa iyong plano, karaniwang tataas ang iyong benepisyo sa SSI para matulungan kang mabayaran ang mga gastusin mo sa pamumuhay. Makipag-ugnayan sa Social Security para makakuha ng estimate sa bago mong kabayaran mula sa SSI. Ihiwalay ang anumang halagang matitipid mo para sa iyong layunin, sa ibang pera na mayroon ka at magbukas ng bank account para sa perang pang-PASS.
Kung nagbabalak kang magsimula ng negosyo, mangangailangan ka rin ng business plan na maglalarawan sa uri ng negosyong gusto mong simulan, mga oras ng operasyon at lokasyon. Kailangan mo ring ipaliwanag kung paano mo babayaran ang iyong negosyo, kung paano mo ima-market ang iyong produkto o serbisyo, sino-sino ang supplier at kustomer mo, at ang inaasahan mong kita.
Magandang ideya ang humingi ng tulong na punan ang iyong PASS mula sa isang bokasyunal na rehabilitasyon counselor, isang organisasyong tumutulong sa mga taong may kapansanan, o mula sa mga tao sa inyong tanggapan ng Social Security.
Pagkatapos mong isumite ang iyong plano, susuriin ito ng Social Security at magpapasya kung malaki ang pagkakataon mong maabot ang iyong layunin, kung ang mga bagay na balak mong bilhin ay kinakailangan at makatuwiran ang presyo, at kung may anumang mga pagbabagong kinakailangan. Ipapaliwanag nila sa iyo ang anumang mga pagbabago.
Kapag natanggihan ang iyong PASS, may proseso ng pag-aapela. Kung maaaprubahan ang iyong plano, makikipag-ugnayan sa iyo ang Social Security sa pana-panahon upang matiyak na sinusunod mo ang iyong plano at nasa landas ka na tungo sa iyong layunin. Tiyakin na maitatago mo ang mga resibo para sa mga bagay at serbisyong bibilhin mo para sa plano.
Vocational rehabilitation (VR)
Ang bawat estado ay may ahensyang pinopondohan ng pederal na pamahalaan na nangangasiwa sa vocational rehabilitation, suportadong pagtatrabaho, at mga serbisyo sa independiyenteng pamumuhay. Tinutulungan ng VR na makapaghanap ng trabaho ang mga tao sa pamamagitan ng mga lokal na paghahanap at sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng self-employment at mga oportunidad sa telecommuting (pagtatrabaho sa mula sa bahay).
Iba-iba ang mga serbisyong VR depende sa estado ngunit karaniwang kasama dito ang:
- Mga pagtatasang medikal, sikolohikal at bokasyonal
- Pagpapayo at paggabay
- Mga bokasyonal na pagsasanay at iba pang uri
- Mga serbisyo sa pagsasaling-wika at pagbabasa
- Mga serbisyo sa mga miyembro ng pamilya
- Teknolohiyang pangrehabilitasyon
- Mga serbisyo sa pagbibigay ng trabaho (placement) o post-employment
- Iba pang mga produkto at serbisyong kinakailangan para makamit ang mga layunin ng rehabilitasyon
- Sa ilang pagkakataon, ang VR ang nagbabayad para sa transportasyon at pag-aayos ng sasakyan
Webcast: Pagtatrabaho at paralysis, kasama si Gary Karp
Tatalakayin ng manunulat at tagapagsalitang si Gary Karp ang pagtatrabaho na nasa wheels, pati na rin ang: ang kultura ng trabaho, legal na kapaligiran, ang pananaw ng nagpapatrabaho, pagkakatanggap sa trabaho, at pantulong na teknolohiya.
Mga Mapagkukunan ng Tulong at Impormasyon
Kung naghahanap ka ng karagdagang impormasyon ukol sa mga programa sa pagtatrabaho o kung mayroon kang partikular na tanong, ang aming mga information specialist ay bukas sa mga araw ng trabaho o pasok, Lunes hanggang Biyernes, toll-free sa 800-539-7309 mula alas 7 ng umaga hanggang alas 12 ng umaga ET.
Bilang karagdagan, pinapanatili ng Reeve Foundation ang mga sheet ng katotohanan sa mga programa sa trabaho at trabaho na may karagdagang mga mapagkukunan mula sa mga pinagkakatiwalaang mapagkukunan ng Reeve Foundation. Check out our repository of fact sheets osa daan-daang mga paksa mula sa mga mapagkukunan ng estado hanggang sa pangalawang komplikasyon ng paralysis.
Hinihikayat ka naming makipag-ugnayan sa mga pangkat at suporta na nauugnay sa trabaho, kasama na ang:
- Disability.gov ay nilikha ng pamahalaang pederal bilang solong online point-of-reference para sa impormasyon at mga programa na nauugnay sa kapansanan.
- Job Accommodation Network (JAN) ay isang libreng serbisyo sa pagkonsulta na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga tirahan sa trabaho, ang mga Americans with Disabilities Act (ADA), at ang kakayahang magamit ng mga taong may mga kapansanan.
- National Business & Disability Council (NBDC) ay isang samahan ng tagapag-empleyo at komprehensibong mapagkukunan para sa mga pinakamahusay na kasanayan sa kapansanan.
- Office of Disability Employment Policy (ODEP) ay isang ahensya ng pederal na gumagana upang madagdagan ang mga pagkakataon sa trabaho para sa mga may sapat na gulang at kabataan na may mga kapansanan habang nagsisikap na alisin ang mga hadlang sa trabaho.
- Rehabilitation Services Administration (RSA)ay nag-aalok ng mga gawad sa mga programa na naglilingkod sa mga indibidwal na may kapansanan sa mga larangan ng bokasyonal na rehabilitasyon, suportadong trabaho at malayang pamumuhay